Share

Kabanata 127: Escape

ALLYS POV

Ipinaintindi ko kay Mika na hindi dapat kami maabutan ni Leon dito sa apartment dahil nasisigurado kong kukunin niya lang ang anak ko. Kahit na ang totoo naman ay walang nabanggit sa akin si Leon tungkol sa bagay na iyon. Ayaw ko nang magkaroon pa ulit ng ugnayan sa pamilya nila lalong lalo na sa pamilya ng mga Cuevas.

Karga-karga ko ngayon si Leo sa aking mga bisig habang nakasakay kami sa isang tricycle na aming inarkila ni Mika. Konti lang na mga damit namin ni Leo ang dinala ko at nang hindi na kami mahirapan pa sa pagbyahe.

"Maraming salamat talaga Mika sa tulong mo," sabi ko sa kanya habang bumabyahe kami.

"Naku, ayos lang tsaka malapit lang naman ang bahay ng Tiya ko at nasa kabilang bayan lang. Pero ok na rin iyon dahil hinding-hindi na kayo makikita pa ni Engineer Mondragon don. Pagkarating natin doon ay hindi na rin ako magtatagal at babalik ulit ako rito sa bayan natin dahil may trabaho pa kasi ako bukas," mahabang sabi niya habang nakatingin sa may kadiliman na d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status