Share

Reviving Our Scars
Reviving Our Scars
Penulis: ms__selenophile

CHAPTER 1

Penulis: ms__selenophile
last update Terakhir Diperbarui: 2023-09-20 14:41:21

Minsan, sa buhay natin, akala natin na tayo lang ang binigyan ng mabigat na pagsubok. Minsan, mapapaisip tayo kung may nagmamahal pa ba sa atin. Hindi natin namamalayang sa kabila ng ating pinagdadaanan, ay may mga tao rin pa lang may dala-dalang mabigat na problema. Sa kabila ng kanilang kalungkutan ay dahil pala sa hindi inaasahang pangyayari ng nakaraan.

ALIYA'S POV

Mukha na akong lantang gulay habang naglalakad pauwi sa aking tinitirhan dahil sa kamalasan ngayong araw. Ngayong araw kasi ay tinanggal na naman ako sa trabaho sa hindi ko alam na dahilan. Ito na rin ang panglimang trabaho na tinanggal ako. Ganito na siguro ako kamalas sa buhay.

Ilang metro na lang ang layo ko mula sa bahay nang sa hindi inaasahan ay nakita ko si Aling Belinda, ang may-ari ng inuupahan kong bahay, sa harapan ng tinitirhan ko. Mabilis na napalakad ako palapit dito.

"Mabuti naman at nandiyan ka na," saad niya nang makita ako.

"Aling Belinda," mahinahong tawag ko sa pangalan niya.

Bigla akong kinabahan dahil sa seryosong mukha niya. Sabagay, lagi naman.

"Ano na? May balak ka pa bang magbayad ng upa sa bahay? Ilang buwan na, Liya, pero wala pa rin akong natatanggap na bayad mula sa 'yo," bulalas niya habang nakahalukipkip ang mga braso.

Magtatatlong buwan na kasing hindi ako nakakabayad sa upa sa kaniya dahil konti na nga ang suweldo eh may mga gastusin pa sa pang-araw-araw. Nakapagtapos nga ako ng kolehiyo pero pahirapan talagang makapasok sa trabaho lalo pa't walang koneksiyon. Kaya, napipilitan na lang akong pumasok sa mga trabahong sakto lang ang suweldo sa pang-araw-araw na mga kailangan.

"Aling Belinda, hihingi po sana ako ng pangalawang pagkakataon dahil mukhang binisita na naman ako ng kamalasan. Natanggal po kasi ako sa trabaho. Pero sisiguraduhin ko pong sa susunod na buwan ay makakabayad na ako dahil bukas na bukas po ay maghahanap na ulit ako ng bagong trabaho," pagmamakaawa ko sa kaniya.

Nabigla ako dahil sa malakas na pagtawa niya. May sinabi ba akong katawa-tawa? Mukhang wala naman ah.

"Natanggal ka na naman sa trabaho, Liya? Aba'y napakamalas mo naman talaga. Parang nakaraang taon lang ay natanggal ka rin," sambit niya.

"Kaya nga po humihingi ako ng pangalawang pagkakataon sa inyo dahil sa nangyari ngayon. Nangangako po ako, Aling Belinda, sige na po," pagmamakaawa ko ulit. Naging seryoso na ulit ang mukha niya.

"Hinding-hindi na, Liya. Mukhang may dala kang kamalasan na puwedeng makahawa sa iba," wika ni Aling Belinda. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. May dala nga ata talaga akong kamalasan. "Bukas na bukas din, sana ay hindi na kita makita pa rito. Siguraduhing lahat ng mga gamit mo ay madadala mo," dagdag pa niya bago ako talikuran at naglakad na palayo.

Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Nalulungkot ako hindi dahil paaalisin na ako sa bahay, nalulungkot ako dahil dala-dala ko ay kamalasan sa buhay. Tiningala ko ang kalangitan at napaisip.

Kung sana ay hindi niyo ako iniwang dalawa. Kung sana ay hindi kayo umalis sa murang edad na meron ako. Hindi ko sana mararanasan ang lahat ng ito kung nandito lang kayo. Sana may karamay ako sa oras na nalulungkot at may problema ako. Pero wala, maaga kayong kinuha sa akin. Wala na akong magagawa pa kundi ang pumayag na lang na malas talaga ako sa buhay. Ganito ako eh. Ibinigay sa akin ito.

Gusto ko mang umiyak ay walang mga butil ng luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Siguro ay naubos na. Naubos na, ilang taon na ang nakalilipas.

(FLASHBACK: SIXTEEN YEARS AGO)

THIRD PERSON'S POV

"Ano ang gusto mong regalo, aming prinsesa?" nakangiting tanong ng isang ginoo sa kaniyang nag-iisang anak.

Nagmamaneho ito papunta sa paaralan ng kaniyang minamahal na anak. Graduation day kasi ngayon nito. Nakangiti naman ang ginang na katabi ng nagmamanehong ginoo habang ang kanilang nag-iisang anak ay nasa likod nakapuwesto.

"Gusto ko pong mamasyal tayo, at kumain ng mga paborito kong pagkain. Gusto ko rin po ng pet, papa," sagot ng labing-isang taong gulang na batang babae.

"Pet? Anong pet? Aso? Pusa? O baka?" nakangiting tanong ng ginang. Natawa silang tatlo dahil sa huling sinabi nito.

"Baka? Masyadong malaki po ang baka, mama. Baka po hindi magkasiya sa bahay natin," wika ng batang babae. Parehong natawa ang kaniyang mga magulang.

"Eh ano'ng gusto mo?" tanong ulit ng ginang.

Napaisip ang batang babae.

"Gusto ko po ng..."

Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil isang malaking truck ang sumalpok sa kanilang sasakyan. Dahil sa malakas na pagbangga ay malayo ang narating ng kanilang sasakyan. Isang sasakyan din ang nadamay dahil sa nangyari.

Nawalan ng malay ang tatlong sakay, ang batang babae at ang mga magulang nito. Punong-puno ng dugo ang loob ng sasakyan dahil sa mga bubog na tumalsik sa mga sakay nito.

Ilang saglit lang nang magising ang ama at napaiyak dahil sa nakitang sitwasiyon nila. Tinapik niya ang katabing ginang pero hindi ito magising. Hindi niya maigalaw ang mga paa dahil may nakatusok na bakal dito. Tiningnan niya ang kaniyang anak na babae sa likuran at ito'y sinubukang gisingin. Ilang sandali lang nang unti-unting nagising ang bata. Napangiti ang ama dahil dito.

"Pa-pa," tawag ng batang babae sa kaniyang ama.

"Shhhh! H-Huwag kang m-mag-alala, makakaalis t-tayo rito," hirap man ay sinubukan pa rin ng ama na magsalita. "M-Maaalis mo b-ba ang seatbelt mo?" tanong niya sa anak.

Sinubukan ng anak na tanggalin ang seatbelt nito. Nanghihina man dahil sa mga natamong mga sugat ay nakayanang tanggalin ng bata ang seatbelt.

"N-Natanggal ko n-na po, pa-pa," wika ng bata.

"N-Ngayon, subukan mong b-buksan ang pinto s-sa tabi m-mo," utos niya sa anak.

Ginawa ng batang babae ang utos sa kaniya ng kaniyang ama. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. Suwerte lang dahil hindi naipit ang batang babae kaya madali siyang makagalaw at makaalis sa kaniyang puwesto.

Nakataob ang kanilang sasakyan kaya medyo nahihirapan din ang bata. Ilang minuto rin ang nagdaan bago tuluyang nabuksan ng batang babae ang pinto.

"Pa-pa," tawag niya sa kaniyang ama nang mabuksan na niya ang pinto.

"L-Lumabas ka na. Humingi k-ka ng t-tulong. Bilisan mo, anak. Bilisan mo, aming prinsesa," ngayon ay ramdam na ng ama ang panghihina niya.

Nawalan na siya ng pag-asang mabuhay dahil sa sitwasiyon niya. Ang kaniyang maybahay ay wala pa ring malay. Ang hiling niya na lang ngayon ay makalabas nang tuluyan ang kanilang anak.

"Pa-pa, diyan lang p-po k-kayo, hihingi lang pa a-ako ng tulong," nanghihinang wika ng batang babae.

Tuluyan na ngang nakalabas ang batang babae nang mabuksan nito ang pinto.

Hindi na umimik pa ang ama dahil nahihirapan na talaga ito. May mga butil ng mga luha sa kaniyang mga mata at habang hinahaplos ang pisngi ng kaniyang maybahay ay nagsalita siya sa huling sandali.

"Mahal kita, Armela. Kayong dalawa ni Aliya. Sa tingin ko ay hanggang dito na lang tayong dalawa."

Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ng kaniyang asawa bago ang isang malakas na pagsabog.

Nang makalabas ang batang babae ay isang kamay ang humawak sa kaniyang kamay. Mahigpit na hinawakan siya nito at inilayo sa sasakyang umuusok. Nanghihina man ay tiniis ng batang babae ang sakit at sumabay sa takbo ng batang lalaking nakahawak sa kaniya. Mabilis ang kanilang pagtakbo hanggang sa marinig nila ang malakas na pagsabog.

Nilingon ng batang babae ang sasakyang kinaroroonan ng kaniyang mga magulang. Nanghina ito sa nasaksihan. Hindi makapaniwala sa nakita hanggang sa mawalan ito ng malay.

(END OF FLASHBACK)

ALIYA'S POV

Ngayon ay walang ganang nag-impake ako. Napabuntonghininga ako. Kanina ko pa ito ginagawa. Hindi ko kasi alam kung saan ako tutuloy. Wala naman kasi akong mga magulang. Ni kapatid wala rin ako. Kahit nga kaibigan eh wala ako. May mga kamag-anak naman ako pero ayaw ko doon. Mas mabuting sa lansangan na lang muna ako kesa sa manirahan sa kanila.

Tiningnan ko ang tatlong bag na punong-puno ng mga gamit ko. Kailangan ko na ngayon lisanin ang lugar na ito dahil baka maabutan pa ulit ako ni Aling Belinda. Mahirap na. Huwag kang mag-alala, Aling Belinda, babalik ako para bayaran ang kulang na upa ko sa 'yo.

Lumabas na ako ng bahay at sa huling pagkakataon ay sinilayan ko ito. Ilang taon din akong nanirahan dito kaya nakalulungkot ang pangyayari. Wala na akong magagawa, kailangan ko nang lisanin ito. Dala ang aking mga bag ay umalis na ako.

LAKAD dito, lakad doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nang magutom ay kumain ako sa isang karenderya. Umorder lang ako ng isang cup ng kanin at isang order ng ulam. Kailangan kong magtipid dahil hindi ko alam kung hanggang kailan pa aabutin itong pera ko.

Nang matapos kumain ay umalis na ako. Naglakad na naman na hindi alam kung saan pupunta. Nang makaramdam ng pagod ay nagpahinga na muna ako.

Inilagay ko sa sementadong daan, sa harap ng isang pula at magarang kotse na nakaparada ang mga bag ko. Ako naman ay tumayo lang habang bahagyang hinihingal.

Ilang saglit lang nang makarinig ako ng isang boses.

"Excuse me," wika nito.

Nilingon ko ang nagsalita at nalamang isa pala itong anghel--ay este isang guwapong nilalang.

"Excuse me? Malaki po ang daan, sir, kaya huwag na po kayong mag-excuse," sabi ko rito.

Tumaas ang kaniyang kanang kilay dahil sa sinabi ko.

"Excuse me?" ulit nito.

"Sir, puwede naman po kayong dumaan sa bandang likuran ng kotse. Nakikita niyo naman po, 'di ba?" naiinis na wika ko. "Malawak po ang daan."

Lumapit nang bahagya ang lalaki sa akin at bumulong.

"Excuse me, miss. Nagmamadali ako. Hindi ako makakaalis kung hindi ka rin aalis diyan because this red car right here, is mine," wika niya sabay turo sa magarang kotse.

Nang mapagtanto ang kaniyang ibig sabihin ay mabilis na napaatras ako at kinuha ang aking mga bag sa harapan ng kaniyang sasakyan. Bigla ko ring naramdaman ang pag-init ng aking mukha dahil sa nangyari. Nakakahiya.

Sumakay na siya sa kaniyang sasakyan at pinaandar na ang makina nito. Bago tuluyang umalis ay nag-iwan muna siya ng mga salita.

"Ang alam ko gabi ginagawa ang pakikipagtanan," wika nito at pinaandar na nang tuluyan ang kaniyang kotse.

THIRD PERSON'S POV

"Umalis na po si Velasquez, sir," wika ng isang lalaking nasa kuwarenta na ang edad sa kausap nito sa cellphone.

"Ano ang nakuha niyo?" ma-otoridad na tanong ng isang matanda sa kabilang linya.

"May nakuha po kaming litrato rito na sa tingin ko ay ikatutuwa niyo," sagot ng lalaki.

Agad na pinasa ng lalaki ang tatlong litrato sa matanda.

"Sino ang babaeng ito?" tanong ng matanda.

"Sa tingin po namin ay kasintahan siya ni Velasquez. Puwede po natin siyang gamitin para takutin si Velasquez, Don Felix" nakangising tugon ng lalaki. "Pero, mukhang magkaaway po silang dalawa ngayon dahil iniwan na lang ito ni Velasquez."

"Tama ka. Ngayon ay umalis na kayo diyan at bumalik na rito," utos sa kanila ng matanda. "At huwag na huwag niyong kalilimutan ang babae," dagdag pa niya.

Bab terkait

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 2

    ALIYA'S POVHindi ko alam kung mahihiya ba ako o magagalit dahil sa lalaking iyon. Malay ko bang sa kaniya 'yon. Tsk!Kinuha ko na ang dalawang malalaking bag at aalis na sa lugar nang may dalawang lalaking papalapit sa akin. Lumingon-lingon pa ako kung sa akin ba sila papalapit at napagtanto kong sa akin nga dahil sa akin sila nakatingin. Ni hindi ko nga sila kilala kaya nakapagtataka lang na papalapit sila.Akma na akong tatakbo nang hawakan nila ang magkabilang braso ko. Hindi na nga ako nakapalag pa dahil mabigat ang mga dala kong bag."Teka lang naman mga kuya, hindi ko kayo kilala kaya bakit niyo ako kinukuha?" mahinahon lang ang pagkakasabi ko habang pilit na iwinawaksi ang aking mga braso sa kanilang mga makakapal na kamay. "Teka lang, ano ba? Sisigaw ako, isa, dalawa, tatlo, aba ayaw niyo talaga akong bitawan ah."Nagpupumiglas na ako pero wala silang pakialam. Ipinasok na nga nila ako sa loob ng itim na van. Akala ko pa naman ay puting van ang nangunguha, hindi nasabi sa bal

    Terakhir Diperbarui : 2023-09-20
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 3

    THIRD PERSON'S POV"Velasquez," nakangising tawag ng matanda sa nagngangalang Velasquez."Ano ang kailangan mo, Don Felix?" tanong sa kabilang linya."Well, mukhang hindi ako ang kailangan mo," sagot ng matanda. "Mukhang ikaw ang kailangan niya," dagdag pa nito.Nagtaka ang lalaki sa kabilang linya kaya napatanong siya sa matanda."Ano ang ibig mong sabihin?""Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga babaeng katawa-tawa."Mas nagtaka ito dahil sa sinabi ng matanda."Puwede bang diretsuhin mo na ang nais mong sabihin?" bulalas nito sa matanda.Naiinis siya kapag binibitin siya."Relax, sasabihin ko na kaya relax," wika ng matanda. "Nasa amin ang girlfriend mo. Hindi ko alam na nagka-girlfriend ka pala ulit.""Girlfriend?""Tingnan mo ang litratong ipinasa ng aking tauhan sa iyo," utos ng matanda.Dali-daling tiningnan nga nito ang tatlong litrato.Ang unang litrato ay ang pakikipag-usap niya sa isang babae. Ang pangalawa ay pawang hinalikan niya ito base sa anggulo ng kuha. Ang pangatlo

    Terakhir Diperbarui : 2023-09-20
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 4

    ALIYA'S POV"Saan natin siya ibababa, sir?" tanong ng drayber sa katabi ko. Medyo nakalayo na rin kami sa bodega na 'yon. Ngayon ko lang din nalaman na amo pala nila itong lalaking katabi ko."Diretso tayo sa bahay," sagot nito."Huwag na," pagtutol ko. "Sa bahay ko na lang. Doon niyo na lang ako ihatid," dugtong ko kahit wala naman talaga akong matutuluyan ngayon.Tiningnan ako ng katabi ko at ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Guwapo rin ang isang ito ah at mukhang mas mabait kesa sa katabi ko."Mukhang may bahay ka pa sa lagay mong 'yan?" wika niya. Natahimik ako dahil sa sinabi niya. "Tingnan mo nga ang sitwasiyon mo. Sabi mo kanina ay dala mo lahat ng mga gamit mo so, bakit dala-dala mo lahat ng mga gamit mo kung may bahay ka pa?" tanong niya sa akin.Gusto kong umiyak sa mga oras na 'to dahil sa sinabi niya. Oo, aaminin ko, wala na akong matutuluyan dahil pinalayas ako sa tinitirhan ko. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero huwag na lang. Mas magmumukha lang

    Terakhir Diperbarui : 2023-09-30
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 5

    ALIYA'S POV"To my office. Now," diing wika niya habang nakatingin sa akin. Sakto naman ang pagdating ni Jacobe kaya medyo nabawasan ang kaba ko.Sinenyasan ako ni Jacobe na sumunod na kaya nagsimula na akong maglakad. Si Jacobe ay nakasunod lang din sa akin. Bawat sampung hakbang ay lumilingon ako sa kaniya. Pinapaalala niya sa akin na huwag mabahala kaya sa harap na ulit ang tingin ko.Pumasok kami sa isang silid na siyang opisina ni sungit. Malaki ang opisina niya. Sobrang linis at organisado. Umupo ito at sinenyasan niya akong umupo sa upuang kaharap ng kaniyang mesa. Tahimik na naupo ako habang si Jacobe ay nakatayo lang. Sinulyapan ko si Jacobe pero nagulat ako nang magsalita si sungit."Sino ang nag-utos sa iyo na manguha ng mga bulaklak sa hardin?" madiin ang boses na tanong niya. Nilingon ko si Jacobe at nagsalita ito. Hindi ko alam ang gagawin dahil sa kaba."Gusto niya pong mamitas ng mga bulaklak kaya sinabi ko po sa kaniya na puwede," sagot ni Jacobe. Seryoso lang ang muk

    Terakhir Diperbarui : 2023-09-30
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 6

    ALIYA'S POV"Ayan, mas maganda na itong kuwarto," nakangiting wika ko nang mailagay na sa isang maliit na mesa sa tapat ng sofa ang flower vase. "Mas maganda na ang aking umaga gayong makakakita ako ng puting rosas sa oras na magising ako."Pagkatapos nito ay naligo na muna ako dahil sa tingin ko ay iba na ang amoy ko. Malaki ang banyo na may shower na at palikuran. Mayroon ding bathtub. Nagsimula na nga akong maghubad. Nang mahubad na lahat ng aking kasuotan ay sisimulan ko na ang pagligo.Nilibot ko ang aking paningin dahil hinahanap ang pambukas ng shower. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako marunong magbukas ng shower. Nasanay ba naman ang isang tulad ko sa balde o 'di kaya'y planggana.Naisipan kong baka puwede ako makahingi ng tulong kay Jacobe sa pagbubukas ng shower. Oo, tama, si Jacobe nga ang kailangan ko ngayon. Sana ay nandiyan lang siya sa tabi-tabi. Akma na akong lalabas nang maalalang wala pala akong saplot. Naku po! Agad na kinuha ko ang tuwalya at itinapis sa

    Terakhir Diperbarui : 2023-09-30
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 7

    DEAN GAVIN'S POVAno itong aking nararamdaman? Bakit bumibilis ang tibok ng aking puso? Nakatitig lang naman ako sa mga mata niya pero bakit ganito?Dahil kanina pa kami nakatitig sa isa't-isa ay ako na ang pumutol ng titigang iyon."I am going back inside. Pumasok ka na rin at magpahinga," wika ko at siya'y tinalikuran na.Kahit na medyo nanghihina ang aking katawan ay pinilit kong bilisan ang aking lakad. I don't like this feeling. I don't want to feel this feeling again. Kailangan kong hindi maglalapit-lapit sa kaniya. Kailangan kong iwasan siya para sa ikabubuti naming dalawa.ALIYA'S POVSampung araw na akong nananatili sa malaking bahay na ito. Ang tanging ginagawa ko lang sa araw-araw ay kumain, matulog sa malambot na kama, ang maligo sa malamig na shower, ang libutin ang malawak na hardin, manood ng palabas sa telebisyon at titigan ang magandang water fountain. Masasabi kong napakaganda talaga ng aking buhay rito. Akala ko ay puro kamalasan ang dala ko sa buhay pero hindi pala

    Terakhir Diperbarui : 2023-10-02
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 8

    ALIYA'S POVAgad na nag-inat ako nang ako'y magising. Umiyak ako kagabi pero maganda ang tulog ko. Napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. Niyakap niya ako. Sa wakas ay pinansin na niya ako ulit. Nagkausap kami. Iyon na ba ang simula ng pagiging namin sa isa't-isa? Sana nga.Bumaba na ako ng kama at pumasok sa banyo. Pansin ko ang bahagyang pamamaga ng aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Grabeng iyak ko pala kagabi. Buti na lang talaga at dumating si Gavin dahil kung hindi, hindi ko talaga alam ang aking gagawin.Naghilamos na ako at lumabas na ng banyo. Inayos ko na ang aking sarili bago lumabas ng kuwarto. Nang madaanan ang hapag-kainan ay nakita ko si Gavin na nakaupo sa kaniyang puwesto. Mag-isa lang ito na siya namang nais niya. Ang pagkain niya ay halatang hindi pa niya nagagalaw. Mukhang may hinihintay ata siya. Sino kaya?Dahan-dahan akong lumapit sa refrigerator para kumuha ng maiinom nang mapatigil ako."Buti naman gising ka na," wika ng isang pamilyar na bos

    Terakhir Diperbarui : 2023-10-02
  • Reviving Our Scars   CHAPTER 9

    JACOBE'S POVPapunta ako sa opisina ni Sir Dean nang makitang papalabas dito si Liya. Nagmamadali ito habang nakayuko. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa kaniyang kuwarto. Nagtataka man ay tumuloy na ako sa opisina ni sir. Baka sakaling siya ang makasasagot ng tungkol dito.Pagpasok ko ay bumulaga sa akin ang mga nagkalat na papel sa sahig. Si Sir Dean naman ay nakasandal lang sa kaniyang upuan habang nakatalikod mula sa akin. Lumapit ako sa kaniya. Napansin ko ang isang litratong hawak niya at hindi mapigilang mabigla nang makita kung sino ang nasa litrato.Clara.Inalis ko ang aking pagkabigla at ngayon ay nagtanong."May ginawa ka bang hindi maganda kay Aliya?" diretsahang tanong ko sa kaniya. Inikot niya ang kaniyang upuan at tumingin sa akin."Sinabi ko lang ang mga dapat niyang malaman," mahinahong sagot niya. "Sinabi ko lang sa kaniya kung ano ang lugar niya sa pamamahay kong ito," dagdag pa niya."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong kong muli."Kung

    Terakhir Diperbarui : 2023-10-04

Bab terbaru

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 58

    THIRD PERSON'S POV"Kailan ang balik mo?" tanong ni Aliya kay Jacobe. Aalis kasi ang binata dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.Lumapit ang binata at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "Hindi pa ako umaalis eh nami-miss mo na ako agad," pagbibiro nito."Mami-miss talaga kita." Ngumuso pa siya.Nanlaki ang mga mata ni Jacobe dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga. Nababaliw na naman sa bilis ang tibok ng kaniyang puso."Ilang araw lang, Liya. Babalik din ako kaagad. Huwag kang magpapasaway rito ah. Huwag matigas ang ulo habang wala ako," paalala niya."Bilisan mo ang pagbalik, dahil wala pa naman akong ibang kakampi rito kapag inaaway ako ni Gavin."Bahagyang natawa ang binata. "Isumbong mo kay Nanay Elsie. Kakampi mo rin 'yon.""Sige na, umalis ka na. Kapag nagtagal ka pa, baka humagulgol na ako rito."Lumapit ito sa kaniya at siya'y niyakap. "Mag-iingat ka rito dahil babalik ako kaagad."NAKAUPO si Aliya sa ilalim ng punong mayabong habang nagsusulat sa ka

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 57

    THIRD PERSON'S POVMaagang nagising si Aliya. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay namamaga ang kaniyang mga mata."Epekto ng sobrang iyak kagabi," sambit niya sa sarili.Inayos na niya ang sarili at lumabas na ng silid.Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas nang makasalubong niya rito si Gavin. Nagkatitigan sila ng ilang segundo pero agad din iyong pinutol ng binata. Talagang malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.Hindi niya na lang ito pinansin. Kumuha na lang siya ng tasa, gatas at asukal.Pagkatapos magtimpla ay umupo siya sa isang stool at dahan-dahang uminom. Silang dalawa lang ng binata ang nasa kusina. Umiinom ito ng kape habang nakasandal sa countertop.Ilang pulgada lang ang layo nila pero parang hindi nila kilala ang isa't-isa.Napanguso si Aliya nang makaramdam ng gutom. Wala pa sina Nanay Elsie kaya tiyak na wala pang lutong pagkain sa kusina. Dahil dito, ang ginawa niya ay iniwan ang iniinom na gatas at naghanap ng puwedeng kainin sa kusina.Binu

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 56

    THIRD PERSON'S POVKanina pa palibot-libot sa buong silid niya si Aliya. Gusto na niyang makumpirma ang mga nangyayari sa katawan niya. Pero ano ang magagawa niya? Hindi siya puwedeng lumabas at pumunta sa ospital.Umupo siya sa sofa at may hinanap na pangalan sa kaniyang contacts. Ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya ngayon."Hello, Liya. Napatawag ka?" tanong nito sa kaniya.Napakagat siya ng kaniyang kuko at nag-iipon ng lakas ng loob kung paano sasabihin ito sa binata."J-Jacobe, nasaan ka?" tanong niya rito."Nasa hardin, bakit?""M-May request lang sana ako sa 'yo. May ipag-uutos ako sa 'yo kung hindi ka naman busy.""Okay! What is it?""Ano kasi. . .uhmm. . .puwede bang dito na lang tayo sa silid mag-usap? Importante lang, Jacobe.""Sige. Papunta na ako diyan."Pinatay na niya ang tawag at ilang minuto rin nang makarinig ng katok.Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang binata. . .pinapasok niya ito."Siguradong hindi ka busy ah?" paninigurado niya."Siguradong-sigur

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 55

    THIRD PERSON'S POVPagkagising na pagkagising ni Aliya ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Sa silid niya sa mansion siya natulog dahil hindi naman umuwi ang binata.Mabilis siyang humarap sa lababo at doon sumuka. Parang may kung ano sa sikmura niya na dahilan ng kaniyang pagsusuka.Malalalim ang kaniyang paghinga. Binuksan niya ang gripo at nagmumog. Pagkatapos ay pinatay na niya ito at tinitigan ang sarili sa salamin. Iba ang kutob niya rito kaya bigla siyang kinabahan.Inayos na muna niya ang sarili bago lumabas nang tuluyan sa silid."Good morning po, 'nay, Ate Trina at Ate Irma," masiglang bati niya sa mga ito. Nasa kusina ang mga ito at naghahanda ng pagkain."Magandang umaga, Liya," ani ni Trina."Good morning din, Liya," bati naman ni Irma."Magandang umaga rin, anak. Gutom ka na ba? May luto nang pagkain kaya puwede ka nang kumain kung gusto mo," sambit ni Nanay Elsie."Sasabay na po ako kanila Jacobe, 'nay. Magtitimpla na po muna ako ng kape."Kumuha na siya ng tasa at kinuha

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 54

    THIRD PERSON'S POVHalos ilang minuto rin ang itinagal ng iyak ng dalaga hanggang sa makatulog ito sa mga braso ng binata."Aliya?" tawag niya rito pero wala siyang nakuhang sagot. "Liya?" At wala pa ring sagot. Dito niya napagtanto na nakatulog na ito.Binuhat niya ang dalaga at binaybay ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie.Tinawag niya ang matanda na ilang saglit lang ay binuksan ang pinto."Bakit, Jacobe?" tanong nito sa binata. "Harujusko! Ano'ng nangyari diyan!?""Nakatulog po sa mga braso ko, 'nay. Dito ko po muna siya patutulugin," sagot niya."B-Bakit naman?" Makahulugan itong tiningnan ng binata na agad naman nitong naintindihan. "Ang dalawang 'yan talaga. Parang lagi na lang nag-aaway ah. Kawawa tuloy itong Aliya ko.""Saan ko po siya ilalagay, 'nay?" tanong niya nang makapasok na sila sa silid ng matanda."Dito na sa kama." Inayos ito ng matanda bago inilapag ni Jacobe ang dalaga.Bahagya pang gumalaw ang dalaga nang mailapag na ito ng binata, pero kaagad din naman i

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 53

    THIRD PERSON'S POVJust like Jacobe said, pinuntahan ulit nila ang hotel kinabukasan para tingnan ang CCTV. . .kasama sina Miko at Erol. Sa una ay hindi pumayag ang security management because of security protocols, pero sa huli ay pumayag din. Ang may-ari kasi ng hotel ay kaibigan ng ama ni Jacobe kaya tinawagan nito ang ama para pakiusapan ang kaibigan nito. Sa una ay ayaw pumayag ng ama na kalauna'y pumayag na rin. Kahit may alitan, ay anak niya pa rin ito, at ramdam niyang importante ang bagay na ito sa anak dahil kinausap siya nito para lang dito.Masinsinan nilang tinutukan ang CCTV footage. Sinabi nila ang oras ng pangyayari at ang lugar kung saan iyon nakita ng dalaga.Pinahinto ni Gavin ang video nang mapansin niya ang isang kahina-hinalang lalaki. Katulad na katulad iyon sa deskripsiyon ng dalaga rito."Puwede niyo bang sundan ang bawat lugar na dinaanan ng lalaking ito?" utos niya sa mga security personnel na agad naman nilang sinunod.'Paano siya nakalusot sa mga security

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 52

    THIRD PERSON'S POVNaglibot nga sila sa mall habang kasama ang iilan sa tauhan ng binata.Pinagmamasdan lang siya ng binata habang namimili."The color looks great on you, love," he complimented her nang sukatin niya ang isang pares ng stiletto. It was color beige that suited her fair complexion.Naiilang na ngumiti siya. Gusto man niya pero nalula siya sa presyo.Nilapitan niya ang binata. "Gavin, masiyadong mahal kaya pili na lang tayo ng iba," bulong niya rito.Hindi nito pinakinggan ang dalaga. "We'll get this one," sambit ng binata sa isa sa mga staff. "And also, we will get every color of that stiletto you have. Same size and style," dagdag pa nito."Gavin!" reklamo niya pero wala na siyang magagawa dahil mapilit ang binata.Namili na rin siya ng ilang mga damit na mula sa iilang sikat na mga kompanya. . .mga luxury brands. Pipili siya and then complain after because of the price. Ngunit, walang pagdadalawang-isip na binibili ito ng binata."Tama na ito, Gavin. Masiyado nang ma

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 51

    THIRD PERSON'S POVAraw-araw ginugulo si Gavin ng text mula sa unknown number. Dahil dito, pinipilit niyang mag-focus sa mga gawain nila at nang matapos kaagad.'I saw your girl kanina sa hardin. She really has this aura na gusto kong matikman. She's pretty and seems like delicious enough for me. Nangangati ang mga daliri ko sa kaniya.'He crumpled the paper he's holding. Nangangalaiti siya sa galit. Pinangako niya sa sarili na sa oras na makita at makilala niya ito ay hindi na niya ito hahayaan pang huminga. "WE'LL start now. Wala tayong sasayanging oras. Tapusin ang dapat tapusin. Kung maaari ay mag-overtime tayo para matapos kaagad," ma-otoridad na turan niya sa mga ito.Sumang-ayon naman ang lahat sa kaniya.Panglimang araw na nila rito at nagagalak si Gavin na malapit na silang matapos. Balak na niyang tapusin ngayon at nang makauwi na sila bukas.Malalaking ngiti at malalakas na palakpakan ang namayani sa loob ng silid nang tuluyan na nga silang matapos. Kahit si Gavin ay malawa

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 50

    THIRD PERSON'S POVTakipsilim na nang tumawag ulit si Gavin."Good evening, love. Sorry ngayon lang napatawag, kagigising ko lang kasi," imporma nito."Ayos lang. Wala namang problema," magiliw na tugon ng dalaga."What are you doing?" tanong nito."Nakaupo lang dito sa balkonahe habang nagpapahangin.""Bukas pa magsisimula ang totoong pakay namin dito kaya nakatambay muna ako sa kuwarto. Ayaw ko rin namang makihalubilo masiyado sa kanila dahil mga matatanda na. Hindi ako makasabay," pagbibiro nito."Kapag tumanda ka tulad nila, ganiyan ka rin naman. Para bang sila ang future mo," natatawang saad ni Aliya."Yeah! Tapos ikaw ang kasama ko sa pagtandang iyon."Aliya's heart beats crazily. Para siyang hindi makahinga dahil sa bilis no'n."I hope so, Gavin. Hindi natin puwedeng pangunahan ang panahon. Kung tayo nga, ay tayo talaga.""I know, love. I just want you to know na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Ayaw ko ng iba.""So do I. Pero sa ngayon, pagtuunan muna natin a

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status