Share

CHAPTER 58

last update Last Updated: 2024-02-21 20:29:41

THIRD PERSON'S POV

"Kailan ang balik mo?" tanong ni Aliya kay Jacobe. Aalis kasi ang binata dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.

Lumapit ang binata at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "Hindi pa ako umaalis eh nami-miss mo na ako agad," pagbibiro nito.

"Mami-miss talaga kita." Ngumuso pa siya.

Nanlaki ang mga mata ni Jacobe dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga. Nababaliw na naman sa bilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Ilang araw lang, Liya. Babalik din ako kaagad. Huwag kang magpapasaway rito ah. Huwag matigas ang ulo habang wala ako," paalala niya.

"Bilisan mo ang pagbalik, dahil wala pa naman akong ibang kakampi rito kapag inaaway ako ni Gavin."

Bahagyang natawa ang binata. "Isumbong mo kay Nanay Elsie. Kakampi mo rin 'yon."

"Sige na, umalis ka na. Kapag nagtagal ka pa, baka humagulgol na ako rito."

Lumapit ito sa kaniya at siya'y niyakap. "Mag-iingat ka rito dahil babalik ako kaagad."

NAKAUPO si Aliya sa ilalim ng punong mayabong habang nagsusulat sa ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Wena Pajalla
grave anyre sbrang tgal n ai
goodnovel comment avatar
Wena Pajalla
wla n aasahan ah...
goodnovel comment avatar
Wena Pajalla
sbrang tgal n.syang nman!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 1

    Minsan, sa buhay natin, akala natin na tayo lang ang binigyan ng mabigat na pagsubok. Minsan, mapapaisip tayo kung may nagmamahal pa ba sa atin. Hindi natin namamalayang sa kabila ng ating pinagdadaanan, ay may mga tao rin pa lang may dala-dalang mabigat na problema. Sa kabila ng kanilang kalungkutan ay dahil pala sa hindi inaasahang pangyayari ng nakaraan.ALIYA'S POVMukha na akong lantang gulay habang naglalakad pauwi sa aking tinitirhan dahil sa kamalasan ngayong araw. Ngayong araw kasi ay tinanggal na naman ako sa trabaho sa hindi ko alam na dahilan. Ito na rin ang panglimang trabaho na tinanggal ako. Ganito na siguro ako kamalas sa buhay. Ilang metro na lang ang layo ko mula sa bahay nang sa hindi inaasahan ay nakita ko si Aling Belinda, ang may-ari ng inuupahan kong bahay, sa harapan ng tinitirhan ko. Mabilis na napalakad ako palapit dito."Mabuti naman at nandiyan ka na," saad niya nang makita ako."Aling Belinda," mahinahong tawag ko sa pangalan niya.Bigla akong kinabahan d

    Last Updated : 2023-09-20
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 2

    ALIYA'S POVHindi ko alam kung mahihiya ba ako o magagalit dahil sa lalaking iyon. Malay ko bang sa kaniya 'yon. Tsk!Kinuha ko na ang dalawang malalaking bag at aalis na sa lugar nang may dalawang lalaking papalapit sa akin. Lumingon-lingon pa ako kung sa akin ba sila papalapit at napagtanto kong sa akin nga dahil sa akin sila nakatingin. Ni hindi ko nga sila kilala kaya nakapagtataka lang na papalapit sila.Akma na akong tatakbo nang hawakan nila ang magkabilang braso ko. Hindi na nga ako nakapalag pa dahil mabigat ang mga dala kong bag."Teka lang naman mga kuya, hindi ko kayo kilala kaya bakit niyo ako kinukuha?" mahinahon lang ang pagkakasabi ko habang pilit na iwinawaksi ang aking mga braso sa kanilang mga makakapal na kamay. "Teka lang, ano ba? Sisigaw ako, isa, dalawa, tatlo, aba ayaw niyo talaga akong bitawan ah."Nagpupumiglas na ako pero wala silang pakialam. Ipinasok na nga nila ako sa loob ng itim na van. Akala ko pa naman ay puting van ang nangunguha, hindi nasabi sa bal

    Last Updated : 2023-09-20
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 3

    THIRD PERSON'S POV"Velasquez," nakangising tawag ng matanda sa nagngangalang Velasquez."Ano ang kailangan mo, Don Felix?" tanong sa kabilang linya."Well, mukhang hindi ako ang kailangan mo," sagot ng matanda. "Mukhang ikaw ang kailangan niya," dagdag pa nito.Nagtaka ang lalaki sa kabilang linya kaya napatanong siya sa matanda."Ano ang ibig mong sabihin?""Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga babaeng katawa-tawa."Mas nagtaka ito dahil sa sinabi ng matanda."Puwede bang diretsuhin mo na ang nais mong sabihin?" bulalas nito sa matanda.Naiinis siya kapag binibitin siya."Relax, sasabihin ko na kaya relax," wika ng matanda. "Nasa amin ang girlfriend mo. Hindi ko alam na nagka-girlfriend ka pala ulit.""Girlfriend?""Tingnan mo ang litratong ipinasa ng aking tauhan sa iyo," utos ng matanda.Dali-daling tiningnan nga nito ang tatlong litrato.Ang unang litrato ay ang pakikipag-usap niya sa isang babae. Ang pangalawa ay pawang hinalikan niya ito base sa anggulo ng kuha. Ang pangatlo

    Last Updated : 2023-09-20
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 4

    ALIYA'S POV"Saan natin siya ibababa, sir?" tanong ng drayber sa katabi ko. Medyo nakalayo na rin kami sa bodega na 'yon. Ngayon ko lang din nalaman na amo pala nila itong lalaking katabi ko."Diretso tayo sa bahay," sagot nito."Huwag na," pagtutol ko. "Sa bahay ko na lang. Doon niyo na lang ako ihatid," dugtong ko kahit wala naman talaga akong matutuluyan ngayon.Tiningnan ako ng katabi ko at ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Guwapo rin ang isang ito ah at mukhang mas mabait kesa sa katabi ko."Mukhang may bahay ka pa sa lagay mong 'yan?" wika niya. Natahimik ako dahil sa sinabi niya. "Tingnan mo nga ang sitwasiyon mo. Sabi mo kanina ay dala mo lahat ng mga gamit mo so, bakit dala-dala mo lahat ng mga gamit mo kung may bahay ka pa?" tanong niya sa akin.Gusto kong umiyak sa mga oras na 'to dahil sa sinabi niya. Oo, aaminin ko, wala na akong matutuluyan dahil pinalayas ako sa tinitirhan ko. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero huwag na lang. Mas magmumukha lang

    Last Updated : 2023-09-30
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 5

    ALIYA'S POV"To my office. Now," diing wika niya habang nakatingin sa akin. Sakto naman ang pagdating ni Jacobe kaya medyo nabawasan ang kaba ko.Sinenyasan ako ni Jacobe na sumunod na kaya nagsimula na akong maglakad. Si Jacobe ay nakasunod lang din sa akin. Bawat sampung hakbang ay lumilingon ako sa kaniya. Pinapaalala niya sa akin na huwag mabahala kaya sa harap na ulit ang tingin ko.Pumasok kami sa isang silid na siyang opisina ni sungit. Malaki ang opisina niya. Sobrang linis at organisado. Umupo ito at sinenyasan niya akong umupo sa upuang kaharap ng kaniyang mesa. Tahimik na naupo ako habang si Jacobe ay nakatayo lang. Sinulyapan ko si Jacobe pero nagulat ako nang magsalita si sungit."Sino ang nag-utos sa iyo na manguha ng mga bulaklak sa hardin?" madiin ang boses na tanong niya. Nilingon ko si Jacobe at nagsalita ito. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa kaba."Gusto niya pong mamitas ng mga bulaklak kaya sinabi ko po sa kaniya na puwede," sagot ni Jacobe. Seryoso lang ang muk

    Last Updated : 2023-09-30
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 6

    ALIYA'S POV"Ayan, mas maganda na itong kuwarto," nakangiting wika ko nang mailagay na sa isang maliit na mesa sa tapat ng sofa ang flower vase. "Mas maganda na ang aking umaga gayong makakakita ako ng puting rosas sa oras na magising ako."Pagkatapos nito ay naligo na muna ako dahil sa tingin ko ay iba na ang amoy ko. Malaki ang banyo na may shower na at palikuran. Mayroon ding bathtub. Nagsimula na nga akong maghubad. Nang mahubad na lahat ng aking kasuotan ay sisimulan ko na ang pagligo.Nilibot ko ang aking paningin dahil hinahanap ang pambukas ng shower. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako marunong magbukas ng shower. Nasanay ba naman ang isang tulad ko sa balde o 'di kaya'y planggana.Naisipan kong baka puwede ako makahingi ng tulong kay Jacobe sa pagbubukas ng shower. Oo, tama, si Jacobe nga ang kailangan ko ngayon. Sana ay nandiyan lang siya sa tabi-tabi. Akma na akong lalabas nang maalalang wala pala akong saplot. Naku po! Agad na kinuha ko ang tuwalya at itinapis sa

    Last Updated : 2023-09-30
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 7

    DEAN GAVIN'S POVAno itong aking nararamdaman? Bakit bumibilis ang tibok ng aking puso? Nakatitig lang naman ako sa mga mata niya pero bakit ganito?Dahil kanina pa kami nakatitig sa isa't-isa ay ako na ang pumutol ng titigang iyon."I am going back inside. Pumasok ka na rin at magpahinga," wika ko at siya'y tinalikuran na.Kahit na medyo nanghihina ang aking katawan ay pinilit kong bilisan ang aking lakad. I don't like this feeling. I don't want to feel this feeling again. Kailangan kong hindi maglalapit-lapit sa kaniya. Kailangan kong iwasan siya para sa ikabubuti naming dalawa.ALIYA'S POVSampung araw na akong nananatili sa malaking bahay na ito. Ang tanging ginagawa ko lang sa araw-araw ay kumain, matulog sa malambot na kama, ang maligo sa malamig na shower, ang libutin ang malawak na hardin, manood ng palabas sa telebisyon at titigan ang magandang water fountain. Masasabi kong napakaganda talaga ng aking buhay rito. Akala ko ay puro kamalasan ang dala ko sa buhay pero hindi pala

    Last Updated : 2023-10-02
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 8

    ALIYA'S POVAgad na nag-inat ako nang ako'y magising. Umiyak ako kagabi pero maganda ang tulog ko. Napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. Niyakap niya ako. Sa wakas ay pinansin na niya ako ulit. Nagkausap kami. Iyon na ba ang simula ng pagiging namin sa isa't-isa? Sana nga.Bumaba na ako ng kama at pumasok sa banyo. Pansin ko ang bahagyang pamamaga ng aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Grabeng iyak ko pala kagabi. Buti na lang talaga at dumating si Gavin dahil kung hindi, hindi ko talaga alam ang aking gagawin.Naghilamos na ako at lumabas na ng banyo. Inayos ko na ang aking sarili bago lumabas ng kuwarto. Nang madaanan ang hapag-kainan ay nakita ko si Gavin na nakaupo sa kaniyang puwesto. Mag-isa lang ito na siya namang nais niya. Ang pagkain niya ay halatang hindi pa niya nagagalaw. Mukhang may hinihintay ata siya. Sino kaya?Dahan-dahan akong lumapit sa refrigerator para kumuha ng maiinom nang mapatigil ako."Buti naman gising ka na," wika ng isang pamilyar na bos

    Last Updated : 2023-10-02

Latest chapter

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 58

    THIRD PERSON'S POV"Kailan ang balik mo?" tanong ni Aliya kay Jacobe. Aalis kasi ang binata dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.Lumapit ang binata at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "Hindi pa ako umaalis eh nami-miss mo na ako agad," pagbibiro nito."Mami-miss talaga kita." Ngumuso pa siya.Nanlaki ang mga mata ni Jacobe dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga. Nababaliw na naman sa bilis ang tibok ng kaniyang puso."Ilang araw lang, Liya. Babalik din ako kaagad. Huwag kang magpapasaway rito ah. Huwag matigas ang ulo habang wala ako," paalala niya."Bilisan mo ang pagbalik, dahil wala pa naman akong ibang kakampi rito kapag inaaway ako ni Gavin."Bahagyang natawa ang binata. "Isumbong mo kay Nanay Elsie. Kakampi mo rin 'yon.""Sige na, umalis ka na. Kapag nagtagal ka pa, baka humagulgol na ako rito."Lumapit ito sa kaniya at siya'y niyakap. "Mag-iingat ka rito dahil babalik ako kaagad."NAKAUPO si Aliya sa ilalim ng punong mayabong habang nagsusulat sa ka

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 57

    THIRD PERSON'S POVMaagang nagising si Aliya. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay namamaga ang kaniyang mga mata."Epekto ng sobrang iyak kagabi," sambit niya sa sarili.Inayos na niya ang sarili at lumabas na ng silid.Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas nang makasalubong niya rito si Gavin. Nagkatitigan sila ng ilang segundo pero agad din iyong pinutol ng binata. Talagang malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.Hindi niya na lang ito pinansin. Kumuha na lang siya ng tasa, gatas at asukal.Pagkatapos magtimpla ay umupo siya sa isang stool at dahan-dahang uminom. Silang dalawa lang ng binata ang nasa kusina. Umiinom ito ng kape habang nakasandal sa countertop.Ilang pulgada lang ang layo nila pero parang hindi nila kilala ang isa't-isa.Napanguso si Aliya nang makaramdam ng gutom. Wala pa sina Nanay Elsie kaya tiyak na wala pang lutong pagkain sa kusina. Dahil dito, ang ginawa niya ay iniwan ang iniinom na gatas at naghanap ng puwedeng kainin sa kusina.Binu

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 56

    THIRD PERSON'S POVKanina pa palibot-libot sa buong silid niya si Aliya. Gusto na niyang makumpirma ang mga nangyayari sa katawan niya. Pero ano ang magagawa niya? Hindi siya puwedeng lumabas at pumunta sa ospital.Umupo siya sa sofa at may hinanap na pangalan sa kaniyang contacts. Ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya ngayon."Hello, Liya. Napatawag ka?" tanong nito sa kaniya.Napakagat siya ng kaniyang kuko at nag-iipon ng lakas ng loob kung paano sasabihin ito sa binata."J-Jacobe, nasaan ka?" tanong niya rito."Nasa hardin, bakit?""M-May request lang sana ako sa 'yo. May ipag-uutos ako sa 'yo kung hindi ka naman busy.""Okay! What is it?""Ano kasi. . .uhmm. . .puwede bang dito na lang tayo sa silid mag-usap? Importante lang, Jacobe.""Sige. Papunta na ako diyan."Pinatay na niya ang tawag at ilang minuto rin nang makarinig ng katok.Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang binata. . .pinapasok niya ito."Siguradong hindi ka busy ah?" paninigurado niya."Siguradong-sigur

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 55

    THIRD PERSON'S POVPagkagising na pagkagising ni Aliya ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Sa silid niya sa mansion siya natulog dahil hindi naman umuwi ang binata.Mabilis siyang humarap sa lababo at doon sumuka. Parang may kung ano sa sikmura niya na dahilan ng kaniyang pagsusuka.Malalalim ang kaniyang paghinga. Binuksan niya ang gripo at nagmumog. Pagkatapos ay pinatay na niya ito at tinitigan ang sarili sa salamin. Iba ang kutob niya rito kaya bigla siyang kinabahan.Inayos na muna niya ang sarili bago lumabas nang tuluyan sa silid."Good morning po, 'nay, Ate Trina at Ate Irma," masiglang bati niya sa mga ito. Nasa kusina ang mga ito at naghahanda ng pagkain."Magandang umaga, Liya," ani ni Trina."Good morning din, Liya," bati naman ni Irma."Magandang umaga rin, anak. Gutom ka na ba? May luto nang pagkain kaya puwede ka nang kumain kung gusto mo," sambit ni Nanay Elsie."Sasabay na po ako kanila Jacobe, 'nay. Magtitimpla na po muna ako ng kape."Kumuha na siya ng tasa at kinuha

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 54

    THIRD PERSON'S POVHalos ilang minuto rin ang itinagal ng iyak ng dalaga hanggang sa makatulog ito sa mga braso ng binata."Aliya?" tawag niya rito pero wala siyang nakuhang sagot. "Liya?" At wala pa ring sagot. Dito niya napagtanto na nakatulog na ito.Binuhat niya ang dalaga at binaybay ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie.Tinawag niya ang matanda na ilang saglit lang ay binuksan ang pinto."Bakit, Jacobe?" tanong nito sa binata. "Harujusko! Ano'ng nangyari diyan!?""Nakatulog po sa mga braso ko, 'nay. Dito ko po muna siya patutulugin," sagot niya."B-Bakit naman?" Makahulugan itong tiningnan ng binata na agad naman nitong naintindihan. "Ang dalawang 'yan talaga. Parang lagi na lang nag-aaway ah. Kawawa tuloy itong Aliya ko.""Saan ko po siya ilalagay, 'nay?" tanong niya nang makapasok na sila sa silid ng matanda."Dito na sa kama." Inayos ito ng matanda bago inilapag ni Jacobe ang dalaga.Bahagya pang gumalaw ang dalaga nang mailapag na ito ng binata, pero kaagad din naman i

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 53

    THIRD PERSON'S POVJust like Jacobe said, pinuntahan ulit nila ang hotel kinabukasan para tingnan ang CCTV. . .kasama sina Miko at Erol. Sa una ay hindi pumayag ang security management because of security protocols, pero sa huli ay pumayag din. Ang may-ari kasi ng hotel ay kaibigan ng ama ni Jacobe kaya tinawagan nito ang ama para pakiusapan ang kaibigan nito. Sa una ay ayaw pumayag ng ama na kalauna'y pumayag na rin. Kahit may alitan, ay anak niya pa rin ito, at ramdam niyang importante ang bagay na ito sa anak dahil kinausap siya nito para lang dito.Masinsinan nilang tinutukan ang CCTV footage. Sinabi nila ang oras ng pangyayari at ang lugar kung saan iyon nakita ng dalaga.Pinahinto ni Gavin ang video nang mapansin niya ang isang kahina-hinalang lalaki. Katulad na katulad iyon sa deskripsiyon ng dalaga rito."Puwede niyo bang sundan ang bawat lugar na dinaanan ng lalaking ito?" utos niya sa mga security personnel na agad naman nilang sinunod.'Paano siya nakalusot sa mga security

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 52

    THIRD PERSON'S POVNaglibot nga sila sa mall habang kasama ang iilan sa tauhan ng binata.Pinagmamasdan lang siya ng binata habang namimili."The color looks great on you, love," he complimented her nang sukatin niya ang isang pares ng stiletto. It was color beige that suited her fair complexion.Naiilang na ngumiti siya. Gusto man niya pero nalula siya sa presyo.Nilapitan niya ang binata. "Gavin, masiyadong mahal kaya pili na lang tayo ng iba," bulong niya rito.Hindi nito pinakinggan ang dalaga. "We'll get this one," sambit ng binata sa isa sa mga staff. "And also, we will get every color of that stiletto you have. Same size and style," dagdag pa nito."Gavin!" reklamo niya pero wala na siyang magagawa dahil mapilit ang binata.Namili na rin siya ng ilang mga damit na mula sa iilang sikat na mga kompanya. . .mga luxury brands. Pipili siya and then complain after because of the price. Ngunit, walang pagdadalawang-isip na binibili ito ng binata."Tama na ito, Gavin. Masiyado nang ma

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 51

    THIRD PERSON'S POVAraw-araw ginugulo si Gavin ng text mula sa unknown number. Dahil dito, pinipilit niyang mag-focus sa mga gawain nila at nang matapos kaagad.'I saw your girl kanina sa hardin. She really has this aura na gusto kong matikman. She's pretty and seems like delicious enough for me. Nangangati ang mga daliri ko sa kaniya.'He crumpled the paper he's holding. Nangangalaiti siya sa galit. Pinangako niya sa sarili na sa oras na makita at makilala niya ito ay hindi na niya ito hahayaan pang huminga. "WE'LL start now. Wala tayong sasayanging oras. Tapusin ang dapat tapusin. Kung maaari ay mag-overtime tayo para matapos kaagad," ma-otoridad na turan niya sa mga ito.Sumang-ayon naman ang lahat sa kaniya.Panglimang araw na nila rito at nagagalak si Gavin na malapit na silang matapos. Balak na niyang tapusin ngayon at nang makauwi na sila bukas.Malalaking ngiti at malalakas na palakpakan ang namayani sa loob ng silid nang tuluyan na nga silang matapos. Kahit si Gavin ay malawa

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 50

    THIRD PERSON'S POVTakipsilim na nang tumawag ulit si Gavin."Good evening, love. Sorry ngayon lang napatawag, kagigising ko lang kasi," imporma nito."Ayos lang. Wala namang problema," magiliw na tugon ng dalaga."What are you doing?" tanong nito."Nakaupo lang dito sa balkonahe habang nagpapahangin.""Bukas pa magsisimula ang totoong pakay namin dito kaya nakatambay muna ako sa kuwarto. Ayaw ko rin namang makihalubilo masiyado sa kanila dahil mga matatanda na. Hindi ako makasabay," pagbibiro nito."Kapag tumanda ka tulad nila, ganiyan ka rin naman. Para bang sila ang future mo," natatawang saad ni Aliya."Yeah! Tapos ikaw ang kasama ko sa pagtandang iyon."Aliya's heart beats crazily. Para siyang hindi makahinga dahil sa bilis no'n."I hope so, Gavin. Hindi natin puwedeng pangunahan ang panahon. Kung tayo nga, ay tayo talaga.""I know, love. I just want you to know na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Ayaw ko ng iba.""So do I. Pero sa ngayon, pagtuunan muna natin a

DMCA.com Protection Status