Share

193

Naramdaman marahil ni Ellaine ang pagbabago ng kanyang mood. Ilang beses niyang nahuli ang mga sulyap nito sa kanya na may bahid ng pag-aalala. Nabawasan ang iritasyong nararamdaman niya. Nang muling magtama ang kanilang mga tingin, tinanguan niya si Ellaine para ipahiwatig na ayos lang siya.

Saka lamang ito nakahinga nang maluwag.

Unti-unti nang nabubuo ang desisyon ni Garreth.

Gumaan ang kanyang pakiramdam.

Medyo mahaba ang bedtime story na napili ng mga bata nang gabing iyon kaya nang matapos si Garreth sa pagbabasa niyon ay tulog na sina Raze at Angie habang pupungas pungas na sina Cas at Uri.

Ellaine and Garreth kissed them goodnight on their foreheads. When it was Uri’s turn, naalala ni Garreth ang tungkol sa “nakalimutang regalo” ng kanyang ina. Batid niyang matagal na proseso bago tumatak sa isip ng mga nakakakilala sa kanila na may apat silang anak. Batid din ni Garreth na kahit na magkaedad pa ito ay hindi mawawala ang mga magbabansag ditong “ampon”. But Garreth is also cer
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status