Share

Kabanata 4: Trahedya

ALLYS POV

(Still continuation of her flashbacks)

Nakatitig pa rin ako sa mamahaling polseras na hawak ko ngayon. Bakit napakadali lang sa mga mayayamang magtapon ng pera?

Sumasakit ang ulo ko sa lahat nang nangyaring ito. Ni hindi pa nga ako nakakalimot sa ginawa sa akin ni Tatay Arsing dumagdag pa ang babaeng ito.

Ok na rin siguro ito at nang maibenta ko pagdating sa San Vicente. Kasi naman wala na akong pera. Isasangla ko ito sa kasunod na bayan sa isang malaking halaga.

Kailangan kong maging praktikal ngayon lalo na't wala na akong maipambibili ng pagkain mamaya.

Nasulyapan ko pa ang maarteng babaeng iyon na iniirapan ako.

Napakurap-kurap ako ng wala sa oras. Kung gaano kaganda ang itsura niya ay ganoon rin kapanget ang ugali niya.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito pero wala ako sa posisyon para magreklamo dahil malaking tulong din naman itong ibinigay niya para sa akin.

Tinitigan ko na lamang ang magandang polseras na nasa mga kamay ko. Puno iyon ng mga kumikinang na mga bato sa loob at halos wala akong nakikitang ni iisang gasgas mula rito.

Agad ko iyong sinubukang isinukat at namamangha akong napanganga dahil hindi lang sa sakto ito sa akin kundi sobrang bagay rin nito sa mga kamay ko.

'Ang ganda!'

Sigaw ng aking isipan.

Hindi ako makapaniwalang nakasuot ako ngayon ng isang mamahalin na bagay. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip.

Kung naging mayaman ba sina Nanay ay magiging ganito pa rin ba kaya ang buhay ko ngayon? O, naging masaya na kami kapiling ang totoo kong ama.

Ni hindi ko nga nakilala ang tunay kong ama. Pati mga lolo't lola ko ay hindi ko rin nakilala.

Sa pagkakaalam ko lang ay naging biyuda na si nanay noong ipinagbubuntis niya pa lang ako.

Napatitig ako sa kawalan nang bigla na lang may isang malakas na pagsabog ang aking narinig at galing mismo ito sa aming harapan.

Pumutok yata iyong gulong sa harapan ng sasakyan. Dahil sa gulat ay nagkagulo na ang lahat at ang iilan pa ngang mga pasahero ay nagsisimula ng mag sisigaw dala na rin sa sobrang takot.

Nagpagewang-gewang ang takbo namin kaya napakapit ako sa bakal na upuan.

Agad lumukob sa dibdib ko ang sobrang takot nang makita kong dere-deretso kaming napunta sa isang may kataasang bangin.

'Jusko! Ito na ba ang katapusan ko panginoon?'

"AAAHHHHHHHHH!!!"

Sigawan naming lahat.

Napapikit ako nang mariin. Ayaw kong makita ang nakakatakot na katotohanan na hanggang dito na lang ako.

Kung kailan nakatakas na ako kay Tatay Arsing, kung kailan nag lakas loob na akong mamuhay mag-isa saka pa ito mangyayari sa akin.

Kung alam ko lang sana na ganito lang ang kahihinatnan ko ay edi sana ay noon pa ako tumakas. Parang gripong nagsituluan ang mga luha ko sa pisnge.

'Inay, kukunin mo na ba ako? Bakit? Bakit sa ganitong paraan Inay? Bakit?'

Nakarinig ako ng isang malakas na pagsabog at ang kasunod non ay naramdaman ko na lang na gumulong gulong kami sa isang bangin.

"AHHHHHHHHHHHHHH!"

Sigawan naming lahat na nasa loob ng bus.

Napapikit ako at napaigik nang maramdamang tumama ang aking ulo sa isang matigas na bagay.

Kahit nanlalabo ang mga paningin ko ay nagawa ko pang gumapang palabas ng bintana ng sasakyan.

"T-tulong...tulungan niyo kami."

Dinig kong ungol ng mga kasamahan ko sa loob.

"Saklolo....tulungan niyo kami."

'Hindi. Hindi ako pwedeng mamatay! Hindi sa ganitong paraan!'

Kahit nanghihina ay pinilit kong gumapang palabas ng bintana ng bus ngunit natigilan ako sa aking nakita.

Nakita kong biglang lumiyab ang isang malaking apoy sa may kalayuan. At mabilis itong gumagapang ngayon papunta sa sasakyan kung nasaan kami.

"T-tu-tulong..tulungan niyo kami," mahinang sambit ko sa kawalan bago ako tuluyang nawalan nang ulirat.

(End of flasbacks)

Naririto pa rin ako sa ospital at wala manlang kahit ni konting pagbabago ang nangyayari sa akin. Nagulat ang diwa ko nang naramdaman ko na lang ang pag-angat nila sa hinihigaan ko at nilipat ako sa isang stretcher.

Teka! Saan nila ako dadalhin? Naramdaman kong isinakay nila ako sa isang ambulansya. Pinakiramdaman kong mabuti ang paligid ko kahit hindi ako makagalaw at kahit hindi ko maibuka ang aking mga mata ay alam kong nasa isang sasakyan kami ngayon.

Saan kami pupunta? Hindi kalaunan ay nakarinig ako ng mga tunog ng sasakyang pang himpapawid.

'Ano na bang nangyayar?'

"VIP Patient bound to USA. Please handle it with care."

Dinig ko sa kung saan at naramdaman ko na lang na may iniinject sila sa akin dahil bigla na lang akong nakaramdam ng antok.

(Fast forward)

*Beep...beep..beep.* (tunog po iyan ng mga aparatus sa hospital)

Gising ang diwa ko pero wala akong maramdaman na kahit ano. Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay naririnig ko lang ang nasa paligid ko.

"Doc, how was my daughter case?"

Boses ulit iyon ng babae. Halos kilala ko na ang boses niya dahil siya parati ang aking naririnig sa nagdaang panahon.

Halos mag-iisang taon na akong ganito. Iyon ang naririnig ko sa kanila.

"Her condition is so fatal. A fifth-degree burn may not just affect her tissue but also the muscle and bone at the site of the injury and can potentially lead to permanent internal damage, including organ failure. As a result, fifth-degree burns are really often fatal," sagot ng doctor sa ginang.

At sa muli nanamang pagkakataon ay narinig ko nanaman siyang umiyak.

Kahit hindi ko siya ka ano-ano ay nakaramdam ako nang awa para sa kanya. Nararamdaman ko kasi kung gaano niya kamahal ang kanyang anak. Kaya hindi ko rin maiwasang makaramdam nang inggit sa anak niya. Napaka swerte naman ng anak niya at nagkaroon ito nang mapagmahal na mga magulang.

"No! I want something new. All of the doctors that we've met in the Philippines already told us about that! I want to know the progress of my daughter! We flew from the Philippines just to make sure she comes back to us. To make sure you save her! Not just to hear the same statement as theirs!"

"Rosellena calm down. Let the doctor finish his words."

Dinig kong alo ng kanyang asawa sa kanya.

"As I have said, the condition of the patient is so fatal. But..."

Biglang nagkaroon ng katahimikan kaya kinabahan ako. Bakit sila natahimik?

"But what?"

Boses ulit iyon ng babae.

"But because of the treatment and advance medicines that we've used. Her condition is now stable and her wounds are slowly healing. This is a very rare situation and your daughter is one of the survivor for this kind of case."

"Oh God! Thank you so much Doc."

"We believe that she’s already regain her consciousness. Her mind is fully awaked now Madame. But her body is still unconscious. 5th degree burn is not easy. But if we will soon notice the stability of her skin and vital signs we can proceed directly to the operation that you've mentioned Madame."

"Thank you so much Doc."

"Thank you Doc."

"For now the condition of the patient is finally stable and there’s nothing to worry about. We will give you also an update for the plastic surgery sooner."

"Yes! Doc please and thank you so much. Doctor Romualdo never failed on referring you to us. Thank you so much."

"Your welcome. I need to excuse for now."

Nakarinig ako nang pagbukas at pagsarado ng pinto. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at naramdaman kong may umupo sa mismong gilid ng paanan ko kung saan ako nakahiga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status