Share

Kabanata 128: Kabilang Bayan

ALLYS POV

"Alice, ok ka lang ba diyan?" silip ni Mika sa akin sa kwarto.

Mabilis kong pinalis ang aking mga luha at agad na tumayo at hinarap siya.

"O-oo, ang Tiya mo?"

"Halika sa sala at ipapakilala kita sa kanya," sabi niya sa akin at naunang lumapit doon sa sala.

Muli kong nilingon si Leo bago ako tuluyang sumunod kay Mika.

"Tiya Elsa, ito nga pala ang kaibigan ko pong si Alice. Kasamahan ko po siya sa tinatrabahuan kong coffee shop sa kabilang bayan. Alice, ang Tiya Elsa ko nga pala," pakilala ni Mika sa akin sa Tiya niya.

Marahan naman akong yumuko sa harapan ng matanda.

"Magandang gabi po, pasensya na po sa abala at maraming salamat po ulit sa pagpapatuloy niyo sa amin ng anak ko," magalang na sabi ko sa kanya.

"Tiya, gusto ko po sanang dito na muna mananatili si Alice kahit ilang araw lang bago sila makahanap ng malilipatan nila ng anak niya. Napaalis po kasi siya sa apartment na inuupahan niya sa kabilang bayan at natanggal rin po siya sa trabaho. Maliit naman iyong k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status