ALLYS POV "A-Ano pa ang mga narinig mo, Lita?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Hindi ko lubos maisip kung ano ba ang mga sasabihin kong maaaring ipapalusot sa kanila kung sakaling narinig nga iyon ni Lita. Tiyak na magtatanong sila kung bakit ako tinatawag ni Leon sa ganoong klase ng pangalan. Bakit ba naman kasi, na sa lahat ng mga kasambahay na naririto sa mansyon ay siya pa ang nakarinig sa usapan naming iyon ni Leon. Si Lita pa talaga na siyang pinakamaingay at may pagkamatabil ang bibig sa lahat ng mga kasambahay na nagtratrabaho dito. "Iyon lang po ang narinig ko, Miss. Mariel. Kasi matapos kong marinig ang sinabi niyong ipagluluto niyo si Sir Leon ng masarap na pagkain. Ay agad na po akong nagtungo dito sa loob ng kusina at sinabihan si Nanay Tessy na magluluto po kayo," mahaba niyang sabi na agad ko namang ikinahinga ng maluwag. Kung ganoon ay hindi niya pala iyon narinig. Ang akala ko talaga ay narinig niya na binanggit ni Leon ang tunay kong pangalan. Mabuti na lama
ALLYS POV Matapos ko nang makapag luto ay kaagad ko nang inihatid kay Leon ang mga pagkain na inihanda namin ni Nanay Tessy sa tray. Tinulungan pa ako ni Lita na mabuksan ang pintuan ng aking silid dahil sa hindi ko magawa 'yon. Sapagkat may dala akong tray sa aking mga kamay. "Salamat, Lita," sabi ko sa kanya ng makapasok na ako ng tuluyan sa mismong silid ko. Tumango lamang siya sa akin at pagkatapos ay kaagad na niyang isinirado ang pintuan. Nilingon ko si Leon na nakahiga sa aking kama. Tulog ba siya? Kung ganoon ay sobrang napagod talaga siya ngayon sa trabaho niya. Maingat kong inilapag ang tray na dala sa bedside table at marahang ginising si Leon. Na mahimbing natutulog ngayon sa aking kama. Nakita ko pang yakap yakap niya ang aking kulay pink na unan habang natutulog siya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Para kasi siyang isang inosenteng gwapong bata na mahimbing na natutulog sa pambabaeng kama. "Leon, gising na. Handa na ang pagkain mo," marahang bigkas k
LEON POV Matapos naming kumain kanina ni Allys sa mga dinala niyang mga pagkain dito sa silid niya ay heto kami ngayon at nakahiga sa kanyang kama. I really like the scents of her room because it smells like her. I gently caress her hair while she was hugging me and peacefully sleeping at my chests. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam. Alam niyo iyong masaya ka na sa mga bagay na nasa sa iyo na ngayon. Iyong pakiramdam na sapat na ang lahat ng mga nangyayari sa buhay mo dahil kapiling at kasama mo ang taong minamahal mo. Masaya na ako sa ganito na kasama siya. Gumalaw siya ng konti kaya napatitig ako sa kanya. She looks like an angel to my eyes. Sobrang lambot ng kanyang katawan na pakiramdam ko kapag hindi ako nag-ingat sa paghawak sa kanya ay para bang masasaktan ko siya. She looks like a precious crystal to me. Isang babasaging crystal na dapat pangalagaan ko nang mabuti. I love her very much. Ganito pala ang pakiramdam kapag
ALLYS POV Kinabukasan ay alas nwebe pa lang ng umaga ay naihanda ko na ang mga pagkain na dadalhin ko para kay Leon. Inilagay ko ang mga ito sa apat na lunch box. Kung saan dalawang klase ng pagkain ang inihanda ko at dalawa ring kanin na para sa aming dalawa. Sinamahan ko na rin iyon ng dalawang pares ng kutsara at tinidor. Naligo ako at agad na nag-ayos sa aking sarili. Nagsuot lamang ako ng isang fitted denim blue jeans at isang simpleng puting t-shirt na pinaresan ko lang din ng isang puting rubber shoes. Tinali ko rin ang aking buhok into a ponytail at hinayaang lumugay ang iilang mga baby hair sa aking mukha. Nagmukha tuloy akong may bangs dahil sa mga ito. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at nang makita ko na presentable at ok naman ang aking suot ay tumulak na ako paalis ng bahay. Nagpahatid ako kay Mang Pedio papunta sa kompanya ni Leon. At habang nasa sasakyan ako ay panay ang ayos ko sa aking maalon alon na buhok. Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako pap
ALLYS POV "Ano ho ba ang pangalan ng taong bibisitahin niyo, Ma'am?" tanong pa ng security guard sa akin. Napakagat labi ako. Bakit pakiramdam ko ay ayaw nila akong papasukin dito sa building na ito. "L-Leon po," mahinang bigkas ko na ikinatawa niya. "Naku! Ma'am, wala pong impleyadong nagtratrabaho dito na nagngangalang Leon. Baka nagkamali lamang po kayo ng building na pinasukan. Kilala po namin ang halos lahat ng mga taong nagtratrabaho dito maliban na lang sa mga bagong recruit ng kompanya namin ngayon," bigkas niya habang nakangiti. Mabilis akong umiling iling sa kanya. "Hindi po ako nagkamali ng building na pinasukan, Sir. Talagang dito po nagtratrabaho ang kakilala ko," pagpupumilit ko sa kanya. Umiling iling naman siya sa akin habang binubuksan ang pintuang nasa kanyang likuran. "Umalis ka na, Miss. At mukhang nakakaabala ka na po dito sa loob," anas niya at nilingon ang paligid namin. Nakita kong may iilang mga tao na ang nakatingin sa amin ngayon.
LEON POV Kanina pa ako napapasulyap ng paulit ulit sa aking suot na relo. Kita kong pasado alas dose na ng tanghali ngunit hindi pa rin dumarating si Allys. Panay ang tawag ko sa cellphone niya pero walang sumasagot. Nasaan ba siya at bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? Dapat ay kaninang alas onse pa lang ay nandirito na siya dahil iyon ang sinabi niya. Halos maaga ko ngang tinapos ang lahat ng mga meetings ko sa araw na ito dahil alam ko sa sarili kong darating siya. Nakahanda na rin ang mesa ko dito sa loob ng opisina ko para sa aming dalawa. I even ordered some fresh bunch of flowers for her and a bottle of her favorite wine. Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya? Bumukas ang pintuan ng aking opisina at nakita ko ang pagpasok ng aking personal assistant secretary na si Lucas. Mabilis siyang lumapit sa lamesa ko at yumuko. "Bakit bumalik ka? Hindi ba't inutusan kitang magpunta sa bahay ng mga Cuevas para tingnan kung naroroon pa rin ba si Allys doon!" galit
ALLYS POV Lumapit si Leon sa akin at nagulat na lang ako nang bigla niya akong sinikop sa kanyang mga bisig at kinarga. Halos napuno ng mga bulong bulungan anag kabuuan ng buong lobby sa pagtatanong kung sino nga ba talaga ako at kung ano nga rin ba talaga ang ugnayan ko sa amo nila. Kung bakit daw ba ako pinoprotektahan ni Leon. Basi sa mga napapansin ko ay talagang hindi nga nila ako kilala. Walang nakakakilala sa akin dito. Ang tanong ay bakit? Bakit kaya walang nakakakilala sa akin dito? Wala sa sariling napakapit ako nang mahigpit sa suot na damit ni Leon at doon sa matigas niyang dibdib ay ibinaon ko ang aking buong mukha. Hindi ko maiwasang alalahanin muli ang nangyari kanina. Kung papaano nila ako tiningnan sa mga mapanghusga nilang mga mata at kung paano din nila ako hindi tinulungan sa ginagawang pagsasabunot sa akin ni Meldrid. Walang kahit na sino man mula sa kanila ang umawat sa aming dalawa. Imbis na tulungan nila ako ay nanood lamang sila sa isang gilid na para ba
ALLYS POV "Pasensya na," mahina kong utal at napayuko. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin dahilan para mapapikit ako ng mariin. "Pasenya na at hindi ko natupad ang mga sinabi ko sa iyo. 'Yon kasing mga pagkain na dapat sana na dadalhin ko para sa lunch mo ay natapon ng lahat sa sahig kanina kasi-" Nagulat ako ng bigla niya akong kinabig at saka siniil ng halik ang aking mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang 'yon. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa aking mismong batok na para bang ayaw niyang putulin ko ang halikan naming dalawa. He even licked the side of my lips which where my scratch was. Pagkatapos non ay ipinagdikit niya ang aming mga noo at nakita kong napapikit siya ng mariin at halos habol na niya ang kanyang paghinga. Anong nangyayari sa kanya? "Leon," tawag ko sa pangalan niya. "I thought I lost you. Fuck! I thought nawala ka na sa akin!" Natahimik ako sa sinabi niyang 'yon. Anong ibig niyang sabihin? "Naghintay ako