MELDRID POV "Now that Mariel's the impostor is out of the picture I proposed to be your son's new fiancee, Tita. You knew that I really like your son for a long time," bigkas ko kay Tita Kristine ang Mommy ni Leon. Narito ako ngayon sa kanilang mansyon at sinadya ko talagang kausapin siya para lang sa bagay na ito. Isang buntonghininga ang kanyang ginawa bago siya umiling iling sa akin. Kumunot tuloy ang noo ko dahil doon. "I don't think so, Meldrid. I think this is not the time to be involved for another engagement for my son. Hindi magandang tingnan na pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay magkakaroon ulit siya ng isang panibagong fiancee." "But, Tita! Mariel is dead! Matagal na! Kung hindi lang po sa impostor na babaeng iyon ay baka nalaman agad natin na wala na siya. Baka kami na ni Leon ngayon ang magkasama." I insisted to her. Pinakatitigan niya ako nang mabuti bago siya muling bumuntonghininga. "This is the time to save your son's reputation, Tita." Muli siyang umiling
LEON POV "What's the update?" tanong ko kay Lucas. Nakaupo ako ngayon sa aking swivel chair dito sa loob ng aking opisina. Habang mataman ko siyang tinititigan. "Ayon po sa nakalap kong impormasyon ay wala na po siya ngayon sa mansyon ng mga Cuevas. Huli po siyang nakita sa cctv ng subdivision na sumakay sa isang taxi palabas. Nasa bandang alas dose na po iyon ng gabi." Marahan akong tumango tango sa kanya at mariin kong naikuyom ang aking kamao. Tumakas siya sa kalagitnaan ng hating gabi. How can I'll be so sure that she was alright right now? "And the taxi? Did you get the plate number?" mahinahon kong tanong. "Yes, Sir. Natunton ko na rin po ang mismong driver na naghatid sa kanya papuntang terminal. Ayon po sa kanya ay panay daw po ang iyak ni Miss Allys sa loob ng sasakyan ng mga panahong iyon." "Are you sure that it was her?" "Probably, yes. Ayon sa driver ay nakasuot po siya ng isang pangkatulong na kasuotan ng gabi na iyon." Pinaglandas ko ang aking hintuturo sa akin
ALLYS POV Ilang araw pa ang lumipas at natutunan ko na kaagad ang mamuhay ng mag-isa. Papasok ng alas otso ng umaga sa coffee shop at uuwi ng alas kwatro sa hapon. Iyon parati ang daloy ng buhay ko. Mag-isa akong nakatira sa naiwang maliit na apartment ni Daniel. Paminsan-minsan ay naihahatid niya ako pauwi kapag nagkakataon na nasa coffee shop din siya. "Alam mo, Alice. Simula ng nagtrabaho ka dito sa coffee shop ay tuwing sabado at linggo na pumupunta iyang si Sir Daniel dito. Noon kasi ay dalawang beses sa isang buwan lang iyan kung pumunta dito. Pero ngayon halos wala nang palya ang pagpunta niya dito," sabi ni Mika na kasamahan ko dito sa coffee shop na nagtratrabaho. "Naku, Mika. Baka nagkataon lang ang lahat," sabay punas ko sa counter. "Sa palagay ko ay mukhang hindi, Alice. Satingin ko ay may gusto sa iyo ang amo natin. Naku! Iniisip ko pa lang ay kinikilig na ako sa inyong dalawa. Isang napakagandang tindera at isang gwapong doctor. Parang nasa telenovela lang," umiirit
ALLYS POV "Congratulations, your one month pregnant," masayang balita sa akin ng doctor. Nilingon ko si Daniel na nasa aking tabi. Nakatitig lamang siya sa akin na para bang tinitimbang niya ang magiging reaksiyon ko. Kahapon nang sinabi niya sa akin na buntis ako ay hindi kaagad ako naniwala. Kaya heto ako ngayon at talagang lumapit na sa isang obgyn para masigurado ko na buntis talaga ako. Sinamahan naman ako ni Daniel sa pagpunta ko dito ngayon dahil kakilala lang naman niya itong doctor na kaharap ko ngayon. "Salamat po, Doc," anas ko at wala sa sariling tumayo at lumabas ng clinic. Kinausap ito ni Daniel ng ilang sandali bago siya sumunod sa akin sa labas. "Ayos ka lang ba, Alice?" nag-aalalang tanong niya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat. Marahan kong tinanggal ang kamay niya tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang naintindihan naman niya iyon dahil hindi na niya ako sinundan pa. Dahan-dahan akong naglakad ng wala sa sarili dito sa pasilyo ng klinika. Habang
ALLYS POV Ilang buwan na ang lumipas at hindi pa rin ako makapaniwala na may buhay ang laman ng tiyan ko. Hindi naman ako nagsusuka o namimili ng mga pagkain na nais kong kainin. Tanging nahihilo lamang ang sintomas ko sa pagbubuntis ko. Tuwing nagpapacheck up ako ay sinasamahan ako ni Daniel. May mga pagkakataon nga na nagtatanong ang kaibigan niyang doctor kung siya ba ang ama ng batang dinadala ko ngayon dahil sa mga ginagawa niya. Hiyang hiya tuloy ako sa kanya. "Pasensya na talaga sa abala, Daniel," sabi ko sa kanya habang papauwi na kami galing sa check up. "It's really nothing, Alice. Alam mo naman na maaasahan mo ako," ngumisi siya at tumingin sa kalsada. "Maraming salamat talaga." Bago kami tuluyang umuwi ay dumaan muna kami sa isang grocery store at namili ng mga kakailanganin ko. Medyo malaki na rin ang tiyan ko kaya palagi na lang akong nakasuot ng mga dresses. "Malapit na ang kabuwanan mo. Gusto kong sa bahay kana tumira para naman maalagaan kita nang mabuti pati n
LEON POV "Nababaliw ka na ba Leon?! Hindi siya si Mariel! Hindi siya ang fiancee mo!" sigaw ni Mommy sa akin. I just groaned in annoyance. Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ni Daddy na makikita rito sa loob ng mansyon at muli nanamang pinag-uusapan ang tungkol kay Allys. "Mom, please not again," pagod na sabi ko sa kanya. "No! Tigilan mo na ang paghahanap sa kanya! Ano ba ang nakita mo sa babaeng iyon, anak? She's nothing but an impostor!" umigting ang panga ko sa sinabi niyang iyon. "I know what you are doing, Leon! I have been watching you for the past months!" paratang pa ni Mommy sa akin. Pagod ko siyang tinitigan. "What's wrong with that, Mom? Hindi ko naman pinapabayaan ang kompanya at ang negosyo ko! I'm doing good sa mga trabaho ko." "Hindi naman tungkol sa trabaho mo ang tinutukoy ko dito, Leon. I'm talking about your craziness for that girl!" "Hijo, we barely even know her. Hindi natin alam kung saan siya nagmula o kung ano man ang motibo niya," dagdag pa ni Da
ALLYS POV "Sumama ka na, Alice. Noong nakaraang pista ay hindi ka rin pumunta. Dapat ngayon ay pumunta ka na. Hindi ka naman masyadong magtatagal doon. Kakain lang tayo saglit doon pagkatapos ay pwede na tayong umuwi," pangungumbinsi ni Mika sa akin. Napairap ako nang wala sa oras. "Ayon! Lumabas rin ang totoo na kaya mo lang ako pinipilit na sumama sa baile na iyan dahil wala kang kasama," sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagngiti niya. "Sige na! Kahit sandali lang naman, Alice. Gumala ka naman paminsan minsan." Napabuntong-hininga ako at muli ko siyang nilingon. Alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako napapa oo sa gusto niya. "Sige na nga. Pero sandali lang talaga ako doon Mika," pagsang-ayon ko sa kanya. "Yehey! Promise, Alice, sandali lang talaga tayo roon," masayang pakli niya at niyakap ako. "Oo na. Ano ba kasing meron at bakit mukhang extended ang fiesta ngayong taon?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga tasang napatuyo na namin kanina. Tuma
ALLYS POV Napatingin ako sa kinaroroonan nila Mayor. Nakita ko mula doon si Daniel kasama ang kaibigan nitong doktora na nagpaanak sa akin. Nakatalikod ang mga lalaking kausap nila, matatangkad ito at matipuno. Based on the maturity of their body, ay nasa 30s na ito or something. Dumapo ang mga mata ko sa pinakamatangkad sa kanilang lahat. My lips twisted when I noticed the longer than usual black hair of the man in the middle, the tallest one. "Mukhang tapos na silang mag-usap. Halika na at batiin natin sila," pakli ni Mika sa tabi ko. Napansin ko nga na nagkakatanguan na ang mga naroroon at mukhang tapos na ang usapan nila. Bago pa ako makaapila kay Mika na sa mesa na lamang ako maghihintay sa kanya ay nahila na niya ako palapit sa mga ito. "Magandang gabi po, Mayor," bati ni Mika sa kanila. "Oh! Hija, magandang gabi naman sa iyo. Mabuti at nakapunta kayo," anas ni Mayor at nilingon ako. "Hindi ba't ito ang kasamahan mo sa coffee shop ni Doctor Daniel?" bigkas pa nito at itinur