Kimberly Ann Martinez Tatlong araw na kami dito sa hospital. Tudo iwas ako na makausap si Jonathan. Kahit halos araw-araw naman siyang nandito. Kung ano-anong pagkain ang dinala niya na hindi naman mauubos ni Kj kaya ang resulta ay kami ni Kyla ang taga-ubos. Tulad ngayon may dala na naman siyang chowking take outs. Kahit ilang beses kong sinabi sa kanya na wag nang bumili ng kung ano-ano ay hindi ito nakinig. Rason niya pambawi daw niya sa mga panahong wala ito. "Wag na kasing kung ano-ano ang bibilhin mo. Di naman ito mauubos ng anak mo," sabi ko sa kanya. "Babe, para sa ating lahat yan," rason niya. "Mag-away na naman ba tayo? Ilang beses ko nang sinabi sayo na hindi na kailangan," giit ko sa kanya. "Bumabawi lang naman ako," rason niya. "Sa anak mo ikaw babawi pero sa amin hindi," sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya sa sinabi ko. "Just eat, please…" sabi niya. Napa buntong hininga na lang din ako. At di na siya pinansin pa. Wala rin namang mangyayari ka
Kimberly Ann MartinezTulad ng inaasahan ay nakalabas na kami ng hospital kinabukasan. Sakay kami ngayon ng sasakyan ni Jonathan. Binaybay namin ang daan papunta sa hacienda. Nasa driver's seat si Jonathan, samantalang ako sa harap habang kalong si Kj. Si Kyla sa likod kasama ang ilang mga gamit namin mula sa hospital. Nadaanan pa namin ang ilang mga trabahante na binusinahan at hilagpasan lang namin. Di na nag-abala pang huminto si Jonathan. Di nagtagal ay nakita ko na ang daan patungo sa bahay namin. "Diyan na lang kami sa may maliit na daan ibaba," sabi ko kay Jonathan."What?" medyo naguguluhan pa siya. "Ang sabi ko dyan mo kami ibaba. Hindi na kasya ang sasakyan mo dyan," sabi ko sa kanya. "No, sa mansion tayo diretso," kontra niya sa akin."Jonathan," warning ko sa kanya ngunit nilagpasan lang ang daan patungo sa bahay namin. "Jonathan!"Nagulat ang anak ko sa biglang pag sigaw ko. Maging si Jonathan ay biglang inapakan ang preno ng sasakyan. Mabuti na lang at lahat kami
Kimberly Ann MartinezPagdating namin sa maliit na daan patungong bahay namin ay nakatambay na si Karillo. Marahil ay sinabihan si Kyla na bibili ako ng bigas kaya sinasalubong niya kami. Siya ang bumuhat at kumarga nito pauwi sa bahay namin. Si Jonathan ang bumuhat ng ilang pinamili namin. Samantalang ang tanging dala ko na lang ay ang isda at pasayan. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. "No. I'll stay with you," sagot niya sa akin. "Ang liit lang ng bahay namin, di ka pwede doon," giit ko sa kanya. "Then, sa mansion na lang tayo," sagot naman niya. "Mahal ko pa buhay ko, ayaw kong mamatay ng maaga sayo," sabi ko naman sa kanya."Bakit ka naman mamatay ng maaga sa akin?" tanong naman niya. "Baka bigla na lang akong sugurin ng asawa mo. Hindi pa ako handang iwan ang anak ko," sabi ko naman sa kanya. "I can explain with that part," sabi naman niya sa akin ngunit umiling lang ako. "Hindi na kailangan. Wala rin naman akong balak manggulo sa inyo. Ikaw lang tong lapit ng
Kimberly Ann MartinezBalik na ako sa pagtatrabaho sa tubohan. Okay na ang anak ko kaya pwede na siyang iwan ulit kay Kyla. Si Jonathan ay hindi na nagpapakita matapos noong araw na nagmamadali siyang umalis ng bahay. Mas okay nga yon, tahimik ang buhay namin. Yun nga lang ay hinahanap siya ng anak niya. Gumagawa na lang ako ng alibi upang hindi tuluyang malungkot ang anak ko. "Mamaya, sa bahay tayong lahat maghapunan, ah? Birthday ng apo ko, naghahanda ang anak ng konting salo-salo para sa ating lahat," anunsyo ni aling Rita sa amin. "Naku, aling Rita, pasensya na pero mukhang hindi yata ako makakapunta alam mo namang hindi pwedeng maiwan ang anak ko ng matagal kapag gabi," hinging paumanhin ko sa kanya. “Abay, bakit? Dalhin mo ang anak at kapatid mo. Pwede naman yon,” sabii ni Aling Rita.“Bawal pa kasing mahamugan si Kj, baka magkasakit ulit,” sabi Ko a.“Ah, okay. Sige, padalhan ko na lang kayo ng pagkain sa bahay nyo,” sagot naman ni aling Rita. “Kahit wag na ho. Nakakahiya
Kimberly Ann MartinezHalos buong araw kami sa mansion ni Jonathan. Kung hindi pa ako naggalit-galitan sa anak ko ay hindi ko siya maaya na umuwi. Halos nawili ito sa mga laruan niya. Ang amang konsintidor ay hinayaan lang siya sa kung ano man ang gusto niya. Ako, matapos ang insidente sa banyo pinilit kong baliwalain ang presensya niya. Ayaw kong mahulog muli sa mga bitag niya kahit na harap-harapan niya akong inakit. Ayaw kong mag paapekto sa kanya. “Babe, let’s eat,” aya niya sa amin ng anak ko. “Ang gusto ko ay umuwi na. Anong oras na oh? Baka hinahanap na kami sa bahay," sabi ko sa kanya.“I’ll bring you back to your house later. We will eat first. Don’t worry, Kyla knows that you and my son are here. So, nothing to worry about,” sabi niya sa akin. Inirapan ko naamalang siya. “Ikaw lang naman ang may gusto na dito kami," sbi ko sa kanya. “Kung ako ang masusunod, gusto ko wala ka na lang sa buhay namin.”“Babe, I know, it’s my fault but can you give me a chance to prove tha
Jonathan McKinneyNapatingin ako kay Kimberly ng tumunog ang cellphone ko. Alam kong nakita niya kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko ang disappointed sa mukha niya. Hindi ko sinagot ang tawag noong una ngunit tumawag ulit. Sinagot ko na lang dahil napansin na naman ni Kimberly.“What do you want now?” wika ko sa kabilang linya. “Where are you now, Jonathan?” tanong naman ng nasa kabilang linya. “And why do you care, Mara?” balik tanong ko sa halip na sagutin ko ang tanong nia. “Pinaghahanap mo na naman ang kapatid kong sampid?” tanong naman niya. Alam kong habang sinasabi niya yon ay galit naman siya. “Ano ngayon kong hinahanap ko siya?” tanong ko naman.“Jonathan, hanggang ngayon ba naman siya pa rin? It’s been five years already,” sabi naman niya.“Wala kang pakialam kung hanggang ngayon ay siya pa rin. Kung hindi sana kayo umeksena ang pamilya ay sana nandito pa rin siya. Sana hindi sila naglayas ng mga kapatid niya. At isa pa kapatid mo naman sila. Wala kang concern s
Jonathan McKinneyFLASHBACK…Malalim na ang gabi ng matapos sina Mara sa party ng kaibigan niya. Kaya hindi na rin ako nakabalik pa sa opisina. Napailing na lang ako dahil panigurado naghihintay si Kimberly sa akin ngunit hindi ako nakabalik kaagad. Nag-iisip na lang ako na babawi na lang sa kanya kinabukasan. Hinatid ko si Mara sa bahay nila. Inaya pa niya akong pumasok ngunit tumanggi na ako. Di na rin niya ako pinilit pa. Dahil masyadong malalim ang gabi. Agad naman akong nag byahe papunta sa condo ko. Nang makarating sa condo ay agad kong kinuha ang envelop na nasa drawer ko. Napatingin ako sa envelop na ibinigay sa akin ni Andrius ang kaibigan kong secret agent slash detective upang alamin ang buong pagkatao ni Kimberly. Ito ang pangalawang beses na tiningnan ko ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid siya ang dati kong fiancee. Kaya pala sa una ko palang niyang tingnan ay nakikita ko sa kanya si Mara. Ngunit magkaiba lang talaga personality nila.
Jonathan McKinneyFLASHBACK…Hindi ko muna pinansin si Kim nang makarating ako ako sa opisina. Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa banyo na narito sa kwarto ng opisina ko. Nang matapos ay inaya ko si Kim na mag-lunch. Pinagbigyan naman niya ako kahit alam kong nagtatampo ito sa akin. Ganyan naman siya kahit nagtatampo ay pagbigyan ka pa rin. Agad naman kaming bumalik ng opisina matapos mag-lunch dahil naalala kung pupunta ang daddy nila dito sa opisina. “Miss Joville, si Kim na lang ang utusan mong mag bigay ng files sa accounting department. May Ipapagawa ako sayo,” sabi ko sa isang assistant ko sa intercom. Sinadya ko ito upang hindi mapang-abot ang mag-ama. Kakatawag lang ni Mara na nasa lobby na sila.“Noted, sir,” sagot Joville sa kabilang linya. “Alright,” sagot ko at ibinaba ang tawag. Huminga ako ng malalim dahil alam kong may hihilingin na hindi maganda ang magulang ni Mara. Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng opisina ko. Iniluwa ito ni Paolo.“Sir, nandi
Jonathan McKinney"Dahan-dahan sa paglalakad," sabi ko sa asawa kong si Kimberly Ann. “Saan ba kasi ang punta natin at kailangan pang piringan ako?” reklamo niya ngunit tinawanan ko lang at hindi nakikinig sa pakiusap niya na hayaan siyang maglakad mag-isa.Nakapiring ang mga mata nito. Kaya hindi niya kita ang dinadaanan namin ngayon. Kaya tudo alalay ako baka biglang madapa ito. Simula pa lang sa kumpanya ay nakapiring na siya. Hindi na alam kong saan ang punta namin. Sumakay kami ng helicopter na pag-aari ng kaibigan kung si Lucifer. Hanggang sa lumapag ang sinasakyan namin malapit sa lugar kung saan ko siya dadalhin.Two months after our wedding masasabi kung super blessed ako na siya ang naging asawa ko. Super maalaga, hands on sa aming mag-ama. Kahit busy siya sa trabaho ay bumabawi siya pagdating ng bahay. Kaya ngayon ay gusto kong i-surprise siya. I want her to be the first one who sees this place. I know this place is one of the most memorable places for her. So, I brought h
Kimberly Ann MartinezLumipas ang mga buwan at masasabi kong marami ang nabago sa aming magkapatid. Tuloy ang pagiging CEO ko sa kumpanya namin. Samantalang ang mga kapatid ko ay ipinagpatuloy ang pag-aaral nila sa isang pribadong University. Si Karylle ay isa ng abogado matapos isang makapasa sa bar exam last month. Masaya ako para sa kanila dahil unti-unting nagbago ang buhay namin. Mas naging malapit sila sa tatay at lolo namin. For the first time ay wala akong mga kapatid na kasama ngayon sa bahay kung saan ako nakatira kasama si Jonathan. Mas pinili nilang manirahan kasama ang tatay namin. Gusto ko ding kasama sila ngunit ayaw naman akong payagan ni Jonathan. Naiintindihan ko naman dahil may anak kami. And Maybe, this is the time na sarili ko naman ang iisipin ko kasama ang mag-ama ko. Ito din ang gustong mangyari ng mga kapatid ko, ang isipin ang sarili ko.As for Mildred and Mara. Napag-alaman kong lumipad silang mag-ina patungong London. Doon na daw sila maninirahan for good
Kimberly Ann MartinezHinihipan ko ang mainit na arroz caldo. masyado pa kasing mainit kaya kailangan kong hipan para hindi para hindi mapaso si Don Rolando kapag sinubuan ko. Nasa ospital ako ngayon binisita si Don Rolando dahil wala man lang nagbabantay sa kanya dito. Nagdala ako ng pwedeng makakain niya kasi sabi ng doctor mga soft food lang daw muna ang pwedeng kainin nito since kagagaling sa pagka-mild stroke. I realize, life it too short. Kaya hindi pwedeng mas pairalin ang galit sa dibdib baka pagsisihan mo sa huli. Kaya ito ako ngayon, kusang nagpapababa ng loob. Hindi ko na iniisip kung galit pa rin sila sa akin basta, ginawa ko na ang alam kung tama sa paningin ko. “Ah,” sabi ko kay Don Rolando at iniumag ang kutsara sa baba niya. Naka-sandal siya ngayon sa headboard ng ospital bed niya. Parang batang masunurin naman ito at ibinuka ang bibig. Nakangiting sinubo ko sa kanya ang arroz caldo. Ang buong akala ko ay tatanggi pa siya, kaya nagulat na lang ako tinanggap niya ang
Kimerly Ann MartinezNagtataka ako kung bakit may isang sasakyan ang naka-park sa garahe ng nakarating kami mula sa opisina. Napalingon ako kay Jonathan baka sa kanya lang ito at hindi niya sinasabbi sa akin. “May bago kang sasakyan?” tanong ko sa kanya.“No. Hindi ko alam kung kanino to,” sagot niya sa akin.Nagkibit balikat na lang ako at bumaba na sa sasakyan. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong naglalakad papasok ng bahay dahil hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Wala naman ito kanina habang papauwi kami. Ngayon lang nang makita ko ang sasakyan na hindi familiar sa akin. Rinig ko kaagad ang ingay ni Kj habang papasok. Tela, masaya itong nag-kwento sa mga bagay-bagay at tela may kausap ito. Kaya naman na curious ako kung sino ang kausap nito. Ramdam ko ang pagsunod ni Jonathan sa akin hanggang sa makarating kami sa sala. Kita ko ang mga kapatid ko na nakatingin lang sa gitna ng sala na tela hindi rin makapaniwala sa kung sino ang bisita
Kimberly Ann MartinezTumayo ako at nagpahila na lang sa kanya palabas ng conference room. Dinala niya ako sa top floor ng gusali na ito. Manghang-mangha ako sa pagdating doon. Katulad ng opisina ni Jonathan sa McKinney Corporation, mapakalawak din ang buong silid. Wala akong masabi sa interior design dahil sobrang ganda ng pagkaka-design at sobrang kumportable ng paligid. Hindi masakit sa mata ang mga design. Napangiti na lang ako dahil talagang nag-effort si Jonathan para dito."Is this my office?" tanong ko sa kanya kahit na obvious na obvious na sa akin talaga dahil sa labas ng pinto may nakasulat na office of the CEO. "Yes." sagot niya. "Pero sure ka talaga gawin mo akong CEO dito?" hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili akong position dito."Yes, because you deserved it," sagot naman niya. "You like it?""Yes. Thank you," sabi ko."You're welcome, babe," sagot niya at yumakap sa likod ko. Ang hilig nitong mangyakap mula sa likod. Nakarinig kami ng katok mula sa labas
Kimberly Ann MartinezKinakabahan na naglalakad ako kasama si Jonathan sa hallway ng Martinez Corporation. Ayaw ko sanang sumama dahil sigurado akong nandoon ang lahat ng kapamilya ng tatay ko. Ayaw kung mag-cause ng komusyon dito sa kumpanya nila. Isa pa, ayaw kung mahusgahan. But Jonathan insisted that I should be there. Kailangan daw niya ng taga-take down notes since absent si Joville. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit kailangang pormal na pormal ang mga suot namin. Kung simpleng meeting lang ito ay pwede naman casual lang.“Come on, babe. Smile,” pampalakas ni Jonathan s akin habang pinipisil ang ilong ko. Nakabusangot kasi ako dahil kinakabahan ako.“Bakit naman kasi ako ang isinama mo dito. Pwede namang isa kina Gerald at Paolo na lang,” reklamo ko sa kanya. “Nakakasawa na kasing makita ang pagmumukha nilang dalawa,” pabirong wika ni Jonathan sa akin. Irap lang ang sinagot ko sa kanya. Agad pomormal ang mukha ni Jonathan ng makarating kami sa tapat ng pinto. Ako naman a
Kimberly Ann MartinezWala sa sariling bumangon ako sa kama. Mag-isa lang ako dito sa lugar na hindi ko alam kung saan. May nakita akong sapin sa paa sa paanan ng kama. Kaya yon ang sinuot dahil malamig ang sahig. Naglakad ako patungo sa pinto at laking gulat ng sumalubong sa akin ang isang malawak na karagatan.Nagtataka na nilibot ko ang paningin. Hindi naman umausad ang sinasakyan kung yate. Oo, Nasa isang maliit na yate ako ngayon. Nagtatatakang hinananap ko si Jonathan. Siya lang naman ang kasama ko kanina kaya malamang siya ang nagdala sa akin dito. May nakita akong hagdan papunta sa taas kaya naman ay tinungo ko ito at umakyat doon. Palagay ko ay roof deck ang nasa taas nito at hindi nga ako nagkamali. Gulat akong nakitang may nakahandang lamesa sa gitna nito at may mga nakatakip na hindi ko alam kung ano ang laman sa loob.. Sa gilid ay nakita ko si Jonathan na malayang nakatingin sa karagatan. Hindi naman mainit ang panahon dahil takipsilim na. Napangiti ako at dahang-d
Kimberly Ann Martinez“Mr. McKinney, It’s good to see you here,” sabi ng pinakamatanda sa kanila na lalaki. Napatingin muna si Jonathan sa akin bago siya sumagot. “Same here, Mr. Martinez.”So, ang lalaking ito ay ama ng tatay ko? Ibig sabihin lolo ko ang mantandang ito? Agad tumalim ang paningin ko habang tinitingnan ang pakikipagkamay ni Jonathan sa mga ito. Napatingin ako sa ama kong nakamata lang sa akin. Halatang hindi makapaniwala sa nakita ngunit parang may nabasa akong pangungulila sa mata niya? Napailing ako ng lihim. Naagaw ang paningin ko sa mag-inang Mildred at Mara na parehong nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Tinaliman ko din sila ng mata. Akala nila matatakot ako sa kanila. Hindi. Lalo na ngayon na may anak ako. Hindi ako pwedeng mag-papaapi na lang dahil kailangan kong protektahan ang anak ko laban sa kanila. “Oh, you have a new secretary, Mr. McKinney? She’s so pretty to be your secretary,” sabi ng matandang Martinez. Ayokong isipin na lolo ko ito dahil
Kimberly Ann MartinezTakang-taka ako kung bakit mas lalong nadagdagan ang mga files sa mesa ko. Matapos naming makarating dito sa opisina ni Jonathan ay ganito na agad ang bumungad sa desk ko. Mga documento pa rin na galing sa Martinez Corporation. Kaya naman ay hindi ko na mapigilan pang mag-reklamo kay Jonathan.“Ano na naman to? Nakakasawa na kayang magbasa ng mga ito? Gusto mo talagang ipamukha sa akin kung gaano ako kaliit dahil anak lang kami sa labas?” di mapigilang magsalita at ilabas ang mga hinaing ko. Paano ba kasi ang mga nakikita ko ngayon ay ang mga monthly report ng sales and profit ng kumpanya. Pati na rin kung gaano kalaking pera ang inilabas ng kumpanya nila para sa isang project. Bilyon-bilyon ang mga lumalabas at ang income ng kumpanya tapos kami ng mga kapatid ko ay wala man lang nakuha ni isang sentimo. “Come on, babe. Just study it at kung may makita kang kahina-hinala ay wag kang mangingiming magsalita or magtanong sa akin, hmmm?” sabi naman ni Jonatha