ALLYS POV"B-bakit ka nandito?" mahinang tanong ko sa kanya.Umalis kami ng apartment ko para makapag-usap kaming dalawa nang maayos. Napatingin ako sa labas ng kanyang sasakyan. Nandito kami sa isang gilid ng daan kung saan makikita mo ang napakalawak na palayan. Ang makita siya kanina na karga-karga si Leo ay nagpagulat sa akin nang husto.Tangina!Papaano niya nahanap ang tinutuluyan ko? Ahh! Oo nga pala! Sinabi nga pala ni Mika sa kanya. Nanatili siyang tahimik sa tabi ko kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba."Kung iniisip mo na makukuha mo ang anak kong si Leo. Pwes sinasabi ko na sa iyo ito Leon. Hinding-hindi mo makukuha ang anak ko! Magkakamatayan tayong dalawa kapag kinuha mo siya sa akin!" hindi ko na napigilang sabihin sa kanya.He just stared at me for a while and then he gently hold my hand. Napasinghap ako sa kanyang ginawa."Anong ginagawa mo?!" galit na tanong ko sa kanya."Why so mad at me, baby?"Muli akong napasinghap sa sinabi niyang iyon at agad kong binawi
ALLYS POV "Ano ba kasi 'yon? Naiintriga na ako sa kaseryosohan mo ha," untag niya sa akin habang umiinom ng juice na inihanda ni Joy. Nasa kwarto si Joy at pinapatulog na ulit si Leo. Kaya kaming dalawa na lamang ni Mika ngayon ang nasa sala. "Pwede bang tulungan mo ako? Hindi ba't may tiyahin ka sa kabilang baryo?" panimula ko na ikinatango niya. "Oo meron nga. Ano naman ang maitutulong ko sa iyo?" naguguluhan na niya ngayong tanong. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay at kinakabahan na tinitigan siya. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero siya lamang ang tanging nakikita ko sa ngayon na makakatulong sa akin. "P-pwede bang pakiusapan mo ang tiyahin mo, Mika na kung pwede sana ay makikituloy muna kami saglit ni Leo doon sa kanila. Kahit sandali lang bago ako makahanap ng lugar na mapaglilipatan naming dalawa ni Leo." Kumunot ang kanyang noo sa akin. "Bakit? Anong problema? At bakit biglaan naman yata?" tanong niya. Mariin kong hinawakan ang kanyang mga kamay
ALLYS POVIpinaintindi ko kay Mika na hindi dapat kami maabutan ni Leon dito sa apartment dahil nasisigurado kong kukunin niya lang ang anak ko. Kahit na ang totoo naman ay walang nabanggit sa akin si Leon tungkol sa bagay na iyon. Ayaw ko nang magkaroon pa ulit ng ugnayan sa pamilya nila lalong lalo na sa pamilya ng mga Cuevas.Karga-karga ko ngayon si Leo sa aking mga bisig habang nakasakay kami sa isang tricycle na aming inarkila ni Mika. Konti lang na mga damit namin ni Leo ang dinala ko at nang hindi na kami mahirapan pa sa pagbyahe."Maraming salamat talaga Mika sa tulong mo," sabi ko sa kanya habang bumabyahe kami."Naku, ayos lang tsaka malapit lang naman ang bahay ng Tiya ko at nasa kabilang bayan lang. Pero ok na rin iyon dahil hinding-hindi na kayo makikita pa ni Engineer Mondragon don. Pagkarating natin doon ay hindi na rin ako magtatagal at babalik ulit ako rito sa bayan natin dahil may trabaho pa kasi ako bukas," mahabang sabi niya habang nakatingin sa may kadiliman na d
ALLYS POV "Alice, ok ka lang ba diyan?" silip ni Mika sa akin sa kwarto. Mabilis kong pinalis ang aking mga luha at agad na tumayo at hinarap siya. "O-oo, ang Tiya mo?" "Halika sa sala at ipapakilala kita sa kanya," sabi niya sa akin at naunang lumapit doon sa sala. Muli kong nilingon si Leo bago ako tuluyang sumunod kay Mika. "Tiya Elsa, ito nga pala ang kaibigan ko pong si Alice. Kasamahan ko po siya sa tinatrabahuan kong coffee shop sa kabilang bayan. Alice, ang Tiya Elsa ko nga pala," pakilala ni Mika sa akin sa Tiya niya. Marahan naman akong yumuko sa harapan ng matanda. "Magandang gabi po, pasensya na po sa abala at maraming salamat po ulit sa pagpapatuloy niyo sa amin ng anak ko," magalang na sabi ko sa kanya. "Tiya, gusto ko po sanang dito na muna mananatili si Alice kahit ilang araw lang bago sila makahanap ng malilipatan nila ng anak niya. Napaalis po kasi siya sa apartment na inuupahan niya sa kabilang bayan at natanggal rin po siya sa trabaho. Maliit naman iyong k
ALLYS POVAbala ako sa pagwawalis nang may biglang dumating na sasakyan sa harapan ng bahay ni Tiya Elsa. At halos mabitawan ko na ang walis tingting na hawak ko nang makilala ko ang sasakyan na iyon. Mula sa makintab at itim na sasakyan na dumating ay bumukas ang pintuan non sa driver seat at bumaba doon si Leon.Agad na tumahip ang dibdib ko sa sobrang kaba nang deretso ang mga matang tiningnan niya ako.Tangina!Papaano niya nalaman na nandito ako?!Bumukas ang passenger seat at halos kumunot ang noo ko nang makita ko si Mika na lumabas din doon sa sasakyan ni Leon. Magkasama silang dalawa?Ano ba talagang nangyayari? Bakit? Bakit sinabi ni Mika aa kanya na nandito ako."Mika?! Naririto ka na naman? At sino iyang kasama mo? Ano ba talaga ang nangyayari?" tanong ni Tiya Elsa nang lumabas siya ng bahay niya habang karga-karga niya si Leo.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mika sa aming dalawa ni Leon bago niya nilapitan ang tiyahin niya at pilit na itinutulak papasok ulit sa loob ng kab
ALLYS POVNakatitig ako kay Leon habang buhat-buhat niya si Leo sa kanyang mga kamay. Naglalaro silang dalawa sa bakuran habang si Tiya Elsa naman ay masayang nakatingin sa kanila."Alice o Allys. Ay basta magkatunog pa rin naman iyon. Pasensya nga pala at itinuro ko kay Engineer na nandito ka. Kanina kasi sa coffee shop pumunta siya doon. Sobrang aga pa nga ehh. Tinanong niya ako kung alam ko ba kung nasaan ka, wala sana akong balak na umamin sa kanya pero n-natakot ako sa nakita kong itsura niya na sobrang galit na galit kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo. Pasensya na talaga," mahabang paliwanag niya at nilingon si Leon at Leo."Pero alam mo, hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon dahil kita kong nagkasundo at masaya na kayo ngayon. Buo na ulit ang pamilya mo, Allys. Hindi ko man alam ang totoong nangyari sa iyo noon pero nakikita kong mahal na mahal ka talaga ni Engineer Mondragon. At iyon ang klase ng pag-ibig na kahit kailanman ay hindi mapapalita
ALLYS POV Halos madilim na rin nang dumating kami sa kabilang bayan at dahil sa gutom na rin kami ay napagpasyahan na lang naming dalawa ni Leon na magpalipas na muna ng gabi sa tinutuluyan niyang apartment. Nakita kong pumasok ang sinasakyan naming kotse sa isang puting gate. At mula sa sasakyan ay nakita ko ang isang magandang building sa may hindi kalayuan. At dahil sa gabi na nga ay bukas na ang lahat ng mga ilaw sa buong paligid. Kitang kita ko ang isang restaurant sa loob ng building na iyon at may iilan lang na mga tao ang kumakain doon. Ibinaling ko ang aking paningin sa kaliwa at nakita ko ang nakahilerang mga kwarto sa katapat lang na building habang may iilan ding mga turista ang kumakain at nag-iinuman sa bawat cottages na naririto. May mga iilang series light din akong nakita sa bawat mga puno ng niyog sa paligid na mas lalo lang nagbibigay tingkad at ganda ngayong gabi. Nagpark kami sa parking space area bago ako tuluyang nilingon ni Leon. "Nasaan tayo? Dito ka ba na
ALLYS POVNaghubad ako ng damit at binuksan ko ang shower. Agad akong naligo at nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa aking katawan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng ginhawa."This feels so nice," mahinang bulong ko sa sarili habang nakapikit na nakatingala sa shower.Nasa ganoon akong ayos nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad akong napahilamos at nilingon ang direksyon non at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Leon na naririto sa loob.Wala siyang suot na damit at tanging ang puting tuwalya lamang ang nakatapis sa pang ibabang parte ng kanyang katawan.Mabilis pa sa alas kwarto kong hinila ang shower curtain na naririto para matakpan ang kahubdan ko ngayon. Naramdaman ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi dahil sa biglaang kahihiyan."A-anong ginagawa mo? Bakit naririto ka sa loob ng banyo? Hindi bat sinabi ko sa iyo na bantayan mo si Leo sa-" Naputol ang mga sinasabi ko nang marahas na hinawi ni Leon ang shower curtain. Mabilis akong napatakip sa
( After Ten Years )ALLYS POVNandito ako ngayon sa kusina at abala sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes na binake ko. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng mga sprinkles at chocolate on top nang marinig ko ang malakas na padabog na pagbukas ng double doors sa sala.Agan na kumunot ang noo ko dahil doon. Ano kaya iyon? Manilis kong hinubad ang suot kong cellophane gloves at iniwan ang aking ginagawa."Pakitapos nang ginagawa ko, Rina," utos ko sa isa sa mga housemaids na kasama ko ngayon dito sa kusina.Hinubad ko ang apron na suot at tsaka ko tinahak ang daan papunta sa sala namin. At hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit sa sala ay narinig ko na agad ang mga boses.Nakita ko si Leo kasama ang matalik na kaibigan niyang panganay na anak nila Zackeriel at Bella na si Zamiel. At base sa mga nakikita ko ngayon ay nagtatalo ang dalawa."Don't turn your back on me, Mondragon!" Zamiel sneered and grab Leo's hand.Mabilis naman iyong iwinakli ni Leo."What the heck, Zamiel?! Your makin
ALLYS POV"What are you doing here? Hmm?" He whispered in my ear together with his sweet voice of him."Nothing. I'm just watching the sunset," sagot ko sa kanya at itinagilid ang aking ulo."It was so beautiful," bulong pa niya habang mahigpit na nakayakap sa akin."Yes it was. I love you Leon. And I always will," mahinang anas ko at nilingon siya. Nakita kong mataman siyang tumitig sa akin.I'm so in love with this man."Mommy! Daddy! What are you two doing?"Sabay pa kaming napalingon sa aming anak na tumawag sa amin. Nakatingala itong nakatingin sa aming dalawa ni Leon habang hawak-hawak nito ang isang kulay pulang laruan na sasakyan.Napangiti ako at marahang inilahad ang aking kaliwang kamay para sa kanya."Come baby, we are watching the sunset," aya ko kay baby Leo.Lumapit naman ito sa akin at kaagad ko itong kinarga at pinaupo sa espasyo ng teresa. Niyakap ko ito nang mahigpit kagaya nang pagyakap ni Leon sa aking likuran."Wow! So beautiful mommy, daddy," sabi pa niya habang
ALLYS POV"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!" masayang sigaw ng mga kaibigan ni Leon at ng mga tauhan nila sa aming dalawa kasabay nang paghagis nila ng mga bulaklak sa amin."Salamat," ngiti ko sa kanilang lahat at ganoon rin naman si Leon.Nilingon ko si baby Leo na nasa mesa nila kuya Zamrick. Pumapalakpak ito habang may bahid pa ng cake sa kanyang mga labi.Matapos naming inanunsyo ang kasal namin ng gabing iyon ay naging abala na kami sa lahat ng mga preparasyon para sa magiging kasal namin. Halos abutin pa kami ng isang buwan sa paghahanda ng mga dokumento namin at sa binyag na rin ni baby Leon. Isinabay na lang din namin kasi ang binyag ng anak namin sa kasal. At habang pinaghahandaan namin iyon ay nakuha pa naming puntahan ang Tatay Arsing ko sa Santa Monica. Doon ko lang napag-alaman na may kalapitan lang pala ang tinitirhan ko dito sa El fuego. Halos isang oras lang din naman kasi ang inabot namin sa pagbabyhae.Napag-alaman namin na matagal na pa lang nakakulong si Tatay Arsing d
ALLYS POV"Goodness, hija! Hindi nga talaga ako nagkamali sa pagpili ng dress na ito. Sobrang bagay na bagay sa iyo! Alam ko noong una pa lang talaga na babagay talaga ito sa iyo," natutuwang pakli ni Senyora sa akin."Maraming salamat po," medyo nahihiya ko pang sabi sa kanya at sinulyapan si Leon na tahimik lang sa isang tabi.Nagulat pa ako nang pumalakpak si Senyora na para bang may naisip siyang magandang bagay. Nakangiti pa siyang lumingon sa gawi ni Leon."We will announce your upcoming wedding this evening and kung kelan ang tamang petsa.""PO?!" gulat na utal ko na ikinalingon niya sa akin."Abay bakit, hija? Kinakailangan na kayong maikasal ni Leon at nang mabinyagan na rin itong pangalawang apo ko sa tuhod," pakli niya sa akin na ikinakurap-kurap ko.Binalingan ko ng tingin si Leon na ngayon ay papalapit na sa tabi ko. At nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad niyang ibinigay sa tagapagsilbing naririto si baby Leo. Humapit ang kamay niya sa baywang ko at tsaka ako binulun
ALLYS POVNandito ako ngayon sa veranda dito sa ikalawang palapag ng mansyon nila at nakatingin sa mga taong nasa ibaba na abala sa pag-aayos ng mga lamesa sa hardin. May iilang ipwenepwesto ang mga round table at mga upuan habang ang iba naman ay nilalagyan ang mga ito ng mga puting tela. May iilan ring nag-aayos ng mga dekorasyon sa paligid ng nasabing hardin.Kung gaano ka engrande ang nasa labas ay mas lalo na rito sa loob ng bulwagan. Halos kuminang ng kulay ginto rito sa loob idagdag mo pa ang napakaganda at napakamamahalin nilang chandelier ay nagmistulang isang magarbong handaan na ito na para lamang sa mga mayayamang tao.Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Ang sabi ni Senyora kanina na isang salo-salo lamang ang magaganap mamayang gabi. Pero bakit pakiramdam ko ay higit pa ito sa isang salo-salo ang mga mangyayari mamaya."Excuse me po, Señorita. Pero kinakailangan niyo na pong mag-ayos," lapit ng isang tagapagsilbi sa akin."H-ha? Ahh...eh...s-sige," nagdadala
ALLYS POVTinanggap ko ang nakalahad na mga kamay ng tatlo pang lalaki."That's enough pleasantries. Si Lola?" si Leon tsaka ako muling hinawakan sa aking kamay at hinila papasok sa nakasarang double doors.Nang binuksan niya ito ay tumambad sa akin ang napakalaki nilang bulwagan. Habang kumikinang naman sa ibabaw ang nakasabit na mamahaling chandelier. Sa tapat namin ay may isang napakaengrandeng hagdan na nalalatagan ng red carpet. May dalawang porselanang hugis lion sa bawat gilid ng hagdan na nagsisilbing bantay habang ang bannisters nito at may gintong tela na nakasabit sa paalon-alon na paraan.Nagmistula itong isang napakalaking bulwagan sa isang palasyo na sa t.v. ko lang noon nakikita. Hindi ko inaakalang makakakita ako nang ganito sa totoong buhay.Mula dito ay nakita ko kung anong meron sa itaas nang napakaengrandeng hagdan. May iilang upuan sa ibabaw na nagmumukhang sala habang sa malagintong kulay na pader ay naroroon ang painting ng mga taong maaaring may-ari nito. Some
ALLYS POV "Whats wrong baby?" tanong ko habang iniinspeksyon ang buong katawan niya. Baka kasi ay may kumagat sa kanya na insekto o ano man. "I....I just peed on the bed mommy, waaaaahhhh!" iyak niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Leon at pagkatapos ay agad niyang tinungo ang telepono na nakadikit sa pader. "I'll call for a housekeeper," sabi niya na ikinatango ko. Mabilis ang naging takbo ng mga oras. Matapos naming makakain ay nag check out na kami sa resort na iyon. Sumakay kami sa isang chopper kaya ang buong akala ko talaga ay sa Manila kami pupunta pero nagkamali ako. Lumapag ang chopper naming sinasakyan sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. At nang makababa na kami ay agad kong nakita ang isang itim na sasakyan na naghihintay sa amin. May matandang driver pa sa gilid nito na halatang kanina pa naghihintay sa amin. "Pasensya na at natagalan kami Mang Cardo. Ito nga pala si Allys ang fiancee ko at si Leo ang anak namin," pakilala ni Leon sa amin sa matanda. "Allys
ALLYS POV"Leon!" matigas na tawag ko sa kanya nang pumasok ang malikot niyang kamay sa loob ng suot kong damit.Wala akong suot na bra kaya naging madali para sa kanya na hawakan ang dalawang dibdib ko. Impit akong napaungol nang paglaruan niya ang dalawang utong ko.Shit!Bakit napaka agresibo niya pa rin?"Ugh..." kumawala sa akin ang isang ungol ng ipinasok niya sa aking suot na panty ang kanyang isang kamay.Nakahiga na kami ngayon at nasa likuran ko siya kaya malaya niyang nagagawa ang mga ninanais niya ngayon. Napalunok ako nang mariin at tsaka napatitig sa anak namin na mahimbing nang natutulog sa aking tabi."Ughhhh....ughhh.." muling ungol ko at mahigpit na napahawak sa unan na nasa gilid ng anak namin."Leon, ano ba? Baka magising si Leo," sita ko sa ginagawa niya.Sinilip naman niya si Leo mula sa aking leeg at nang makita niya na tulog naman ito ay tsaka niya ako hinalikan sa aking leeg. Nakaramdam ako ng kiliti sa ginawa niyang iyon."I just can't get enough of you," mah
ALLYS POVNaghubad ako ng damit at binuksan ko ang shower. Agad akong naligo at nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa aking katawan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng ginhawa."This feels so nice," mahinang bulong ko sa sarili habang nakapikit na nakatingala sa shower.Nasa ganoon akong ayos nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad akong napahilamos at nilingon ang direksyon non at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Leon na naririto sa loob.Wala siyang suot na damit at tanging ang puting tuwalya lamang ang nakatapis sa pang ibabang parte ng kanyang katawan.Mabilis pa sa alas kwarto kong hinila ang shower curtain na naririto para matakpan ang kahubdan ko ngayon. Naramdaman ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi dahil sa biglaang kahihiyan."A-anong ginagawa mo? Bakit naririto ka sa loob ng banyo? Hindi bat sinabi ko sa iyo na bantayan mo si Leo sa-" Naputol ang mga sinasabi ko nang marahas na hinawi ni Leon ang shower curtain. Mabilis akong napatakip sa