ALLYS POVMarahan niyang tinapik ang balikat ng lalaki na para bang ipinapakilala niya ito sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Crush ko daw ang anak niya? Ang mismong lalaking kaharap ko ngayon. "L-long time c-crush ko po?" nauutal na tanong ko kasabay nang pagturo ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang may gusto pala si Mariel sa aroganteng lalaking ito. Bigla na lamang tumayo ang lalaking ito sa harapan ko kaya hindi ko naiwasang mapaangat nang tingin sa kanya. "It's rude to not Intruduce myself to a lady who lost her memories," his voice is almost a growl. Hindi nga ako nagkamali sa mga espekulasyon ko. All of him is screaming of force and power. Even his voice. Hindi ko maiwasang makaramdam nang takot. "I'm Leon Versius Reniel Mondragon. It's nice too meet you again Mariel Evangeline Cuevas." Matigas na pakilala niya sa kanyang sarili gamit ang napaka brusko niyang boses. Marahan akong tumayo at sa nanginginig na kamay ay tinanggap ko ang nakal
ALLYS POV "She's busy doing some incredible stuffs here Hitler. She's planting some vegetables beside in the pool area and shes also helping doing some household chores. Mas gusto ko ang mga ginagawa niya ngayon kumpara sa mga ginagawa niya noon." Daddy stated. Natawa naman sila mommy at tita sa tinuran niyang iyon. Hindi na ako umimik pa at tahimik ko na lang na tinapos ang aking pagkain. Matapos naming kumain ay masaya silang nagkwentuhan sa loob ng sala. At dahil hindi talaga ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila, idagdag mo pa na hindi rin ako komportable sa presensya ng mga Mondragon. Kaya mas pinili ko na lang na mapag-isa dito sa swimming pool area. Nakalublob sa tubig ang aking mga paa habang banayad ko iyong ginagalaw. "And what are you doing here?" Halos mapasinghap ako sa gulat nang marinig ko ang boses na iyon. Agad ko siyang nilingon at nakita ko siyang nakatayo sa bukana ng pintuan papasok sa loob ng mansyon. Parang nanunusok ang intensidad ng kanyang mga mata
ALLYS POV Makalipas ang tatlong araw ay hindi na bumalik pa sina Leon. Marahil ay naging busy na siya sa negosyo niya. Hindi ko alam kung anong negosyo niya at wala akong pakialam. Mabuti na rin iyon para maiwasan ko siya at nang hindi kami magbangayan pang dalawa. Kapag nandidito siya ay hindi ko na alam ang gagawin. Nablablangko ako at feeling ko kahit anong oras ay malalaman niya kaagad na hindi ako si Mariel. At maliban pa doon ay hindi ko rin gusto ang mga lumalabas sa bibig niya at naiinis lang ako. "Ano nang gagawin ko ngayon? Ayaw kong makasal sa lalaking yon." Kausap ko sa mga bukaklak na kakatanim ko lang ngayon. Marahan kong inabot ang sprinklers at banayad na diniligan ang mga ito. "Tumubo kayo nang maayos ha. At nang mamulaklak kayo nang marami at magaganda." Nakangite kong kinakausap ang mga ito. Mas maganda kasing kausapin ang mga halaman. Nakagagaan nang loob. Dati sa bayan namin ay mahilig na talaga akong magtanim ng mga halaman. Siguro dahil iyon lang ang tangi
LEON POV "I-i'm sorry." Wala sa sarili kong bigkas nang makita ko ang takot sa mga mata niya. Damn it! Did I just stammer infront of her? And how could I be so reckless? Shes in that big accident of course Leon she's scared. Nang makarating kami sa villa ay agad kong ipinarada ang aking sasakyan. Nakita kong nandodoon na ang aking mga pinsan. I even saw Hellia and Raven talking in the entrance of the villa. Sabay pa silang napatingin sa direksiyon ko nang bumaba ako. "Wooahh! Leon your late." Hellia while holding a glass of beer in his hands. "What took you so long? Tapos na ang binyag. Kumakain na silang lahat sa loob." Raven habang nakapamulsa. Hindi ko sila pinansin. Sa halip ay gumilid ako sa kabilang pintuan ng sasakyan at marahan iyong binuksan. Nakita ko si Mariel na nakatingala sa akin. Those eyes. Agad akong nag iwas nang tingin. "You can come out now," sabi ko habang hawak pa rin ang pintuan ng sasakyan ko. "Hey Leon, sino yan?!" Hellia shouted. Dahan dahang luma
ALLYS POV "Ok ka lang ba Miss? Bakit naglalakad ka sa lugar na ito? Nasaan ang sasakyan mo?" tanong niya habang nililingon ang paligid kung may sasakyan ba akong dala. "Ahh ok lang po ako. Galing po akong villa at hinihintay ko na lang ang sundo ko na dumating," marahan kong sagot at nagpatuloy na sa paglalakad nang maramdam ko ang pagsabay ng sasakyan niya sa akin. "Villa? Ahh..yung sa mga Mondragon ba?!" Sigaw niya sa loob. Tumango tango lamang ako. "How about I give you a ride? You see, malayo ito sa syudad. Baka mapahamak ka." Narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan niya at lumabas siya mula doon. Sobrang tangkad niya at sa nakikita ko ay magkasing tangkad lang sila ni Leon. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bigla na lang umigting ang panga niya. "Damn it! Who's an asshole letting you walk alone in this secluded place." "Ahh ok lang ako-" "MARIEL!!" Nagulat ako nang may sumigaw sa pangalan ko. Agad kong nakita ang pula niyang sasa
ALLYS POV "Mom," tawag ko kay mommy na abala sa pagsusuklay ng aking buhok. Nandito kami sa loob ng kwarto ko at nakaupo ako ngayon sa harapan ng salamin habang marahan niya akong sinusuklayan. "Hmm..kumusta ang lakad niyo ni Leon kanina hija?" tanong niya sa akin nang nakangiti. Napakagat labi ako nang iyon mismo ang agad niyang itinanong sa akin. Kitang kita ko ang kanyang matamis na ngite sa repleksyon ng salaming nasa harapan ko. "Uhm..m-mabuti naman po. Kaso lang po kasi...napapansin ko pong ayaw po ni Leon sa akin mommy. Wala po siyang gusto sa akin. P-pwede po ba nating itigil ang napagkasunduang engagement namin mom?" Napakurap kurap naman siya nang ilang sandali bago niya ako sinagot. "Hija itigil agad? Wala pa ngang nangyayari at ni hindi mo pa nga sinusubukan. Saka ganoon naman talaga iyong si Leon dati pa, kaya hayaan mo na siya. Ang importante ay masaya ka," sabi niya sa akin na para bang kay dali lang ng lahat nang ito. "Pero mom hindi po maganda ang turingan nam
ALLYS POV Habol ang hininga ko at nang makabawi sa nararamdamang gulat at pagkatakot kanina ay naiinis kong inirapan si Leon. Mabilis ko siyang tinalikuran nang maramdaman ko ang pagbabadya ng aking mga luha. Tangina! Bakit ko ba biglang naalala ang pangyayaring iyon? Iyon pa naman ang tanging dahilan kung bakit naririto ako sa sitwasyon ko ngayon. "What the hell! Why are you crying?" gulat na tanong sa akin ni Leon at agad may senenyas sa kung saan. Ano bang ginagawa niya rito at bakit siya naririto? Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko dahil nakikita niya akong nasa ganitong sitwasyon. Nakita kong pumarada ang pula niyang sasakyan sa aming harapan at mula doon ay bumaba si Mang Pedio. "Get in the car, Mariel," utos ni Leon sa akin habang nakahawak sa nakabukas na pintuan ng passenger seat. "H-hindi na, may dala kaming sasakyan ni Mang Pedio kaya doon ako sasakay," sabi ko at hinanap si Mang Pedio. Pero wala akong Mang Pedio na nakita sa paligid. Nasaan na siya? Kanina ay nari
ALLYS POV"Nasaan na ba tayo?" tanong ko at nilibot ng tingin ang buong paligid sa labas. Napasapo ako sa aking bibig at wala sa sariling lumabas ng sasakyan. Nang tuluyang makaapak sa damuhan ang aking mga paa ay agad sumalubong sa akin ang isang presko at malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili akong naglakad at napatitig sa papalubog na araw. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang buong syudad ng manila sa ibaba. Nasa isang mataas na burol kami ngayon. Narinig kong bumaba si Leon sa sasakyan niya pero hindi ko siya nilingon. Nakatitig lamang ako sa maganda at kulay kahel na araw na malapit nang mawala. "Ang ganda," Wala sa sarili kong utal.LEON POV "Oo, maganda. Sobrang ganda," mahina kong bulong sa sarili habang tinititigan ang masayang mukha ni Mariel na nakatingin sa papalubog na araw. Fuck! Ano ba itong mga ginagawa at pinagsasabi ko? That is Mariel for pete's sake Leon! Alalahanin mong siya ang babaeng kinaiinisan at kinamumuhian mo. Wala sa sarili akong napat