Share

Kabanata 79: Mondargon Enterprises

ALLYS POV

Kinabukasan ay alas nwebe pa lang ng umaga ay naihanda ko na ang mga pagkain na dadalhin ko para kay Leon.

Inilagay ko ang mga ito sa apat na lunch box. Kung saan dalawang klase ng pagkain ang inihanda ko at dalawa ring kanin na para sa aming dalawa. Sinamahan ko na rin iyon ng dalawang pares ng kutsara at tinidor.

Naligo ako at agad na nag-ayos sa aking sarili. Nagsuot lamang ako ng isang fitted denim blue jeans at isang simpleng puting t-shirt na pinaresan ko lang din ng isang puting rubber shoes. Tinali ko rin ang aking buhok into a ponytail at hinayaang lumugay ang iilang mga baby hair sa aking mukha. Nagmukha tuloy akong may bangs dahil sa mga ito.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at nang makita ko na presentable at ok naman ang aking suot ay tumulak na ako paalis ng bahay.

Nagpahatid ako kay Mang Pedio papunta sa kompanya ni Leon. At habang nasa sasakyan ako ay panay ang ayos ko sa aking maalon alon na buhok. Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako pap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status