Share

Chapter 3 - Kondisyon

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-03-07 23:19:40

"You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari.

Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios.

Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko.

Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?"

Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi.

"Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpanggap kahit ayaw ko. Huwag mong kakalimutan na nandidiri ako sa iyo."

Ang sarap sikuhin ng gago na ito.

Ngumiti na lang ako kaysa sa magpaapekto sa mga masasakit niyang salita. Napaisip ako bigla— parang iba iyong dating sa akin sa sinabi niyang marami raw ang nakamasid sa kanya.

Ano nga kaya talaga ang rason kung bakit wala rito si Roxanne Rios? Tapos gagastos ng malaking halaga si Ego para lang magpanggap akong asawa niya— may nililihim sila at sigurado ako sa bagay na iyon.

Kung ano man iyon ay gagawa ako ng paraan para malaman iyon. Dahil una at higit sa lahat— gusto kong makilala pa at makita sa personal si Roxanne Rios.

Matapos ang kainan sa reception ay pakiramdam ko naubos lahat ng lakas ko at nangangalay rin ang panga ko kakangiti kanina. Mabuti na lang at may suot akong maliit na earpiece— kung saan konektado iyon kay Abigaile. Sa bawat may bisitang lalapit sa akin ay kaagad iyong pinapakilala ni Abigaile sa akin at kung ano pang dapat na gawin para mas epektibo ang pagpapanggap.

Kasalukuyan akong nasa isang pribadong kwarto na bahagi pa rin ng reception. Nakahiga ako sa kama at pagod na pagod. Umupo ako ulit at itinaas ang laylayan ng wedding dress dahil huhubarin ko ang suot kong heels— pakiramdam ko ay namamaga na ang talampakan ko.

Nasa ganoon akong ayos nang biglang bumukas ang pinto at niluwa niyon si Ego. Kaagad na bumaba ang tingin niya sa dibdib ko hanggang sa bumaba iyon papunta sa mga hita ko. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napatayo. Dahil na rin sa natanggal ko na ang isang heel ay nawalan ako ng balanse.

Akala ko ay didiretso ako ng landing sa sahig pero kaagad nahila ni Ego ang kamay ko. Ang siste ay magkadikit na ang mga dibdib namin at naamoy ko na rin ang mabango niyang hininga.

Ilang segundo kaming nagtitigan. Hindi ko mabasa ang ipinapahiwatig ng mga mata niya. Parang—

"Nakahanda na ang sasakyan." Bigla na lang lumitaw si Jander nang hindi ko namamalayan. O baka naman masyado lang nakatuon ang atensyon ko kay Ego?

Bigla akong binitiwan ni Ego kaya ang lakas ng pagkabagsak ko sa sahig. "S-Sinabi ko naman sa iyon na ayaw kong may makitang gasgas diyan sa gown! H-Huwag kasing tatanga-tanga!"

Pagkatapos niyon ay basta na lang siyang lumabas habang ako ay napahawak sa pwet ko— ang lakas ng pagkakabagsak ko.

Tinulungan naman akong tumayo ni Jander— siya ang sumunod sa ranggo ni Ego sa grupo nilang Lucky Nine. Hindi ko nga ang alam kung anong klaseng grupo sila. Iyong mga kasama ni Jander noong araw na dalhin nila ako sa palasyong bahay ni Jander ay iyon din ang bumubuo ng Lucky Nine.

Si Jander Van Rocuerto ang tumatayong abogado ng grupo nila— kaya siya rin ang gumawa ng kontrata at ang nagpaliwanag sa akin ng lahat. At sa kanilang lahat, siya lang itong medyo nakakausap ko nang maayos.

Pero ngayong kaharap ko siya ay parang iba ang dating ng awra niya. Tinulungan niya akong ayusin ang laylayan ng wedding dress. Habang ginagawa iyon ay nagsalita siya. "May idadagdag ako sa mga kondisyon, bilang kapalit ay pwede ka ring magdagdag ng gusto mong kondisyon."

Nang matapos siya sa ginagawa ay hinarap niya ako sa seryoso niyang mga mata. Hindi ko mapigilang hindi kabahan. Pero sa totoo lang ay ngayon ko lang siya natitigan nang ganito. May ibubuga rin naman siya kung mukha ang pag-uusapan. Mas gentleman siya kaysa kay Ego.

"A-Anong kondisyon?" tanong ko at pilit na kinakalma ang puso kong kanina pa ang lakas ng tibok. Bakit parang ayaw kong marinig ang kondisyon na sinasabi niya?

"Ikaw muna," tipid niyang sagot.

Saglit akong napaisip. Ano pa ba ang kailangan ko? Huminga ako nang malalim. "Wala pa akong maisip sa ngayon. Saka na lang kapag alam ko na ang isasagot."

"Sige..." tipid niyang sagot habang naglalakad papunta sa pintuan. "Ang idadagdag kong kondisyon ay huwag mong hayaan ang sarili mong mapalapit kay Ego."

Ano raw?

Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa likod niya. Hinawakan niya ang seradura bago ako nilingon ulit. "Mahal na mahal ni Ego si Roxanne Rios at marahil sobra niya itong nami-miss. Hindi maiiwasan na kapag titingin siya sa iyo ay nakikita niya si Roxanne. Huwag mong isipin na gumagaan na ang loob niya sa iyo. Kita mo naman kung gaano ka niya hindi kagusto. Nadadala lang siya sa pagka-miss niya kay Roxanne kaya marahil minsan ay nag-iiba ang trato niya sa iyo. Kapag hinayaan mong mapalapit ka sa kanya at mahulog ka, ikaw lang din ang masasaktan."

Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin. Oo at napopogian ako kay Ego. Pero sa ugaling mayroon siya at sa trato niya sa akin— imposible akong magkagusto sa kanya.

"Kapag nilabag mo ang kondisyon na iyan..." dagdag niya pa. "Hindi mo makukuha ang ipinangako niyang higit pa sa sampung bilyon."

Nanlaki ang mga mata ko. Sa tingin niya ba ay magugustuhan ko ang animal na iyon? Bago pa ako makapagsalita ay binuksan niya na ang pinto.

Isang putok ang umalingawngaw na nagpabingi sa akin. Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng katawan ni Jander sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagkalat ang dugo sa sahig habang namimilipit siya sa sakit. Sumigaw ako pero kahit sarili kong boses ay hindi ko marinig.

Nanginginig ang mga kamay ko at sinubukan kong lapitan si Jander. Nangangatog ang mga tuhod ko na para bang nakapako na ako sa kinatatayuan ko. Pero nagulat ako nang kaagad siyang may dinukot na baril sa kung saang parte ng katawan o damit niya. Tumingala siya sa akin at sumisigaw pero hindi ko marinig. Nakatulala lang ako sa kanya habang nag-umpisa na rin siyang magpaputok.

Sino ba ang bumaril sa kanya at bakit may dala rin siyang baril?

Santisima! Ano ba itong gulong pinasok ko!

Related chapters

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 4 - Kambal

    "Ano bang nangyayari! Tang ina naman ninyo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang sumisigaw sa harapan ni Ego at ng iba pang miyembro ng Lucky Nine kasama na rin si Abigaile."Kalma ka lang, Miss Roxanne..." sagot ni Rojen na siyang gumagamot ngayon sa sugat ni Jander— siya ang doktor sa grupo nila."Oo nga, malayo sa bituka," nakangiting sagot ni Jander na parang wala lang sa kanya.Isa-isang nagsulputan ang mga miyembro ng Lucky Nine kanina at may mga hawak silang baril. Imbes na sa hospital dinala si Jander ay rito sa palasyong bahay ni Ego kami dinala.Binalik ko ang tingin kay Ego. "Karapatan ko naman sigurong malaman kung anong nangyayari. Paano ako magpapanggap nang maayos kung hindi ko naman alam kung kailan bigla na lang ulit may susulpot na tao sa harapan ko at barilin ako!""Sinabi ko naman sa iyo na ingatan mo ang gown na iyan," malamig na saad ni Jander habang nakatingin sa akin."Eh gago ka pala, eh!" sigaw ko ulit sa kanya. "Tinago ba ninyo so Roxanne Rios dahil a

    Last Updated : 2025-03-07
  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 1 - Kontrata

    "Hoy, kuya! Kahit pangyosi na lang!" sigaw ko sa lalakeng dumaan. "Hay, naku! Sa ganda kong ito? Hindi na naman nakabenta ngayon! Pambihira!"Nagdadabog akong nagparoon at parito. Ilang oras na akong nakatayo rito sa pwesto ko pero kahit pang-candy lang ay wala pa rin akong kinikita. Hindi pa ako nabobokya simula nang magpasya akong sumunod sa yapak ni Nanay. Isang linggo na rin simula ng mawalan ako ng customer. Ni hindi rin ako tinatawagan ng mga VIP customers ko.Napasandig ako sa magaspang at malamig na dingding habang nakatingin sa kalsada. Nagpalinga-linga ako at nakikitang nakakabenta na ang ibang mga babaeng tulad ko. Kung tutuusin ay mas masarap pa akong tingnan kaysa sa kanila.Sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang mag-display ng mukha rito dahil mismong customer na ang naghahanap sa akin— pero bigla na lang natigil ang mga tawag sa akin. Ang sabi sa akin ni Mother— ang handler ko sa pinagtatrabahuan kong club ay rito ako pumwesto. Sinabi ko rin kasi sa kanya na sa malay

    Last Updated : 2025-03-07
  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 2 - Nasaan?

    Nakaharap ako sa salamin habang binabasa ang text message ni Josielyn— nakasakay na raw ng eroplano si Nanay kasama ang private nurse nito.Tipid akong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang text."Ate, ang daming grocery ang dumating! Tapos nag-iwan pa ng pera iyong poging lalake na parang bidang mafia sa isang korean movie!"Mabuti naman at tumupad sa usapan si Ego. Matapos kong pirmahan ang kontrata ay kaagad na ipinaliwanag sa akin ni Jander ang lahat-lahat— iyong lalakeng humabol sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.Kapalit ng pagpapagamot kay Nanay, pag-aaral ng mga kapatid ko hanggang kolehiyo at ang bagong buhay na pinapangarap ko ay wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpanggap bilang si Roxanne Rios— ang kasintahan ni Ego at ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kumbaga magiging substitute bride at asawa ako.Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano

    Last Updated : 2025-03-07

Latest chapter

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 3 - Kondisyon

    "You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari.Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios.Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko.Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?"Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi."Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpanggap

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 2 - Nasaan?

    Nakaharap ako sa salamin habang binabasa ang text message ni Josielyn— nakasakay na raw ng eroplano si Nanay kasama ang private nurse nito.Tipid akong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang text."Ate, ang daming grocery ang dumating! Tapos nag-iwan pa ng pera iyong poging lalake na parang bidang mafia sa isang korean movie!"Mabuti naman at tumupad sa usapan si Ego. Matapos kong pirmahan ang kontrata ay kaagad na ipinaliwanag sa akin ni Jander ang lahat-lahat— iyong lalakeng humabol sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.Kapalit ng pagpapagamot kay Nanay, pag-aaral ng mga kapatid ko hanggang kolehiyo at ang bagong buhay na pinapangarap ko ay wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpanggap bilang si Roxanne Rios— ang kasintahan ni Ego at ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kumbaga magiging substitute bride at asawa ako.Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano

  • Roxi, The Prosti : Contract Marriage With A Mafia Lord   Chapter 1 - Kontrata

    "Hoy, kuya! Kahit pangyosi na lang!" sigaw ko sa lalakeng dumaan. "Hay, naku! Sa ganda kong ito? Hindi na naman nakabenta ngayon! Pambihira!"Nagdadabog akong nagparoon at parito. Ilang oras na akong nakatayo rito sa pwesto ko pero kahit pang-candy lang ay wala pa rin akong kinikita. Hindi pa ako nabobokya simula nang magpasya akong sumunod sa yapak ni Nanay. Isang linggo na rin simula ng mawalan ako ng customer. Ni hindi rin ako tinatawagan ng mga VIP customers ko.Napasandig ako sa magaspang at malamig na dingding habang nakatingin sa kalsada. Nagpalinga-linga ako at nakikitang nakakabenta na ang ibang mga babaeng tulad ko. Kung tutuusin ay mas masarap pa akong tingnan kaysa sa kanila.Sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang mag-display ng mukha rito dahil mismong customer na ang naghahanap sa akin— pero bigla na lang natigil ang mga tawag sa akin. Ang sabi sa akin ni Mother— ang handler ko sa pinagtatrabahuan kong club ay rito ako pumwesto. Sinabi ko rin kasi sa kanya na sa malay

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status