Share

Kabanata 5: Second  Life

Author: M.A.B. Writes
last update Last Updated: 2024-05-07 15:42:41

ALLYS POV

"You hear that Mariel? Hindi magtatagal ay babalik ka na sa dati anak. Once you fully heal all of your wounds, ay agad kitang ipapaundergo ng plastic surgery. To bring your beautiful face back. I know you want that my dear. Please fight this one. I know you can do it. You are not my daughter for nothing."

Kinabahan ako bigla sa sinabi niyang iyon. Halos hindi na mapakali ang aking isipan. Gusto kong magsaya dahil sa wakas magiging ok na ang kalagayan ko pero mas nanaig pa rin sa akin ang takot. Takot na malaman nila ang totoo na hindi ako ang anak nila.

Kahit hindi ko sila nakakausap ay naging magaan na rin ang pakiramdam ko sa kanila. Pero hindi ako ang anak nila. Anong gagawin nila kapag nalaman nilang hindi ako si Mariel?

Gusto kong aminin ang totoo sa kanya. Gusto kong sabihin na hindi ako si Mariel. Na hindi  ako ang anak nila at hindi ko rin kilala ang anak niya.

Pero walang kahit isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Pinilit kong maibuka ang mga mata ko at sa unang pagkakataon ay nagawa ko nga!

Kahit maliit lang na buka sa aking mga mata ay muli kong naaninag ang liwanag sa paligid ko. Malabo man ay unti-unti naman itong lumilinaw sa paningin ko. At nang tingnan ko ang gilid ko ay doon ko nakita sa hindi kalayuan ang isang napakagandang ginang.

Sobrang ganda niya na kahit may kaedaran na siya ay makikita mo pa rin sa kanyang mukha ang kagandahan niya. Gusto kong mamangha sa kanya dahil para na siyang anghel sa mga paningin ko.

Malungkot ang kanyang mga mata. Habang marahan niyang hinahaplos ang aking mga kamay na para bang kahit anong oras ay mababasag ang mga iyon kapag hindi siya nag-ingat.

"Hmmm..."

Iyon lang ang namutawi sa aking mga bibig nang sinubukan kong magsalita. Isang mumunting ungol na hindi ko mawari.

"Oh my god! OH MY GOD! DOC! MY DAUGHTER'S AWAKE NOW! DOC!"

Natatarantang sigaw niya habang may pinipindot sa gilid ng ulo ko.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang doctor saka apat na mga nurse.

Mabilis silang dumalo sa akin at inoobserbahan ako. Ang isa ay iniilawan ang aking mga mata habang ang isang doctor ay may tinitingnan sa kung saan.

"Is she okay doc? Tell me, my daughter is okay right? She's fine now."

Ang ginang habang nag-aalalang tinitingnan ang ginagawa sa akin ng mga doctor.

"Okay Miss Mariel can you please give me a blink of an eye if you hear me," sabi ng isang doctor sa akin.

Agad ko siyang sinunod sa iniuutos niya.

"Yeah that's great Miss Mariel. Now can you please move your fingers just a little bit."

Sinunod ko rin iyon.

"Awesome. She's ready for the operation Mrs. Cuevas," sabi niya at binalingan nang tingin ang napakagandang ginang.

Nagulat ako nang makitang umiyak ito. Bumukas muli ang pintuan at pumasok ang isang matikas na lalaking may katandaan na rin. Pero bakas na bakas pa rin ang pagkakamagandang lalaki nito.

"Rosellena," bigkas nito at nilapitan ang ginang na kanina pa umiiyak.

"She's fine now Rod. Our unica hija is fine now."

Binalingan nito ang doctor na tumingin sa akin.

"What happened? Doc, how's my daughter case?" tanong ng lalaking kararating lang.

"As you can see she's fighting for her recovery. Her wounds is slowly healing now because of the medications. She's already awaked."

Agarang sagot ng doktor at nakita ko pang iniayos nito ang salamin na suot.

"For now she can see you both but we cannot yet talk to her," dagdag pa nang doctor.

"That's enough for us, as long as she can feel our love and moral support it's enough for us," sabi pa ng ginoo at tumingin sa akin.

"Mariel darling I know you will survive this one," umiiyak na kausap sa akin ng ginang at hinawakan ang nakabenda kong kamay.

Ngayon ko lang napansin na buong katawan ko pala ay nakabenda. Maging ang ulo ko at tanging ang mga mata ko lang at ilong ang hindi.

Gusto ko siyang sagutin na hindi ako ang anak niya. Na ibang tao ako. Na nagkakamali sila sa pag-aakalang anak nila ako. Pero hindi ko magawa. Hindi ko mailabas ang mga salita ko.

Sa halip ay isang patak ng luha lamang ang lumabas sa mga mata ko.

Hindi ko ginusto ito. Hindi ko ginustong mangyari ito. Ang tanging gusto ko lang naman ay mapalayo sa Tatay Arsing ko at magkaroon ng simpleng buhay. Pero bakit ganito? Hanggang Kailan pa ba ako maghihirap?

Panay ang iyak ko at tanging luha ko lang ang naging sagot sa mismong ginang na sobrang nag-aalala ngayon para sa akin.

Kahit na alam kong hindi para sa akin ang mga iyon ay nakaramdam ako nang pagmamahal galing sa isang mapagmahal na magulang. Kung sana ay meron ako ng ganun hindi sana ako mapupunta sa sitwasyon na ito.

Ang swerte naman ng anak ng mga taong ito. Nagkaroon siya ng isang mapagmahal na pamilya.

"Sshh..baby don't cry. We will do anything to make things back to normal. You are the only one who survived on that tragic accident. Patay ang lahat ng mga kasamahan mo sa loob ng bus. It was a miracle that you survived," kausap niya sa akin habang pinupunasan ang aking mga luha.

Mas lalo lang akong napaiyak sa aking narinig.

Jusko! Salamat at iniligtas niyo ako sa kapahamakan.

"We identify you because of the bracelet that you are wearing Mariel. God thanks! That you're wearing that thing," sabi pa niya sabay halik niya sa kamay ko.

Hinimas-himas naman ng asawa niya ang likod ng ginang.

Bracelet? Iyong polseras?

Kung ganon ay ito ang pamilya ng mataray at napakagandang babaeng nakasabay ko sa loob ng bus? Bigla akong nakaramdam muli nang pagkatakot.

Inilipad nila ako galing manila papunta rito sa ibang bansa para lang ipagamot dahil sa pag-aakala nilang ako ang anak nila.

Anong gagawin ko? Anong mangyayari sa akin kapag nalaman nilang hindi pala ako ang anak nila? Kinakabahan ako ngayon sa sitwasyon ko at naaawa rin ako sa sarili ko. At ang mas higit pa dito ay nakakaramdam din ako nang takot sa pamilyang ito.

Paano kapag nalaman nila ang totoo? Anong mangyayari sa akin?

(Fast forward)

Ilang buwan na ang lumipas at kagagaling ko lang sa isang operasyon. Dalubhasa ang mga doctor rito sa amerika at kaya daw nilang maibalik ang aking mukha sa dati. Kung kaya ay  isinailalim nila ako sa isang plastic surgery.

Naigagalaw ko na rin ang aking buong katawan. Mabilis ang naging pag galing ko dito. At ngayon nga pala ang araw upang tanggalin na ang benda sa buo kong katawan pagkatapos ng isang buwan na operasyon.

Nakaupo ako ngayon sa isang stool na upuan habang nasa harapan ko ngayon ang doctor na nag opera sa akin.

Dahan-dahan nitong tinatanggal ang benda sa aking katawan at kitang-kita ko ang excitement sa mga mata ng ginang habang nakatingin sa akin.

Matapos ang ilang minutong pagtatanggal ng benda ay nakita kong napaiyak ang ginang. Niyakap naman siya ng kanyang asawang si Roderick.

Binigyan ako ng salamin ng doctor kaya marahan ko itong inabot at dahan-dahang itinapat sa aking mukha.

Takot at pangamba ang muling lumukob sa akin.

Napaiyak ako sa aking nakita. Hindi ito! Hindi ito ang aking mukha! Mukha ito ng babaeng nakatabi ko sa bus!

Related chapters

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 6: Impostor

    ALLYS POV Napahagulhol ako, gusto kong magprotesta. Gusto kong isigaw na hindi ako ito. Gusto kong magreklamo pero alam kong hindi iyon makakadulot nang mabuti. Alam kong magagalit ang mag-asawang Cuevas kapag nagsabi ako ngayon nang totoo sa kanila. At may posibilidad pa na ipakulong nila ako dahil sa pagiging impostor ko. Napahikbi ako sa naiisip ko ngayon. Tama! Isa akong impostor sa kanila. Napakasama ko! Tiningnan ko muli ang aking mukha sa salamin. Maayos ang pagkakaporma ng aking mukha. Nakahulma nang mabuti ang aking mga kilay at sobrang tangos ng aking may kaliitang ilong. Mapupulang labi na halos sobrang perpekto. Napansin ko ring medyo may pagka kulot ang aking buhok na kulay brown hanggang beywang. Tinitigan ko ang aking mga mata. Tanging ang mga mata ko lang ang naiwan sa pagiging normal. Tanging ang mga mata ko lang ang naiwang bakas na ako talaga si Allys at hindi ang anak nilang si Mariel. "Pwede na tayong bumalik sa Pilipinas Mariel," sabi ng ginang sabay haplo

    Last Updated : 2024-05-07
  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 7: Mansyon

    ALLYS POVNabigla ako nang yakapin ako ng matandang babae at humuhikbi pa siya habang ginagawa iyon sa akin. Napatingin ako sa paligid. Lahat ng mga kasambahay ay nakamasid sa akin. Siguro ay hinihintay nila kung ano man ang magiging reaksiyon ko. "Maligayang pagbabalik Miss Mariel," sabi nilang lahat nang sabay-sabay saka sila sabay-sabay ring nagsiyukuan. "Jusko Mariel bata ka! Masaya kami at magaling ka na." Iyak ng matanda saka ako tiningnan ng mula ulo hanggang paa. "Ayos ka na ba? Wala na bang masakit sa iyo?" tanong niya habang iniinspeksyon ang aking buong katawan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gagawin. Nanginginig kong hinawakan ang kanyang dalawang kamay saka siya binigyan ng isang matamis na ngite. "Tumahan na po kayo. Maayos na po ang pakiramdam ko kaya huwag na po kayong mag-alala," sabi ko sa marahang tinig habang nakangite sa kanya. Narinig kong nagsinghapan ang karamihan sa mga kasambahay na naririto. At nakita ko rin si mommy na nakangiteng nakatingin

    Last Updated : 2024-05-07
  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 8: Pagbabago Part 1

    ALLYS POV"Maaari mo akong sabayan sa pagkain Lita." "Po? Naku! Huwag na po Miss. Tapos na rin po ako kanina." "Kung ganun ay kwentuhan mo na lang ako ng mga bagay tungkol sa akin Lita. Sabihin mo sinasaktan ba kita noon? Alam mo kasi may mga bagay akong hindi ko maalala at gusto ko sanang alamin kung anong klaseng tao ba ako noon," sabi ko sabay tingin sa kanya. Matagal bago siya nagsalita. "Ahh kasi Miss sobrang mataray po kayo noon at pag may nagkakamali ay mabilis niyo agad na tinatanggal sa trabaho," mahinang sabi niya habang nakatingin sa akin. "Ganon pala ako noon," bigkas ko nang wala sa sarili. "Pasensya na po Miss hindi ko po sinasadyang sabihin iyon sa inyo. Sana po ay hindi niyo po ako tanggalin. May mga kapatid po akong pinapaaral. Sa akin po umaasa ang pamilya ko. May sakit ang aking ama ngayon at tanging labandera lang ang aking ina. Sana po ay hindi niyo po ako tatanggalin sa aking trabaho. Patawad sa kapahangasan kong sabihin ang mga bagay na iyon. Sorry po." Na

    Last Updated : 2024-05-07
  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 9: Pagbabago Part 2

    ALLYS POV Isang matamis na ngite ang ibinigay ko sa kanilang lahat saka tinanguhan si Nanay Tessy na nakatayo lang sa aking gilid. "Ahh ehh tama na iyan at magsiupuan na kayo. Kanina pa nagugutom si Mariel sa kahihintay sa inyo," sabi ni Nanay Tessy at naupo na sa aking tabi. Excited naman na lumapit si Lita sa kabilang gilid ko at umupo na rin. "Ano pang hinihintay niyo? Kakain na tayo," sabi niya sa mga trabahanteng nakatayo pa rin at bakas sa mga mukha ang gulat. "T-talaga po bang dito kami kakain Miss Mariel? Kasama kayo? Kasi nakakahiya naman po. Mesa po ito ng pamilya niyo samantalang mga tagapagsilbi lamang kami. Ok lang naman po sa amin kung sa dirty kitchen na lang po kami kumain." Mahabang sabi ng hardinero. Alam kong hardinero siya dahil sa suot niya. "Ano ka ba Carding! Pinaghirapan ito ng Miss Mariel mo. Siya mismo ang nagluto at naghanda ng mga pagkaing ito," sita ni Nanay Tessy rito. Nanlaki ang mga mata nila maliban kay Lita. "Naku! Patawad po sa kapangahasan

    Last Updated : 2024-05-07
  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 10: A Friend

    LEON POV "Magaling na raw ang fiancee mo, 'di ba?" tanong ni Tiffany habang nakatayo sa aking harap. I am again spacing out here. Kanina pa kami nandito sa isang exclusive bar. Nagkakatuwaan, pero wala akong ginawa kundi ang matulala paminsan-minsan. She's fine now. After a year she finally comes back. I need to start my plan now. I roughly put my hands on Tifanny's butt, the way she really wants it to. Kanina pa ito paulit-ulit na lumalapit sa akin at palagi'y nagsisimula ng usapan. Tumingala ako sa kanya. Trying to get my lost appetite. "Why do you care, huh?" I huskily asked her. I saw Zack and Brandon make a glimpse at my direction. I don't care if were in a exclusive bar right now but the thought of this bitch knows a lot about me makes me furious. She chuckled when she noticed that I tightened my grip on her butt. She suddenly lean slowly towards me. "I care because I like you Mr. Mondragon. I have my ways you know," she seductively whispered in my ear and I feel that she

    Last Updated : 2024-05-07
  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 11: Shop

    ALLYS POV Nakasuot ako ngayon ng mint green mini dress na hangang tuhod ko lang. At isang white flat sandal, saka isang white shoulder bag. I also tied up my hair into a messy ponytail. Tiningnan ko ang sarili sa harapan ng aking full length mirror. Hindi ko maiwasang mamangha dahil kahit simple lang ang isinuot ko ngayon ay sobra namang ganda nito tingnan. Natural na namumula ang aking pisnge at labi na bumabagay sa mataas kong pilikmata. Mas lalo kong inilapit ang aking sarili sa salamin at tinitigan ang aking mga mata. Ang mga mata ni Allys. "Hmm.. not bad. Simple yet pretty. Kailan ka pa nahilig sa dresses? As far as I know, you like fitted denim jeans you know," komento ni Samanatha habang pinagmamasdan ako sa salamin. "Ahh, noong kalalabas ko lang sa ospital. Sabi kasi ng mga doctor mainam sa akin na magsuot ng dress dahil galing ako sa operasyon. Masama daw para sa balat ko ang masisikip na damit," pagsisinungaling ko kay Samantha.Tumango tango naman siya na para bang ku

    Last Updated : 2024-05-08
  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 12: Guests

    ALLYS POV "Hello Nanay Tessy, may binili ako para sa inyo ni Lita at Mang Carding saka kay Mang Pedio. Nasisigurado kong magugustuhan niyo ito." Natutuwang sabi ko sa kanilang dalawa ni Lita at ipinakita ang mga pinamili kong relo. "Para po sa inyo ang mga iyan," sabi ko pa nang nakangite. Nasa ganoon akong estado nang makarinig ako ng isang mahinang tikhim sa hindi kalayuan. Wala sa sariling napalingon ako doon at nakita ko sina daddy at mommy. Unti-unting napawi ang aking mga ngite nang mapansin kong may kasama pala silang mga bisita. Nakaupo sila doon sa sofa at mukhang may pinag-uusapan kaninang importante nang dumating ako. "P-pasensya na po sa disturbo," magalang kong sabi sa kanila. Alam kong hindi pangkaraniwang mga bisita ang mga naririto ngayon sa bahay. "You're just on time, hija!" boses iyon magandang ginang na isa sa mga bisita nila daddy. She came to me and kiss me in the cheek. I awkwardly smiled back at her. Sino ba sila? Hindi ko sila kilala. Walang nasabi s

    Last Updated : 2024-05-08
  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 13: Fiancee

    ALLYS POVMarahan niyang tinapik ang balikat ng lalaki na para bang ipinapakilala niya ito sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Crush ko daw ang anak niya? Ang mismong lalaking kaharap ko ngayon. "L-long time c-crush ko po?" nauutal na tanong ko kasabay nang pagturo ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang may gusto pala si Mariel sa aroganteng lalaking ito. Bigla na lamang tumayo ang lalaking ito sa harapan ko kaya hindi ko naiwasang mapaangat nang tingin sa kanya. "It's rude to not Intruduce myself to a lady who lost her memories," his voice is almost a growl. Hindi nga ako nagkamali sa mga espekulasyon ko. All of him is screaming of force and power. Even his voice. Hindi ko maiwasang makaramdam nang takot. "I'm Leon Versius Reniel Mondragon. It's nice too meet you again Mariel Evangeline Cuevas." Matigas na pakilala niya sa kanyang sarili gamit ang napaka brusko niyang boses. Marahan akong tumayo at sa nanginginig na kamay ay tinanggap ko ang nakal

    Last Updated : 2024-05-08

Latest chapter

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Wakas

    ( After Ten Years )ALLYS POVNandito ako ngayon sa kusina at abala sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes na binake ko. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng mga sprinkles at chocolate on top nang marinig ko ang malakas na padabog na pagbukas ng double doors sa sala.Agan na kumunot ang noo ko dahil doon. Ano kaya iyon? Manilis kong hinubad ang suot kong cellophane gloves at iniwan ang aking ginagawa."Pakitapos nang ginagawa ko, Rina," utos ko sa isa sa mga housemaids na kasama ko ngayon dito sa kusina.Hinubad ko ang apron na suot at tsaka ko tinahak ang daan papunta sa sala namin. At hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit sa sala ay narinig ko na agad ang mga boses.Nakita ko si Leo kasama ang matalik na kaibigan niyang panganay na anak nila Zackeriel at Bella na si Zamiel. At base sa mga nakikita ko ngayon ay nagtatalo ang dalawa."Don't turn your back on me, Mondragon!" Zamiel sneered and grab Leo's hand.Mabilis naman iyong iwinakli ni Leo."What the heck, Zamiel?! Your makin

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 139: Happy Family

    ALLYS POV"What are you doing here? Hmm?" He whispered in my ear together with his sweet voice of him."Nothing. I'm just watching the sunset," sagot ko sa kanya at itinagilid ang aking ulo."It was so beautiful," bulong pa niya habang mahigpit na nakayakap sa akin."Yes it was. I love you Leon. And I always will," mahinang anas ko at nilingon siya. Nakita kong mataman siyang tumitig sa akin.I'm so in love with this man."Mommy! Daddy! What are you two doing?"Sabay pa kaming napalingon sa aming anak na tumawag sa amin. Nakatingala itong nakatingin sa aming dalawa ni Leon habang hawak-hawak nito ang isang kulay pulang laruan na sasakyan.Napangiti ako at marahang inilahad ang aking kaliwang kamay para sa kanya."Come baby, we are watching the sunset," aya ko kay baby Leo.Lumapit naman ito sa akin at kaagad ko itong kinarga at pinaupo sa espasyo ng teresa. Niyakap ko ito nang mahigpit kagaya nang pagyakap ni Leon sa aking likuran."Wow! So beautiful mommy, daddy," sabi pa niya habang

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 138: Married

    ALLYS POV"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!" masayang sigaw ng mga kaibigan ni Leon at ng mga tauhan nila sa aming dalawa kasabay nang paghagis nila ng mga bulaklak sa amin."Salamat," ngiti ko sa kanilang lahat at ganoon rin naman si Leon.Nilingon ko si baby Leo na nasa mesa nila kuya Zamrick. Pumapalakpak ito habang may bahid pa ng cake sa kanyang mga labi.Matapos naming inanunsyo ang kasal namin ng gabing iyon ay naging abala na kami sa lahat ng mga preparasyon para sa magiging kasal namin. Halos abutin pa kami ng isang buwan sa paghahanda ng mga dokumento namin at sa binyag na rin ni baby Leon. Isinabay na lang din namin kasi ang binyag ng anak namin sa kasal. At habang pinaghahandaan namin iyon ay nakuha pa naming puntahan ang Tatay Arsing ko sa Santa Monica. Doon ko lang napag-alaman na may kalapitan lang pala ang tinitirhan ko dito sa El fuego. Halos isang oras lang din naman kasi ang inabot namin sa pagbabyhae.Napag-alaman namin na matagal na pa lang nakakulong si Tatay Arsing d

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 137: I Love You

    ALLYS POV"Goodness, hija! Hindi nga talaga ako nagkamali sa pagpili ng dress na ito. Sobrang bagay na bagay sa iyo! Alam ko noong una pa lang talaga na babagay talaga ito sa iyo," natutuwang pakli ni Senyora sa akin."Maraming salamat po," medyo nahihiya ko pang sabi sa kanya at sinulyapan si Leon na tahimik lang sa isang tabi.Nagulat pa ako nang pumalakpak si Senyora na para bang may naisip siyang magandang bagay. Nakangiti pa siyang lumingon sa gawi ni Leon."We will announce your upcoming wedding this evening and kung kelan ang tamang petsa.""PO?!" gulat na utal ko na ikinalingon niya sa akin."Abay bakit, hija? Kinakailangan na kayong maikasal ni Leon at nang mabinyagan na rin itong pangalawang apo ko sa tuhod," pakli niya sa akin na ikinakurap-kurap ko.Binalingan ko ng tingin si Leon na ngayon ay papalapit na sa tabi ko. At nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad niyang ibinigay sa tagapagsilbing naririto si baby Leo. Humapit ang kamay niya sa baywang ko at tsaka ako binulun

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 136: Gathering

    ALLYS POVNandito ako ngayon sa veranda dito sa ikalawang palapag ng mansyon nila at nakatingin sa mga taong nasa ibaba na abala sa pag-aayos ng mga lamesa sa hardin. May iilang ipwenepwesto ang mga round table at mga upuan habang ang iba naman ay nilalagyan ang mga ito ng mga puting tela. May iilan ring nag-aayos ng mga dekorasyon sa paligid ng nasabing hardin.Kung gaano ka engrande ang nasa labas ay mas lalo na rito sa loob ng bulwagan. Halos kuminang ng kulay ginto rito sa loob idagdag mo pa ang napakaganda at napakamamahalin nilang chandelier ay nagmistulang isang magarbong handaan na ito na para lamang sa mga mayayamang tao.Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Ang sabi ni Senyora kanina na isang salo-salo lamang ang magaganap mamayang gabi. Pero bakit pakiramdam ko ay higit pa ito sa isang salo-salo ang mga mangyayari mamaya."Excuse me po, Señorita. Pero kinakailangan niyo na pong mag-ayos," lapit ng isang tagapagsilbi sa akin."H-ha? Ahh...eh...s-sige," nagdadala

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 135: Mondragon Mansion

    ALLYS POVTinanggap ko ang nakalahad na mga kamay ng tatlo pang lalaki."That's enough pleasantries. Si Lola?" si Leon tsaka ako muling hinawakan sa aking kamay at hinila papasok sa nakasarang double doors.Nang binuksan niya ito ay tumambad sa akin ang napakalaki nilang bulwagan. Habang kumikinang naman sa ibabaw ang nakasabit na mamahaling chandelier. Sa tapat namin ay may isang napakaengrandeng hagdan na nalalatagan ng red carpet. May dalawang porselanang hugis lion sa bawat gilid ng hagdan na nagsisilbing bantay habang ang bannisters nito at may gintong tela na nakasabit sa paalon-alon na paraan.Nagmistula itong isang napakalaking bulwagan sa isang palasyo na sa t.v. ko lang noon nakikita. Hindi ko inaakalang makakakita ako nang ganito sa totoong buhay.Mula dito ay nakita ko kung anong meron sa itaas nang napakaengrandeng hagdan. May iilang upuan sa ibabaw na nagmumukhang sala habang sa malagintong kulay na pader ay naroroon ang painting ng mga taong maaaring may-ari nito. Some

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 134: El fuego

    ALLYS POV "Whats wrong baby?" tanong ko habang iniinspeksyon ang buong katawan niya. Baka kasi ay may kumagat sa kanya na insekto o ano man. "I....I just peed on the bed mommy, waaaaahhhh!" iyak niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Leon at pagkatapos ay agad niyang tinungo ang telepono na nakadikit sa pader. "I'll call for a housekeeper," sabi niya na ikinatango ko. Mabilis ang naging takbo ng mga oras. Matapos naming makakain ay nag check out na kami sa resort na iyon. Sumakay kami sa isang chopper kaya ang buong akala ko talaga ay sa Manila kami pupunta pero nagkamali ako. Lumapag ang chopper naming sinasakyan sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. At nang makababa na kami ay agad kong nakita ang isang itim na sasakyan na naghihintay sa amin. May matandang driver pa sa gilid nito na halatang kanina pa naghihintay sa amin. "Pasensya na at natagalan kami Mang Cardo. Ito nga pala si Allys ang fiancee ko at si Leo ang anak namin," pakilala ni Leon sa amin sa matanda. "Allys

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 133: Together

    ALLYS POV"Leon!" matigas na tawag ko sa kanya nang pumasok ang malikot niyang kamay sa loob ng suot kong damit.Wala akong suot na bra kaya naging madali para sa kanya na hawakan ang dalawang dibdib ko. Impit akong napaungol nang paglaruan niya ang dalawang utong ko.Shit!Bakit napaka agresibo niya pa rin?"Ugh..." kumawala sa akin ang isang ungol ng ipinasok niya sa aking suot na panty ang kanyang isang kamay.Nakahiga na kami ngayon at nasa likuran ko siya kaya malaya niyang nagagawa ang mga ninanais niya ngayon. Napalunok ako nang mariin at tsaka napatitig sa anak namin na mahimbing nang natutulog sa aking tabi."Ughhhh....ughhh.." muling ungol ko at mahigpit na napahawak sa unan na nasa gilid ng anak namin."Leon, ano ba? Baka magising si Leo," sita ko sa ginagawa niya.Sinilip naman niya si Leo mula sa aking leeg at nang makita niya na tulog naman ito ay tsaka niya ako hinalikan sa aking leeg. Nakaramdam ako ng kiliti sa ginawa niyang iyon."I just can't get enough of you," mah

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 132: A Night With You

    ALLYS POVNaghubad ako ng damit at binuksan ko ang shower. Agad akong naligo at nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa aking katawan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng ginhawa."This feels so nice," mahinang bulong ko sa sarili habang nakapikit na nakatingala sa shower.Nasa ganoon akong ayos nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad akong napahilamos at nilingon ang direksyon non at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Leon na naririto sa loob.Wala siyang suot na damit at tanging ang puting tuwalya lamang ang nakatapis sa pang ibabang parte ng kanyang katawan.Mabilis pa sa alas kwarto kong hinila ang shower curtain na naririto para matakpan ang kahubdan ko ngayon. Naramdaman ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi dahil sa biglaang kahihiyan."A-anong ginagawa mo? Bakit naririto ka sa loob ng banyo? Hindi bat sinabi ko sa iyo na bantayan mo si Leo sa-" Naputol ang mga sinasabi ko nang marahas na hinawi ni Leon ang shower curtain. Mabilis akong napatakip sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status