"Yumi!" rinig kong sigaw sabay katok sa pinto ko, kulang nalang ay lumipad na ang pinto dahil sa malakas nitong pagkatok. I refused to get up, tinabunan ko ng kumot ang aking mukha.
"Yumi gumising ka na dyan kundi paliliguan talaga kita ng mainit na tubig!" napabalikwas naman ako ng upo nang marinig ito, kinukusot ko ang aking mga mata.
"Gising napo!" sigaw ko pabalik habang kinakamot ang ulo ko at pagkatapos ay inayos ko ang magulo kong buhok.
Agad akong bumangon, naligo at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na ako.
"Oh narito napo ang senyorita! Ako pa ang nagsaing at nagluto tas ngayon ako pa ang gigising!? Ginawa mo na talaga akong alarm clock iha!" sermon niya. I secretly rolled my eyes. Mukha ka din naman kasing manok.
Araw-araw palagi nalang ganyan ang bungad, sanay na sanay na ako sa bunganga nya. Pasok sa kanang tenga tas labas sa kaliwa, ganyan lang naman yan, wag dibdibin kasi masasaktan ka lang.
Alam ko naman na ayaw talaga sakin ng step-tita ko, tito ko lang naman ang nag insist na dito ako tumira. Mabait ang tito ko, di gaya ng tita ko na di maabot ang sungay, di ko nga alam kung paano niya pinikot si tito eh.
They adopted me out of pity, nawala na ang nanay ko at di naman mahagilap ang tatay ko, so I don't have a choice but to listen to her rants everyday.
"Bagay naman sa bunganga mo ang trabahong alarm clock." Nanununuya kong bulong.
"Ano yun!?" tanong nya. Agad akong naglakad patungo sa lamesa at kumuha ng egg sandwich.
"Wala." Sabi ko nalang tsaka agad na naglakad papalabas.
"Batang walang modo! Sigurado akong wala kang magandang kinabukasan! Sampid ka lang sa pamamahay na to! Matuto ka namang tumulong dito, di yung palagi ka nalang sa kwarto namamalagi!"
Gusto ko naman talagang tumulong pero kada tutulong ako palagi kayong may sinasabi, nakakarindi na. Kaya bahala na't ganyan ang tingin niya sa akin, wala na akong pake. Sa mata niya isa lang akong bata na sobrang tamad at walang maabot sa kinabukasan.
I take a breath when I got outside the house. Finally, I'm out in hell.
7:30 am, pagcheck ko sa relo ko.
May thirty minutes pa ako para makapunta sa school. Five minutes na akong nag hihintay ng masasakyan pero wala pa din, kaya napag-isipan ko nalang na maglakad papuntang school, twenty minutes walk away lang naman ang school at ang bahay kaya makakahabol pako.
Nilabas ko ang cellphone at earphones ko para makinig ng music.
Naisipan ko ding bisitahin ang Messenger ko at tama nga ang hinala ko na inaamag na ito, gc lang naman ng section namin ang nagpapa-ingay at di naman ako lumalapag dun.
I don't have any friends, maliban kay Zel. She's a dear friend of mine. Siya lang ata ang matatawag kong kaibigan at kung hindi man kami magkaibigan, susunugin ko ang bahay nila sa dami nang kanyang nalalaman.
Nagscroll nalang ako sa F******k pero puro lang naman shared posts at memes ng classmates ko ang naroon, pero nagscroll parin ako dahil wala na akong ibang naisip na libangan.
Nagulat nalang ako nang may biglang humablot sa cellphone ko, at dahil connected ang earphones at cellphone ko parang nadala ang tenga ko sa paghablot ng magnanakaw.
"Aray!" reklamo ko dahil sa sakit. Nagtinginan ang tao sakin dahil sa ginawa kong pagsigaw pero ang mas nakakaagaw talaga saking atensyon ay ang magnanakaw na kay bilis kung makatakbo.
"Takbo ka nang maigi at wag kang magpapahabol sakin dahil pag nahabol kita, patay ka." bulong ko habang hinahabol ang magnanakaw.
Agad nagsihawian ang tao dahil sa nangyari takbuhan, muntik ko na syang maabutan pero bigla siyang tumawid sa kalsada. Di alintana ang mga sasakyan, agad din akong tumawid, muntik pa akong masagasaan ng isa sa mga sasakyan.
"Gusto mo bang magpakamatay iha! Kung gusto mong magpakamatay wag sa daan, ako pa ang pagbabayarin mo sa ospital mo!" sigaw ng matandang driver na di ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.
Nagslide pa ako sa harapan ng Ferrari na kotse, walang pakealam kung nagasgasan man ito. Todo mura din ang may ari pero wala naman akong pakialam.
Todo flex sa mamahaling sasakyan eh polusyon lang naman ang ambag nyan sa lipunan. Iisa lang naman ang lalayunin ng sasakyan walang pake kung ito'y mamahalin o hindi, ang mahalaga ay mahatid ka nito sa iyong paroonan ng matiwasay at buhay.
Ipinagsawalang bahala ko muna ang aking iniisip at nagpatuloy sa pagtakbo para maabutan ang magnanakaw. Nakita ko syang lumiko sa isang eskinita kaya agad naman akong sumunod.
Pagkaliko ko, hindi man lang nabahiran ng pagkatakot ang aking pagkatao nang makitang may dalawang kasamahan ang gagong magnanakaw.
May isang lalaki na malaki ang katawan naka itim na sando at pantalon at may malaking tattoo sa braso at may bonnet sa ulo, para pagtakpan ang ulo nyang kalbo. May hawak siyang malaki na tubo. Ang isa naman ay payat, nakaitim na shirt at maong pants tas may nunal din siya sa bibig. Sa tingin ko ay may nakatago siyang swiff knife sa pants niya. At ang magnanakaw ay nakablack hoodie at cap, di ko masyadong naaninag ang kanyang mukha.
I just crossed my arms habol ko pa rin ang hininga ko. I observed them and their actions. I want to wipe off the smirk from their faces. Sobrang yabang.
"Ang tapang mo naman miss, baka sa loob-loob mo nanginginig na kalamnan mo." sabi ng kalbo sabay tawa nilang tatlo, inirapan ko nalang sila.
I hate their laughs.
"Aba'y ang lakas naman ng loob mo para irapan kami, kung sundutin ko kaya yang mata mo!"sabi ng may nunal sa bibig.
Pikon.
I just stared at them, not even scared of the fact that I am outnumbered. There were three of them habang nag iisa lang ako, they have weapons while I have my own fists.
Ilang segundo ang lumipas bago ako nagsalita. "Saan ang cellphone ko?" seryoso kong saad. Tumawa lang sila.
Ang mahal kaya ng cellphone, mas mahal pa kaysa sa buhay nila.
"Kung gusto mong makuha edi kunin mo sakin." sabi naman nung nagnakaw ng cellphone ko.
Tinignan ko ang wrist watch ko at nagulat nang makita ang oras. I'm getting late. At ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang malate sa first day.
Agad ko silang nilapitan at naalarma naman ang dalawa kaya agad nilang kinuha ang dala nilang armas. Ang hina naman nila, gumagamit ng tubo sa isang babae?
Palapit ako ng palapit lumiliit ang distansya namin, nang biglang may humarang na sasakyan saking harapan.
"Get in." seryosong sabi ng lalaki pero natulala lang ako sakanya.
He has these brown eyes na para kang hinihigop, his eyebrows that are perfectly shaped, his perfect pointed nose, ang kanyang manipis at mapulang labi, all in all I could only say that he is perfectly created by God.
In short, gwapo.
I'm also a normal girl who has fantasies about handsome guys.
"Staring is rude, haven't heard of that?" seryoso nyang saad muli. Napabalik naman ako sa ulirat.
"Anong hinarang-harang mo dyan? Tabi!" naiinis kong saad, kahit gwapo sya wala siyang karapatan pigilan ako sa gagawin ko.
Don't understimate me kasi kahit babae ako marunong naman akong lumaban, I enrolled myself to learn martial arts. I've been trained for years kaya di ako natatakot. I need strength to get my revenge.
Nagulat ako nang bumaba sya sa sasakyan nya at lumapit sakin agad akong naalarma at pumosisyon na parang anong oras ay aatakihin din siya. I need to be sharp, di pwedeng maging kampante ako. I need protect myself.
I became to start being wary of this handsome guy in front of me. Baka kasabwat to?
"Kung ano man ang plano mo, wag kang lalapit sakin." babala ko sakanya pero di sya nakikinig, paliit nang paliit ang distansya naming dalawa. Tumigil siya saking harapan.
"Akin na ang cellphone nya." sabi pa niya nang hindi man lang nililingon ang mga magnanakaw. Pero nanatiling nakatanga ang nagnakaw ng cellphone ko.
"Bingi ka ba! Akin na ang cellphone nya!"
Napalukso ako sa kinatatayuan ko pati sila dahil sa gulat sa pagsigaw nya. Hindi gumalaw ang magnanakaw at ilang minutong katahimikan ang namayani.
"You know what will happen if—"
"—I-ito na, ito na!" agad din nyang binigay sa lalaking nasa harapan ko ang cellphone ko.
Agad akong hinila ng lalaki at pinasakay sa front seat ng kanyang sasakyan, tsaka siya umikot para makarating sa driver's seat.
What did just happen?
Nakatulala akong nakatingin sa kalsada parang di parin nagsisink ang nangyari kanina.
Yun na yun? Parang yung pawis ko sa pagtakbo kanina nasayang sa isang sigaw lang nya. Bakit takot sila? Is he a goon? Or worst is he a criminal? Nanlalaking mata ko siyang tinignan.
"I'm not a criminal." saad niya habang nakatingin pa rin sya sa daan. Wait what? Mind reader din ba sya?
"I'm not a mind reader, sadyang halata lang sa mukha mo na inaakusahan mo kong kriminal." Oh. Pero pano nya nakita mukha ko kung nakatingin sya sa daan.
"Peripheral vision." tumindig ang balahibo ko dahil sa kanyang mga sagot. Di naman ako nagsasalita pero alam na alam nya ang mga iniisip ko.
Telepathy? Damn, what is he?
Tinignan ko ulit sya, ngayon ko lang napansin na parehas pala kami ng uniform. "Lunaella University?!" I exclaimed.
He glanced at me and back to the road. "Yeah." he simply said.
Di ko alam na tumatanggap pala ng goon ang university ngayon pero ipinagsawalang bahala ko nalang, impossible namang magkaclassmate kami sa laki ng university.
Yeah, as if.
––
Klareynah
The bell already rang. Hinihingal na ako kakatakbo para makarating sa third floor ng building kung nasaan ang room ko. Dali dali akong nagtungo sa classroom, kahit alam kong late nako. Sana lang di ako mapapagalitan."Ma'am present!" hinihingal kong sabi nang makarating na sa pinto"You are thirty minutes late, Miss Fuentes. Go to the discipline office now!" saad ni Ms. Reyes—our strict math teacher. She gave me a pink paper na ibibigay namin sa tagabantay ng Discipline Office.Napasimangot naman ako. Walang silbi ang pagtakbo ko papuntang third floor kasi pupunta naman ako sa kabilang building kung nasaan ang Discipline Office.Nanlulumo akong nagtungo doon at binigay ang papel sa tagabantay at agad na nagtungo sa lamesang una nahagip ng aking tingin. I positioned myself to nap, mas mabuting matulog nalang ako dahil wala namang ibang gagawin dito.Minsan mas gugustuhin ko ding manatili dito kaysa makinig sa mga lesson namin na sobrang boring.***"Hey." rinig ko ang isang boses at ba
Ang aga ko atang nakarating sa school at kokonti palang ang nandito sa room. I'm bored kaya napagdesisyonan ko nalang na magbasa ng libro habang nakikinig ng music.I'm somewhat fascinated with the book I'm reading. The plot is somewhat cliché but that's what made it fascinating to read. Kahit alam mo na ang takbo ng istorya ay patuloy mo pa rin itong binabasa.It's about a girl falling for the guy who likes her bestfriend. Para siyang tanga na habol nang habol sa lalaking di naman siya gusto, she's so persistent to the point na nagiging masokista na sya. The guy is not even that worth it.Naputol lang ang pagbabasa ko nang dumating ang aming prof.Kay bilis ng oras di ko man lang natapos ang isang chapter at di rin napansin ang pumapasok kong kaklase, kung sabagay wala naman talaga akong pake sa paligid ko. Once I read a book I'm inside a world wherein I imagine what I read. I don't know if it's weird but I don't care.Nagsimula na ang klase at wala man lang akong naintindihan sa sin
My first kiss.Napatulala nalang ako habang nakahawak saking mga labi. I can't believe it, he just stole my first kiss! Sa isang iglap nawala ang ilang taon kong inaalagaan na first kiss. Sa isang iglap nawala yung panaginip ko na ang first true love ko ang bibigyan ko ng first kiss ko.He waved his hand in front of me at natauhan naman ako. It's lunch break right now pero di ako nakaramdam nang gutom dahil sa gulat."You seem shocked, masarap ba?" natatawa nyang sabi.What a jerk."How dare you kiss me!" Inuubos talaga ng goon na to ang pasensya ko.Ano bang ginawa kong kasalanan para parusahan nang ganito. Buong araw kong makikita ang mukha nya dahil classmates kami, araw-araw ding masisira ang buhay ko!"How dare you accuse me?" tinuro nya pa ang sarili nya.What the fuck? Sya pa ngayon ang pavictim."So are you telling me na kasalanan ko pa na nahalikan kita? You just stole my first damn kiss!" literal na nag uusok na ngayon ang ilong at tainga ko."Oh, so that's the reason why yo
Maaga akong naglakad papuntang university, sawang sawa nakong makinig sa walang katapusang sermon ng tita ko, tinalo niya pa ang pari sa sobrang haba ng sermon.Habang papalapit ako sa school mas dumadami ang estudyante at napapansin ko na nakatitig silang lahat sakin, as in silang lahat talaga, may mga nagbubulungan pa.Bigla naman akong nagtaka. May dumi ba sa mukha ko? Di naman ako sikat sa university kaya nakakapanibago talaga."Yums!" hinihingal na lumapit sakin si Zel."Bakit parang ang weird ng mga tao ngayon, kung makatitig sila sakin para akong artistang may issue." bulong kong sabi kay Zel.She's Zelenaire Sphire Serquencio my one and only bestfriend. Siya ang palaging updated sa mga issue—kagaya nalang ngayon at palagi niya itong chinichika sa akin.I don't scroll often on social media kaya wala akong alam sa mga nangyayari while she's the latter, her life revolves around social media, she often posts selfies, updates, and such.Maganda din naman siya. She have that small f
It's already lunch time and half of the day pero pagod na pagod na ako. All the time naprapraning na ako at ni isang lecture ng prof walang pumasok sa isip ko.But as time pass by wala namang nangpraprank maliban kaninang umaga at wala namang nangthrethreat ng buhay ko, maliban nalang sa death glares ng mga fan girls ni goon kuno.Napabuntong hininga lang ako habang nakapalumbabang nakatitig sa pagkaing nasa harap ko."It's the 100th time you sighed, Yums," sabi ni Zel sabay paikot ng kanyang mata.Magkasama kami ngayon sa cafeteria dahil maaga silang pinalabas ng prof nila, first time ata na maagang nagpadismis ang prof nila."You're just exaggerating," walang gana kong sabi."Why don't you just eat your food, pinaghihintay mo ang grasya, baka takbuhan ka." Napatingin ako sa kanya."Di naman ako ganun ka sutil na bata para parusahan ako ng ganito." Tukoy ko sa mga nangyayari, parang sumpa ang mga nagdaang araw at isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit, si Xionus.Simula nung m
Sa wakas weekend na din. It's been a hell week, a literal hell for me. Ilang araw na pero di pa din humuhupa ang nasabing issue. Araw-araw ata akong natutuliro, baka may harina na naman, baka may balde na nang tubig ang mahulog sa taas, baka batuhin ako ng itlog, ganyan ang mga iniisip ko. Sasabog na ata ang utak ko kakaisip kung kailan pa huhupa ang isyung ito. Ilang araw na ding hindi ko nakikita si Xionus. Simula nung nagleak ang picture naming dalawa, di ko na siya nakitang muli, nawala na lang siya na parang bula. Panalangin ko na sana di na siya bumalik pa para hindi na magulo ang buhay ko. Nagtratrabaho ako ngayon sa coffee shop para naman magkaroon ako ng kahit kakaunting ipon para sa sarili ko. I can't just depend on the money my tito gave me, kailangan ko ding magsumikap para maghanap ng sariling pera. Ilang minuto nalang matatapos na ang shift ko. Di naman nagkulang sa binigay na pera si tito pero plano kong maging independent. Ulilang bata nako at kapag mawawala ang s
Nakarating na kami sa amusement park at agad namang nagningning ang mata ko, like it's my first time being here. Amusement parks really excites me, I don't know why. Para nakong bata kung makangiti, but I'm still a teenager wala namang masama dun.I could also see the gigantic rides, the ferocious scream of the crowd riding those rides, the cries of a child as he beg his mother, the happy smiles of a family.Despite the crowd, I can't feel an ounce of anxiety inside me. It's as if I'm floating with the amount of joy I felt inside my heart.May nakita akong stall na may stuff toy na unicorn. Unicorn, my favorite! Para akong bata nagtalon-talon nang makita ito.And with pleading eyes, I asked him."Could you get that unicorn stuffed toy?""Sure," he agreed and smiled.Ginulo muna niya ang aking buhok bago siya nagsimulang pumwesto para matira niya yung mga lobo. In order to get a price dapat makaputok ka ng tatlong lobo with the use of five darts.Napapalakpak ako nang kauna-unahan niya
Weekends have come to an end.Gustuhin ko mang matulog nang matulog, hindi pwede dahil kailangan ko nang pumasok sa university.Kaya matamlay akong naglalakad ngayon papuntang campus. Kung pwede lang lumiban nang kahit isang araw, kaso mapapagalitan ako ni tito at masesermonan ni tita at baka ito ang magiging dahilan para palayasin nila ako sa kanilang puder.Napabuntong hininga nalang ako.Pagkapasok ko sa gate, my body move on its own and hide behind the wall when I saw Khael walking. Di ko alam bakit pero nahihiya ako sa kanya.Naalala ko na naman ang nangyari at pinamulahan ng mukha. Bakit ba kasi kada mahihimatay ako siya yung makakasagip sakin?Ilang beses siyang nagpalinga-linga na parang may hinahanap. Ako ba ang hinahanap nya? Di naman siguro.Naglakad ako papalapit, ginawa ko pang pantapik ang bag ko."Yumi!" Bahagya akong napatalon nang tawagin niya ang pangalan ko.Napapikit nalang ako sabay nakangiting bumaling sakanya. I know my smile is so fake but I don't care anymore.
"Hmm." I heard a grunt beside me when I move.Ramdam ko ang paghipit ng yakap nya sakin na para akong unan. I slowly opened my eyes and saw the most gorgeous guy in the earth silently sleeping beside me.How could he sleep like an angel but talk and act like a devil? If being handsome is a sin, then he will plead guilty.I can't stop myself as I traced his face, from his forehead to the tip of his nose until his lips. Agad pumasok sa isip ko ang ginawa naming halikan.I can still feel the softness of his lips, I can't help but to touch and bite my lower lip when I remember that scene."Are you done staring?" Bigla siyang nagmulat."W-What? I-I'm not s-staring." Nauutal kong saad r
A deafening silence filled the room when we heard a knock on the door. Pareho naming habol ang aming hininga habang nakatitig sa mata ng isa't isa.And that me back into reality. I could feel the heat rushing to my face. I hurriedly cover it.Oh my god. What did I just do?"You okay?" He asked.Parang wala lang sa kanya yung nangyari pero para sa akin isang malaking katangahan ito.Naging marupok ba naman ako."I-I'll get the door." I hurriedly get out of his sight.Napahawak nalang ako sa dibdib habang hinihingal. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso na para bang nagkarerahan sa loob ko. My stomach also felt tickli
"Welcome home," mahina niyang saad na nakapagpatigil sa akin.I couldn't utter a word. I didn't expect him to say that so I was astounded. I could see him blushing but he looked away and headed inside first.Wala sa sarili akong pumasok sa loob. Did he actually say that? Sinong demonyo ang pumasok sa kanya?I saw him going to the kitchen. Magluluto ba siya? Diba trabaho ko yun?Binalewala ko muna ito at agad nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Napadapo ang tingin ko sa isang papel ba nakalagay sa ibabaw ng lamesa ko.I don't remember putting a single piece of paper here kaya nagtataka ako. As my curiosity aroused, I opened it.Nabitawan ko ito nang may tumulong likido na nanggagaling sa papel. A red ink. My body was overwhelmed with fear, I totally gasped and immediately stand back.'Roses are red,Violets are blue,Get ready to bleed,I will terminate thee'Agad nagtindigan ang balahibo nang mabasa ko ang nakasulat dito. Muntik pa akong matumba buti nalang at nasalo ako ng upuan na
Unti-unting nagmulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang isang puting kisame. Dahan-dahan akong bumangon pero agad akong pinigilan ni Khael."Yumi! Don't be so hasty, baka mabinat ka." Pero matigas ang ulo ko kaya umupo pa din ako.Napahawak ako sa ulo ko."Where are we?" I asked with my croaked voice."In the clinic," sabi niya.I sighed."You should take care of yourself, I already told you. Are you okay now? I can take you home if you want. What do you want? Tell me."I was bombarded with his sermon. He's freaking out."Calm down, okay. I'm fine geez," sabi ko.He's very worried about me, I could see it. I could feel it. But then, I just found myself looking for someone—someone that's not him."You're looking for him?" He stared at me. I couldn't look at him in the eyes, getting guilty.I'm pretty sure he's the one who carries me."He's not here." He sighed. "Bakit
"Yums!" Napahinto ako nang may tumawag sakin. Tinig palang alam ko na kung sino. Napabuntong hininga nalang ako bago ko siya hinarap. She approached me like nothing happened. I'm still worried na baka galit siya sa akin. "Saan ka ba nagsusuot, ngayon pa lang kita nakita ulit," sabi niya pa. "Are you okay?" pagtatanong ko. Bahagya siyang natigilan pero agad siyang nakarecover at bigla nalang akong hinampas sa braso. "Ano ka ba? Syempre oo naman no! Bakit naman ako hindi magiging okay?" Di ako tumugon. I can really feel that something is strange, eventhough she have that dynamic energy. Nanatili akong nakatutok sa kanya habang siya ay may ibang sinasabi at di ko na ito nabigyan ng pansin. "Yums? Nakikinig ka ba?" "Huh?" She frowned. "Ang sabi ko may bago akong crush!" "Sino?" kunwari interesado kong tanong. She often changes her crush everytime na nakakakita siya ng gwapo. "A guy from s
"Yumi!" Napaikot nalang ako sa aking mata nang tawagin ulit ako ni Xionus. Di ko na mabilang kung pang-ilang beses na ito, kanina pa siya utos nang utos! "Ano?" bored kong sagot. Nandito ako sa sala, nakaupo sa sofa habang nanonood ng favorite kong cartoon, we bare bears. Kakatapos ko lang linisin ang buong condo. Weekend ngayon kaya nandito lang ako nakatambay sa condo. Gustuhin ko mang magpart-time job pero pilit niya kong pinagbabawalan. Para siyang magulang ko kung makapagbawal. "You cook, nagugutom ako." Tamad akong tumayo. Wala na akong ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa utos ng mahal na prinsipe. "Nga pala, matanong ko lang, anong meron sa inyo ni Khael?" kuryoso kong tanong. Di ko pa rin kasi nakakalimutan ang ginawa nilang away sa gitna ng field. He just stared at me for moment, tsaka tinalikuran ako at pumasok sa kanyang kwarto. Nakanganga akong nakatitig sa pinto niya. Did he just ignore me? Did he close the
Bigla silang napatayo at sabay sabing, "Master". Habang ako ay naguguluhan silang tinitigan. Bakit master ang tawag nila kay Xionus? Diyos ba nila si Xionus? Xionus just look at them casually. At wala naman silang ibang magagawa kundi ang kamutin ang kanilang mga ulo at pilyong ngumiti. "N-narinig mo ba master?" Binatukan siya nung kulot na buhok na katabi niya. "Minsan talaga, maluwag ang turnilyo mo!" sabi pa niya. Tumikhim naman si Xionus para tumahimik na sila. Agad niya akong hinila papasok sa loob and I can't help but to gasp nang muntikan na akong madapa. My mouth left hanging because of the anticipation, sinong hindi hahanga, Xionus really can't stop suprising me, bakit may kwarto silang ganito sa campus? They're the privileged ones. "Where's the food?" Agad naman nilang kinuha ang pagkain sa kitchen, this room is like a condo, kumpleto ang lahat ng gamit. Inilapag agad nila ang pagkain sa dining
"Yumi." I don't know what to do anymore. "Yumi, hoy!" Gusto ko nang umiyak nafrufrustrate na ako. "Yumi!" "Aray!" Nagulat nalang ako ng pitikin nIya ang noo ko. "Ano bang problema mo? Bakit ka namimitik?" inis kong sabi. "Kanina pa kita tinatawag, duh? Nasa parallel space ka siszt?" Nagpaikot nalang ako ng mata dahil sa sinabi ni Zel. "Oh, puyat pa para ka nang panda." Pagpuna niya sa eyebags ko, wala naman akong ibang magawa kundi ang magbuntong-hininga nalang. "Can I stay at your place, baka nakakaabala na ako kay Khael pag patuloy akong magstay sa lugar niya." Bahagya siyang natigilan sa sinabi at maya-maya ay ngumiti siya ng peke. Alam kong peke ang binibigay niyang ngiti dahil sa ilang taon naming pagsasama kilalang-kilala ko na siya. I shouldn't have said that pero di ko na mababawi pa ito. "Wag kang dirty minded. Wala kaming ginagawang masama." She laughed t
Nagulat nalang ako nang makita ang sarili ko na nasa loob na ng condo ni Khael. Nag-aalangan akong tumingin sa kanya."I can go back to Xionus—""No, dito ka lang baka saktan ka niya ulit," he cutted me off.Nagtataka ko siyang tiningnan pero wala siyang kibo at napaiwas ako nang akmang hahawakan niya ang aking mga labi."Blood." He then wiped off the blood on my lips, di ko man lang napansin na dumudugo na pala ang labi ko.I don't how to pay off his kindness, his feelings."Come here." Nahihiya akong lumapit sa kanya at pinaupo niya ako sa sofa, di pa rin nawala sa isipan ko ang ginawa kong pag-iyak kanina.Mas lalo akong umiyak nang makita siya. Napatingin naman ako sa damit niya at nakita ko ang basa sa kanyang damit."I-I'm sorry. Mukhang nadumihan ko pa yung damit mo." Napatingin naman siya sa damit niya at ngumiti. His smile is so warm."It's fine. Basta sa susunod pahiram din ako ng balikat mo p