Share

Kabanata 113: Customer

ALLYS POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa coffee shop. Tatlo kaming may susi dito sa coffee shop kaya naging madali para sa akin ang makapasok.

Tinanggal ko ang mga blinds ng kurtina sa salaming dingding at marahan kong inilapag ang mga upuan sa tamang pwesto nito. Nakita ko pa si Mika na kararating lang at pababa na ng tricycle na sakay niya. Nagtungo ako sa counter at narinig ko ang pagtunog ng bell na nasa itaas ng pintuan.

"Good morning, Alice! Ang aga mo ngayon ah," bati ni Mika sa akin.

"Good morning rin Mika," bati ko sa kanya pabalik habang inihahanda ang mga gamit sa counter.

Lumapit naman si Mika sa akin at nakita kong humilig siya sa counter habang titig na titig sa akin.

"Hindi ka na bumalik kagabi. Iniwan mo ako. Ang akala ko lang ay magbabanyo ka hindi mo naman sinabi na deretso uwi ka na pala," pakli niya habang tinutungo ang locker room namin. Para makapagbihis na ng damit.

"Pasensya na, tinext kasi ako ni Joy na umiiyak na si Leo kakahintay sa akin kagabi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status