Share

Kabanata 98: Accident

ALLYS POV

Sa mga sumunod pang mga araw ay tanging eskwelahan at bahay lang ako. Hindi naman sa ayaw kong gumala o lumabas pero talagang mas gusto ko na lang manatili dito sa loob ng bahay at alagaan ang mga tanim kong bulaklak. At palagi rin naman kaming nagtatawagan ni Leon kaya hindi ako masyadong nabobored sa pananatili ko rito sa bahay.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha pero nadismaya ako nang makita kong hindi si Leon ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko sa isang numerong hindi pamilyar sa akin.

[ Ito po ba si Mariel? ] tanong nang nasa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko na hindi pamilyar sa akin ang boses na nasa kabilang linya.

"Sino po sila?" tanong ko rito.

[ Uhm...pasensya na sa abala pero kakilala kasi ako ni Carla. Nandito kami sa isang club ngayon at sobrang lasing na lasing na kasi niya kaya pinakialaman ko na ang cellphone niya at naghanap ako nang numerong maaari kong matawagan. Ikaw kasi ang nasa recent call niya kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status