LEON POV "Nababaliw ka na ba Leon?! Hindi siya si Mariel! Hindi siya ang fiancee mo!" sigaw ni Mommy sa akin. I just groaned in annoyance. Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ni Daddy na makikita rito sa loob ng mansyon at muli nanamang pinag-uusapan ang tungkol kay Allys. "Mom, please not again," pagod na sabi ko sa kanya. "No! Tigilan mo na ang paghahanap sa kanya! Ano ba ang nakita mo sa babaeng iyon, anak? She's nothing but an impostor!" umigting ang panga ko sa sinabi niyang iyon. "I know what you are doing, Leon! I have been watching you for the past months!" paratang pa ni Mommy sa akin. Pagod ko siyang tinitigan. "What's wrong with that, Mom? Hindi ko naman pinapabayaan ang kompanya at ang negosyo ko! I'm doing good sa mga trabaho ko." "Hindi naman tungkol sa trabaho mo ang tinutukoy ko dito, Leon. I'm talking about your craziness for that girl!" "Hijo, we barely even know her. Hindi natin alam kung saan siya nagmula o kung ano man ang motibo niya," dagdag pa ni Da
ALLYS POV "Sumama ka na, Alice. Noong nakaraang pista ay hindi ka rin pumunta. Dapat ngayon ay pumunta ka na. Hindi ka naman masyadong magtatagal doon. Kakain lang tayo saglit doon pagkatapos ay pwede na tayong umuwi," pangungumbinsi ni Mika sa akin. Napairap ako nang wala sa oras. "Ayon! Lumabas rin ang totoo na kaya mo lang ako pinipilit na sumama sa baile na iyan dahil wala kang kasama," sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagngiti niya. "Sige na! Kahit sandali lang naman, Alice. Gumala ka naman paminsan minsan." Napabuntong-hininga ako at muli ko siyang nilingon. Alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako napapa oo sa gusto niya. "Sige na nga. Pero sandali lang talaga ako doon Mika," pagsang-ayon ko sa kanya. "Yehey! Promise, Alice, sandali lang talaga tayo roon," masayang pakli niya at niyakap ako. "Oo na. Ano ba kasing meron at bakit mukhang extended ang fiesta ngayong taon?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga tasang napatuyo na namin kanina. Tuma
ALLYS POV Napatingin ako sa kinaroroonan nila Mayor. Nakita ko mula doon si Daniel kasama ang kaibigan nitong doktora na nagpaanak sa akin. Nakatalikod ang mga lalaking kausap nila, matatangkad ito at matipuno. Based on the maturity of their body, ay nasa 30s na ito or something. Dumapo ang mga mata ko sa pinakamatangkad sa kanilang lahat. My lips twisted when I noticed the longer than usual black hair of the man in the middle, the tallest one. "Mukhang tapos na silang mag-usap. Halika na at batiin natin sila," pakli ni Mika sa tabi ko. Napansin ko nga na nagkakatanguan na ang mga naroroon at mukhang tapos na ang usapan nila. Bago pa ako makaapila kay Mika na sa mesa na lamang ako maghihintay sa kanya ay nahila na niya ako palapit sa mga ito. "Magandang gabi po, Mayor," bati ni Mika sa kanila. "Oh! Hija, magandang gabi naman sa iyo. Mabuti at nakapunta kayo," anas ni Mayor at nilingon ako. "Hindi ba't ito ang kasamahan mo sa coffee shop ni Doctor Daniel?" bigkas pa nito at itinur
ALLYS POV Naglahad ng kamay ang tatlong kasamahan ni Leon sa akin. Si Leon lang ang hindi! Napaka bobo ko para gamitin ang pangalang Alice na katunog ng totoo kong pangalan. Sa lahat ba naman ng mga pangalan na pwede kong gamitin ay iyon pa talaga ang napili ko! "Nice to meet you, Alice," nakangiting bati sa akin ng mga kasamahan niya. Nanginginig ang mga kamay ko nang kamayan ko silang tatlo. "Are you okay? Ang lamig ng kamay mo at medyo nanginginig ka," bigkas ng isa sa kanila. "Ah! Hahaha ok lang ako. Siguro dahil sa hangin at sa suot ko rin na damit," nakangiting pakli ko rito. Tahimik at nanatiling titig na titig ang madilim na mga mata ni Leon sa akin. Kahit si Mika na nakikipag-usap kay Mayor ay mukhang nakakapansin na sa tingin ni Leon. Napakapit ako nang mahigpit sa aking handbag na dala at umatras ng paunti-unti. I saw Leon moved when he saw our distance. Mas lalo lamang akong kinabahan. Sinubukan kong tumingin kay Mika. I stepped back when I saw Leon's eyes dropped
ALLYS POV Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa coffee shop. Tatlo kaming may susi dito sa coffee shop kaya naging madali para sa akin ang makapasok. Tinanggal ko ang mga blinds ng kurtina sa salaming dingding at marahan kong inilapag ang mga upuan sa tamang pwesto nito. Nakita ko pa si Mika na kararating lang at pababa na ng tricycle na sakay niya. Nagtungo ako sa counter at narinig ko ang pagtunog ng bell na nasa itaas ng pintuan. "Good morning, Alice! Ang aga mo ngayon ah," bati ni Mika sa akin. "Good morning rin Mika," bati ko sa kanya pabalik habang inihahanda ang mga gamit sa counter. Lumapit naman si Mika sa akin at nakita kong humilig siya sa counter habang titig na titig sa akin. "Hindi ka na bumalik kagabi. Iniwan mo ako. Ang akala ko lang ay magbabanyo ka hindi mo naman sinabi na deretso uwi ka na pala," pakli niya habang tinutungo ang locker room namin. Para makapagbihis na ng damit. "Pasensya na, tinext kasi ako ni Joy na umiiyak na si Leo kakahintay sa akin kagabi
ALLYS POV Sinulyapan ko si Leon at nakita kong prente lamang itong nakaupo doon sa may pinakagilid na table habang nakatitig sa kanyang mamahaling cellphone nang nakakunot noo. "Sa office na muna ako, Alice," paalam ni Daniel na tinanguhan ko naman. Nang makaalis siya ay agad namang tumabi si Mika sa akin. "Uyy! Anong eksena iyong kanina? My god, para lang akong nanonood ng kdrama sa inyong tatlo ahh," bulong niya sa akin. Napairap tuloy ako sa kanya nang wala sa oras. "Tumigil ka nga diyan, Mika. Ang mabuti pa ay iserve mo na itong kape ng customer natin," sabay ayos ko sa tray na iseserve niya. "Hindi pa ako tapos sa iyo. Iseserve ko na muna ito sandali," pakli niya at inihatid na ang kape ni Leon. "Hai, Sir. Thank you for waiting," masiglang bati niya kay Leon na agad namang umayos sa pagkakaupo at sinulyapan ako. Sumunod naman ang mga mata ni Mika sa akin. Mabilis ang naging pag-iwas ko ng tingin sa pwesto nila. "Thank you," bigkas ni Leon pero ramdam ko na ang mga mata
LEON POV "Please, baby, I'll trade everything just to see you again. Even just for a moment," I whispered in my sleep. "LEON!" malamig na tawag ni Mommy ang narinig ko. Pagod akong dumilat at bumaling sa kakabukas lang na pintuan. Madilim na ang opisina ko ngayon at kung titingnan sa labas ay aakalain ng mga trabahante ko na umuwi na ako sa bahay ko. My mother knows me best, though. Ganito ako palagi. Lublob sa trabaho at sa paghahanap kay Allys. Fuck! Muli ko nanaman siyang napanaginipan. Kaya pakiramdam ko ay gusto ko na lang matulog ng mahimbing dahil sa mga panaginip ko na lang siya muling nakikita. "Mama." Sinuyod niya nang buong tingin ang opisina ko bago ako tuluyang binalingan ng tingin. "It's already late! Hindi ka pa ba uuwi? At pinag-oovertime mo nanaman ang mga trabahnte mo. Pinauwi ko na silang lahat!" I pinched the bridge of my nose. "May tinatapos lang po ako rito sa opisina, Ma." "I heard what you did in your meeting kanina. What's up? Napalago mo na ng hus
LEON POV "Kumusta? Balita namin ikakasal ka na sa tagapagmana ng Guillermo Real Estates Company? Good for you man. You got your woman ahh." Brandon habang ngumingiti ng nakakaloko kay Zackeriel. Isang toss lang ang itinugon ni Zack sa kanya bago nila ako binalingan ng tingin. "Ito ang may problema ehh," nakaturong tugon ni Zackeriel sa akin. "Hai," iilang bati ng mga babae sa amin. Zack eyes remained looking at me. Hindi inalintana ang mga babaeng nagpapapansin sa amin. I look at Brandon. Nakatingin ang mga mata niya sa dance floor na animoy may binabantayan siya mula doon. Sabay pa kaming dalawa ni Zackeriel na napasunod ang tingin sa entabladong napupuno ng mga nagsasayawan. Looks like the ultimate playboy in our circle is now interested to someone else. "Leon." Muli akong napatingin kay Brandon nang tawagin niya ako. "I'm offering you deal." Kumunot ang noo ko sa kanya. "May gusto akong ipapabiling lupa sa iyo," seryosong sabi niya sa akin. I just scoffs at him. "Don't