Sunod-sunod akong tinawag nila manang Glory at Abby at paulit-ulit na sinasabing huwag daw aking lumabas. Para ano? Para makita niya kung paano maglandian sina Paxton at Lily sa iba't-ibang parte ng bahay?Umiling siya at hindi pinakinggan ang mga ito. Walang makakapigil sa kanya. Hindi ngayon na gising na ang mama niya at gusto siyang makita.Pagkababa ng taxi ay halos takbuhin na niya ang distansya papunta sa kwarto ng ina. Balita rin niya na stable na ang lagay ni Lance. Dadalawin na rin niya ito mamaya."Ma!" bulalas niya pagkabukas pa lang ng pintuan. Sa loob ng kwarto ay may mga iilan na mga kaibigan ang bumisita, mga kasamahan nila sa palengke. Ngunit lahat ng iyon ay naging malabo sa mga mata ni Jillian. Ang lahat ng atensyon niya ay nasa ina na nakatingin din sa kanya at nakangiti. Para siyang nananaginip. Nitong mga nakaraang araw lang ay wala itong malay na nakaratay pero ngayon.. nanghihina man pero puno na ng buhay ang mga mata at ngiti nito."Jillian, anak.."Jillian's
"Are you dying? May cancer ka ba? Anong klaseng sakit? May taning na? Ilang buwan pa ang natitira?" sunod-sunod nitong tanong.Sa bawat salita na pinapakawalan ni Paxton ay siya namang pag-awang ng kanyang labi. Siya? May taning? May cancer? Ganun na ba ang kagusto nito na mawala siya sa buhay nito?Kumuyom ang mga kamao niya. Ang walang hiyang lalaking ito.. "Oh. Pasensya ka na ha? Alam kong gustong-gusto mo na akong mawala pero hindi pa kasi ako mamamatay eh. Kung gusto mo ay mauna ka na," ganti niya dito."What did you say?" Lumapit ito sa kanya na parang leon na handang manlapa ng tao. Hindi siya nagpatinag. Kapag nakita nitong natatakot siya ay lalo lang siya nitong ibu-bully."Ang sabi ko ay mauna ka na," pag-uulit nga niya. Ano ba kasi ang ginagawa ng hinayupak na lalaking ito dito? Nasaan na si Lily?Bumaba ang tingin ni Paxton sa mga nakakuyom niyang mga kamao. "I see. Nagiging palaban ka na? Sa tingin mo ba ay kaya mo ako?" Nanliit ang mga mata nito na para bang tinitiris s
Kung noon ay hindi komportable si Jillian na manatili sa bahay ni Paxton, lalo lang iyong tumindi dahil sa pagkakakilala niya kay Jackie. Mukhang hindi sila magkakasundo na dalawa. Tama rin ang mga sinabi ni Abby, na magkasundo ito at ni Lily. Ngunit importante pa ba iyon? Hindi na siguro. Sapat na na mabait sa kanya si manang Glory at Abby."High school lang ang natapos mo? Aba ineng, ni waitress nga sa karinderya ngayon ay gusto ang college graduate. Kami pa kaya na mas malaking mga negosyante? Ay hindi pwede. Sa iba ka na lang maghanap." Inihagis nito sa lamesa ang kanyang resume."Ma'am, nakapag-aral naman po ako ng college. Hanggang third year nga lang ako. Meron akong kaunting kaalaman sa accounting. Alam ko rin ang mga business stra—"Pinatigil siya nito sa pagsasalita."Naku, Naku. Hindi iyan pwede. Wala na ngayong naniniwala sa mga ganyang salita. Ang kailangan na sa panahon ngayon ay diploma. College diploma! Transcript of records! Gets mo ba, hija?" wika pa ng matanda at
Dinilaan ni Jillian ang kanyang labi saka mariin itong tinitigan. Masyado itong bilib sa sarili. Sa tingin ba talaga nito ay hihingi siya ng pera dito? No way! Kahit kailan ay hindi niya iyon gagawin. Ngunit hindi pa rin nawala sa isip niya ang sinabi nito. Pahirapan na talaga ngayon ang maghanap ng trabaho kaya... papatusin na lang niya siguro ang offer nito. Pansamantala lang naman habang hindi pa siya nakakahanap ng mas magandang trabaho.Nag-iwas siya ng tingin dito. "Okay. Fine. ""Okay what?"Binalingan niya si Paxton at naabutan niya itong nakatingin sa kanyang labi. What the..."Pumapayag na ako sa job offer mo," sabi niya at bahagyang tumikhim."Na maging tagalinis ng kompanya ko?" anito na parang hindi makapaniwala.Biglang nainis si Jillian. "Oo nga. Diba sabi mo ay ipapasok mo ako? Huwag mong sabihin na binabawi mo na?"Matagal na tumingn sa kanya si Paxton, nananantya kung seryoso nga ba siya. Hindi nagtagal ay umirap ito at tinalikuran siya. "Whatever. You can start now
"A-Aray.. Aray! Teka, bakit ka ba nanghihila?!" singhal ni Jillian kay Paxton pero parang wala man lang narinig ang lalaki at patuloy siyang kinaladkad sa kung saan. Napangiwi si Jillian dahil sobrang higpit ng hawak nito sa palapulsuhan niya. Sinuntok nito kanina si Tyron, sinipa pa palabas ng elevator habang nagtuloy naman sila sa top floor. May nakasalubong silang babae na hinuha niya ay sekretarya nito. Bakas sa maganda nitong mukha ang gulat pero hindi ito umimik. Nagbaba lang ito ng ulo at binati sila. Padarag siyang binitawan ni Paxton pagkapasok nila sa opisina nito. Sisinghalan na niya sana ito pero umurong ang dila niya nang makita ang galit na galit na mukha nito. Napaatras siya..."Ano iyong nakita ko doon sa elevator?" mahinahon ngunit mapanganib nitong tanong. Nagtitimpi ito ng galit. Para itong bulkan na nagbabadyang sumabog. Napalunok si Jillian. "H-Hindi ko alam.."Umigting ang panga nito at lumapit sa kanya. "Hindi mo alam?""O-Oo. Hindi ko alam," pag-uulit niy
"Jillian, anak. Magtapat ka nga sa akin. Saan mo kinuha ang pera na ipinambayad mo sa hospital at sa operasyon ko? Alam kong hindi basta-basta ang nagasto doon."Hindi nakaimik si Jillian. Kanina pa siya ginigisa ng ina tungkol sa bagay na iyon. Sinubukan din niyang iwala ang usapan pero hindi talaga siya makawala."Saan ka kumuha ng pera anak? Ibinebenta mo na ba ang sarili mo?""Hindi po, ma!" "Eh saan ka nga kumuha ng pambayad mo sa hospital? Jillian naman. Hindi ako makakatulog nito kapag hindi mo sabihin ang totoo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag gumagawa ka na pala ng bagay na ikakapahamak mo. Mas gugustuhin ko na lang na mamatay—""Ma! Ano po ba yang mga pinagsasabi ninyo?" pagpuputol niya sa sinasabi ng ina.Tinalikuran ni Carmela ang anak. "Masama ang loob ko. Alam kong may ginawa kang hindi maganda. Malaki ang pasasalamat ko pero kung ang kapalit naman ay kayo ang mahirapan, sana ay huwag na lang. Hinayaan niyo na lang sana akong mawala." Nabasag ang boses nito.Ma
"Iyan nga ang kwintas na hinahanap ko!" bulalas ni Lily. Dali-dali itong lumapit kay Jackie at kinuha mula dito ang hawak na alahas.Napatda naman si Jillian sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maisip kung paano iyon napunta sa bag niya. May hinala na siya kung paano iyon nangyari pero wala siyang ebidensya upang pagtibayin iyon."See?" Tumingin si Lily kay Paxton at itinuro pa siya. "Sinabi ko na nga bang ang babaeng iyan ang kumuha ng kwintas ko! Paxton please, do something! Nag-aalaga ka talaga ng ahas dito sa bahay mo? Paalisin mo na siya! Hindi natin kilala ang taong iyan! Baka kung ano pa ang gawin niya sa susunod!" naghihisterya nitong sigaw.Hindi nga nagtagal ay naramdaman ni Jillian ang mahigpit na hawak ni Paxton sa kanyang braso. Tiningnan ni Jillian ang mukha nito. Puno iyon ng galit at pagkamuhi at hindi na niya kailangan pang tanungin kung para saan iyon."Get out of my house," mariin ang boses na pagkakabigkas nito."A-Ano..?"Hindi na nagawa pa ni Jillian na makaangal
"Paxton, I can't believe this! Talagang sinunod mo ang sinabi ng daddy mo? Bakit mo ako pinapauwi? Ano? You'll just gonna let that woman in your house again after she stole my necklace? You know what? I should sue her for stealing!" walang tigil na salita ni Lily.Nasa loob sila ng kanyang sasakyan dahil hinatid niya ito pauwi. Kanina pa ito naghihimutok dahil hindi matanggap na ito pa ang napaalis sa huli.Mariiin na hinilot ni Paxton ang kanyang sintido. Sa totoo lang ay sumasakit ang ulo niya sa mga pangyayari. Sobra rin siyang naiinis sa kanyang ama. Gabing-gabi na nga. Ano ba ang naisip nito at nagpunta pa sa kanyang bahay? At ang eksenang iyon pa ang naabutan nito.Ano ba ang meron sa babaeng iyon at ganun na lang ang pagkagusto ng kanyang ama dito? Hindi naman maganda iyon. Parang lalaki pa kumilos na akala mo ay siga o tambay sa kalsada. Walang etiquette.Malakas na hinampas ni Lily ang braso niya sanhi upang mapatingin siya dito."Nakikinig ka ba, Paxton? Ang sabi ko ay idede
"Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang
"Mag-iingat po kayo sa susunod, sir. Alagaan niyo nang mabuti ang asawa niyo dahil maselan ang pagbubuntis niya. Muntik nang malaglag ang bata. Mabuti na lang at mabilis niyo siyang naitakbo dito. Hangga't maaari ay iwasan niya ang mataas na emosyon katulad ng nangyari kanina."Tahimik lamang na nakikinig si Paxton sa doctor na sumuri kay Jillian. They almost lost their baby.. Nagpaalam din agad ang doctor matapos makausap ang binata. Umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at marahan na pinisil ang kamay nito.He was in pain. Paano ba niya pakikiharapan ang dalaga kapag nagising ito? Natatakot siya na baka tumaas na naman ang emosyon nito kapag nakita siya. Ngunit hindi naman niya ito pwedeng iwan.Unti-unting bumukas ang mga mata ni Jillian at bigla siyang nataranta nang mapansin na nasa hospital siya.Hindi agad napansin ng dalaga si Paxton dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang baby niya."It's alright. O-Our baby is fine," sansala ni Paxton habang sinusubukan na alalayan
Parang nasisiraan ng ulo si Paxton matapos mabasa ang resulta ng imbestigasyon na ipinagawa niya. All this time.. All this time! Hindi gawain ni Paxton ang umiyak pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon— iyon ay ang humingi ng tawad kay Jillian.Mabilis niyang iniligpit ang papel. Tumingin si Paxton sa ama na nakaratay sa kama at nilapitan. "Forgive me, dad. I'm sorry for not listening to you before," aniya sa paos na boses. "Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. That's a promise."Lumabas ng kwarto ang binata at nagmamadaling naglakad. He's heart was thumping so hard at para na iyong lalabas sa kanyang rib cage. He remembered now. The little girl who saved her when he was a child was Jillian. Some men tried to kidnapped him. He was all bloody and almost passed out from all the beatings he get but Jillian came in time to rescue him before it's too late. She risked her life for him. That incid
Samo't saring mga emosyon ang nararamdaman ni Jillian ng mga oras na iyon. Takot, pangamba at mumunting saya. Hinaplos niya ang kanyang impis na tiyan.Napaluha ang dalaga. Buntis siya. May munting buhay sa kanyang sinapupunan. She felt overwhelmed sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa bahay niya. Natatakot siya. Paano na lang kung muling may umatake sa kanya at mapahamak pa ang dinadala niya?Bumaba si Jillian upang kumuha ng malamig na tubig. Kailangan niya munang kumalma. Hindi pwedeng ganitong gulo-gulo ang isip niya. Sabado ngayon at mag-isa lang siya. Ngunit simula kahapon ay doble na ang security sa paligid ng buong bahay ni Paxton."Ma'am, pakikuha na lang po nito. Para raw kay sir Paxton," anang isang guard na papalapit sa nakabukas na pintuan.Kinuha niya ang inaabot nitong envelope. "Salamat po.""Walang anuman po, ma'am. Basta kung may kailangan po kayong ipabili sa labas ay sabihan niyo lang kami."Ngumiti lang si Jillian dito. Inilapag ni Jillian ang envelope sa ibabaw
Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi
"W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo
"Where did you go all day all night yesterday? Halos ipahalughog na kita pero ni anino mo ay hindi man lang makita!"Gaya ng sinabi ni Lance ay nakalabas na nga si Jillian ng hospital kinabukasan. Ang hindi nga lang niya inaasahan ay ito ang uuwian niya. Buong akala ng dalaga ay wala si Paxton sa bahay pero heto at naabutan niyang galit na galit at nagbubuga ng apoy. Hindi tuloy niya alam ang gagawin at kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ng mga nangyari kahapon. Bakit ba kasi ito nandito ngayon eh kadalasan ay sa hospital ito naglalagi? At ipinahanap daw siya nito? Baka nabingi lang siya."Damn it! Kinakausap kita! Tinatanong ko kung saan ka nagpunta kahapon! Answer me!" sigaw nito na kulang na lang ay sakalin siya sa matinding inis."M-May nangyari kasi sa bahay at kailangan kong puntahan—""And what? Nakalimutan mo nang umuwi at doon ka na natulog? Dito na ang bahay mo—"Natigilan si Paxton sa kakadaldal nang mahagip ng kanyang paningin ang malaking benda sa braso ng dalaga. Ku
Mahinang napadaing si Jillian nang magising kinabukasan. Sobrang sakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Madami ring mga pantal sa kanyang balat at ang iba ay nangingitim pa. Ngunit sa lahat ng iyon ay ang nasa pagitan ng hita niya talaga ang pinakamalala ang natamo. Kaunting galaw lang ay nananakit na.Paano naman kasi eh parang mabangis na halimaw si Paxton kagabi. Kulang na lang ay lapain siya ng buhay. Ganitong-ganito rin ang mga pangyayari noong nagising siya sa club noon. Ang pinagkaiba lang ay wala si Paxton sa tabi niya ngayon.Napabuntong hininga si Jillian at napapangiwi na pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba siya pumayag sa gusto nitong mangyari kagabi. Dahil ba natukso rin siya at gustong maramdaman ulit iyon? Kung noon ay wala siyang alaala noong unang gabi nila, ngayon naman ay halos naka-record sa kanyang isipan ang bawat eksena na nangyari kagabi.Gustong tumili ni Jillian. Ano na lang ang mukhang ihaharap niy
Ang buong kabahayan ay napuno ng tensyon dahil sa balitang gumalantang sa lahat. Hindi makatulog si Jillian pagkatapos nun at natitiyak niyang ganun din si Manang Glory at Abby. Sino naman ang magtatangka na ambush-in ang sasakyan ni Sir Hendrix? May mga kalaban ba ito? Dahil ba sa negosyo? Muling naalala ni Jillian na may balak nga pala itong tumakbo bilang politiko at malapit na nga ang pulitika. Iyon ba ang dahilan?Kinabukasan matapos ang trabaho ng dalaga ay nagpasya siyang dalawin si Hendrix sa hospital. Buong maghapon din na wala si Paxton. Hindi ito pumasok na naiintindihan ng lahat dahil nga kalat na nga sa lahat ng mga empleyado sa kompanya ang nangyari. Laman din ito ng mga balita.Nasa top floor ng building ng private hospital ang kwarto nito. Malayo pa si Jillian pero natanaw na niya ang ilang mga guard na nakabantay sa may pintuan. Meron ding mga nagkalat na mga pulis. Bigla tuloy napatigil si Jillian sa paglalakad at biglang mag-alangan kung itutuloy pa ba niya ang bal