LEON POV "Please, baby, I'll trade everything just to see you again. Even just for a moment," I whispered in my sleep. "LEON!" malamig na tawag ni Mommy ang narinig ko. Pagod akong dumilat at bumaling sa kakabukas lang na pintuan. Madilim na ang opisina ko ngayon at kung titingnan sa labas ay aakalain ng mga trabahante ko na umuwi na ako sa bahay ko. My mother knows me best, though. Ganito ako palagi. Lublob sa trabaho at sa paghahanap kay Allys. Fuck! Muli ko nanaman siyang napanaginipan. Kaya pakiramdam ko ay gusto ko na lang matulog ng mahimbing dahil sa mga panaginip ko na lang siya muling nakikita. "Mama." Sinuyod niya nang buong tingin ang opisina ko bago ako tuluyang binalingan ng tingin. "It's already late! Hindi ka pa ba uuwi? At pinag-oovertime mo nanaman ang mga trabahnte mo. Pinauwi ko na silang lahat!" I pinched the bridge of my nose. "May tinatapos lang po ako rito sa opisina, Ma." "I heard what you did in your meeting kanina. What's up? Napalago mo na ng hus
LEON POV "Kumusta? Balita namin ikakasal ka na sa tagapagmana ng Guillermo Real Estates Company? Good for you man. You got your woman ahh." Brandon habang ngumingiti ng nakakaloko kay Zackeriel. Isang toss lang ang itinugon ni Zack sa kanya bago nila ako binalingan ng tingin. "Ito ang may problema ehh," nakaturong tugon ni Zackeriel sa akin. "Hai," iilang bati ng mga babae sa amin. Zack eyes remained looking at me. Hindi inalintana ang mga babaeng nagpapapansin sa amin. I look at Brandon. Nakatingin ang mga mata niya sa dance floor na animoy may binabantayan siya mula doon. Sabay pa kaming dalawa ni Zackeriel na napasunod ang tingin sa entabladong napupuno ng mga nagsasayawan. Looks like the ultimate playboy in our circle is now interested to someone else. "Leon." Muli akong napatingin kay Brandon nang tawagin niya ako. "I'm offering you deal." Kumunot ang noo ko sa kanya. "May gusto akong ipapabiling lupa sa iyo," seryosong sabi niya sa akin. I just scoffs at him. "Don't
LEON POV Nang makarating na kami sa plaza nila ay sumalubong sa amin ang napakaraming tao. Maraming nakahandang mga pagkain sa bawat gilid habang nasa gitna naman ang pagdadausan nila ng baile. Para lang akong nasa isang pistahan ng Elf fuego. "Hi, Engineer Mondragon. Welcome to our small town," bati sa akin ng isang may katandaang lalaki. Inabot niya ang kanyang payat na kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. Nakita kong mukhang namangha pa siya sa gaspang at maugat kong malaking kamay. "Ako nga pala ang kapitan dito sa bayan namin. Halika kayo at nang makaupo kayo at makakain," aya niya pa sa amin. I remain stoic and just followed him. Ganoon rin ang ginawa ng mga kasamahan ko. Ipinaupo nila kami sa isang mas magarbong mesa na may nakahandang maraming pagkain. "Ang gwapo at ang tangkad niya." "Siya ba iyong nakabili sa lupa ng mga Mendez?" "Narinig ko Engineer siya." "Nakapakagwapo ng seryoso niyang mukha." Hindi ko nilingon ang mga iilang babaeng naririnig ko lamang s
LEON POV "Uhm..excuse me po. May pupuntahan lang po ako saglit!" paalam niya sa amin at hindi na nag-alinlangan na umalis sa harapan namin. Agad akong naalarma nang makita ko siyang mabilis na humalo sa mga napakaraming mga tao. "Engineer-" "Excuse me," igting ang mga pangang mabilis ko siyang sinundan. Hindi ko na pinansin pa sila Mayor na tumatawag sa akin. Mabibilis ang mga yapak ko habang sumusuot ako sa napakaraming tao. I chased her down on this crowded place. Hindi ko na alam ang ginagawa ko ngayon at ang tanging nais ko na lamang ay ang habulin siya. Maraming beses ko na rin itong naiisip sa loob ng isipan ko, na kapag dumating man ang pagkakataon na ito na magkikita kaming muli at aakto siya na hindi kami magkakakilala ay gagawin ko ang lahat na maging mahinahon. Pero hindi ko na kaya. Hinabol ko siya at gustong gusto ko na siyang kumprontahin. "Mama!" rinig kong sigaw niya sa isang tricycle driver na papaalis na at walang lamang pasahero. Nakita kong tumawid siya ng
ALLYS POV "Uy, ano iyong kanina?" bulong na tanong ni Mika sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "Anong kanina?" nagtataka kong tanong sa kanya habang tinutulungan siyang magsarado sa coffee shop. Matapos ang nangyari kanina ay halos hindi na ako pinagtrabaho pa ni Daniel. May benda kasi ang isang kamay ko at hindi ko pa masyadong naigagalaw nang mabuti dahil medyo kumikirot pa ang sugat ko kapag pinipilit kong igalaw. Biglang umalis si Leon kanina pero bumalik rin makaraan ang ilang oras. "Ayokong mag-isip nang kung ano, Alice. Pero kagabi ko pa kasi ito napapansin." Napasulyap ako sa kanya tsaka nag-iwas ng tingin. "Mukhang interesado si Engineer Mondragon sa iyo, Alice. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil sobrang ganda mo nga naman." "Ano ba iyang mga sinsasabi mo, Mika? Saan mo naman napulot ang kaisipang iyan? Siguro dahil sa kakapanood mo iyan ng mga kdrama," patay malisya kong pakli sa kanya. Nakita kong sumeryoso ang tingin niya sa akin. "Kagabi sa plaza, aka
ALLYS POV "P-po?" naguguluhan kong tanong sa kanya at sinulyapan ang kamay kong may benda. "Ahh..maayos na po ang sugat ko. Salamat po sa tulong niyo," anas ko. Bakit nandito na naman siya? Kailan ba siya babalik ng Manila? "Anyway I want a cup of coffee americano. Iyon ang paborito kong kape tuwing umaga. Sinasabi ko sa iyo para alam mo na kapag pumunta ulit ako rito bukas," deretsong bigkas niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Babalik ka pa rito bukas?" medyo gulantang kong tanong sa kanya. Nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng mga labi niya na animoy manghang-mangha pa siya sa akin. Marahan siyang humilig sa lamesa para mas mailapit pa niya ang mukha niya sa akin. Nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa kanyang magandang mga mata. Pakiramdam ko ay nilulunod ako ng mga ito sa kailaliman niya. "Uhuh...and I'm going to be your regular costumer from now on," he almost whispered in me. Napasinghap ako sa sinabi niyang iyon at pakiramdam ko ay nagtaasan ang lahat ng mga bala
Disclaimer: This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional. ALLYS POV "Doc, ilang buwan na siyang ganyan. Please do everything to save our daughter." Narinig kong iyak ng kung sino man sa paligid. "We are doing our very best Madame to save your daughter's life. But as you can see, sunog po ang buo niyang katawan which is cause by a 5th degree burn. It will take a lot of months or a year to heal her wounds. Pero don't worry we will make sure na malulunasan agad ang kanyang mga sugat." "Please gawin niyo po ang lahat Doc. Gawin niyo po ang lahat mapabuti lang ang kalagayan ng anak ko." "We were doing our very best Madame. I will also refer you to one of our most trusted specialist doctors in America. They can handle this case very well since mainam po sa pasyente ang ipagpatulo
LEON POV [I've already told you Leon that you should pay a visit to Mariel in the hospital. Ano ka ba?! Wala ka bang pakialam sa fiancee mo hijo?] Napahilot ako sa aking sentido nang wala sa oras. "It's not like that mom. I'm just busy with the company right now. Dadalaw po ako doon kapag natapos ko na po ang lahat nang kinakailangan kong gawin dito," sabi ko habang hinihilot pa rin ang aking sentido. Napasandal ako sa backrests ng aking swivel chair at marahas kong niluwagan ang aking suot na necktie. Damn it! Hindi ko na kailangan pang ipaalam sa ina ko na nanggaling na ako doon sa hospital kanina lang. Dahil alam kong magagalit na naman siya kung bakit hindi ako nagtagal doon. Inilipat ko sa aking kabilang tenga ang hawak kong cell phone at marahang pinaikot ang upuan paharap sa malaking bintana. Kitang-kita ko sa labas ng malaking bintana ang paglubog ng araw. Na para bang naglalabanan ang dilim at ang liwanag sa kalangitan. [Puro ka na lang trabaho Leon. It's been 3 month