ChantriaBago kami umuwi ay muling pinatawag si Iwatani sa office kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kaniya. I’m so tired today na gusto ko na lang makauwi at humilata sa kama ko.Paano ba naman kasi, ang aga kong gumising para mag-gym. Sa school naman ay tambak ang mga pinagawa ng mga teacher. Not to mention may mga homework pang pinauwi na kailangang ipasa bukas. I need to rest for a while, and ASAP!"Wait for me here," ani Iwatani. "I'll be quick."Halos mag-iisang oras na yata akong naghihintay sa labas ng office pero walang Iwatani na lumalabas. Mabuti sana kung naka-air conditioner itong hallway ay ayos lang. Pero dahil may nakatapat sa 'king araw ay halos humulas na ako. Gusto ko sanang kumatok o ano para magpaalam sa kaniya pero baka may meeting kasi sa loob. Kaya naman sa huli ay nag-send na lang ako ng message sa kaniya.Napagpasyahan kong mauna na sa parking lot at sa sasakyan na lang maghintay. I don't have his car key but at least walang araw doon na nakatir
Chantria“Ang laki naman pala ng bahay mo para sa sarili mo lang,” komento agad ni Lorreine pagkababang-pagkababa sa tricycle.Kasunod niyang bumaba si Louella na inilibot din agad ang tingin sa paligid. Mayamaya ay bumaling ang tingin niya kay Iwatani na nasa tabi ko naman. “Sasama ka ring mag-review?”“Nope. I live here.” Tinuro naman niya ang katabing bahay.“Oo nga pala. Childhood best friends nga pala kayo.” Napahagikgik pa si Lorreine sa sinabi niya pero hindi na lang namin pinansin. Ang kalog niya talaga kahit kailan. Walang pinipiling lugar. But it’s not like it’s a bad thing.“Tara na sa loob para maaga tayong makapagsimula at matapos,” pag-aya ko sa kanila.Nauna akong pumasok at sumunod lang silang dalawa. Nagpaalam naman na sa ‘kin si Iwatani at tawagin ko na lang daw siya kung may kailangan kami. Hindi ko alam kung ano ang kakailanganin namin para tawagin ko pa siya pero hinayaan ko na lang.“Dope!” bulalas ni Lorreine nang makita ang mini bookshelf ko sa sala. Nagsimula
Chantria Matapos kong ngumawa sa kanila ay pinagpatuloy na namin ang pagre-review. I’m so thankful to them, especially Lorreine. Hindi na sila nagtanong pa kahit alam kong sobrang curious nilang dalawa sa kung bakit ako umiyak. Knowing Lorreine, inaasahan ko nang pauulanan niya ako ng mga tanong pero hindi niya ginawa. She respects me and I can’t help myself from tearing up again. Mabuti na lang at napigilan ko dahil masyado nang nakakahiya sa kanilang dalawa. Kailan ko lang sila nakilala pero ito ako at nagdadrama na agad. Miski kay Iwatani naman na mas matagal ko nang kakilala ay kailan lang ako nag-open up. Siguro dahil mga babae sila at kahit papaano ay alam kong alam nila ang nararamdaman ko. The hormones. Maaga naming napagpasyahang matulog dahil sabay-sabay rin kaming magg-gym bukas bago pumasok. Kahit na saglit lang kami nakapagkwentuhan ay mukhang wala namang problema sa kanila ‘yon. “Ano ka ba!” bulalas ni Lorreine. “Maraming taon pa tayo pwedeng mag-overnight. Kung gus
Chantria“Our class is having a field trip on the 18th,” our adviser stated, “so I know how excited you all are. Pero kailangan kong ipaalala na ang deadline ng activity sa subject natin ay before the trip. Failure to submit the activity and failing grades mean you can’t participate in the trip.”Some groaned at the announcement, while some didn’t give a d-mn. Hindi ko maiwasang hindi mapabuntonghininga dahil I really hate physics. Hindi ako confident na makakapasa ako sa activity na binigay niya.Una, hindi ako pwedeng mangopya. Ikalawa, wala naman akong kokopyahan in case meron. At ikatlo, iba-iba ang content ng activity depende sa kung anong row ka nakaupo.Iwatani is sitting beside me, so iba ang content ng kaniya. Sina Lorreine at Louella ang magkasama sa iisang row kaya pareho sila, samantalang naiba naman ako sa kanilang dalawa. Kahit sana sino sa kanilang tatlo ang makagrupo ko ay secure na ako.“Stop sighing.” Napatingin ako kay Iwatani. “Kanina ka pa bumubuntonghininga diyan
Chantria“Wear this,” ani Iwatani pero siya pa rin ang nagkabit ng apron sa ‘kin.Halos hindi ako humihinga habang kinakabit niya sa ‘kin ang apron. Napalunok lang ako habang nakatingin sa kawalan. At nang matapos niyang ikabit ang apron sa ‘kin ay roon lang ako nakahinga.Mabuti na lang at busy na siya sa pagtingin sa mga ingredient at equipment na gagamitin namin at hindi na niya napansin ang reaksyon ko. Huminga ako nang malalim paulit-ulit para pakalmahin ang mabilis na tubok ng puso ko.“I’m going to teach you how to cook Adobo. Ito ang isa sa mga pinakamadaling lutuin kaya sa tingin ko ay makukuha mo siya agad. Medyo matigas pa ang baboy kaya pakuluan muna natin.”Tumabi ako sa kaniya at pinanood ang ginagawa niya. Inutusan niya akong maghiwa ng sibuyas at ilan pang mga ihahalo sa Adobo.Ito ang madalas naming kainin sa Canada noon dahil paborito ito ni dad. I’ve never got to cook for him, though. May tagaluto kasi kami roon. But now that I’ll be learning this, sisiguraduhin kon
Chantria“Mga dadalhin ko lang ‘to bukas sa trip,” sagot ko sa tanong ni Lorreine. “Kayo? Bumibili rin ba kayo para bukas?”“Syempre! Ang dami nga naming nabiling chichirya kasi panigurado maraming manghihingi sa byahe. Mga timawa kasi mga kaklase natin.”Natawa kami dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa gaanong kakilala ang mga kaklase namin kaya hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Malalaman ko naman iyon bukas mismo sa trip. Pero dahil halos kakilala at ka-close ni Lorreine ang lahat ng mga kaklase namin ay mukhang hindi malabong totoo nga ang sinasabi niya.Sabay-sabay kaming napatingin kay Iwatani na hinihingal na lumapit sa ‘min. Nang mapansin niyang hindi ako nag-iisa ay bahagya siyang napaatras at may kung anong tinago sa likod niya. Hindi ko na naitanong kung ano ‘yon dahil inulan na siya ng mga tanong ni Lorreine.“’Tapos na ba kayong mamili? Bakit hindi na lang kayo sumama sa ‘min ni Louella? Balak naming mag-lunch ‘tapos mag-aarcade kami. Kung hindi lang naman kayo busy
ChantriaHindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang boses ng teacher namin. Hindi ko alam kung saang parte ako ng movie nakatulog pero dahil sa sobrang haba ng byahe ay hindi ko na rin natiis.Gising na si Iwatani nang dumilat ako at sa balikat na niya nakadantay ang ulo ko. Miski iyon ay hindi ko na naramdaman pero hindi ko na lang pinansin.Inayos ko na ang sarili ko dahil malapit na raw kami. Gustong-gusto ko nang makalabas dahil nagsisimula na rin akong mangalay sa pwesto ko sa sobrang tagal naming nakaupo. Sinubukan ko pang mag-inat dahil sa sakit ng katawan.“Oh no! Nakalimutan kong dalin ‘yong sunscreen ko,” rinig kong sabi ni Lorreine sa likod namin. “Naalala kong nilabas ko na sa plastic ‘yon eh. Nakalimutan ko yatang ilagay sa bag ko.” May narinig pa akong ingit galing sa kaniya kaya mahina akong natawa.Kinuha ko ang sunscreen sa bag ko at saka bahagyang tumayo para dumungaw sa kanila. “Here. Use mine. Marami naman ‘yang laman.”Nag
Chantria“Tapos na agad?” tanong ko nang magsimulang magbabaan ang mga kasama namin sa ride.Mahinang natawa si Gab sa gilid ko. “Yeah, sorry. You didn’t get to enjoy the ride because of me.”Mabilis akong umiling. “Hindi ah! Hindi mo kaya kasalanan. Ako nga itong madaldal eh.”Nauna siyang bumaba ng bangka habang nakasunod naman ako sa kaniya. He held out his hand for me. Agad ko iyong tinanggap at saka bumaba. He smiled and I did the same bago kami lumabas ng ride.Agad na hinanap ng mga mata ko sina Iwatani pero wala akong nakita. Mukhang nahuli sila sa ride dahil napuno iyon agad. Kaya naman napagdesisyunan kong bumili muna ng ice cream sa isang stand habang naghihintay. Medyo matagal kasi ang naging ride namin."Do you want one?" tanong ko."Sure." May dinukot siya sa bulsa bago inabot sa 'kin. "Here. Bayad ko."Mabilis akong umiling. "Huwag na. Libre ko na 'to."Inabot ko sa kaniya ang strawberry flavor na ice cream samantalang vanilla naman ang akin. Hindi ko inaasahang mahilig