Share

Kabanata 81: Leon's Wrath

LEON POV

Kanina pa ako napapasulyap ng paulit ulit sa aking suot na relo. Kita kong pasado alas dose na ng tanghali ngunit hindi pa rin dumarating si Allys. Panay ang tawag ko sa cellphone niya pero walang sumasagot.

Nasaan ba siya at bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? Dapat ay kaninang alas onse pa lang ay nandirito na siya dahil iyon ang sinabi niya. Halos maaga ko ngang tinapos ang lahat ng mga meetings ko sa araw na ito dahil alam ko sa sarili kong darating siya.

Nakahanda na rin ang mesa ko dito sa loob ng opisina ko para sa aming dalawa. I even ordered some fresh bunch of flowers for her and a bottle of her favorite wine.

Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya?

Bumukas ang pintuan ng aking opisina at nakita ko ang pagpasok ng aking personal assistant secretary na si Lucas. Mabilis siyang lumapit sa lamesa ko at yumuko.

"Bakit bumalik ka? Hindi ba't inutusan kitang magpunta sa bahay ng mga Cuevas para tingnan kung naroroon pa rin ba si Allys doon!" galit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status