Share

Kabanata 100: Revealed

ALLYS POV

Masakit ang ulo ko at medyo hilo pa ako. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ngayon ng katawan ko. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at may naririnig akong iilang mga ingay. Dinig ko rin ang tunog ng makina sa gilid ko. Huwag mong sabihin na nasa ospital na naman ako?

Naalala ko ang mga nangyari sa akin. Oo nga pala, naaksidente nga na naman pala ako sa ikalawang pagkakataon.

"Doc, bakit hindi pa po siya nagigising? Marami akong dapat na itanong sa kanya!" rinig kong tanong ng isang ginang sa paligid.

Si Mommy? Naririto sila.

"Stable na po ang lagay niya ngayon. Mabuti at naagapan at nasalinan na natin siya kaagad ng dugo. As for now, hintayin na lamang po natin na magising siya. Iminumungkahi ko rin na dapat pagpahingahin ang pasyente," rinig kong sagot ng Doctor kay Mommy at pagkatapos non ay bumukas ang pintuan. Marahil ay umalis na ang doctor na gumamot sa akin.

Marahan akong dumilat at ang una kong nakita ay ang puting kisame dito sa loob ng silid na ito. Teka? Hin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status