Share

Kabanata 80: Leon's Food

ALLYS POV

"Ano ho ba ang pangalan ng taong bibisitahin niyo, Ma'am?" tanong pa ng security guard sa akin.

Napakagat labi ako. Bakit pakiramdam ko ay ayaw nila akong papasukin dito sa building na ito.

"L-Leon po," mahinang bigkas ko na ikinatawa niya.

"Naku! Ma'am, wala pong impleyadong nagtratrabaho dito na nagngangalang Leon. Baka nagkamali lamang po kayo ng building na pinasukan. Kilala po namin ang halos lahat ng mga taong nagtratrabaho dito maliban na lang sa mga bagong recruit ng kompanya namin ngayon," bigkas niya habang nakangiti.

Mabilis akong umiling iling sa kanya.

"Hindi po ako nagkamali ng building na pinasukan, Sir. Talagang dito po nagtratrabaho ang kakilala ko," pagpupumilit ko sa kanya.

Umiling iling naman siya sa akin habang binubuksan ang pintuang nasa kanyang likuran.

"Umalis ka na, Miss. At mukhang nakakaabala ka na po dito sa loob," anas niya at nilingon ang paligid namin.

Nakita kong may iilang mga tao na ang nakatingin sa amin ngayon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status