ALLYS POV Makalipas ang tatlong araw ay hindi na bumalik pa sina Leon. Marahil ay naging busy na siya sa negosyo niya. Hindi ko alam kung anong negosyo niya at wala akong pakialam. Mabuti na rin iyon para maiwasan ko siya at nang hindi kami magbangayan pang dalawa. Kapag nandidito siya ay hindi ko na alam ang gagawin. Nablablangko ako at feeling ko kahit anong oras ay malalaman niya kaagad na hindi ako si Mariel. At maliban pa doon ay hindi ko rin gusto ang mga lumalabas sa bibig niya at naiinis lang ako. "Ano nang gagawin ko ngayon? Ayaw kong makasal sa lalaking yon." Kausap ko sa mga bukaklak na kakatanim ko lang ngayon. Marahan kong inabot ang sprinklers at banayad na diniligan ang mga ito. "Tumubo kayo nang maayos ha. At nang mamulaklak kayo nang marami at magaganda." Nakangite kong kinakausap ang mga ito. Mas maganda kasing kausapin ang mga halaman. Nakagagaan nang loob. Dati sa bayan namin ay mahilig na talaga akong magtanim ng mga halaman. Siguro dahil iyon lang ang tangi
LEON POV "I-i'm sorry." Wala sa sarili kong bigkas nang makita ko ang takot sa mga mata niya. Damn it! Did I just stammer infront of her? And how could I be so reckless? Shes in that big accident of course Leon she's scared. Nang makarating kami sa villa ay agad kong ipinarada ang aking sasakyan. Nakita kong nandodoon na ang aking mga pinsan. I even saw Hellia and Raven talking in the entrance of the villa. Sabay pa silang napatingin sa direksiyon ko nang bumaba ako. "Wooahh! Leon your late." Hellia while holding a glass of beer in his hands. "What took you so long? Tapos na ang binyag. Kumakain na silang lahat sa loob." Raven habang nakapamulsa. Hindi ko sila pinansin. Sa halip ay gumilid ako sa kabilang pintuan ng sasakyan at marahan iyong binuksan. Nakita ko si Mariel na nakatingala sa akin. Those eyes. Agad akong nag iwas nang tingin. "You can come out now," sabi ko habang hawak pa rin ang pintuan ng sasakyan ko. "Hey Leon, sino yan?!" Hellia shouted. Dahan dahang luma
ALLYS POV "Ok ka lang ba Miss? Bakit naglalakad ka sa lugar na ito? Nasaan ang sasakyan mo?" tanong niya habang nililingon ang paligid kung may sasakyan ba akong dala. "Ahh ok lang po ako. Galing po akong villa at hinihintay ko na lang ang sundo ko na dumating," marahan kong sagot at nagpatuloy na sa paglalakad nang maramdam ko ang pagsabay ng sasakyan niya sa akin. "Villa? Ahh..yung sa mga Mondragon ba?!" Sigaw niya sa loob. Tumango tango lamang ako. "How about I give you a ride? You see, malayo ito sa syudad. Baka mapahamak ka." Narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan niya at lumabas siya mula doon. Sobrang tangkad niya at sa nakikita ko ay magkasing tangkad lang sila ni Leon. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bigla na lang umigting ang panga niya. "Damn it! Who's an asshole letting you walk alone in this secluded place." "Ahh ok lang ako-" "MARIEL!!" Nagulat ako nang may sumigaw sa pangalan ko. Agad kong nakita ang pula niyang sasa
ALLYS POV "Mom," tawag ko kay mommy na abala sa pagsusuklay ng aking buhok. Nandito kami sa loob ng kwarto ko at nakaupo ako ngayon sa harapan ng salamin habang marahan niya akong sinusuklayan. "Hmm..kumusta ang lakad niyo ni Leon kanina hija?" tanong niya sa akin nang nakangiti. Napakagat labi ako nang iyon mismo ang agad niyang itinanong sa akin. Kitang kita ko ang kanyang matamis na ngite sa repleksyon ng salaming nasa harapan ko. "Uhm..m-mabuti naman po. Kaso lang po kasi...napapansin ko pong ayaw po ni Leon sa akin mommy. Wala po siyang gusto sa akin. P-pwede po ba nating itigil ang napagkasunduang engagement namin mom?" Napakurap kurap naman siya nang ilang sandali bago niya ako sinagot. "Hija itigil agad? Wala pa ngang nangyayari at ni hindi mo pa nga sinusubukan. Saka ganoon naman talaga iyong si Leon dati pa, kaya hayaan mo na siya. Ang importante ay masaya ka," sabi niya sa akin na para bang kay dali lang ng lahat nang ito. "Pero mom hindi po maganda ang turingan nam
ALLYS POV Habol ang hininga ko at nang makabawi sa nararamdamang gulat at pagkatakot kanina ay naiinis kong inirapan si Leon. Mabilis ko siyang tinalikuran nang maramdaman ko ang pagbabadya ng aking mga luha. Tangina! Bakit ko ba biglang naalala ang pangyayaring iyon? Iyon pa naman ang tanging dahilan kung bakit naririto ako sa sitwasyon ko ngayon. "What the hell! Why are you crying?" gulat na tanong sa akin ni Leon at agad may senenyas sa kung saan. Ano bang ginagawa niya rito at bakit siya naririto? Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko dahil nakikita niya akong nasa ganitong sitwasyon. Nakita kong pumarada ang pula niyang sasakyan sa aming harapan at mula doon ay bumaba si Mang Pedio. "Get in the car, Mariel," utos ni Leon sa akin habang nakahawak sa nakabukas na pintuan ng passenger seat. "H-hindi na, may dala kaming sasakyan ni Mang Pedio kaya doon ako sasakay," sabi ko at hinanap si Mang Pedio. Pero wala akong Mang Pedio na nakita sa paligid. Nasaan na siya? Kanina ay nari
ALLYS POV"Nasaan na ba tayo?" tanong ko at nilibot ng tingin ang buong paligid sa labas. Napasapo ako sa aking bibig at wala sa sariling lumabas ng sasakyan. Nang tuluyang makaapak sa damuhan ang aking mga paa ay agad sumalubong sa akin ang isang presko at malamig na simoy ng hangin. Wala sa sarili akong naglakad at napatitig sa papalubog na araw. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang buong syudad ng manila sa ibaba. Nasa isang mataas na burol kami ngayon. Narinig kong bumaba si Leon sa sasakyan niya pero hindi ko siya nilingon. Nakatitig lamang ako sa maganda at kulay kahel na araw na malapit nang mawala. "Ang ganda," Wala sa sarili kong utal.LEON POV "Oo, maganda. Sobrang ganda," mahina kong bulong sa sarili habang tinititigan ang masayang mukha ni Mariel na nakatingin sa papalubog na araw. Fuck! Ano ba itong mga ginagawa at pinagsasabi ko? That is Mariel for pete's sake Leon! Alalahanin mong siya ang babaeng kinaiinisan at kinamumuhian mo. Wala sa sarili akong napat
ALLYS POV Nakaupo kaming dalawa ngayon sa hood ng sasakyan niya at pareho naming pinagmamasdan ang madilim na kalangitan na punong puno ng mga makikinang na bituin. "Dito ka ba pumupunta kapag nais mong magpahangin at mapag-isa?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman masyado," maikli niyang sagot habang pinagmamasdan pa rin ang langit. "Ganon ba," kibit balikat ko na lang na saad. Sobrang tahimik at tanging mga kuliglig lamang ang aking naririnig. Meron din akong nakikitang mga iilang alitaptap na nagliliparan sa paligid. Napakaganda at sobrang nakakarelax sa pakiramdam ang ganitong uri ng senaryo. Idagdag mo pa ang mga nagkikislapang mga ilaw mula sa mga naglalakihang building sa syudad. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bigla na lang umihip ang isang malamig na simoy ng hangin at inililipad nito ang manggas ng aking suot na palda. Dahilan kung bakit nakita ang aking mga hita. Nagulat ako sa nangyari at kaagad na napatili. Kitang kita ko kung paano ako pasadahan nang tingin ni Leo
ALLYS POVNaalimpungatan ako sa malakas na tunog ng aking selpon. Inaantok na kinapa ko iyon sa side table at sinagot."Hello, sino to?" Nakapikit kong tanong sa taong tumatawag.[Gosh! Did you already fall asleep Mariel? It is so early to sleep my dear best friend.]Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae na nasa kabilang linya at wala sa sariling tiningnan ang oras sa selpon ko. Nakita kong pasado ala una na ng madaling araw.Anong sinasabi niyang maaga pa? Maaga kasi umaga na? Yon ba ang ibig niyang sabihin?"Pasensya na pero nagkamali ka yata ng numerong tinawagan," sabi ko nang nakapikit pa rin.Dinig na dinig ko mula sa kabilang linya ang maingay at malakas na musika. May naririnig pa akong mga naghihiyawan.[Hello, Mariel! Did you forget about me already?! This is your best friend Samantha.]Ang kaninang natutulog kong diwa ay bigla na lang nagising nang tuluyan."Sam? Ikaw ba talaga yan?"[Yeah! It's me! The one and only!] Tili niya sa kabilang linya.Ano bang nangyayari sa kany