Kimberly Ann MartinezTulala lang ako habang nakatingin kay Kj na kumakain ng kamote. Ang isip ko kasi ay lumilipad sa ama niya. Mag-iisang linggo na matapos niya akong komprontahin doon sa tubuhan kung ako nga ba si Kimberly. Mabuti na lang at walang sinuman sa mga kasamahan ko ang naghihinala kung ano nga ba ang pinag usapan namin ni Jonathan. Hindi ko na rin ito nabanggit kina Karillo at Kyla dahi ayaw ko na pati sila ay kakabahan din. "Nanay, kain," aya sa akin Kj at sunubuan ako. Sinubo ko naman ang kamote na iniumag niya sa akin. "Hmmm, sarap," sabi ko sa kanya. Inabutan ko siya ng gatas niya dahil nakalimutan na niyang inumin to. "Salamat, nanay," sabi ng anak ko. "Walang anuman. Sige, kain ka pa para maging healthy pa," sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala si Kyla namamalengke habang si Karillo naman ay inaya ng mga kasamahan na kaedaran niya na mamasyal sa lungsod. Kaya kaming dalawa lang ni Kj ang naiwan sa bahay. Ang totoo ay i
Kimberley Ann MartinezNaging usap-usapan ng lahat ang bagong may-ari. Parang pamilyar daw sa kanila ang mukha ni Jonathan. "Alam nyo parang nakita ko na talaga ang mukha ni sir Jonathan," sabi ng isang kasamahan ko."Oo nga. Hindi kaya taga dito din siya dati?" tanong naman siya. "Hindi eh, parang may nakita akong kamukha niya," sabi ni Aling Rita na ikalaki ng mata ko. Madalas kasing nakikita ni aling Rita si Kj. Wag naman sana na maghihinala ito sa anak ko. Baka ito na talaga ang katapusan ko. Matatapos na talaga ang pagpapanggap ko kapag malaman nila yon.Nasa tubuhan na kaming lahat ng biglang may humintong sasakyan sa tapat namin. Lahat napaangat ng tingin sa bagong dating. Kinakabahan ako ng makitang bumaba si Jonathan mula sa driver's seat nito. May kasama itong isang babae na bumaba mula sa front seat. Hindi naman siya masyadong kagandahan pero maputi nga lang. Napataas ang kilay ko dahil iba na naman ang babae na ito. Nasaan ang asawa niya? Bakit hindi ito ang kasama
Jonathan McKinneySinadya kong magpapakain para trabahante dahil may hinala ako na si Kimberly talaga ang nagngangalang Berlyn. Pareho talaga sila ng physical appearance maliban na lang sa kulay ng balat at buhok. Pero lahat ng hinala ko ay biglang naglaho dahil sa lahat ng paborito ni Kimberly ay ayaw ni Berlyn. Idagdag pang nalaman ko na may anim na taong gulang na pala ito na anak. Sobrang nanghihinayang ako dahil akala ko siya na ang hinahanap ko. Ngunit hindi pala. "Kim, saan ka ba nagtatago? Please, magpakita ka naman," parang baliw na sabi ko habang naglalakad-lakad sa kalsada dito sa hacienda na binili ko kamakailan lang. Wala naman akong balak na bibilhin sana ito ng makita ko ito sa isang pahayagan na for sale. Ngunit parang may bumulong sa akin na bilhin ko siya. Maliban sa medyo mura ang halaga nito ay pwede din itong bahay bakasyunan kung sakali. Mag-isa na lang ako dito ngayon. Pinapabalik ko na ng Bacolod ang nakuha kung secretary kung saan siya ang magsusupervise kap
Kimberly Ann MartinezNanibago ako sa mga kasamahan ko. Ang tahimik nila ngayon. Nawala ang ingay nila na nagsisilbing musika ko sa araw-araw na nandito ako kasama nila. Pansin ko rin nag pasimpling tingin nila sa akin. Kaya napakunot ang noo ko. Gusto kong baliwalain ngunit parang may mali talaga. "Aling Rita, may nangyari ba?" tanong ko sa katabi kong si aling Rita. Umiwas naman siya ng tingin na mas lalong nagpakunot ang noo sa akin. "May problema ba?""Pasensya na dai Berlyn pero nagtatanong si sir Jonathan kung sino ka ba talaga," sagot niya sa akin. Kinakabahan naman ako sa nalaman. "Eh, anong sagot nyo?" tanong ko sa kanya. "Sinabi kong matagal ka na dito," sagot naman nito. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot niya ngunit mas namutla ako sa sunod niyang sinabi. "May pinakita siyang litrato sa amin. Kamukhang kamukha mo noong unang dating mo dito samin." "Wala ka na sigurong sinasabi na iba diba?" Tanong ko pa. "Tinanong din niya kung sino ang mga kapatid at sinabi kong
Kimberly Ann MartinezNagising ako na parang inuga-uga ang higaan namin. Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko anak ko na parang kinukombolsyon. Nataranta akong napabangon. "Anak… Anak!" Sigaw ko at niyugyog siya. Nakita kong namumuti ang mata niya at putlang-putla ito. "Kyla, gising!""Ate?" naalimpungatan ito dahil sa pag yugyug ko sa kanya. "Gisingin mo si Karillo, dali! Dalhin natin si Kj sa ospital!" natarantang bumangon ang kapatid ko at tumakbo sa labas. Binihisan ko kaagad si Kj matapos lumabas si Kyla. Di naman nagtagal ay bumalik ito kasama ang kapatid ko pang si Karillo. "Karillo, magbihis ka dali. Dalhin natin si Kj sa ospital."Agad naman silang tumalima sa utos ko. Nang matapos ay mabilis kaming lumabas ng bahay. Napansin kong may tinawagan si Karillo sa cellphone nito. Kung sino ito yon ang di ko alam. Lakad takbo ang ginawa namin para makarating agad sa kalsada. Sobrang aga pa kaya wala pa halos na sasakyan. Mabuti na lang at dumating ang isang kaibigan ni K
Kimberly Ann Martinez Tatlong araw na kami dito sa hospital. Tudo iwas ako na makausap si Jonathan. Kahit halos araw-araw naman siyang nandito. Kung ano-anong pagkain ang dinala niya na hindi naman mauubos ni Kj kaya ang resulta ay kami ni Kyla ang taga-ubos. Tulad ngayon may dala na naman siyang chowking take outs. Kahit ilang beses kong sinabi sa kanya na wag nang bumili ng kung ano-ano ay hindi ito nakinig. Rason niya pambawi daw niya sa mga panahong wala ito. "Wag na kasing kung ano-ano ang bibilhin mo. Di naman ito mauubos ng anak mo," sabi ko sa kanya. "Babe, para sa ating lahat yan," rason niya. "Mag-away na naman ba tayo? Ilang beses ko nang sinabi sayo na hindi na kailangan," giit ko sa kanya. "Bumabawi lang naman ako," rason niya. "Sa anak mo ikaw babawi pero sa amin hindi," sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya sa sinabi ko. "Just eat, please…" sabi niya. Napa buntong hininga na lang din ako. At di na siya pinansin pa. Wala rin namang mangyayari ka
Kimberly Ann MartinezTulad ng inaasahan ay nakalabas na kami ng hospital kinabukasan. Sakay kami ngayon ng sasakyan ni Jonathan. Binaybay namin ang daan papunta sa hacienda. Nasa driver's seat si Jonathan, samantalang ako sa harap habang kalong si Kj. Si Kyla sa likod kasama ang ilang mga gamit namin mula sa hospital. Nadaanan pa namin ang ilang mga trabahante na binusinahan at hilagpasan lang namin. Di na nag-abala pang huminto si Jonathan. Di nagtagal ay nakita ko na ang daan patungo sa bahay namin. "Diyan na lang kami sa may maliit na daan ibaba," sabi ko kay Jonathan."What?" medyo naguguluhan pa siya. "Ang sabi ko dyan mo kami ibaba. Hindi na kasya ang sasakyan mo dyan," sabi ko sa kanya. "No, sa mansion tayo diretso," kontra niya sa akin."Jonathan," warning ko sa kanya ngunit nilagpasan lang ang daan patungo sa bahay namin. "Jonathan!"Nagulat ang anak ko sa biglang pag sigaw ko. Maging si Jonathan ay biglang inapakan ang preno ng sasakyan. Mabuti na lang at lahat kami
Kimberly Ann MartinezPagdating namin sa maliit na daan patungong bahay namin ay nakatambay na si Karillo. Marahil ay sinabihan si Kyla na bibili ako ng bigas kaya sinasalubong niya kami. Siya ang bumuhat at kumarga nito pauwi sa bahay namin. Si Jonathan ang bumuhat ng ilang pinamili namin. Samantalang ang tanging dala ko na lang ay ang isda at pasayan. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. "No. I'll stay with you," sagot niya sa akin. "Ang liit lang ng bahay namin, di ka pwede doon," giit ko sa kanya. "Then, sa mansion na lang tayo," sagot naman niya. "Mahal ko pa buhay ko, ayaw kong mamatay ng maaga sayo," sabi ko naman sa kanya."Bakit ka naman mamatay ng maaga sa akin?" tanong naman niya. "Baka bigla na lang akong sugurin ng asawa mo. Hindi pa ako handang iwan ang anak ko," sabi ko naman sa kanya. "I can explain with that part," sabi naman niya sa akin ngunit umiling lang ako. "Hindi na kailangan. Wala rin naman akong balak manggulo sa inyo. Ikaw lang tong lapit ng
Jonathan McKinney"Dahan-dahan sa paglalakad," sabi ko sa asawa kong si Kimberly Ann. “Saan ba kasi ang punta natin at kailangan pang piringan ako?” reklamo niya ngunit tinawanan ko lang at hindi nakikinig sa pakiusap niya na hayaan siyang maglakad mag-isa.Nakapiring ang mga mata nito. Kaya hindi niya kita ang dinadaanan namin ngayon. Kaya tudo alalay ako baka biglang madapa ito. Simula pa lang sa kumpanya ay nakapiring na siya. Hindi na alam kong saan ang punta namin. Sumakay kami ng helicopter na pag-aari ng kaibigan kung si Lucifer. Hanggang sa lumapag ang sinasakyan namin malapit sa lugar kung saan ko siya dadalhin.Two months after our wedding masasabi kung super blessed ako na siya ang naging asawa ko. Super maalaga, hands on sa aming mag-ama. Kahit busy siya sa trabaho ay bumabawi siya pagdating ng bahay. Kaya ngayon ay gusto kong i-surprise siya. I want her to be the first one who sees this place. I know this place is one of the most memorable places for her. So, I brought h
Kimberly Ann MartinezLumipas ang mga buwan at masasabi kong marami ang nabago sa aming magkapatid. Tuloy ang pagiging CEO ko sa kumpanya namin. Samantalang ang mga kapatid ko ay ipinagpatuloy ang pag-aaral nila sa isang pribadong University. Si Karylle ay isa ng abogado matapos isang makapasa sa bar exam last month. Masaya ako para sa kanila dahil unti-unting nagbago ang buhay namin. Mas naging malapit sila sa tatay at lolo namin. For the first time ay wala akong mga kapatid na kasama ngayon sa bahay kung saan ako nakatira kasama si Jonathan. Mas pinili nilang manirahan kasama ang tatay namin. Gusto ko ding kasama sila ngunit ayaw naman akong payagan ni Jonathan. Naiintindihan ko naman dahil may anak kami. And Maybe, this is the time na sarili ko naman ang iisipin ko kasama ang mag-ama ko. Ito din ang gustong mangyari ng mga kapatid ko, ang isipin ang sarili ko.As for Mildred and Mara. Napag-alaman kong lumipad silang mag-ina patungong London. Doon na daw sila maninirahan for good
Kimberly Ann MartinezHinihipan ko ang mainit na arroz caldo. masyado pa kasing mainit kaya kailangan kong hipan para hindi para hindi mapaso si Don Rolando kapag sinubuan ko. Nasa ospital ako ngayon binisita si Don Rolando dahil wala man lang nagbabantay sa kanya dito. Nagdala ako ng pwedeng makakain niya kasi sabi ng doctor mga soft food lang daw muna ang pwedeng kainin nito since kagagaling sa pagka-mild stroke. I realize, life it too short. Kaya hindi pwedeng mas pairalin ang galit sa dibdib baka pagsisihan mo sa huli. Kaya ito ako ngayon, kusang nagpapababa ng loob. Hindi ko na iniisip kung galit pa rin sila sa akin basta, ginawa ko na ang alam kung tama sa paningin ko. “Ah,” sabi ko kay Don Rolando at iniumag ang kutsara sa baba niya. Naka-sandal siya ngayon sa headboard ng ospital bed niya. Parang batang masunurin naman ito at ibinuka ang bibig. Nakangiting sinubo ko sa kanya ang arroz caldo. Ang buong akala ko ay tatanggi pa siya, kaya nagulat na lang ako tinanggap niya ang
Kimerly Ann MartinezNagtataka ako kung bakit may isang sasakyan ang naka-park sa garahe ng nakarating kami mula sa opisina. Napalingon ako kay Jonathan baka sa kanya lang ito at hindi niya sinasabbi sa akin. “May bago kang sasakyan?” tanong ko sa kanya.“No. Hindi ko alam kung kanino to,” sagot niya sa akin.Nagkibit balikat na lang ako at bumaba na sa sasakyan. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong naglalakad papasok ng bahay dahil hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Wala naman ito kanina habang papauwi kami. Ngayon lang nang makita ko ang sasakyan na hindi familiar sa akin. Rinig ko kaagad ang ingay ni Kj habang papasok. Tela, masaya itong nag-kwento sa mga bagay-bagay at tela may kausap ito. Kaya naman na curious ako kung sino ang kausap nito. Ramdam ko ang pagsunod ni Jonathan sa akin hanggang sa makarating kami sa sala. Kita ko ang mga kapatid ko na nakatingin lang sa gitna ng sala na tela hindi rin makapaniwala sa kung sino ang bisita
Kimberly Ann MartinezTumayo ako at nagpahila na lang sa kanya palabas ng conference room. Dinala niya ako sa top floor ng gusali na ito. Manghang-mangha ako sa pagdating doon. Katulad ng opisina ni Jonathan sa McKinney Corporation, mapakalawak din ang buong silid. Wala akong masabi sa interior design dahil sobrang ganda ng pagkaka-design at sobrang kumportable ng paligid. Hindi masakit sa mata ang mga design. Napangiti na lang ako dahil talagang nag-effort si Jonathan para dito."Is this my office?" tanong ko sa kanya kahit na obvious na obvious na sa akin talaga dahil sa labas ng pinto may nakasulat na office of the CEO. "Yes." sagot niya. "Pero sure ka talaga gawin mo akong CEO dito?" hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili akong position dito."Yes, because you deserved it," sagot naman niya. "You like it?""Yes. Thank you," sabi ko."You're welcome, babe," sagot niya at yumakap sa likod ko. Ang hilig nitong mangyakap mula sa likod. Nakarinig kami ng katok mula sa labas
Kimberly Ann MartinezKinakabahan na naglalakad ako kasama si Jonathan sa hallway ng Martinez Corporation. Ayaw ko sanang sumama dahil sigurado akong nandoon ang lahat ng kapamilya ng tatay ko. Ayaw kung mag-cause ng komusyon dito sa kumpanya nila. Isa pa, ayaw kung mahusgahan. But Jonathan insisted that I should be there. Kailangan daw niya ng taga-take down notes since absent si Joville. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit kailangang pormal na pormal ang mga suot namin. Kung simpleng meeting lang ito ay pwede naman casual lang.“Come on, babe. Smile,” pampalakas ni Jonathan s akin habang pinipisil ang ilong ko. Nakabusangot kasi ako dahil kinakabahan ako.“Bakit naman kasi ako ang isinama mo dito. Pwede namang isa kina Gerald at Paolo na lang,” reklamo ko sa kanya. “Nakakasawa na kasing makita ang pagmumukha nilang dalawa,” pabirong wika ni Jonathan sa akin. Irap lang ang sinagot ko sa kanya. Agad pomormal ang mukha ni Jonathan ng makarating kami sa tapat ng pinto. Ako naman a
Kimberly Ann MartinezWala sa sariling bumangon ako sa kama. Mag-isa lang ako dito sa lugar na hindi ko alam kung saan. May nakita akong sapin sa paa sa paanan ng kama. Kaya yon ang sinuot dahil malamig ang sahig. Naglakad ako patungo sa pinto at laking gulat ng sumalubong sa akin ang isang malawak na karagatan.Nagtataka na nilibot ko ang paningin. Hindi naman umausad ang sinasakyan kung yate. Oo, Nasa isang maliit na yate ako ngayon. Nagtatatakang hinananap ko si Jonathan. Siya lang naman ang kasama ko kanina kaya malamang siya ang nagdala sa akin dito. May nakita akong hagdan papunta sa taas kaya naman ay tinungo ko ito at umakyat doon. Palagay ko ay roof deck ang nasa taas nito at hindi nga ako nagkamali. Gulat akong nakitang may nakahandang lamesa sa gitna nito at may mga nakatakip na hindi ko alam kung ano ang laman sa loob.. Sa gilid ay nakita ko si Jonathan na malayang nakatingin sa karagatan. Hindi naman mainit ang panahon dahil takipsilim na. Napangiti ako at dahang-d
Kimberly Ann Martinez“Mr. McKinney, It’s good to see you here,” sabi ng pinakamatanda sa kanila na lalaki. Napatingin muna si Jonathan sa akin bago siya sumagot. “Same here, Mr. Martinez.”So, ang lalaking ito ay ama ng tatay ko? Ibig sabihin lolo ko ang mantandang ito? Agad tumalim ang paningin ko habang tinitingnan ang pakikipagkamay ni Jonathan sa mga ito. Napatingin ako sa ama kong nakamata lang sa akin. Halatang hindi makapaniwala sa nakita ngunit parang may nabasa akong pangungulila sa mata niya? Napailing ako ng lihim. Naagaw ang paningin ko sa mag-inang Mildred at Mara na parehong nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Tinaliman ko din sila ng mata. Akala nila matatakot ako sa kanila. Hindi. Lalo na ngayon na may anak ako. Hindi ako pwedeng mag-papaapi na lang dahil kailangan kong protektahan ang anak ko laban sa kanila. “Oh, you have a new secretary, Mr. McKinney? She’s so pretty to be your secretary,” sabi ng matandang Martinez. Ayokong isipin na lolo ko ito dahil
Kimberly Ann MartinezTakang-taka ako kung bakit mas lalong nadagdagan ang mga files sa mesa ko. Matapos naming makarating dito sa opisina ni Jonathan ay ganito na agad ang bumungad sa desk ko. Mga documento pa rin na galing sa Martinez Corporation. Kaya naman ay hindi ko na mapigilan pang mag-reklamo kay Jonathan.“Ano na naman to? Nakakasawa na kayang magbasa ng mga ito? Gusto mo talagang ipamukha sa akin kung gaano ako kaliit dahil anak lang kami sa labas?” di mapigilang magsalita at ilabas ang mga hinaing ko. Paano ba kasi ang mga nakikita ko ngayon ay ang mga monthly report ng sales and profit ng kumpanya. Pati na rin kung gaano kalaking pera ang inilabas ng kumpanya nila para sa isang project. Bilyon-bilyon ang mga lumalabas at ang income ng kumpanya tapos kami ng mga kapatid ko ay wala man lang nakuha ni isang sentimo. “Come on, babe. Just study it at kung may makita kang kahina-hinala ay wag kang mangingiming magsalita or magtanong sa akin, hmmm?” sabi naman ni Jonatha