ALLYS POV "Baby, anong problema?" Mabilis ang naging pag-iwas ko ng tingin sa kanya at umakto na masaya sa kanyang harapan. "Uhm...wala..wala naman. Teka kanina ka pa ba dito sa bahay? O kararating mo lang? Halika at nang makapag meryenda ka sa loob," nakangiti kong sabi sa kanya at hinila siya papasok sa kabahayan. "Nanay Tessy nandito na po ako! Pwede po bang pakihanda kami ng meryenda ni Leon," tawag ko kay Nanay Tessy na agad namang lumabas mula sa kusina. Inilapag ko ang aking handbag na dala sa sofa bago ko siya muling binalingan ng tingin. "Have a seat," alok ko pa sa kanya at naunang naupo sa sofang naririto. "Kumusta?" tanong ko sa kanya nang nakangiti. Hindi siya umimik at nanatili lamang siyang nakatayo sa aking harapan at mariing nakatitig sa akin. Papaano naman ako magiging kaswal ngayon sa kanya kung ganyan siya kung makatitig sa akin? "Uhmm..m-may dumi ba ako sa mukha?" Hindi ko na napigilan pang itanong iyon sa kanya. Malalim siyang bumuntong hininga at naup
ALLYS POV Pag-ibig. Pagmamahal. Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga salitang iyan? Lumaki akong ulila na sa aking mga magulang kaya ni kahit minsan ay hindi ko naranasan ang mga bagay na iyan. Sa halip ay namulat ako sa karahasan at paghihirap. "Gulay! Gulay po kayo diyan! Ate baka gusto niyo pong bumili sa mga gulay ko po. Masustansya po ang mga ito at masasarap pa po," alok ko sa isang ale na nagwawalis sa harapan ng kanilang bahay. "Naku, Allys! Ikaw pala iyan! Sige bibili ako," nakangiting sabi ni Aling Martha sa akin. Siya ang pinaka suki ko sa mga pinag nilalakuan ko ng mga gulay at halos lahat ng mga paninda ko ay dito ko na sa kanya idenederetso dahil sa binibili niya nga ang lahat. "Magkano ba lahat iyan, Allys?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang malaki niyang walet na may maraming zippers. "200 lang po lahat, Aling Martha," ngiti ko sa kanya habang sinisilid ko sa isang butas-butas na plastic ang aking mga paninda. May tindahan kasi si Aling Martha ng mga g
ALLYS POV Sa loob ng dalawang araw ay wala kaming ibang ginawa ni Leon kundi ang magsama at magpakasayang dalawa. Sinusulit kasi namin ang mga araw na naririto pa siya at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi siya pumapasok manlang sa trabaho niya. Ngayong gabi ang alis niya ngunit heto kaming dalawa sa isang coffee shop at nagtatawanan. "Hi, Leon!" narinig kong bati ng dalawang babaeng kakapasok lang sa coffe shop. Leon looked at them and it's seems like he couldn't know them. Nagtutulakan pa ang dalawang babae habang paupo sa may hindi kalayuang table. They were actually pretty and decent. Napakasikat niya talaga pagdating sa mga babae o talagang kilala siya dahil sa sikat nga naman siya dahil Mondragon, mayaman at higit sa lahat gwapo. "Sino sila?" mabilis na tanong ko sa kanya habang nakataas ang aking isang kilay. Pilit kong itinatago ang namumuong nararamdamang selos pero mukhang napansin niya iyon dahil tinitigan niya lamang ako nang mariin. "I don't know them." Napairap
ALLYS POV Sa mga sumunod pang mga araw ay tanging eskwelahan at bahay lang ako. Hindi naman sa ayaw kong gumala o lumabas pero talagang mas gusto ko na lang manatili dito sa loob ng bahay at alagaan ang mga tanim kong bulaklak. At palagi rin naman kaming nagtatawagan ni Leon kaya hindi ako masyadong nabobored sa pananatili ko rito sa bahay. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha pero nadismaya ako nang makita kong hindi si Leon ang tumatawag. "Hello?" sagot ko sa isang numerong hindi pamilyar sa akin. [ Ito po ba si Mariel? ] tanong nang nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko na hindi pamilyar sa akin ang boses na nasa kabilang linya. "Sino po sila?" tanong ko rito. [ Uhm...pasensya na sa abala pero kakilala kasi ako ni Carla. Nandito kami sa isang club ngayon at sobrang lasing na lasing na kasi niya kaya pinakialaman ko na ang cellphone niya at naghanap ako nang numerong maaari kong matawagan. Ikaw kasi ang nasa recent call niya kay
SAMANTHA POV "What was happening, Tito? I think nasa isang bakasyon po si Carla ngayon. Inihatid ko po siya kahapon sa airport. Bakit po? Ano po bang nangyayari?" Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga niya kaya mas lalo lang akong kinabahan. The last time na naging ganito si Tito ay noong naaksidente si Mariel sa bus. "Tito?" tawag ko ulit sa kanya nang hindi siya nagsalita sa kabilang linya. [ Someone called Mariel, kanina sa bahay. Ang sabi ay nasa isang exclusive club raw si Carla at lasing na lasing. Sinabihan siya nito na sunduin si Carla sa BGC pero nang nasa intersection na sila ay may isang truck ang bumangga sa sinasakyan niya. Were here in the ospital right now. Critical ang lagay ni Mariel ngayon at wala pa ring malay ang driver niyang si Pedio. ] Napasinghap ako sa aking narinig at agad na napatayo. "WHAT?! SAANG HOSPITAL PO IYAN, TITO RODERICK? PAPUNTA NA PO AKO. I'M GONNA CALL, CARLA, ALSO." Nagmamadali akong bumaba sa sala at nakita ko ang gulat sa mga muk
ALLYS POV Masakit ang ulo ko at medyo hilo pa ako. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ngayon ng katawan ko. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at may naririnig akong iilang mga ingay. Dinig ko rin ang tunog ng makina sa gilid ko. Huwag mong sabihin na nasa ospital na naman ako? Naalala ko ang mga nangyari sa akin. Oo nga pala, naaksidente nga na naman pala ako sa ikalawang pagkakataon. "Doc, bakit hindi pa po siya nagigising? Marami akong dapat na itanong sa kanya!" rinig kong tanong ng isang ginang sa paligid. Si Mommy? Naririto sila. "Stable na po ang lagay niya ngayon. Mabuti at naagapan at nasalinan na natin siya kaagad ng dugo. As for now, hintayin na lamang po natin na magising siya. Iminumungkahi ko rin na dapat pagpahingahin ang pasyente," rinig kong sagot ng Doctor kay Mommy at pagkatapos non ay bumukas ang pintuan. Marahil ay umalis na ang doctor na gumamot sa akin. Marahan akong dumilat at ang una kong nakita ay ang puting kisame dito sa loob ng silid na ito. Teka? Hin
ALLYS POV Gaya nga nang iniutos ni Mrs. Cuevas sa kanyang mga tagapagsilbi ay wala ni kahit na sino man ang naghatid sa akin ng pagkain o tubig. Ni kahit isang gamot rin ay wala. Halos mugto na nga ang mga mata ko sa kakaiyak ko dito sa loob ng silid na ito. Hindi ko sukat akalain na sa isang kisap mata lang ay mawawala sa akin ang lahat ng kanilang pagmamahal para sa akin. Sino ba ang niloloko ko? Sino nga ba ako para mahalin din nila? Ni hindi nga nila ako ka ano-ano. Nang sumapit na ang gabi ay nagulat na lamang ako nang bigla na lamang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Nanay Tessy. May dala-dala siyang isang tray ng pagkain sa kanyang mga kamay. "N-nanay Tessy? Bakit po kayo naririto? At iyang mga dala niyo po. Hindi po ba't pinagbawalan kayong magdala ng pagkain sa akin?" medyo naguguluhan kong tanong sa kanya. Marahan siyang umupo sa gilid ko at inilagay niya sa side table ang pagkaing dala niya. "Hindi ko kayang hindi ka pakainin, hija. Kahit ano pa ang nagawa mong k
ALLYS POV Habang papaalis ako ng mansyon ay may nakita akong isang taxi na papalapit sa akin. Papalabas na ito at mukhang may inihatid lamang itong pasahero dito sa loob ng subdivision. Mabilis ko itong pinara at nang huminto ito sa aking harapan ay agad na akong sumakay. "Sa pinakamalapit po na terminal, Kuya," sabi ko sa driver. Habang papalabas kami ng subdivision ay hindi ko mapigilang mapalingon sa napakalaking gate na papasara. Mamimiss ko silang lahat. Mamimiss ko ang lahat ng mga masasayang araw ko na kasama sila. Lalong lalo na si Leon. Wala siyang alam. Hindi niya alam ang mga nangyayari ngayon sa akin. Ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niyang wala na ako sa poder ng mga Cuevas? Magmamahal pa kaya siya ng iba? O hahanapin niya kaya ako? Hindi! Imposible ang iniisip kong hahanapin niya ako. Siguro ay si Meldrid na ngayon ang magiging fiancee niya. 'Leon, patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa pag-iwan ko sa iyo.' Buong byahe patungong terminal ay umiiyak ak