ALLYS POV "Congratulations, your one month pregnant," masayang balita sa akin ng doctor. Nilingon ko si Daniel na nasa aking tabi. Nakatitig lamang siya sa akin na para bang tinitimbang niya ang magiging reaksiyon ko. Kahapon nang sinabi niya sa akin na buntis ako ay hindi kaagad ako naniwala. Kaya heto ako ngayon at talagang lumapit na sa isang obgyn para masigurado ko na buntis talaga ako. Sinamahan naman ako ni Daniel sa pagpunta ko dito ngayon dahil kakilala lang naman niya itong doctor na kaharap ko ngayon. "Salamat po, Doc," anas ko at wala sa sariling tumayo at lumabas ng clinic. Kinausap ito ni Daniel ng ilang sandali bago siya sumunod sa akin sa labas. "Ayos ka lang ba, Alice?" nag-aalalang tanong niya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat. Marahan kong tinanggal ang kamay niya tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang naintindihan naman niya iyon dahil hindi na niya ako sinundan pa. Dahan-dahan akong naglakad ng wala sa sarili dito sa pasilyo ng klinika. Habang
ALLYS POV Ilang buwan na ang lumipas at hindi pa rin ako makapaniwala na may buhay ang laman ng tiyan ko. Hindi naman ako nagsusuka o namimili ng mga pagkain na nais kong kainin. Tanging nahihilo lamang ang sintomas ko sa pagbubuntis ko. Tuwing nagpapacheck up ako ay sinasamahan ako ni Daniel. May mga pagkakataon nga na nagtatanong ang kaibigan niyang doctor kung siya ba ang ama ng batang dinadala ko ngayon dahil sa mga ginagawa niya. Hiyang hiya tuloy ako sa kanya. "Pasensya na talaga sa abala, Daniel," sabi ko sa kanya habang papauwi na kami galing sa check up. "It's really nothing, Alice. Alam mo naman na maaasahan mo ako," ngumisi siya at tumingin sa kalsada. "Maraming salamat talaga." Bago kami tuluyang umuwi ay dumaan muna kami sa isang grocery store at namili ng mga kakailanganin ko. Medyo malaki na rin ang tiyan ko kaya palagi na lang akong nakasuot ng mga dresses. "Malapit na ang kabuwanan mo. Gusto kong sa bahay kana tumira para naman maalagaan kita nang mabuti pati n
LEON POV "Nababaliw ka na ba Leon?! Hindi siya si Mariel! Hindi siya ang fiancee mo!" sigaw ni Mommy sa akin. I just groaned in annoyance. Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ni Daddy na makikita rito sa loob ng mansyon at muli nanamang pinag-uusapan ang tungkol kay Allys. "Mom, please not again," pagod na sabi ko sa kanya. "No! Tigilan mo na ang paghahanap sa kanya! Ano ba ang nakita mo sa babaeng iyon, anak? She's nothing but an impostor!" umigting ang panga ko sa sinabi niyang iyon. "I know what you are doing, Leon! I have been watching you for the past months!" paratang pa ni Mommy sa akin. Pagod ko siyang tinitigan. "What's wrong with that, Mom? Hindi ko naman pinapabayaan ang kompanya at ang negosyo ko! I'm doing good sa mga trabaho ko." "Hindi naman tungkol sa trabaho mo ang tinutukoy ko dito, Leon. I'm talking about your craziness for that girl!" "Hijo, we barely even know her. Hindi natin alam kung saan siya nagmula o kung ano man ang motibo niya," dagdag pa ni Da
ALLYS POV "Sumama ka na, Alice. Noong nakaraang pista ay hindi ka rin pumunta. Dapat ngayon ay pumunta ka na. Hindi ka naman masyadong magtatagal doon. Kakain lang tayo saglit doon pagkatapos ay pwede na tayong umuwi," pangungumbinsi ni Mika sa akin. Napairap ako nang wala sa oras. "Ayon! Lumabas rin ang totoo na kaya mo lang ako pinipilit na sumama sa baile na iyan dahil wala kang kasama," sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagngiti niya. "Sige na! Kahit sandali lang naman, Alice. Gumala ka naman paminsan minsan." Napabuntong-hininga ako at muli ko siyang nilingon. Alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako napapa oo sa gusto niya. "Sige na nga. Pero sandali lang talaga ako doon Mika," pagsang-ayon ko sa kanya. "Yehey! Promise, Alice, sandali lang talaga tayo roon," masayang pakli niya at niyakap ako. "Oo na. Ano ba kasing meron at bakit mukhang extended ang fiesta ngayong taon?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga tasang napatuyo na namin kanina. Tuma
ALLYS POV Napatingin ako sa kinaroroonan nila Mayor. Nakita ko mula doon si Daniel kasama ang kaibigan nitong doktora na nagpaanak sa akin. Nakatalikod ang mga lalaking kausap nila, matatangkad ito at matipuno. Based on the maturity of their body, ay nasa 30s na ito or something. Dumapo ang mga mata ko sa pinakamatangkad sa kanilang lahat. My lips twisted when I noticed the longer than usual black hair of the man in the middle, the tallest one. "Mukhang tapos na silang mag-usap. Halika na at batiin natin sila," pakli ni Mika sa tabi ko. Napansin ko nga na nagkakatanguan na ang mga naroroon at mukhang tapos na ang usapan nila. Bago pa ako makaapila kay Mika na sa mesa na lamang ako maghihintay sa kanya ay nahila na niya ako palapit sa mga ito. "Magandang gabi po, Mayor," bati ni Mika sa kanila. "Oh! Hija, magandang gabi naman sa iyo. Mabuti at nakapunta kayo," anas ni Mayor at nilingon ako. "Hindi ba't ito ang kasamahan mo sa coffee shop ni Doctor Daniel?" bigkas pa nito at itinur
ALLYS POV Naglahad ng kamay ang tatlong kasamahan ni Leon sa akin. Si Leon lang ang hindi! Napaka bobo ko para gamitin ang pangalang Alice na katunog ng totoo kong pangalan. Sa lahat ba naman ng mga pangalan na pwede kong gamitin ay iyon pa talaga ang napili ko! "Nice to meet you, Alice," nakangiting bati sa akin ng mga kasamahan niya. Nanginginig ang mga kamay ko nang kamayan ko silang tatlo. "Are you okay? Ang lamig ng kamay mo at medyo nanginginig ka," bigkas ng isa sa kanila. "Ah! Hahaha ok lang ako. Siguro dahil sa hangin at sa suot ko rin na damit," nakangiting pakli ko rito. Tahimik at nanatiling titig na titig ang madilim na mga mata ni Leon sa akin. Kahit si Mika na nakikipag-usap kay Mayor ay mukhang nakakapansin na sa tingin ni Leon. Napakapit ako nang mahigpit sa aking handbag na dala at umatras ng paunti-unti. I saw Leon moved when he saw our distance. Mas lalo lamang akong kinabahan. Sinubukan kong tumingin kay Mika. I stepped back when I saw Leon's eyes dropped
ALLYS POV Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa coffee shop. Tatlo kaming may susi dito sa coffee shop kaya naging madali para sa akin ang makapasok. Tinanggal ko ang mga blinds ng kurtina sa salaming dingding at marahan kong inilapag ang mga upuan sa tamang pwesto nito. Nakita ko pa si Mika na kararating lang at pababa na ng tricycle na sakay niya. Nagtungo ako sa counter at narinig ko ang pagtunog ng bell na nasa itaas ng pintuan. "Good morning, Alice! Ang aga mo ngayon ah," bati ni Mika sa akin. "Good morning rin Mika," bati ko sa kanya pabalik habang inihahanda ang mga gamit sa counter. Lumapit naman si Mika sa akin at nakita kong humilig siya sa counter habang titig na titig sa akin. "Hindi ka na bumalik kagabi. Iniwan mo ako. Ang akala ko lang ay magbabanyo ka hindi mo naman sinabi na deretso uwi ka na pala," pakli niya habang tinutungo ang locker room namin. Para makapagbihis na ng damit. "Pasensya na, tinext kasi ako ni Joy na umiiyak na si Leo kakahintay sa akin kagabi
ALLYS POV Sinulyapan ko si Leon at nakita kong prente lamang itong nakaupo doon sa may pinakagilid na table habang nakatitig sa kanyang mamahaling cellphone nang nakakunot noo. "Sa office na muna ako, Alice," paalam ni Daniel na tinanguhan ko naman. Nang makaalis siya ay agad namang tumabi si Mika sa akin. "Uyy! Anong eksena iyong kanina? My god, para lang akong nanonood ng kdrama sa inyong tatlo ahh," bulong niya sa akin. Napairap tuloy ako sa kanya nang wala sa oras. "Tumigil ka nga diyan, Mika. Ang mabuti pa ay iserve mo na itong kape ng customer natin," sabay ayos ko sa tray na iseserve niya. "Hindi pa ako tapos sa iyo. Iseserve ko na muna ito sandali," pakli niya at inihatid na ang kape ni Leon. "Hai, Sir. Thank you for waiting," masiglang bati niya kay Leon na agad namang umayos sa pagkakaupo at sinulyapan ako. Sumunod naman ang mga mata ni Mika sa akin. Mabilis ang naging pag-iwas ko ng tingin sa pwesto nila. "Thank you," bigkas ni Leon pero ramdam ko na ang mga mata