Share

197

Walang tao sa underground parking lot ng rented office building ng JamCat. Ang tunog ng pagsara ni Arturo sa pinto ng kanyang kotse ang bumasag sa katahimikang namamayani roon, sunod ay ang kanyang mabibigat na yabag.

Naglalakad siya papunta sa private elevator na magdadala sa kanya sa top floor kung nasaan ang kanyang opisina nang may maramdaman siyang kakaiba. May mga yabag na sumasabay sa kanyang bawat hakbang.

Bahagya siyang natigilan, subalit hindi niya iyon ipinahalata. Umakto siyang walang napansin at nagpatuloy sa paglalakad. He was still calm with no sign of panic on his face. His body language was relaxed.

Gentleman– mala-Crisostomo Ibarra, sabi ng ilang– ang unang impresyong ibinibigay niya sa iba, lalo na sa mga kababaihan.

Sa paraan niya ng pagdadala sa sarili, walang makakahula na lumaki siya sa isang magulong squatter’s area kung saan maraming naninirahang mga drug addict at mga halang ang kaluluwa na lumalabag sa batas.

Arturo used to live and had grown up in a very
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status