Chantria“Wear this,” ani Iwatani pero siya pa rin ang nagkabit ng apron sa ‘kin.Halos hindi ako humihinga habang kinakabit niya sa ‘kin ang apron. Napalunok lang ako habang nakatingin sa kawalan. At nang matapos niyang ikabit ang apron sa ‘kin ay roon lang ako nakahinga.Mabuti na lang at busy na siya sa pagtingin sa mga ingredient at equipment na gagamitin namin at hindi na niya napansin ang reaksyon ko. Huminga ako nang malalim paulit-ulit para pakalmahin ang mabilis na tubok ng puso ko.“I’m going to teach you how to cook Adobo. Ito ang isa sa mga pinakamadaling lutuin kaya sa tingin ko ay makukuha mo siya agad. Medyo matigas pa ang baboy kaya pakuluan muna natin.”Tumabi ako sa kaniya at pinanood ang ginagawa niya. Inutusan niya akong maghiwa ng sibuyas at ilan pang mga ihahalo sa Adobo.Ito ang madalas naming kainin sa Canada noon dahil paborito ito ni dad. I’ve never got to cook for him, though. May tagaluto kasi kami roon. But now that I’ll be learning this, sisiguraduhin kon
Chantria“Mga dadalhin ko lang ‘to bukas sa trip,” sagot ko sa tanong ni Lorreine. “Kayo? Bumibili rin ba kayo para bukas?”“Syempre! Ang dami nga naming nabiling chichirya kasi panigurado maraming manghihingi sa byahe. Mga timawa kasi mga kaklase natin.”Natawa kami dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa gaanong kakilala ang mga kaklase namin kaya hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Malalaman ko naman iyon bukas mismo sa trip. Pero dahil halos kakilala at ka-close ni Lorreine ang lahat ng mga kaklase namin ay mukhang hindi malabong totoo nga ang sinasabi niya.Sabay-sabay kaming napatingin kay Iwatani na hinihingal na lumapit sa ‘min. Nang mapansin niyang hindi ako nag-iisa ay bahagya siyang napaatras at may kung anong tinago sa likod niya. Hindi ko na naitanong kung ano ‘yon dahil inulan na siya ng mga tanong ni Lorreine.“’Tapos na ba kayong mamili? Bakit hindi na lang kayo sumama sa ‘min ni Louella? Balak naming mag-lunch ‘tapos mag-aarcade kami. Kung hindi lang naman kayo busy
ChantriaHindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang boses ng teacher namin. Hindi ko alam kung saang parte ako ng movie nakatulog pero dahil sa sobrang haba ng byahe ay hindi ko na rin natiis.Gising na si Iwatani nang dumilat ako at sa balikat na niya nakadantay ang ulo ko. Miski iyon ay hindi ko na naramdaman pero hindi ko na lang pinansin.Inayos ko na ang sarili ko dahil malapit na raw kami. Gustong-gusto ko nang makalabas dahil nagsisimula na rin akong mangalay sa pwesto ko sa sobrang tagal naming nakaupo. Sinubukan ko pang mag-inat dahil sa sakit ng katawan.“Oh no! Nakalimutan kong dalin ‘yong sunscreen ko,” rinig kong sabi ni Lorreine sa likod namin. “Naalala kong nilabas ko na sa plastic ‘yon eh. Nakalimutan ko yatang ilagay sa bag ko.” May narinig pa akong ingit galing sa kaniya kaya mahina akong natawa.Kinuha ko ang sunscreen sa bag ko at saka bahagyang tumayo para dumungaw sa kanila. “Here. Use mine. Marami naman ‘yang laman.”Nag
Chantria“Tapos na agad?” tanong ko nang magsimulang magbabaan ang mga kasama namin sa ride.Mahinang natawa si Gab sa gilid ko. “Yeah, sorry. You didn’t get to enjoy the ride because of me.”Mabilis akong umiling. “Hindi ah! Hindi mo kaya kasalanan. Ako nga itong madaldal eh.”Nauna siyang bumaba ng bangka habang nakasunod naman ako sa kaniya. He held out his hand for me. Agad ko iyong tinanggap at saka bumaba. He smiled and I did the same bago kami lumabas ng ride.Agad na hinanap ng mga mata ko sina Iwatani pero wala akong nakita. Mukhang nahuli sila sa ride dahil napuno iyon agad. Kaya naman napagdesisyunan kong bumili muna ng ice cream sa isang stand habang naghihintay. Medyo matagal kasi ang naging ride namin."Do you want one?" tanong ko."Sure." May dinukot siya sa bulsa bago inabot sa 'kin. "Here. Bayad ko."Mabilis akong umiling. "Huwag na. Libre ko na 'to."Inabot ko sa kaniya ang strawberry flavor na ice cream samantalang vanilla naman ang akin. Hindi ko inaasahang mahilig
Chantria“Hindi mo naman agad sinabing galing ka pala sa mayamang pamilya,” ani Lorreine habang nakahiga kami sa kama. Sa couch nakahiga si Louella at tahimik lang na nakikinig.“It’s just complicated. Alam niyo ‘yon? Some say being a rich kid is all that. Mabibili na nila kahit anong gusto nila. O hindi kaya naman, secure na ang future nila dahil may mayaman silang parents.”Napabuntonghininga ako bago nagpatuloy. “But we’re not all that. May problema rin kami. Tao lang din naman kami. That’s why I don’t tell anyone that my family is rich. Ayokong ma-discriminate. Ayokong kaibiganin lang ako dahil may pera ako.”“Well, it’ll be unfair if you don’t have problems like us. At least doon man lang ay alam nating fair lang talaga ang lahat sa kahit sino.”Tumango lang ako sa sinabi ni Lorreine hanggang sa lamunin na ako ng antok. Hindi ko alam kung nakatulog din ba silang dalawa dahil pagkagising ko ay nag-aayos na sila. Ayon kay Iwatani ay kumalma na kahit papaano sa amusement park. Ngun
Chantria“What’s that about a while ago?” tanong ko habang papauwi.“What do you mean?”Binaling ko ang tingin sa kaniya. “May nangyari ba sa inyo ni Gab na hindi ko alam? It feels like… there’s tension.”Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko. O baka nag-iisip na siya ng kung anong kasinungalingan dahil ayaw niyang malaman kong mayroon ngang tensyon na namamagitan sa kanila.“It’s nothing, Seanne. Wala kang dapat ipag-alala.”“What? Is it a guy thing? Hindi ko ba pwedeng malaman kung ano ‘yon? Or are you hiding something from me?”“Like what I’ve said, wala ‘yon. Nag-o-overthink ka lang. We’re just competing with each other as a former member and a new member.”Tinitigan ko siya na para bang may hinahanap sa mukha niya. I don’t know what he’s thinking. But it feels like there’s really something. Or am I overthinking just like he said?“Really?” pagkukumpirma ko.“Really. Hindi ko rin alam kung paano nagsimula. I just thought, I can't bear to lose to him.”Pinasadahan niya ako ng ting
Chantria"What did you two talk about?" tanong ni Iwatani habang papuntang parking space."Nothing, really."Muli ko na namang naalala ang nangyari kanina dahil sa naging tanong niya. Muli na namang napuno ng mga katanungan ang isip ko.Nang makaupo siya sa driver's seat ay hinarap ko siya. "Say, someone tells you that he doesn't want to be your friend anymore. What are you going to do?"Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "What are you saying?""Example lang naman. Anong gagawin mo kung may magsabi sa 'yo niyan?"Saglit siyang napaisip bago sumagot, "Nothing."This time, ako naman ang napakunot ang noo. "Nothing?""Yeah. Wala. It's not my loss if they don't want me to be their friend."Napabuntonghininga ako. Oo nga naman. This is Iwatani I’m talking about. Kahit wala ako rito ay mabubuhay siyang mag-isa. Kahit wala siyang kaibigan ay kaya niya ang sarili niya, unlike me.Kaya siguro ganito na lang din ang nararamdaman ko nang dahil sa sinabi ni Gab. Madalang akong makipagkaibigan sa
Chantria“Wala kaming mabilan ng malaking styro dito,” ani Erin sa kabilang linya.“Okay,” sagot ko. “Maghahanap kami rito ni Lorreine kung meron. Kumpleto na ‘tong mga binili namin. Bale, iyan na lang ba kulang niyo?”“Oo. Iyon na lang. Meron dito kaya lang maliit. Hindi magkakasya ‘yong gagawin natin.”“Sige. Tawag na lang ulit ako kapag nakahanap na kami.”Nang ibaba ko ang phone ay agad kaming naghanap ni Lorreine ng styro. Sinubukan kong tawagan si Gab para itanong kung may kailangan pa siya pero hindi siya sumasagot. Baka busy pa siya sa paghahanap at pag-aayos ng mga kailangan namin sa kanila.“Oh? Sige. Nandito pa naman kami sa mall. We’ll try to look for one.”Napatingin ako kay Lorreine na may kausap na sa phone. Agad akong lumapit sa kaniya. “May kailangan pa raw ba sina Erin?”Binalik niya ang phone sa kaniyang bulsa bago ako sinagot. “Si Gab ‘yon, tumawag. Wala na raw pala silang maliliit na turnilyo sa kanila kaya nagpapabili siya.”Napanguso ako dahil doon. Kanina ko p