แชร์

CHAPTER 7

ผู้เขียน: ms__selenophile
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-10-02 16:12:47

DEAN GAVIN'S POV

Ano itong aking nararamdaman? Bakit bumibilis ang tibok ng aking puso? Nakatitig lang naman ako sa mga mata niya pero bakit ganito?

Dahil kanina pa kami nakatitig sa isa't-isa ay ako na ang pumutol ng titigang iyon.

"I am going back inside. Pumasok ka na rin at magpahinga," wika ko at siya'y tinalikuran na.

Kahit na medyo nanghihina ang aking katawan ay pinilit kong bilisan ang aking lakad. I don't like this feeling. I don't want to feel this feeling again. Kailangan kong hindi maglalapit-lapit sa kaniya. Kailangan kong iwasan siya para sa ikabubuti naming dalawa.

ALIYA'S POV

Sampung araw na akong nananatili sa malaking bahay na ito. Ang tanging ginagawa ko lang sa araw-araw ay kumain, matulog sa malambot na kama, ang maligo sa malamig na shower, ang libutin ang malawak na hardin, manood ng palabas sa telebisyon at titigan ang magandang water fountain. Masasabi kong napakaganda talaga ng aking buhay rito. Akala ko ay puro kamalasan ang dala ko sa buhay pero hindi pala. Medyo sinuwerte ako ngayon.

Si Gavin naman ay pansin kong umiiwas sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong nagawang masama sa kaniya. Nagsimula ang pag-iwas niya sa akin nang mag-usap kami rito sa water fountain. Noong gabing may sakit siya. Gavin na lang din ang tawag ko sa kaniya dahil Sir Dean ang tawag ng iba rito sa kaniya. Ang iba naman ay Boss Dean. Gusto ko lang maiba sa kanila.

PAPASOK ako ng bahay dahil kagagaling ko lang sa hardin nang nakasalubong ko si Gavin sa hagdan. Paakyat ako at siya naman ay pababa. Nagtama ang aming mga mata. Seryoso lang itong nakipagtitigan sa akin hanggang sa siya na ang pumutol. Ewan ko ba pero nalulungkot ako kapag iniiwasan niya ako.

Diretso lang ang lakad niya pababa atsaka nilampasan ako. Ako naman ay dali-daling umakyat nang tuluyan na siyang makababa. Maliligo kasi ako dahil maagang-maaga pa akong nagising kanina. Nauna pa yata akong magising kesa sa kanila.

Nang matapos akong maligo ay bumaba na ulit ako. Nasalubong ko sa sala si Jacobe na napangiti nang makita ako. Napangiti na rin ako.

"Aalis ka?" tanong ko sa kaniya nang makitang nakaporma ito.

"Oo, kailangan kong samahan si Sir Dean. May aasikasuhin lang kami," sagot niya.

"Hindi ako puwedeng sumama?" tanong ko ulit sa kaniya.

Parang gusto ko kasing mamasyal at makalabas man lang muna rito.

"Hindi puwede. Masyadong istrikto si Sir Dean sa kaligtasan mo kaya hinding-hindi siya papayag na sumama ka," tugon ni Jacobe. "Dito ka na lang muna. Hayaan mo, dadalhan na lang kita ng pasalubong. Pagkain, damit, ano ba ang gusto mo?"

"Jacobe, hinahanap ka na ni Boss," wika ni Kuya Miko, isa sa mga kasamahan nila rito. Sa ilang araw ba naman na kasama ko sila eh namemorize ko na ang mga pangalan nila.

"Sige, susunod na ako," tugon ni Jacobe.

"Sige na, Jacobe, baka magalit pa si sungit--ay este si Gavin. Tsaka na ang pasalubong mo kapag may maisip na ako," nakangiting sambit ko.

"Sige, mag-iingat ka," saad niya.

"Kayo ang mag-iingat, kayo itong aalis," natatawang wika ko.

"Ah oo nga pala. Sige, Liya." Bahagya pa itong natawa.

Nagpaalam na nga si Jacobe at ako'y tinalikuran na.

Buti pa talaga itong si Jacobe, palagi akong pinapansin. Sobrang bait pa.

Dahil hindi ako puwedeng isama nila Jacobe ay nagpalibot-libot na lang ulit ako sa buong bahay. Pagsapit ng hapon naman ay nasa harapan ako ng telebisyon dahil may inaabangan akong teleserye.

Nang sumapit ang gabi ay nalaman kong hindi makauuwi sila Jacobe. Nagtext kasi ito sa isa sa mga kasamahan niya at ako naman itong si tsismosa ay nagtanong kaya nalaman ko. Kaya ayon, kami lang ang magkakasalo sa hapag-kainan. Hindi naman ako naiilang pero nasanay kasi akong katabi si Jacobe.

Nang hindi makatulog ay bumaba ako at lumabas ng bahay. Umupo ako sa isa sa mga bench sa hardin. Hindi naman ako nakaramdam ng takot dahil may mga tao naman sa paligid na nagbabantay at maliwanag naman ang kapaligiran. Napatingala ako sa kalangitan. Mukhang uulan dahil walang mga bituin sa kalangitan. Iyon kasi ang sabi ng iba, na kapag daw walang mga bituin sa kalangitan ay may posibilidad na umulan.

Pero kahit walang mga bituin ay nandiyan naman ang buwan. Kahit nag-iisa lang ay nanatili ito. Buti pa itong buwan, laging nandiyan sa pagsapit ng gabi. Nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi. Habang pinagmamasdan ang buwan ay naramdaman ko na lang na may mga butil ng luhang kumawala sa aking mga mata. Agad na pinunasan ko ito pero agos pa rin nang agos ang mga luha ko. Heto na naman ako, naiisip ko na naman na nag-iisa lang ako.

Sa tuwing pinagmamasdan ko kasi ang buwan ay talagang umaabot ako sa puntong naiisip kong mag-isa lang ako sa buhay. Na iniwan na ng mga magulang. Na walang nagpapahalagang mga kamag-anak. Na walang nagtatagal na kaibigan. Magiging mag-isa na lang ba ako habang buhay? Gusto ko namang makaramdam ng pagmamahal mula sa ibang tao. Tipong nandiyan kapag may problema ako. Na may masasandalan ako sa tuwing ako'y umiiyak o nalulungkot. Na nandiyan para handa akong tulungan.

Napayuko na lang ako dahil ayaw talagang tumigil ng mga luha ko. Mahigpit na hinawakan ko ang aking pajamas at mahinang napahikbi. Nakakahiya naman kasi dahil may mga taong nasa paligid lang. Ayaw ko namang makita nila akong nasa ganitong sitwasiyon. Nang medyo napapalakas ang aking pag-iyak ay idinikit ko na ang aking kamay sa aking bibig.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iyak nang isang pamilyar na boses ang aking narinig.

"Bad timing," mahinahong wika nito. Tiningala ko ito at tinitigan kahit na medyo malabo ang aking paningin. "Did someone hurt you while I was gone?" tanong niya. Umiling ako. "So, what's with the drama?"

"Mukha ba akong nagdadrama rito?" sabi ko sabay alis ng aking tingin sa kaniya. "Atsaka, bakit ka ba nandito? Nagtext si Jacobe na hindi raw kayo makakauwi ngayong gabi."

"Siya ang hindi makakauwi dahil may kailangan pa siyang tapusin. I chose to go home dahil ayokong manatili roon," sagot niya. "Atsaka, pipili ka pa ng lugar na iiyakan ay dito pa. You can cry in your room, pero mas pinili mo rito," sambit niya.

May tama naman siya pero malay ko bang may kadramahan pala ako ngayong gabi.

Dahil masunurin ako ay tumayo na ako.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo," sabi ko.

Tinalikuran ko na ito pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ako sa aking pulsuhan at hinila papalapit sa kaniya. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit at bumulong.

"Cry all you want. Hindi kita pipigilan," bulong niya. "Don't worry dahil tayo lang ang nandito. Pinaalis ko na muna sila."

Dahil sa sinabi niya ay bigla na namang tumulo ang aking mga luha. Mas hinigpitan niya naman ang pagkakayakap sa akin.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak nang umiyak habang magkayakap kami. Sa ilang taon ay ngayon lang ulit may yumakap sa akin habang ako'y umiiyak. Sa kabila ng aking kalungkutan ngayong gabi ay may katumbas naman na kasiyahan.

DEAN GAVIN'S POV

"Sigurado ka bang hindi ka mananatili rito ngayong gabi, sir?" tanong sa akin ni Albert, isa sa mga tauhan ko.

"Hindi na. Si Jacobe na ang bahala sa mga gawaing hindi ko natapos," tugon ko rito. Lumingon naman si Jacobe nang banggitin ko ang kaniyang pangalan pero hindi na ito nagsalita pa.

"Sige po, sir. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi," wika ni Albert.

Tumango na lang ako at tinalikuran na sila. Sumakay na ako sa aking sasakyan at ito'y pinaandar na.

Hindi ko alam pero kanina ko pa gustong umuwi. Para bang may humihila sa akin na gusto akong pauwiin. Simula nang manirahan siya sa aking bahay ay gusto ko nang umuwi rito araw-araw, hindi kagaya noong wala pa siya. Gusto ko siyang makita. Sinubukan ko na nga siyang iwasan pero hinahanap-hanap ko talaga siya. Posible kayang...

NANG makabalik na sa bahay ay agad na bumaba ako ng aking sasakyan. Pumasok na ako at nagtanong kung nasaan si Aliya.

"Nasa hardin po, boss," sagot ng isa sa mga tauhan ko. Agad na tinungo ko ang hardin at doon nakita ko siyang nakaupo habang nakayuko.

"Is she crying?" mahinang tanong ko nang makita ito.

Dahil mukha nga itong umiiyak, nilapitan ko ang mga bantay sa paligid at inutusang magsipasok muna sila. Na huwag lalabas hangga't hindi ko sinasabi. Agad naman silang sumunod sa inutos ko. Sinulyapan kong muli si Aliya at doon ay lumapit na ako sa kaniya.

HABANG yakap-yakap siya ay nakaramdam din ako ng kalungkutan. Parang pinipiga ang puso ko habang naririnig siyang umiiyak. Hindi ko alam kung anuman iyang nararamdaman mo, pero sisiguraduhin kong ngayong gabi ay nasa tabi mo ako.

Kumalas na siya sa pagkakayakap mula sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang pakawalan siya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha gamit ang suot niyang jacket.

"Feeling better now?" I asked her. She nodded pero hindi pa rin ako panatag.

The way she cried, sigurado akong sobrang bigat ng pinagdadaanan niya.

"Sorry," mahinang wika niya.

"Sorry for what?" I asked her.

"Sorry dahil nadamay ka pa sa kadramahan ko ngayong gabi. Sorry dahil nabasa ng mga luha ko ang mamahalin mong damit," sagot niya.

Bahagya akong napangisi.

"You don't have to. Sobrang okay lang sa akin kaya hindi ka dapat humihingi ng pasensiya," sambit ko. "Sa totoo lang, ako nga dapat ang humingi sa iyo ng tawad. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana nalagay sa peligro ang buhay mo. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana nahadlangan ang pakikipagtanan mo."

"Hindi ako nakikipagtanan nang mga oras na iyon 'no!" bulalas niya.

"Hindi ba? Mukha ka kasing makikipagtanan," sabi ko. Gusto kong matawa dahil sa reaksiyon niya pero pinigilan ko.

"Hindi kaya," pagtutol niya.

"Okay okay relax. Hindi na, kaya relax ka lang," wika ko.

"Ako nga eh, akala ko masungit ka pero hindi pala. Noong una lang pala pero habang tumatagal ay nalaman kong mabait ka pala. Pero masungit pa rin pala dahil iniiwasan mo ako nitong nakaraang araw. Alam kong wala akong karapatan na magalit sa 'yo dahil doon pero kasi naman, naiinis talaga ako," sambit niya.

Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit ko siya iniiwasan. Na ayaw kong tuluyang mahulog sa kaniya dahil natatakot ako. Pero tinamaan na ata ng lintik dahil nandito ako ngayon sa harapan niya, kausap siya at hindi mapigilang mapangiti habang nakatitig sa kaniya.

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko sa kaniya para maiba ang usapan.

"Medyo inaantok na rin. Ikaw ba? Inaantok ka na?" balik na tanong niya sa akin.

"Well, medyo rin," sagot ko.

"Kung gano'n ay matulog na tayo. Anong oras na rin oh," sambit niya sabay tingin sa kaniyang pulsuhan na animo'y nakatingin sa oras. "Ay! Wala pala akong relo," natatawang saad niya. Kahit ako ay mahinang natawa dahil sa ginawa niya.

"You're funny and cute at the same time," I said unintentionally.

Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking sinabi. Inilayo ko naman ang aking tingin dahil sa nangyari.

"Ano 'ng sinabi mo? Sorry, hindi ko kasi narinig," sambit ni Aliya.

Nakahinga ako nang maluwag nang malamang hindi niya pala narinig.

"Ang sabi ko, matulog na tayo. Oo, 'yon nga," pagsisinungaling ko.

"Tama ka. Tara, matulog na tayo. Gusto mo tabi tayo?" seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa sinabi niyang iyon. "Syempre joke lang," ngumiti siya sabay talikod sa akin at tumakbo. Ang bilis magbago ng mood niya. Parang kani-kanina lang ay umiiyak siya.

"Hey! Ano ang sinabi mo? Aliya," tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya lumingon. Narinig at naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya lang gusto kong marinig ulit. Sinimulan ko na ring tumakbo para mahabol siya. "Aliya. Kapag ako nahabol ka. Aliya."

"Joke lang naman 'yon," malakas na wika niya habang tumatakbo pa rin. Paakyat na siya ng hagdan pero ako nasa baba pa rin.

"Aliya," tawag ko ulit sa pangalan niya pero tuluyan na siyang nakapasok sa kaniyang kuwarto.

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 8

    ALIYA'S POVAgad na nag-inat ako nang ako'y magising. Umiyak ako kagabi pero maganda ang tulog ko. Napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. Niyakap niya ako. Sa wakas ay pinansin na niya ako ulit. Nagkausap kami. Iyon na ba ang simula ng pagiging namin sa isa't-isa? Sana nga.Bumaba na ako ng kama at pumasok sa banyo. Pansin ko ang bahagyang pamamaga ng aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Grabeng iyak ko pala kagabi. Buti na lang talaga at dumating si Gavin dahil kung hindi, hindi ko talaga alam ang aking gagawin.Naghilamos na ako at lumabas na ng banyo. Inayos ko na ang aking sarili bago lumabas ng kuwarto. Nang madaanan ang hapag-kainan ay nakita ko si Gavin na nakaupo sa kaniyang puwesto. Mag-isa lang ito na siya namang nais niya. Ang pagkain niya ay halatang hindi pa niya nagagalaw. Mukhang may hinihintay ata siya. Sino kaya?Dahan-dahan akong lumapit sa refrigerator para kumuha ng maiinom nang mapatigil ako."Buti naman gising ka na," wika ng isang pamilyar na bos

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-10-02
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 9

    JACOBE'S POVPapunta ako sa opisina ni Sir Dean nang makitang papalabas dito si Liya. Nagmamadali ito habang nakayuko. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa kaniyang kuwarto. Nagtataka man ay tumuloy na ako sa opisina ni sir. Baka sakaling siya ang makasasagot ng tungkol dito.Pagpasok ko ay bumulaga sa akin ang mga nagkalat na papel sa sahig. Si Sir Dean naman ay nakasandal lang sa kaniyang upuan habang nakatalikod mula sa akin. Lumapit ako sa kaniya. Napansin ko ang isang litratong hawak niya at hindi mapigilang mabigla nang makita kung sino ang nasa litrato.Clara.Inalis ko ang aking pagkabigla at ngayon ay nagtanong."May ginawa ka bang hindi maganda kay Aliya?" diretsahang tanong ko sa kaniya. Inikot niya ang kaniyang upuan at tumingin sa akin."Sinabi ko lang ang mga dapat niyang malaman," mahinahong sagot niya. "Sinabi ko lang sa kaniya kung ano ang lugar niya sa pamamahay kong ito," dagdag pa niya."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong kong muli."Kung

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-10-04
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 10

    ALIYA'S POVBumalik na nga ako sa malaking bahay at dali-daling pumasok sa aking silid. Ang mga tauhan ni Gavin ay wala na sa sala kaya nang dumaan ako ay napakatahimik na.Wala na akong ibang ginawa sa silid kundi ang humiga. Paminsan-minsan ay pinupuntahan ko ang balkonahe para doon makalanghap ng sariwang hangin. Nang hapong iyon ay nakatulog pala ako kaya nang magising ay takipsilim na. Nag-inat ako ng aking mga braso atsaka bumaba na sa kama. Nagdadalawang-isip pa ako kung lalabas ako o hindi pero sa huli ay lumabas na lang ako. Sigurado akong wala pa si Gavin ngayon dahil ang uwi ng lalaking iyon ay mamayang alas otso. Eh alas sais pa lang.Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko at sobrang tahimik. Pinuntahan ko ang kusina kung saan naghahanda na ng mga pagkain sina Nanay Elsie. Sumilip lang ako at pagkatapos ay umalis na. Baka makaistorbo lang ako.Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nagpalibot-libot na ako sa buong bahay. Bawat bulaklak na makikita ko sa loob ay lalapitan ko

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-10-04
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 11

    DEAN GAVIN'S POV"Trying to escape, huh?" nakangising tanong ko. Naglakas-loob na akong magsalita dahil nabibingi na ako sa katahimikan ng paligid.Andito pa rin kami sa isang sulok."A-Ano ang ginagawa mo rito?" balik na tanong niya."I just saved you. Mind thanking me for what I did for you?" I told her."Hindi naman ako humingi ng tulong sa 'yo," tugon niya. Napangisi ulit ako."'Yan lang ang sasabihin mo matapos kitang iligtas sa asong iyon?" tanong ko ulit. "Ano na lang kung hindi aso ang na-encounter mo kanina?""Hindi naman kasi ako humingi ng tulong sa 'yo. Sinabi ko bang magtago ka sa isang madilim na sulok at hilain ako para makawala sa aso na 'yon? Hindi, 'di ba?" pagtataray nito."Ikaw na nga itong tinulungan eh ikaw pa itong mataray. Just two words, Liya. Mahirap bang sabihin?" diing turan ko."Ayoko nga," aniya sabay iwas ng tingin."Really?" hindi makapaniwalang tanong ko."Talaga," direktang sagot niya."Okay! If that's what you want. Aalis na ako. Bahala ka na diyan,

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-10-04
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 12

    ALIYA'S POVPaggising ko kinabukasan ay ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Medyo nilalamig din ako kaya hininaan ko ang aircon. Kinapa ko ang aking noo at nalamang nilalagnat ako. Tinatamad din akong bumangon dahil masakit ang katawan ko.Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag dito. Kinapa ko ito sa may bed side table at tiningnan kung sino ang tumatawag.JACOB with an EAgad na sinagot ko ang tawag nang makita kung sino ang tumatawag."Hello. Good morning," bati ko sa kaniya."Good morning, Liya. Naistorbo ko ba ang tulog mo?" tanong niya sa akin."Hindi naman," sagot ko."Mabuti naman. Hindi ka pa ba bababa rito para mag-almusal?" tanong niya ulit. "Hihintayin kita rito para sabay na tayo," dagdag pa niya."Wala akong gana, Jacobe. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya tinatamad akong bumangon," mahinahong wika ko."May sakit ka ba?" may pag-aalala sa boses niya."Mukhang meron nga," sagot ko."Okay. Pagkatapos kong kumain ay pupuntahan kita diyan at dadalhan ng pagkain.

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-10-04
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 13

    ALIYA'S POVDalawang buwan na akong naninirahan sa bahay ni Gavin. Sa dalawang buwan na 'yon ay mas lumalim pa ang pagsasama namin. Mas naging malapit kami sa isa't-isa. Mas nagkaroon ako ng pagkakataon na mas makilala siya."Hi," nakangiting bati ni Jacobe sa akin."Hi," balik na bati ko rito."Going somewhere?" tanong niya sa akin."Diyan lang sa bahay nina Nanay Elsie. Balita kong may sakit ito kaya balak kong bisitahin sana. Kaso lang ay wala akong dalang prutas man lang sa kaniya," nalulungkot na wika ko."Gusto mong sumama sa akin?" tanong ni Jacobe sa akin. Bigla akong sumigla dahil sa sinabi niya. Sa dalawang buwan na pananatili ko rito ay hindi ko naranasang muli ang pamamasiyal sa labas. Ngayon na tinanong ako ni Jacobe ay hindi ko mapigilang mapangiti."Puwede ba?" bulong ko sa kaniya."Of course. Huwag mo lang sasabihin kay Sir Dean," sagot niya. Mas lumawak ang ngiti ko."Talaga ba? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Mamaya, binibiro mo lang pala ako." Bigla akong napan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-10-05
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 14

    DEAN GAVIN'S POV"Let's talk," huling wika ko bago sila tinalikurang dalawa.Nagpunta ako sa aking opisina at doon naghintay sa kanilang dalawa. Tanging roba lang ang suot ko dahil hindi ko na inabala ang sarili na maghibis na muna. Ilang saglit lang nang sabay silang dumating at pumasok. Tahimik na naupo sila sa harapan ko at ako naman ay seryosong nakatingin sa kanila."Sir," mahinahong sambit ni Jacobe. Walang bahid ng takot sa boses nito.Ngumisi ako."Alam mo naman ang ayaw ko, 'di ba?" seryosong tanong ko kay Jacobe."Alam ko po, sir," diretsahang sagot niya."Alam mo naman pala pero ginawa mo pa rin," sambit ko."Wala siyang kasalanan, Gavin. Nagawa niya lang naman 'yon dahil sa akin. Huwag mong sisihin si Jacobe," paliwanag ni Aliya.Nagtagis ang aking bagang at kumuyom ang aking kamao dahil sa sinabi niya. I admit it, I am jealous right now. Nagsimula ito kanina nang sabihin ni Erol ang tungkol sa pag-alis nilang dalawa. I can't help it. Selos na selos ako ngayon."I am not

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-10-05
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 15

    ALIYA'S POV"Iniiwasan? Hindi kaya," tanggi ko."Yes, you are. Huwag mo akong gawing tanga, Liya," seryosong wika niya."Excuse me. Dadaan ako," sambit ko at nang makaiwas na naman sa kaniya. Dahil nakaharang siya sa dadaanan ko ay sa gilid niya na lang ako dumaan pero bigla na namang itong humarang."Come with me," sabi niya sabay hila sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero nang makita ang daan ay ngayon alam ko na."Ano ang gagawin natin dito?" tanong ko sa kaniya.Bigla siyang naghubad ng kaniyang t-shirt at sumuong sa tubig. Ni hindi niya hinubad ang kaniyang jogging pants. Ano naman pakialam ko kung hindi niya hinubad? Napakagat-labi ako sa naisip."Ano ba sa tingin mo ang gagawin dito? Syempre maliligo, unless may iba ka pang naiisip diyan na puwede nating gawin. Sabihin mo lang sa akin para naman mapaghandaan ko," wika niya habang nakangising nakatingin sa akin."Sabi ko nga maliligo," sambit ko para hindi na mapunta pa sa iba ang usapan."Then maghubad ka

    ปรับปรุงล่าสุด : 2023-10-05

บทล่าสุด

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 58

    THIRD PERSON'S POV"Kailan ang balik mo?" tanong ni Aliya kay Jacobe. Aalis kasi ang binata dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.Lumapit ang binata at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "Hindi pa ako umaalis eh nami-miss mo na ako agad," pagbibiro nito."Mami-miss talaga kita." Ngumuso pa siya.Nanlaki ang mga mata ni Jacobe dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga. Nababaliw na naman sa bilis ang tibok ng kaniyang puso."Ilang araw lang, Liya. Babalik din ako kaagad. Huwag kang magpapasaway rito ah. Huwag matigas ang ulo habang wala ako," paalala niya."Bilisan mo ang pagbalik, dahil wala pa naman akong ibang kakampi rito kapag inaaway ako ni Gavin."Bahagyang natawa ang binata. "Isumbong mo kay Nanay Elsie. Kakampi mo rin 'yon.""Sige na, umalis ka na. Kapag nagtagal ka pa, baka humagulgol na ako rito."Lumapit ito sa kaniya at siya'y niyakap. "Mag-iingat ka rito dahil babalik ako kaagad."NAKAUPO si Aliya sa ilalim ng punong mayabong habang nagsusulat sa ka

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 57

    THIRD PERSON'S POVMaagang nagising si Aliya. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay namamaga ang kaniyang mga mata."Epekto ng sobrang iyak kagabi," sambit niya sa sarili.Inayos na niya ang sarili at lumabas na ng silid.Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas nang makasalubong niya rito si Gavin. Nagkatitigan sila ng ilang segundo pero agad din iyong pinutol ng binata. Talagang malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.Hindi niya na lang ito pinansin. Kumuha na lang siya ng tasa, gatas at asukal.Pagkatapos magtimpla ay umupo siya sa isang stool at dahan-dahang uminom. Silang dalawa lang ng binata ang nasa kusina. Umiinom ito ng kape habang nakasandal sa countertop.Ilang pulgada lang ang layo nila pero parang hindi nila kilala ang isa't-isa.Napanguso si Aliya nang makaramdam ng gutom. Wala pa sina Nanay Elsie kaya tiyak na wala pang lutong pagkain sa kusina. Dahil dito, ang ginawa niya ay iniwan ang iniinom na gatas at naghanap ng puwedeng kainin sa kusina.Binu

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 56

    THIRD PERSON'S POVKanina pa palibot-libot sa buong silid niya si Aliya. Gusto na niyang makumpirma ang mga nangyayari sa katawan niya. Pero ano ang magagawa niya? Hindi siya puwedeng lumabas at pumunta sa ospital.Umupo siya sa sofa at may hinanap na pangalan sa kaniyang contacts. Ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya ngayon."Hello, Liya. Napatawag ka?" tanong nito sa kaniya.Napakagat siya ng kaniyang kuko at nag-iipon ng lakas ng loob kung paano sasabihin ito sa binata."J-Jacobe, nasaan ka?" tanong niya rito."Nasa hardin, bakit?""M-May request lang sana ako sa 'yo. May ipag-uutos ako sa 'yo kung hindi ka naman busy.""Okay! What is it?""Ano kasi. . .uhmm. . .puwede bang dito na lang tayo sa silid mag-usap? Importante lang, Jacobe.""Sige. Papunta na ako diyan."Pinatay na niya ang tawag at ilang minuto rin nang makarinig ng katok.Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang binata. . .pinapasok niya ito."Siguradong hindi ka busy ah?" paninigurado niya."Siguradong-sigur

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 55

    THIRD PERSON'S POVPagkagising na pagkagising ni Aliya ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Sa silid niya sa mansion siya natulog dahil hindi naman umuwi ang binata.Mabilis siyang humarap sa lababo at doon sumuka. Parang may kung ano sa sikmura niya na dahilan ng kaniyang pagsusuka.Malalalim ang kaniyang paghinga. Binuksan niya ang gripo at nagmumog. Pagkatapos ay pinatay na niya ito at tinitigan ang sarili sa salamin. Iba ang kutob niya rito kaya bigla siyang kinabahan.Inayos na muna niya ang sarili bago lumabas nang tuluyan sa silid."Good morning po, 'nay, Ate Trina at Ate Irma," masiglang bati niya sa mga ito. Nasa kusina ang mga ito at naghahanda ng pagkain."Magandang umaga, Liya," ani ni Trina."Good morning din, Liya," bati naman ni Irma."Magandang umaga rin, anak. Gutom ka na ba? May luto nang pagkain kaya puwede ka nang kumain kung gusto mo," sambit ni Nanay Elsie."Sasabay na po ako kanila Jacobe, 'nay. Magtitimpla na po muna ako ng kape."Kumuha na siya ng tasa at kinuha

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 54

    THIRD PERSON'S POVHalos ilang minuto rin ang itinagal ng iyak ng dalaga hanggang sa makatulog ito sa mga braso ng binata."Aliya?" tawag niya rito pero wala siyang nakuhang sagot. "Liya?" At wala pa ring sagot. Dito niya napagtanto na nakatulog na ito.Binuhat niya ang dalaga at binaybay ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie.Tinawag niya ang matanda na ilang saglit lang ay binuksan ang pinto."Bakit, Jacobe?" tanong nito sa binata. "Harujusko! Ano'ng nangyari diyan!?""Nakatulog po sa mga braso ko, 'nay. Dito ko po muna siya patutulugin," sagot niya."B-Bakit naman?" Makahulugan itong tiningnan ng binata na agad naman nitong naintindihan. "Ang dalawang 'yan talaga. Parang lagi na lang nag-aaway ah. Kawawa tuloy itong Aliya ko.""Saan ko po siya ilalagay, 'nay?" tanong niya nang makapasok na sila sa silid ng matanda."Dito na sa kama." Inayos ito ng matanda bago inilapag ni Jacobe ang dalaga.Bahagya pang gumalaw ang dalaga nang mailapag na ito ng binata, pero kaagad din naman i

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 53

    THIRD PERSON'S POVJust like Jacobe said, pinuntahan ulit nila ang hotel kinabukasan para tingnan ang CCTV. . .kasama sina Miko at Erol. Sa una ay hindi pumayag ang security management because of security protocols, pero sa huli ay pumayag din. Ang may-ari kasi ng hotel ay kaibigan ng ama ni Jacobe kaya tinawagan nito ang ama para pakiusapan ang kaibigan nito. Sa una ay ayaw pumayag ng ama na kalauna'y pumayag na rin. Kahit may alitan, ay anak niya pa rin ito, at ramdam niyang importante ang bagay na ito sa anak dahil kinausap siya nito para lang dito.Masinsinan nilang tinutukan ang CCTV footage. Sinabi nila ang oras ng pangyayari at ang lugar kung saan iyon nakita ng dalaga.Pinahinto ni Gavin ang video nang mapansin niya ang isang kahina-hinalang lalaki. Katulad na katulad iyon sa deskripsiyon ng dalaga rito."Puwede niyo bang sundan ang bawat lugar na dinaanan ng lalaking ito?" utos niya sa mga security personnel na agad naman nilang sinunod.'Paano siya nakalusot sa mga security

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 52

    THIRD PERSON'S POVNaglibot nga sila sa mall habang kasama ang iilan sa tauhan ng binata.Pinagmamasdan lang siya ng binata habang namimili."The color looks great on you, love," he complimented her nang sukatin niya ang isang pares ng stiletto. It was color beige that suited her fair complexion.Naiilang na ngumiti siya. Gusto man niya pero nalula siya sa presyo.Nilapitan niya ang binata. "Gavin, masiyadong mahal kaya pili na lang tayo ng iba," bulong niya rito.Hindi nito pinakinggan ang dalaga. "We'll get this one," sambit ng binata sa isa sa mga staff. "And also, we will get every color of that stiletto you have. Same size and style," dagdag pa nito."Gavin!" reklamo niya pero wala na siyang magagawa dahil mapilit ang binata.Namili na rin siya ng ilang mga damit na mula sa iilang sikat na mga kompanya. . .mga luxury brands. Pipili siya and then complain after because of the price. Ngunit, walang pagdadalawang-isip na binibili ito ng binata."Tama na ito, Gavin. Masiyado nang ma

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 51

    THIRD PERSON'S POVAraw-araw ginugulo si Gavin ng text mula sa unknown number. Dahil dito, pinipilit niyang mag-focus sa mga gawain nila at nang matapos kaagad.'I saw your girl kanina sa hardin. She really has this aura na gusto kong matikman. She's pretty and seems like delicious enough for me. Nangangati ang mga daliri ko sa kaniya.'He crumpled the paper he's holding. Nangangalaiti siya sa galit. Pinangako niya sa sarili na sa oras na makita at makilala niya ito ay hindi na niya ito hahayaan pang huminga. "WE'LL start now. Wala tayong sasayanging oras. Tapusin ang dapat tapusin. Kung maaari ay mag-overtime tayo para matapos kaagad," ma-otoridad na turan niya sa mga ito.Sumang-ayon naman ang lahat sa kaniya.Panglimang araw na nila rito at nagagalak si Gavin na malapit na silang matapos. Balak na niyang tapusin ngayon at nang makauwi na sila bukas.Malalaking ngiti at malalakas na palakpakan ang namayani sa loob ng silid nang tuluyan na nga silang matapos. Kahit si Gavin ay malawa

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 50

    THIRD PERSON'S POVTakipsilim na nang tumawag ulit si Gavin."Good evening, love. Sorry ngayon lang napatawag, kagigising ko lang kasi," imporma nito."Ayos lang. Wala namang problema," magiliw na tugon ng dalaga."What are you doing?" tanong nito."Nakaupo lang dito sa balkonahe habang nagpapahangin.""Bukas pa magsisimula ang totoong pakay namin dito kaya nakatambay muna ako sa kuwarto. Ayaw ko rin namang makihalubilo masiyado sa kanila dahil mga matatanda na. Hindi ako makasabay," pagbibiro nito."Kapag tumanda ka tulad nila, ganiyan ka rin naman. Para bang sila ang future mo," natatawang saad ni Aliya."Yeah! Tapos ikaw ang kasama ko sa pagtandang iyon."Aliya's heart beats crazily. Para siyang hindi makahinga dahil sa bilis no'n."I hope so, Gavin. Hindi natin puwedeng pangunahan ang panahon. Kung tayo nga, ay tayo talaga.""I know, love. I just want you to know na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Ayaw ko ng iba.""So do I. Pero sa ngayon, pagtuunan muna natin a

สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status