Share

Kabanata 9: Pagbabago Part 2

ALLYS POV

Isang matamis na ngite ang ibinigay ko sa kanilang lahat saka tinanguhan si Nanay Tessy na nakatayo lang sa aking gilid.

"Ahh ehh tama na iyan at magsiupuan na kayo. Kanina pa nagugutom si Mariel sa kahihintay sa inyo," sabi ni Nanay Tessy at naupo na sa aking tabi.

Excited naman na lumapit si Lita sa kabilang gilid ko at umupo na rin.

"Ano pang hinihintay niyo? Kakain na tayo," sabi niya sa mga trabahanteng nakatayo pa rin at bakas sa mga mukha ang gulat.

"T-talaga po bang dito kami kakain Miss Mariel? Kasama kayo? Kasi nakakahiya naman po. Mesa po ito ng pamilya niyo samantalang mga tagapagsilbi lamang kami. Ok lang naman po sa amin kung sa dirty kitchen na lang po kami kumain."

Mahabang sabi ng hardinero. Alam kong hardinero siya dahil sa suot niya.

"Ano ka ba Carding! Pinaghirapan ito ng Miss Mariel mo. Siya mismo ang nagluto at naghanda ng mga pagkaing ito," sita ni Nanay Tessy rito.

Nanlaki ang mga mata nila maliban kay Lita.

"Naku! Patawad po sa kapangahasan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status