Nakaharap ako sa salamin habang binabasa ang text message ni Josielyn— nakasakay na raw ng eroplano si Nanay kasama ang private nurse nito.
Tipid akong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang text. "Ate, ang daming grocery ang dumating! Tapos nag-iwan pa ng pera iyong poging lalake na parang bidang mafia sa isang korean movie!" Mabuti naman at tumupad sa usapan si Ego. Matapos kong pirmahan ang kontrata ay kaagad na ipinaliwanag sa akin ni Jander ang lahat-lahat— iyong lalakeng humabol sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kapalit ng pagpapagamot kay Nanay, pag-aaral ng mga kapatid ko hanggang kolehiyo at ang bagong buhay na pinapangarap ko ay wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpanggap bilang si Roxanne Rios— ang kasintahan ni Ego at ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kumbaga magiging substitute bride at asawa ako. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano mang rason ni Ego. Ang importante sa akin ay ang kabayaran sa pagpapanggap ko— sapat na iyon para pumayag ako. Ang gumugulo lang sa isipan ko ay bakit kamukhang-kamukha ko siya at parehas pa kami ng pangalan— Roxanne Bustamante ako at Roxanne Rios naman siya. Isa pa ay magkaedad din kami. Hindi nga lang kami parehas ng birthday. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makita at makausap si Nanay dahil kaagad na akong sumabak sa matinding pagpapanggap. Nagpa-press conference si Ego kahapon at inanunsyo ang magaganap naming kasal ngayon sa lahat. Oo ngayon. Sa unang tingin ay masasabi mong tahimik, may pagkamisteryoso, at parang may sariling mundo si Ego. Kaya nagulat ako nang siya mismo ang humarap sa media. Pakiramdam ko ay sinadya niya ang bagay na iyon— na sinadya niyang ipaalam sa lahat na ikakasal kami. Kilalang tao pala si Diego Buencarlos sa lipunan o mas kilala bilang si Ego ng Buencarlos Corporation— isang kumpanya ng mga furniture, mga alahas, mga makabagong teknolohiya at mga hotel at resort kung saan sila pinakakilala. Sa loob lamang ng tatlong araw ay pinasaulo sa akin ni Abigaile ang iilan sa mga basic daw. Si Abigaile De Leon ang magiging personal assistant ko na siya ring personal assistant ng kamukha kong si Roxanne. Napatulala pa siya sa akin nang una kaming magkita. Hindi raw siya makapaniwala na kamukhang-kamukha ko ang amo niyang si Roxanne. Tinanong ko rin siya kung nasaan ang tunay na Roxanne Rios at ang sabi niya ay malalaman ko rin daw sa takdang panahon. Sa ngayon ay kailangan ko muna raw pag-aralan kung paano maging siya. Isang engineer si Roxanne Rios— nag-iisang anak ng mga Rios na may sariling construction company at hindi lang nangunguna sa bansa kung hindi pati na rin sa buong Asia. Nakukuha ko na ang paglakad niya, pati na rin ang pagkilos ng mahinhin. Ang pagsasalita na lang ng Ingles, putik talaga! Biglang bumukas ang pinto kaya mula sa salamin ay napaangat ang tingin ko roon. Napako ang tingin ko kay Ego na nakasuot ng puting amerikana. Parang biglang bumagal ang pagdaloy ng oras at bumabagal din ang paglalakad ni Ego papunta sa akin. Kaagad na naputol ang pagpapantasya ko nang bigla siyang magsalita. "Ayaw kong makakita ng kahit kaunting gasgas o punit sa gown na iyan, hindi iyan sa iyo." Aray naman. Wala naman akong sinabi na akin ang wedding dress na suot ko ngayon. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko— sa suot kong engagement ring. "Sa iyo na ang singsing na iyan. Kopya lang naman iyan sa tunay na binigay kong singsing kay Roxanne. At tandaan mo, ang lahat ng tungkol sa kasal na ito ay ideya at pangarap niyang kasal. Huwag mong dudungisan at umayos ka mamaya." Hindi ako basta nagpapaapi. Lumalaban ako. Pero bakit tumitiklop ako sa gago na ito? Umiwas ako ng tingin. "Huwag kang mag-alala. Naintindihan kong mabuti ang nakasulat sa kontrata." Bawat pagkakamali ko ay kakaltasan niya ako ng isang milyon. "Mabuti naman," walang emosyon niyang sagot. "Ang alam ko kasi ay wala kang pinag-aralan kaya ka naging isang bayarang babae." Naikuyom ko ang mga palad ko. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Tanggap ko naman ang tungkol sa bagay na iyon. Pero bakit kapag galing sa kanya— ang bigat sa pakiramdam at nakakapangliit sa sarili. Tinalikuran niya na ako pero bago pa man siya umalis ay nagsalita pa siyang muli. "Hindi ko ba alam kung bakit ikaw pa ang naging kamukha ni Roxanne. Hindi ko mapigilang mandiri." Tumingala ako sa kulay kahel na kisame habang pigil na pigil ang mga luhang pumatak. "Kalma ka lang, Roxi! Ang make up... ang make up!" Ilang beses yata akong huminga nang malalim. Ganito pala kahirap kumita ng bilyon! Dahil mukha akong pera ay ayos lang ito, kakayanin ko ito. Hindi naman ako mamamatay sa mga masasakit na salita. Isa pa mas okay na itong ganito. Hindi ko na kailangang harapin ang mga customer kong hayok sa laman, hindi ko na mararamdaman ang mga makapanindig balahibo nilang hawak sa katawan ko, at higit sa lahat... Hindi na madadagdagan ang pandidiri ko sa sarili ko. Bumukas muli ang pinto at nakangiting nakatingin sa akin si Abigaile. "Magsisimula na ang ceremony, Miss Roxanne." Mabuti na lang at mabait si Abigaile. Pagkatapos ng kasal ay magpapatuloy siya sa pagtuturo sa akin, lalo pa at kailangan ko ring magpanggap bilang isang engineer. Isang hingang malalim muli ang pinakawalan ko bago sumunod kay Abigaile. "Ang ganda mo anak..." salubong sa akin ng nanay ni Roxanne na si Vilma Rios pagkatapos ay niyakap ako. "Manang-mana sa iyo, Hon," sagot naman ng tatay ni Roxanne na si Fernando Rios. "Ganyan ka rin kaganda noong kasal natin." Hindi ko mapigilang hindi titigan si Mr. Rios. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala alam ang pangalan ng tatay ko. Dati kasi ay wala akong pakialam kung sino man siya kaya hindi na ako nagtanong kay Nanay. Marahil dahil sa galit ko sa kanya. Dati ay kuntento na ako sa kung anong mayroon sa buhay ko. May pangarap akong gustong abutin pero kahit ni minsan ay hindi ako nainggit sa kahit na sino. Nagsumikap lang ako sa paraang alam ko. Pero ngayon... Punong-puno ako ng inggit kay Roxanne Rios. Nasa kanya na ang lahat. Pero nasaan ba siya? Bakit hinayaan niya lang ang ganitong kaswerteng buhay na mapunta sa iba?"You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari.Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios.Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko.Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?"Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi."Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpanggap
"Ano bang nangyayari! Tang ina naman ninyo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko habang sumisigaw sa harapan ni Ego at ng iba pang miyembro ng Lucky Nine kasama na rin si Abigaile."Kalma ka lang, Miss Roxanne..." sagot ni Rojen na siyang gumagamot ngayon sa sugat ni Jander— siya ang doktor sa grupo nila."Oo nga, malayo sa bituka," nakangiting sagot ni Jander na parang wala lang sa kanya.Isa-isang nagsulputan ang mga miyembro ng Lucky Nine kanina at may mga hawak silang baril. Imbes na sa hospital dinala si Jander ay rito sa palasyong bahay ni Ego kami dinala.Binalik ko ang tingin kay Ego. "Karapatan ko naman sigurong malaman kung anong nangyayari. Paano ako magpapanggap nang maayos kung hindi ko naman alam kung kailan bigla na lang ulit may susulpot na tao sa harapan ko at barilin ako!""Sinabi ko naman sa iyo na ingatan mo ang gown na iyan," malamig na saad ni Jander habang nakatingin sa akin."Eh gago ka pala, eh!" sigaw ko ulit sa kanya. "Tinago ba ninyo so Roxanne Rios dahil a
"Hoy, kuya! Kahit pangyosi na lang!" sigaw ko sa lalakeng dumaan. "Hay, naku! Sa ganda kong ito? Hindi na naman nakabenta ngayon! Pambihira!"Nagdadabog akong nagparoon at parito. Ilang oras na akong nakatayo rito sa pwesto ko pero kahit pang-candy lang ay wala pa rin akong kinikita. Hindi pa ako nabobokya simula nang magpasya akong sumunod sa yapak ni Nanay. Isang linggo na rin simula ng mawalan ako ng customer. Ni hindi rin ako tinatawagan ng mga VIP customers ko.Napasandig ako sa magaspang at malamig na dingding habang nakatingin sa kalsada. Nagpalinga-linga ako at nakikitang nakakabenta na ang ibang mga babaeng tulad ko. Kung tutuusin ay mas masarap pa akong tingnan kaysa sa kanila.Sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang mag-display ng mukha rito dahil mismong customer na ang naghahanap sa akin— pero bigla na lang natigil ang mga tawag sa akin. Ang sabi sa akin ni Mother— ang handler ko sa pinagtatrabahuan kong club ay rito ako pumwesto. Sinabi ko rin kasi sa kanya na sa malay

"You may now kiss the bride..." anunsyo ng pari.Napaghandaan ko na ito. Alam kong ayaw ni Ego na humalik sa akin dahil lantaran naman ang pagpapakita niya ng pandidiri sa akin. Mabuti na lang at mahiyain at mahinhin si Roxanne Rios.Kaya naman ay kaagad akong humarap sa mga bisita at magsasalita na sana nang bigla niyang kinabig ang beywang ko at sa hindi inaasahan ay naglapat ang aming mga labi. Para akong isang nauupos na kandila. Ang kamay ko ay nanghihinang nakapatong sa dibdib niya habang nakayakap naman siya sa beywang ko.Kung hindi pa yata pumalakpak ang mga tao ay hindi pa siya lalayo sa akin. Nakangiti siyang nakaharap sa lahat habang may sinasabi sa akin. "Baka nakalimutan mong kailangan nating magpanggap na nagmamahalan talaga tayo kapag nasa harap ng ibang tao?"Oo nga pala. Kasali iyon sa mga kondisyon at wala akong karapatang humindi."Huwag mong isipin na gusto kitang halikan," dagdag niya pa. "Maraming mata ang nakamasid sa akin ngayon, kaya kailangan kong magpanggap
Nakaharap ako sa salamin habang binabasa ang text message ni Josielyn— nakasakay na raw ng eroplano si Nanay kasama ang private nurse nito.Tipid akong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang text."Ate, ang daming grocery ang dumating! Tapos nag-iwan pa ng pera iyong poging lalake na parang bidang mafia sa isang korean movie!"Mabuti naman at tumupad sa usapan si Ego. Matapos kong pirmahan ang kontrata ay kaagad na ipinaliwanag sa akin ni Jander ang lahat-lahat— iyong lalakeng humabol sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.Kapalit ng pagpapagamot kay Nanay, pag-aaral ng mga kapatid ko hanggang kolehiyo at ang bagong buhay na pinapangarap ko ay wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpanggap bilang si Roxanne Rios— ang kasintahan ni Ego at ang babaeng dapat niyang pakasalan. Kumbaga magiging substitute bride at asawa ako.Hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Wala naman talaga akong pakialam sa kung ano