Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya.
"Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis." Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon India. Oo. Sa India. Para mag-mekus-mekus. Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin. Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walo lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios. Paanong hindi? Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga public figure ay umani iyon ng maraming reaksyon. Syempre gusto ko! Walong lugar ba naman ang pupuntahan namin. Aba, pagkakataon ko na iyon para makapunta ng ibang bansa. Hanggang Monumento ni Rizal lang yata ang napupuntahan ko. Partida, nag-aabang pa ako ng customer nun! Pero tumanggi ako. Oo, tumanggi ako. Sino ba namang hindi kung isang tulad ni Ego ang makakasama ko? Naiisip ko pa lang ang mga pang-iinsulto niya sa akin ay para na akong babangungutin! "Ipagpalagay nating hawak siya ng mga kalaban. Sa tingin mo ba ay hindi sila magtataka kung bakit hindi matutuloy ang honeymoon? Iisipin nilang peke ka lang at patuloy lang silang magtatago. Nag-trending pa naman ang post niya tungkol sa magiging honeymoon namin kaya sigurado akong alam na rin ng mga dumukot sa kanya ang tungkol doon," paliwanag ni Ego sa akin kahapon. "Kailangan nating ipakita na hindi tayo apektado." "Kung dinukot talaga siya bakit hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag sa inyo para humingi ng ransom?" tanong ko sa kanya habang nakikinig lang ang iba. "Hindi na biro iyong isang buwan." "Hindi ibig sabihin na dinukot siya ay para sa ransom," sagot ni Ego habang kanina pa nilalaro ang hawak na ballpen. "Kung hindi para sa ransom ay ano ang rason para dukutin siya?" tanong kong muli. Minsan talaga nakakabobo iyong mga taong sobrang talino. Nalipat ang tingin ko kay Jander dahil sa nagpalitan sila ng tingin ni Ego. Ilang saglit pa ay nagsalita muli si Ego. "Hindi mo na kailangang malaman pa." "Putik naman!" Hindi ko na napigilan ang inis ko. "Nandito na ako, oh! Nakataya na rin ang buhay ko rito. Karapatan ko rin namang malaman ang lahat! Kung hindi siya dinukot ay baka lumayas siya o hindi kaya ay patay na—" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang baril na hawak ni Ego pero nakatutok na iyon sa akin ngayon. "Baka gusto mong mamatay na nang tuluyan?" Naikuyom ko ang mga palad. Hindi dahil sa inis kung hindi dahil sa takot. Aba? Ano bang dapat kong maramdaman? Magsaya ako? Mag-party-party? Nakahinga ako nang maluwag nang inagaw ni Jander ang hawak na baril ni Ego. Nilingon niya ako at tiningnan sa mga mata ko. "Bilang importanteng tao si Miss Roxanne para sa kaibigan naming si Ego ay ni minsan hindi namin inisip ang ganoong bagay. Isa pa, wala sa ugali niya ang maglayas." Inirapan ko si Jander at sinalubong ang masamang tingin sa akin ni Ego saka ko itinaas ang hingigitna kong daliri. "Pakyu ka!" Marahas na napatayo si Ego sa kinauupuan niya at handa na sanang sumugod sa akin nang pigilan siya ni Jander. Nakalapit na rin sina Xavier ay Zandro na siyang malapit sa kanya. "Umayos ka ng pananalita mo!" sigaw ni Ego sa akin habang dinuduro ako. "Animal ka ba?" nang-uuyam kong tanong sa kanya. "Oo at malaki ang ibabayad mo sa akin at malaki na rin ang nagastos mo! Pero hindi mawawala ang katotohanang kailangan mo rin ako! Kung ayaw mo palang isipin kong patay na 'yong jowa mo o kaya naman ay naglayas, bakit hindi mo na lang ipaliwanag sa akin lahat! Hindi iyong basta ka na lang maglalabas ng baril mo! Putang ina mo!" Hindi ko na siya hinayaang makasagot dahil kaagad akong umalis. Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Si Jander ang sumundo sa akin at si Abigaile naman ang naghanda ng mga gamit ko. "Hindi mapipirmahan iyang kontrata kung kanina pa ang sama ng tingin mo sa akin." Nabalik ako sa hwisyo nang magsalitang muli si Jander. Nilapag ko sa maliit na mesang nasa harapan ko ang kontrata. "Kailangan talagang naka-tagalog ang buong kontrata? Kahit ganito lang ako ay ganito na talaga ako— ang ibig kong sabihin ay marunong din akong umintindi ng English!" Ina-under examinating ba nila ako? Napaangat ako ng tingin kay Jander nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman ay biglang naging seryoso na ang mukha niya. "Pasensya na. Gusto lang naming maintindihan mo nang maayos ang mga nakapaloob sa kontrata." "Tsk..." Inismiran ko siya at binalik ang atensyon sa kontrata saka iyon binasa nang tahimik. Bawal magtanong ng kahit anong may kinalaman sa pagkawala ni Roxanne Rios. Aba! Inuna talaga? Iwasang makipaglapit kay Ego. Oo na! Lalayo ako sa kanya ng isang milya! Kailangang magmukhang tunay na mag-asawa sa harap ng ibang tao. Kailangang magsalita at kumilos ng mahinhin sa harap ng ibang tao. Bawal makipag-usap sa hindi kakilala. Bawal uminom ng alak o manigarilyo. Hindi mahilig sa matatamis na pagkain si Roxanne Rios kaya iwasan ang mga iyon. Health conscious si Roxanne Rios kaya laging pumunta ng gym. Marahas kong nilapag muli ang kontrata. "Baka nakalimutan ninyong ilagay rito na bawal ding huminga?" "Ah, oo nga pala," saad ni Jander na halos hindi makatingin sa akin. "N-Nakalagay rin sa pinakahuli na b-bawal magreklamo." Binasa ko ulit at tama nga si Jander, naroroon nga. Sa inis ko ay hindi ko na binasa lahat at kaagad na pinirmahan. "Masaya na tayo?" Ngumiti si Jander at nilagay sa dalang envelope ang kontrata. "Huwag kang mag-alala. Gagawin namin ang kondisyong dinagdag mo. Kasalukuyan na iyong ginagawan ng paraan ni Marcelo." Oo nga pala— ang kondisyong dinagdag ko ay alamin nila kung paano kami naging magkambal ni Roxanne Rios at kung bakit nagkalayo kaming dalawa. Nakatingin na ako sa labas ng bintana. Umaandar na ang eroplano. Unang lugar na pupuntahan namin ay ang Taj Mahal na nasa India. Hindi ko pinangarap na makapasyal sa iba't ibang lugar sa labas ng bansa. Pero ito ako ngayon at mararanasan ko na iyon. Nalipat ang tingin ko kay Ego nang umupo siya sa upuang nasa harapan ko. Binalik ko ang tingin sa labas at hindi siya pinansin. "Ang Lucky Nine ay isang mafia organization." Awtomatikong nabalik ang tingin ko kay Ego. "M-Mafia?" "Ang hinala namin ay dinukot siya at dahil mga mafia rin ang kalaban namin... gagawin siyang pain para mapasuko ako dahil siya ang kahinaan ko. Hindi ko alam kung kailan, pero sigurado akong may hinahanda na silang plano at gagamitin nila si Roxanne." At ako naman ang gagamitin nilang pain para mapalabas ang kalaban. Napakaswerte mo Roxanne Rios— kabaliktaran naman sa buhay na mayroon ako. "Hindi nila siya basta p-papatayin..." Nakayuko na si Ego pero ramdam ko naman kung gaano siya kagalit at nasasaktan. "Siguro pinapahirapan na siya ngayon. Alam mo ba gaano kahirap sa akin? Nagpapanggap akong masaya kasama ka. At alam mo ba kung anong mararamdaman ni Roxanne ngayon habang nakikitang masaya ako kasama ka? Samantalang siya ay nasa bingit ng kamatayan..." Napatingin na lang ako sa labas. Unti-unti nang lumilipad sa himpapawid ang eroplano. Natatanaw ko na ang mga ulap sa kalangitan na dati ay tinitingala ko lang. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Huwag kang ganyan. Ilang araw pa lang tayong magkakilala pero nasanay na ako sa animal mong ugali. Huwag kang maging mabait sa akin." Baka hindi ko masunod ang kondisyong binigay ni Jander."Hoy, kuya! Kahit pangyosi na lang!" sigaw ko sa lalakeng dumaan. "Hay, naku! Sa ganda kong ito? Hindi na naman nakabenta ngayon! Pambihira!"Nagdadabog akong nagparoon at parito. Ilang oras na akong nakatayo rito sa pwesto ko pero kahit pang-candy lang ay wala pa rin akong kinikita. Hindi pa ako nabobokya simula nang magpasya akong sumunod sa yapak ni Nanay. Isang linggo na rin simula ng mawalan ako ng customer. Ni hindi rin ako tinatawagan ng mga VIP customers ko.Napasandig ako sa magaspang at malamig na dingding habang nakatingin sa kalsada. Nagpalinga-linga ako at nakikitang nakakabenta na ang ibang mga babaeng tulad ko. Kung tutuusin ay mas masarap pa akong tingnan kaysa sa kanila.Sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang mag-display ng mukha rito dahil mismong customer na ang naghahanap sa akin— pero bigla na lang natigil ang mga tawag sa akin. Ang sabi sa akin ni Mother— ang handler ko sa pinagtatrabahuan kong club ay rito ako pumwesto. Sinabi ko rin kasi sa kanya na sa malay
Nakaharap ako sa salamin habang binabasa ang text message ni Josielyn— nakasakay na raw ng eroplano si Nanay kasama ang private nurse nito.Tipid akong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang text."Ate, ang daming grocery ang dumating! Tapos nag-iwan pa ng pera iyong poging lalake na parang bidang mafia sa isang korean movie!"Mabuti naman at tumupad sa usapan si Ego. Matapos kong pirmahan ang kontrata ay kaagad na ipinaliwanag sa akin ni Jander ang lahat-lahat— iyong lalakeng humabol sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.Kapalit ng pagpapagamot kay Nanay, pag-aaral ng mga kapatid ko hanggang kolehiyo at ang bagong buhay na pinapangarap ko ay wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpanggap bilang si Roxanne Rios— ang kasintahan ni Ego at ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kumbaga magiging substitute bride at asawa ako.Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano
"You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari.Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios.Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko.Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?"Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi."Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpanggap
"Ano bang nangyayari! Tang ina naman ninyo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang sumisigaw sa harapan ni Ego at ng iba pang miyembro ng Lucky Nine kasama na rin si Abigaile. "Kalma ka lang, Miss Roxanne..." sagot ni Rojen na siyang gumagamot ngayon sa sugat ni Jander— siya ang doktor sa grupo nila. "Oo nga, malayo sa bituka," nakangiting sagot ni Jander na parang wala lang sa kanya. Isa-isang nagsulputan ang mga miyembro ng Lucky Nine kanina at may mga hawak silang baril. Imbes na sa hospital dinala si Jander ay rito sa palasyong bahay ni Ego kami dinala. Binalik ko ang tingin kay Ego. "Karapatan ko naman sigurong malaman kung anong nangyayari. Paano ako magpapanggap nang maayos kung hindi ko naman alam kung kailan bigla na lang ulit may susulpot na tao sa harapan ko at barilin ako!" "Sinabi ko naman sa iyo na ingatan mo ang gown na iyan," malamig na saad ni Jander habang nakatingin sa akin. "Eh gago ka pala, eh!" sigaw ko ulit sa kanya. "Tinago ba ninyo so Roxanne R
Hawak ko na ang bagong kontrata na ginawa ni Jander habang kanina pa ako nakatingin nang masama sa kanya."Bakit ganyan ka makatingin?" taas-kilay na tanong niya. "Pirmahan mo na kung wala ka ng tanong. Malapit na kayong umalis."Nandito kami sa isang private property ng pamilya Buencarlos. Nagkalat ang mga helicopter at ilang mga private airplane sa paligid. Prente akong nakaupo sa loob ng isang eroplano. Papunta kami ngayon India.Oo.Sa India.Para mag-mekus-mekus.Ang ibig kong sabihin ay para sa honeymoon namin.Ayon sa gusto ni Roxanne Rios ay may walo lugar siyang gustong puntahan. Iyon ang honeymoon na gusto niya— ang mag-travel sa iba't ibang lugar. At bilang parte ng pagpapanggap ay kailangan naming sundin ang honeymoon na gusto ni Roxanne Rios.Paanong hindi?Bago pa man siya nawala ay pinanglandakan niya na kung ano-anong lugar ang pupuntahan nila ni Ego sa honeymoon nila. Pinost niya pa iyon sa kanyang social media accounts. Dahil parehas sila ni Ego na mga public figure
"Ano bang nangyayari! Tang ina naman ninyo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang sumisigaw sa harapan ni Ego at ng iba pang miyembro ng Lucky Nine kasama na rin si Abigaile. "Kalma ka lang, Miss Roxanne..." sagot ni Rojen na siyang gumagamot ngayon sa sugat ni Jander— siya ang doktor sa grupo nila. "Oo nga, malayo sa bituka," nakangiting sagot ni Jander na parang wala lang sa kanya. Isa-isang nagsulputan ang mga miyembro ng Lucky Nine kanina at may mga hawak silang baril. Imbes na sa hospital dinala si Jander ay rito sa palasyong bahay ni Ego kami dinala. Binalik ko ang tingin kay Ego. "Karapatan ko naman sigurong malaman kung anong nangyayari. Paano ako magpapanggap nang maayos kung hindi ko naman alam kung kailan bigla na lang ulit may susulpot na tao sa harapan ko at barilin ako!" "Sinabi ko naman sa iyo na ingatan mo ang gown na iyan," malamig na saad ni Jander habang nakatingin sa akin. "Eh gago ka pala, eh!" sigaw ko ulit sa kanya. "Tinago ba ninyo so Roxanne R
"You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari.Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios.Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko.Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?"Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi."Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpanggap
Nakaharap ako sa salamin habang binabasa ang text message ni Josielyn— nakasakay na raw ng eroplano si Nanay kasama ang private nurse nito.Tipid akong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang text."Ate, ang daming grocery ang dumating! Tapos nag-iwan pa ng pera iyong poging lalake na parang bidang mafia sa isang korean movie!"Mabuti naman at tumupad sa usapan si Ego. Matapos kong pirmahan ang kontrata ay kaagad na ipinaliwanag sa akin ni Jander ang lahat-lahat— iyong lalakeng humabol sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.Kapalit ng pagpapagamot kay Nanay, pag-aaral ng mga kapatid ko hanggang kolehiyo at ang bagong buhay na pinapangarap ko ay wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpanggap bilang si Roxanne Rios— ang kasintahan ni Ego at ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kumbaga magiging substitute bride at asawa ako.Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano
"Hoy, kuya! Kahit pangyosi na lang!" sigaw ko sa lalakeng dumaan. "Hay, naku! Sa ganda kong ito? Hindi na naman nakabenta ngayon! Pambihira!"Nagdadabog akong nagparoon at parito. Ilang oras na akong nakatayo rito sa pwesto ko pero kahit pang-candy lang ay wala pa rin akong kinikita. Hindi pa ako nabobokya simula nang magpasya akong sumunod sa yapak ni Nanay. Isang linggo na rin simula ng mawalan ako ng customer. Ni hindi rin ako tinatawagan ng mga VIP customers ko.Napasandig ako sa magaspang at malamig na dingding habang nakatingin sa kalsada. Nagpalinga-linga ako at nakikitang nakakabenta na ang ibang mga babaeng tulad ko. Kung tutuusin ay mas masarap pa akong tingnan kaysa sa kanila.Sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang mag-display ng mukha rito dahil mismong customer na ang naghahanap sa akin— pero bigla na lang natigil ang mga tawag sa akin. Ang sabi sa akin ni Mother— ang handler ko sa pinagtatrabahuan kong club ay rito ako pumwesto. Sinabi ko rin kasi sa kanya na sa malay