LEON POV Nang makarating na kami sa plaza nila ay sumalubong sa amin ang napakaraming tao. Maraming nakahandang mga pagkain sa bawat gilid habang nasa gitna naman ang pagdadausan nila ng baile. Para lang akong nasa isang pistahan ng Elf fuego. "Hi, Engineer Mondragon. Welcome to our small town," bati sa akin ng isang may katandaang lalaki. Inabot niya ang kanyang payat na kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. Nakita kong mukhang namangha pa siya sa gaspang at maugat kong malaking kamay. "Ako nga pala ang kapitan dito sa bayan namin. Halika kayo at nang makaupo kayo at makakain," aya niya pa sa amin. I remain stoic and just followed him. Ganoon rin ang ginawa ng mga kasamahan ko. Ipinaupo nila kami sa isang mas magarbong mesa na may nakahandang maraming pagkain. "Ang gwapo at ang tangkad niya." "Siya ba iyong nakabili sa lupa ng mga Mendez?" "Narinig ko Engineer siya." "Nakapakagwapo ng seryoso niyang mukha." Hindi ko nilingon ang mga iilang babaeng naririnig ko lamang s
LEON POV "Uhm..excuse me po. May pupuntahan lang po ako saglit!" paalam niya sa amin at hindi na nag-alinlangan na umalis sa harapan namin. Agad akong naalarma nang makita ko siyang mabilis na humalo sa mga napakaraming mga tao. "Engineer-" "Excuse me," igting ang mga pangang mabilis ko siyang sinundan. Hindi ko na pinansin pa sila Mayor na tumatawag sa akin. Mabibilis ang mga yapak ko habang sumusuot ako sa napakaraming tao. I chased her down on this crowded place. Hindi ko na alam ang ginagawa ko ngayon at ang tanging nais ko na lamang ay ang habulin siya. Maraming beses ko na rin itong naiisip sa loob ng isipan ko, na kapag dumating man ang pagkakataon na ito na magkikita kaming muli at aakto siya na hindi kami magkakakilala ay gagawin ko ang lahat na maging mahinahon. Pero hindi ko na kaya. Hinabol ko siya at gustong gusto ko na siyang kumprontahin. "Mama!" rinig kong sigaw niya sa isang tricycle driver na papaalis na at walang lamang pasahero. Nakita kong tumawid siya ng
ALLYS POV "Uy, ano iyong kanina?" bulong na tanong ni Mika sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "Anong kanina?" nagtataka kong tanong sa kanya habang tinutulungan siyang magsarado sa coffee shop. Matapos ang nangyari kanina ay halos hindi na ako pinagtrabaho pa ni Daniel. May benda kasi ang isang kamay ko at hindi ko pa masyadong naigagalaw nang mabuti dahil medyo kumikirot pa ang sugat ko kapag pinipilit kong igalaw. Biglang umalis si Leon kanina pero bumalik rin makaraan ang ilang oras. "Ayokong mag-isip nang kung ano, Alice. Pero kagabi ko pa kasi ito napapansin." Napasulyap ako sa kanya tsaka nag-iwas ng tingin. "Mukhang interesado si Engineer Mondragon sa iyo, Alice. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil sobrang ganda mo nga naman." "Ano ba iyang mga sinsasabi mo, Mika? Saan mo naman napulot ang kaisipang iyan? Siguro dahil sa kakapanood mo iyan ng mga kdrama," patay malisya kong pakli sa kanya. Nakita kong sumeryoso ang tingin niya sa akin. "Kagabi sa plaza, aka
ALLYS POV "P-po?" naguguluhan kong tanong sa kanya at sinulyapan ang kamay kong may benda. "Ahh..maayos na po ang sugat ko. Salamat po sa tulong niyo," anas ko. Bakit nandito na naman siya? Kailan ba siya babalik ng Manila? "Anyway I want a cup of coffee americano. Iyon ang paborito kong kape tuwing umaga. Sinasabi ko sa iyo para alam mo na kapag pumunta ulit ako rito bukas," deretsong bigkas niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Babalik ka pa rito bukas?" medyo gulantang kong tanong sa kanya. Nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng mga labi niya na animoy manghang-mangha pa siya sa akin. Marahan siyang humilig sa lamesa para mas mailapit pa niya ang mukha niya sa akin. Nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa kanyang magandang mga mata. Pakiramdam ko ay nilulunod ako ng mga ito sa kailaliman niya. "Uhuh...and I'm going to be your regular costumer from now on," he almost whispered in me. Napasinghap ako sa sinabi niyang iyon at pakiramdam ko ay nagtaasan ang lahat ng mga bala
Disclaimer: This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional. ALLYS POV "Doc, ilang buwan na siyang ganyan. Please do everything to save our daughter." Narinig kong iyak ng kung sino man sa paligid. "We are doing our very best Madame to save your daughter's life. But as you can see, sunog po ang buo niyang katawan which is cause by a 5th degree burn. It will take a lot of months or a year to heal her wounds. Pero don't worry we will make sure na malulunasan agad ang kanyang mga sugat." "Please gawin niyo po ang lahat Doc. Gawin niyo po ang lahat mapabuti lang ang kalagayan ng anak ko." "We were doing our very best Madame. I will also refer you to one of our most trusted specialist doctors in America. They can handle this case very well since mainam po sa pasyente ang ipagpatulo
LEON POV [I've already told you Leon that you should pay a visit to Mariel in the hospital. Ano ka ba?! Wala ka bang pakialam sa fiancee mo hijo?] Napahilot ako sa aking sentido nang wala sa oras. "It's not like that mom. I'm just busy with the company right now. Dadalaw po ako doon kapag natapos ko na po ang lahat nang kinakailangan kong gawin dito," sabi ko habang hinihilot pa rin ang aking sentido. Napasandal ako sa backrests ng aking swivel chair at marahas kong niluwagan ang aking suot na necktie. Damn it! Hindi ko na kailangan pang ipaalam sa ina ko na nanggaling na ako doon sa hospital kanina lang. Dahil alam kong magagalit na naman siya kung bakit hindi ako nagtagal doon. Inilipat ko sa aking kabilang tenga ang hawak kong cell phone at marahang pinaikot ang upuan paharap sa malaking bintana. Kitang-kita ko sa labas ng malaking bintana ang paglubog ng araw. Na para bang naglalabanan ang dilim at ang liwanag sa kalangitan. [Puro ka na lang trabaho Leon. It's been 3 month
ALLYS POV (Continuation of her Flashbacks) Para siyang hayok sa ginagawa niya sa akin ngayon. Marahas ang mga labi niyang naglalakbay sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Habang ang mga kamay niya ay naglilikot sa aking katawan. Ang suot kong puting damit ay pumapaibabaw na ngayon sa aking beywang pero wala akong pakialam. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang makawala ako sa kanya. Sinasampal ko siya at tinutulak nang buong lakas pero parang balewala ang lahat nang iyon sa kanya. "LUMAYO KA! LUMAYO KA SA AKIN! TULONG! TULUNGAN NIYO AKO!!!." sigaw ko kasabay ng aking mga luha."Lumalaban ka pa ha. Tigilan mo na iyang pagsisigaw mo dahil walang makakarinig at tutulong sa iyo Allys," sabi niya na mas lalong nagpaiyak sa akin. Oo, tama siya. Walang tutulong sa akin dahil malayo-layo sa mga kapitbahay namin itong kinatitirikan ng bahay namin. "Ahh...ohh..ahhh..ughmm," ungol niya kasabay nang dahan-dahan niyang pag ulos sa aking ibabaw. Nakatingala pa siya at nakapikit haban
ALLYS POV (Still continuation of her flashbacks)Paniguradong galit na galit na ngayon si Tatay Arsing at talagang hinahanap na ako. Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa kong pag-alis ngayon. Dahil hindi naman maganda ang trato niya sa akin simula pa lang. Naalala ko bigla kung paano niya ako bugbugin simula pa noong bata pa ako, hanggang sa ngayon na malaki na ako. At kung paano niya rin ako ikulong sa isang silid nang hindi manlang pinapakain. Patay na ang mga magulang ko at siya na mismo ang kumupkop sa akin dahil sa siya nga ang ikalawang asawa ng ina ko. Pero akala ko tratratuhin niya ako nang maayos, iyon pala ay akala lang. Sa una lamang pala siya mabait at lahat ng kabaitang ipinapakita niya noon ay tanging pagbabalatkayo lamang. Napapikit ako ng mariin at napasapo sa sariling mukha. Pilit kong pinipigilan ang paglabas ng aking mga mumunting hikbi kaya pa impit na lang akong umiyak. Ayaw kong makakuha ng anumang atensyon sa mga kasamahang pasahero dito sa loob ng bus.