Share

198

“Don’t be so disgusting. Mangilabot ka nga sa sinasabi mo.”

‘Baliw na talaga,’ dagdag pa ni Arturo sa isip. Lalo siyang naasar nang lantaran na siyang tinawanan ni Matteo. Kung hindi lang lamang ang kampo nito, baka binanatan na niya ito para mag-release ng stress na ito rin ang sanhi. Batid niya na oras na magpakita siya ng pahiwatig ng hindi maganda, agad siyang susugurin ng mga bodyguard ni Matteo.

Malinaw din kay Arturo na sadyang pinagbigyan lang siya ni Matteo kaya isang bagong recruit lang ang pinaharap nito sa kanya. Ayaw man niyang aminin, kahit na tatawa-tawa lang si Matteo at kung umasta ay parangpa-easy-easy lang, kapag nagseryoso ito ay malabo niya itong mapuruhan.

Matteo’s a cruel person. Hindi iyon halata dahil sa baby-faced ito pero sa mga lumaki at may karanasan sa lansangan at sa underground, hindi nito maitatago na marami nang dumaang buhay sa mga kamay nito. Hindi ito magpapakita ng awa kahit na sino pa ang makaharap nito.

Kaya labis ang pangamba ni Arturo na dah
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status