Chapter 2: Panira ng mood.
Isang linggo na magmula noong magpasukan, hindi ko pa nakikita si Rage matapos niya akong ihatid sa bahay. Wala pa naman masyadong mabigat na gawain kaya hindi pa nahihirapan ang mga estudyante, maliban siguro sa mga higher year na at malapit na magtapos ng kurso nila.
Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno ng mahogany dito sa open field. Nakikinig lang ako sa paborito kong kanta na, Always be my baby ni David Cook. Inaantok na rin ako dahil sa sarap ng hampas ng hangin.
"Anjan ka lang pala." Hila ni Jen sa earphones na soot ko, nilingon ko naman siya at napaayos ng upo.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya, na muntik nang makatulog. May bitbit pa siyang bubble tea, uminom muna siya non bago niya ako sinagot.
"Eh, kasi naman wala si Ali di ko alam saan nagpunta. Tapos nabalitaan ko na kasama yung basketball player sa kabilang school. Kaya hinahanap kita wala akong kasama ei." Sagot niya, at nag indian seat na rin at sumandal sa mahogany.
"Wala pang ginagawa ngayon no, pero sa mga susunod na buwan ayan na ang delubyo." Habang sinasabi niya yun ay pinagmamasdan niya ang paligid.
"Inaantok ako!" Sabi ko, kukunin ko na sana uli ang earphones ko para suotin.
Nang makarinig kami ni Jen ng malakas na hiyawan, sa sobrang gulat ko nawala ata hindi lang antok ko pati kaluluwa ko. Bakit ba nila hinihiyawan yung mga artistang estudyante dito eh tao lang din naman sila. Ano ba ang espesyal sa mga yun? Nakita kong umirap si Jen sa mga babaeng nagkakandarapa dun sa artistang nakita nila.
Nang matapos na ang break ay pumasok na ako sa klase ko sa, Mathematics in Modern World. Medyo nanlulumo ako dahil ito ang subject kung saan ako mahina ei. Pumasok si Mr. No hindi ko na tanda kung anong lahi niya basta sinabi niya yun nung first day. Hindi naman kasi ako nakikinig pag math. Tinignan muna kami ni Mr. No bago niya inilapag ang mga gamit niya sa table, para bang jina-judge niya kami sa tingin. Mukha din kasi siyang terror ei, pansin ko rin na panot na ang buhok niya sa bandang gitna. Tanging sa likod na lang ang meron, baka kaya No ang apelyido niya. Kasi nga No Hair, napangiti ako sa naisip ko. Shutek.
"Anong nakakatawa Miss Carmona?" Nawala ang tawa ko at tinikom ko ang bibig, yumuko naman ako para kunwari laruin ang mga kuko ko, buti na lang at hindi na siya nagsalita ulit nang tumahimik ako.
"Sorry, Sir I'm late." Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking pawisan halatang tumakbo. Si Rage ang pumasok.
"You're late Mr. Suarez. I will allow it just for today. Go sit at the back of Ms. Carmona's chair." Mr. No said, Rage bowed a little for apologizing, he stopped walking when he looked at me and smiled. I smiled too, he continued walking until he reached his seat at my back.
I heard that he was fixing his things on his desk. I took my book for this subject and turned the pages for today's lesson.
Everyone is so quiet because Mr. No is explaining the lesson, dahil inaantok ako pinili ko munang lumingon sa bintana dahil natatanaw ko ang mga naglalakihang puno.
Hanggang sa naramdaman ko na may bumato sa akin ng chalk. Nilingon ko kung sino yun at nagulat na lang ako ng lahat pala ay nakatingin sa akin. Tinaasan ko naman sila ng kilay.
"You're not listening the lesson Ms. Carmona," lagot si Sir No, pala ang bumato sa akin ng chalk ibig sabihin ba nun kanina niya pa ako tinatawag?
"Sorry, Sir" I stood up and apologized to him.
"Okay, then answer the question written on the board." He commanded, napalunok ako sa sinabi niya. Nilingon ko ang nakasulat sa board, halos lumuwa mata ko sa nakita ko. Hindi ko alam yan, at wala akong balak alamin.
Halos tunog lang ng AC ang maririnig sa buong classroom, mukhang ayaw nila ma-involve sa kagagahan ko. Naiinis na ako sa sarili ko at kay Sir, No.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa board, lahat nakasubaybay sa galaw ko. Bakit ko pa kasi pinili na tumingin dun sa sanga na yun?
Kinuha ko ang chalk at sinubukan kong i-solve ang nakasulat sa board. Tinaas ko na ang kamay ko para magsulat sana ng sagot, matagal kong tinitigan ang given question, pero naka-stock lang ang kamay ko sa board at hindi gumagalaw. Nagsisimula na akong manginig.
I heard Sir No, clear his throat before he looked at me. "Go to your seat Ms. Carmona, and please participate and listen to our lesson." I just nod, and walk to my chair.
I look at my module book to understand the lesson, but just looking at the numbers and signs is already making my head hurt. I massage my temples because of frustrations. May period ba ako? Pasimple kong kinuha ang phone ko sa bulsa at nicheck ang calendar. Today is my period days ko pala ngayong araw. Lalo lumala ang frustrations ko dahil wala akong soot na pad.
Tinignan ko ang orasan at sampung minuto na lang pala ay matatapos na mag-klase si Sir No. Buti na lang may isa akong pad sa bag. Pasimple ko iyong tinago at sinipit ko sa module book ko para hindi ako mahalata, may klase pa kasi after nito kaya hindi ko muna madadala ang bag ko papuntang banyo, hindi pa rin naman lunch break. Madali lang din naman ako sa banyo hindi naman ako magtatagal, kaya bakit ko pa dadalhin bag ko.
Bilang na bilang ko na din ang bawat minuto dahil, iniisip ko kung may tagos ba ako? Pinagdadasal ko na nga na sana wala ei.
May mga equation pa na tinuturo si Sir No, pero hindi ko na siya maintindihan bukod sa ayoko sa math, iniisip ko yung period ko.
Ramdam ko na din ang pananakit ng puson ko, kaya pala ako nanghihina kanina hindi pala yun dahil sa antok. Yakap na yakap ko na nga ang module book kung nasaan naka-sipit yung sanitary pad. Limang minuto na lang matatapos na si Sir, napatingin si Sir sa relo niya at sinabi na mag papa-assignment daw siya at may short quiz siya bukas.
Lumabas si Sir No, kaya dali-dali akong tumayo at sa likurang pinto ako dadaan, doon malapit ang banyo. Pero nang malapit na ako sa pinto bigla may humila sa akin pabalik, si Rage.
"Saan ka pupunta may klase pa oh?" Tanong niya, hawak niya ang braso ko ako naman akap akap pa rin ang libro ng math.
"Babalik ako agad." Sabi ko, alangan namang sabihin ko sa harap niya na maglalagay lang ako ng napkin dahil meron ako luh! Tatalikod na sana ako para umalis na, pero hinablot niya ang libro at kinuha sa akin.
"Kung may hindi ka alam sa math, sabihin mo sa akin tuturuan kita." Sabi niya and he started to browse the pages of the book. Nanlaki ang mata ko sa nakita, kaya naman agad kong ha-hablutin sana ang libro sa kanya. Agad naman niyang tinaas ang kamay niya para hindi ko yun maabot.
"Bakit, nahihiya ka ba sa akin?" Sabi niya, at pina pahabol pa ako para makuha ko ang librong nasa kamay niya.
"Ibalik mo sa akin yan, akin na!" Medyo naririndi na rin ako sa ginagawa ng lalaking to ah. Hindi na ako natutuwa.
Pero hindi siya nakikinig pinagpipilitan niyang about pa rin sa math ang lahat. Patuloy ko paring inaabot ang libro ko.
Hanggang sa, hilingin ko na lang na bumuka ang lupa dahil sa kahihiyan. Nalaglag ang sanitary pad ko na naka-sipit sa pahina ng libro. Matagal ko iyong tinitigan sa sahig habang naririnig ang hiyawan ng mga kaklase ko.
"Ooohhh----"
"Band aid ba yan?"
"Sobra, bakit kayo nag aaway sa whisper"
"Hoy, LT pare."
"Hahahaha"
"hahahaha"
"hahaha"
Tinignan ko si Rage ng masama, nakatingin lang siya sa mga kaklase namin bago niya ako binalingan ng tingin.
Pinulot ko yung pad ko sa sahig. Lumingon ako sa kanya, "isip bata!" sigaw ko sa kanya bago tuluyang umalis.
Pagdating ko ng banyo ng babae, doon lang ako naiyak. Pero mabilis lang yun, dulot lang ito ng hormones dahil meron ako.
Agad ko nang ginawa ang dapat kong gawin, bago ulit bumalik sa room.
Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa upuan ko, at maghanda para sa susunod na klase. Ramdam ko ang mga tingin sa akin ng ilang kaklase kong nakasaksi sa pangyayari kanina, o kaya naman na kwento na sa iba kaya halos lahat ng estudyante sa room na to nakatitig sa akin. Sama ng araw ko lintik, hindi na nga ako naka sagot sa math. Nagkameron pa, napagtripan pa.
Maling mali lahat ng iniisip ko sa kanya na pwede naman siyang maging kaibigan. Kanya na lang yung module ko sa math, tutal hindi ko rin naman gets yun ei.
Maya-maya biglang dumating ang prof namin para sa isa kong major. Umayos na ako ng upo at nilabas ang notes ko para mag take down notes.
Patuloy lang ako sa pakikinig kahit na umaariba ang sakit ng puson ko, kaya no choice naman ako kung hindi umubob muna sa lamesa.
"Excuse Ma'am, May I go out po." I heard Rage ask to Mrs. Albania.
Hindi ko na lang siya pinansin pa.
Matagal tagal rin akong nakaubob sa lamesa at mukhang hindi ako napapansin ng prof namin.
Narinig ko mula sa likuran ko ang pagdating ni Rage. Medyo naririnig ko din ang lakas ng pag hinga niya dahil sa pagod o baka tumakbo at hiningal. Ayoko siyang pansinin ano…
Mag half day kaya ako, tutal valid naman reason ko ah.
Unti-unti kong nararamdaman na may sumisipa ng upuan ko mula sa likuran. Inayos ko ang upuan at hindi hinarap si Rage, mainit ulo ko huwag na siya dumagdag isa pa baka masapak ko siya ano at magkagulo pa dito.
Dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya, naramdaman kong may nilapag siya sa tagiliran ko. Nilingon ko naman yun at isang bote ng tubig, na maligamgam ang nakita ko. Pero nagulat ako ng may note doon at nakasulat iyon sa sticky note.
'Drink this to make you feel better. I'm sorry'
-Rage
Tinignan ko lang yun at hindi na ginalaw pa.
Mukhang sinagot ni Lord ang panalangin ko dahil biglaan kaming na half day. Wala na rin ako sa wisyo kung bakit daw, kaya hindi ko na lang din pinag aksayahan ng tanong.
"Oy, oy!" Narinig kong tawag sa akin ni Rage.
Ayoko siya lingunin.
"Sorry. Hindi ko alam" sabi niya, ng naabutan niya ako. Napanguso ako dahil sa mga ginawa niya at naalala ko na naman kung paano ako napahiya kanina.
"Umalis ka." Mahina yun pero alam kong narinig niya yun. Napalunok siya sa sinabi ko, kitang kita ko kasi kung paano gumalaw ang adams apple pababa at pataas. Kita ko din na nagdadalawang isip siya sa mga sasabihin niya.
"May sasabihin ka pa?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Pansin ko rin kasi na ang daming nakatingin sa amin, shuta ano to shooting ng pelikula?
"Hindi ko alam sasabihin ko, pero seryoso sorry. Maybe next time, na kita kakausapin para kumalma ka muna." Na-pakamot pa siya sa batok niya habang sinasabi iyon sa akin. Next time, wala ng ganon oy. Hindi na talaga kita kakausapin, ang ayos ayos ng expression ko sa kanya nung nakaraan.
Patuloy lang ako naglalakad papuntang gate, hindi ko na rin siya nilingon pa. Ayoko na talaga. Grabeng experience naman ang nangyari kanina.
Life is full of surprises nga naman daw…
Gusto ko lang humilata dahil sa sakit ng puson ko.
Nakatanggap pa ako ng text mula kay Ali na inom daw, sus ayoko tama na muna. Hindi ko siya nireplyan dahil kating kati na akong makarating sa bahay, para matulog ano. Masakit din kasi ang ulo ko.
----
The next day, pumasok pa rin ako kahit na ayokong bumangon kanina para pumasok. Ayoko ko pa din bumagsak kay Sir No, ano! Kaya pinipilit kong i-solve yung question kahapon.
Kanina pa ako nasa room at hinihintay na lang ang pagdating niya, hindi ko na inabala pang makipag chismisan kahit yun ang paborito kong gawin.
"Hoy, Andrei mali yung ginagawa mong pag solve." Hindi ko alam kung OA lang si Rage, o pinaparinig niya talagang mali ang ginagawa kong pagso-solve. Dahil base sa pagkakakita ko ng example ni Sir No, kahapon at sa ginagawa ko ngayon ay mali nga.
"Sinasabi mo ei, hindi naman ako nag so-solve ng math." Sagot ni Andrei, Tinitignan niya ba ako?
"Alam ko, pero kailangan mo mag-solve." Sabi sa kanya ni Rage at kinuha ang notes ni Andrei at parang pinipilit niya ng pag sagutin si Andrei ng math.
Pinanood ko silang dalawa, kahit na magkalapit lang si Rage at Andrei ay malakas ang boses ni Rage to the point na naririnig na rin ng ibang estudyante na napapadaan sa corridor namin.
Pero imbes na mainis ay, pinapakinggan ko ang pagtuturo ni Rage kay Andrei. Hindi ko alam pero nagegets ko ang paraan ng pagtuturo ng math ni Rage. Kaysa sa lesson kahapon. Sinusundan ko ang bawat sinasabi niya at sinusulat ko din yun, may mga example given pa siyang sinasabi. Sinulat ko din yun. Pero ang nakakaloka hindi lang pala ako ang nakikinig sa mga sinasabi ni Rage may ilan din akong nakikita na nagsusulat at sinusubaybayan ng mga mata nila kung paano mag-solve si Rage.
Nang matapos si Rage magturo kay Andrei na mukhang hindi naman naintindihan, diretso ang tingin niya sa akin. Nagkatinginan naman kaming dalawa pero agad ko naman yun iniwas, pinahiya niya pa rin ako no.
Maya maya pa ay dumating na si Sir No, nagsimula na ang short quiz na pinangako niya kahapon. Buti na lang at yung mga example given, ni Rage kanina ay kasama sa quiz. Kaya naman na sagutan ko ang quiz ng maayos.
Habang nasa kalagitnaan pa ako ng pag-check kung tama ba 'tong solution na ginagawa ko. Biglang may tumutunog na phone, hindi ko na lang inintindi at tinuloy ko na lang ang ginagawa ko.
"Ms. Carmona, your phone!" Narinig kong tinawag ako ni Sir No, agad ko naman tinignan kung sa akin nga yun. Pero unknown number lang ang nakalagay, napakunot naman ang noo ko at napatingin kay Sir.
"Sorry Sir, I will silence my phone po." Paghingi ko ng sorry at ipa-power off ko na sana nang bigla siyang magsalita.
"No, that won't do. Stop answering and leave this room." Ganon siya ka terror?
Gusto ko pa makipag argument, dahil papatayin ko na naman ang phone ko at wala naman akong ginagawang masama a.
Hindi ko na lang naisip yun at niligpit yung papel ko tsaka, pinag-lalagay sa bag ko lahat bg gamit ko. Dire-diretso akong umalis at hindi nililingon mga tao sa room. Kung sino mang yung nag text lintik siya.
Pagkalabas ko agad kong binasa kung sino yung nag text na yun.
"Hey, let's have lunch together. It's me Rage." Lalong nag init ang ulo ko sa nabasa ko kung sino, gag* ba siya? Hindi ba obvious na ayoko sa kanya. Urgh!!!!
Hindi ako makasigaw dahil nasa klase pa ang lahat. Nasa corridor pa ako.
Akala ko pa naman okay siya yung Rage na yun. Dahil maganda ang pakitungo niya sa akin nung pumunta ako ng party ni Jen. Hindi pala matino ugali niya sa personal. Isa siyang malaking abno.
Pero naiiyak ako dahil hindi ko na sagutan ang quiz ko ng maayos, ayoko pa rin naman bumagsak ano.
Hindi ako matalinong tao, pero hindi pa naman ako bumabagsak. Though kahit nasa 85 ang average ng grade ko okay na sa'kin. Mas lalong ayokong bumagsak dahil college na ano, college record pa man din minsang tinitignan para magka-trabaho. Lalo na gusto ko magtrabaho sa mga TV/Network. Kung papalarin.
Ilang minuto lang din ang hinihintay ko sa corridor para sigawan ang walang hiyang Rage na yun, dahil sa kanya nagsimula lahat. Kahapon pa siya a.
Naglalabasan na ang iba sa aking mga kaklase nang lumabas si Sir No, agad na akong pumasok. Eksakto nakita ko si Rage na palabas na rin ng room.
"Anong problema mo? Kahapon ka pa ha? Bakit ka ba nanggugulo sa akin, inaano ba kita may ginawa ba ako sayo? Sabihin mo?" Pinag-sisigawan ko siya, wala akong pakialam kung may makakita sa amin dahil inis na inis na ako sa kanya. Like seriously, what's his deal? Ang ayos ayos ng umaga ko ganyan siya, hindi ko na nga siya pinapakialaman ah.
"Hindi ko alam, gusto lang naman kita yayain kumain, peace offering." Sagot niya halos mapairap ako sa narinig ko mula sa kanya, hindi ba niya nakikita na ayoko siyang kausap. Sariwa pa nga yung pangti-trip niya sa akin kahapon, tapos yung nangyari naman kanina. Hindi ako natutuwa ano.
"Wala akong pake, di mo ba nakikita na ayaw kitang kasama tapos ganyan ka. Pinalampas ko na nga yung nangyari kahapon ei." Diko alam kung paano ako, kakalma dahil sa kanya.
"Gusto ko lang naman talaga mag-sorry, tungkol sa nangyari kahapon. Alam ko mali yun, hindi dapat kita pinipilit." Napayuko na siya sa pag hingi niya ng sorry, lalo lang akong naiinis siguro dahil na rin sa meron ako.
Matagal ko siyang tinignan, habang para siyang tuta ko na maamo sa akin. Nagpapaawa ba to?
"Bahala ka, huwag mo na lang din akong kausapin gets mo?" Umalis na ako dahil pakiramdam ko hindi ko na makontrol galit ko kaya ayoko magka-meron ei. Struggle ba.
Paglabas ko, eksakto naman na nakasalubong ko si Jen at Ali.
"Uy, anong ganap dun? Bakit may inaaway kang lalaki?" Tanong ni Jen. Nilingon ko si Rage na wala na sa kinatatayuan niya kanina.
"Wala, nanggugulo lang." Sagot ko kay Jen at sumabay na ako sa paglalakad nila.
"Ayun naman pala, may manliligaw agad." Biro ni Ali. Tinignan ko sya ng masama, hindi no ayoko nga.
"Yan ang birong hindi nakakatuwa Ali." Sagot ko sa kanya, nagkatinginan agad si Ali at Jen.
"Galit na galit ha. Ano ba ginawa?" Usisa ni Jen.
"Nitext ba naman ako kaya ang ending, pinalabas ako sa room kasi tumunog phone ko ei ang nagku-quiz kami. Edi ayon bagsak." Kwento ko sa kanila, ayoko ikwento ang nangyari kahapon masyadong nakakahiya.
"Ay, textmate naman pala. Baka namiss ka lang" nakangiting bwelta ni Ali. Isa pa to ha.
"Textmate, pinagsasabi mo ei kanina nga lang siya nagtext tapos manggagag* pa." Mukhang nahahalata nila Ali at Jen ang galit ko kaya, hindi na lang sila nagsalita pa.
Ayoko rin naman na magkwento pa dahil talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Binasag niya ang araw ko. Panira ng mood.
Chapter 3: Kevin LavinThree days after that incident with Rage I try to avoid him but everytime in our Math subject I can't help but to listen. When he is explaining the math solution to our classmate I listen carefully. I don't understand why he's way of explaining and he's own understanding in a math solution is really understandable rather than Mr. No.I am sitting on the grass while reading the 'Introduction of English Language' . It's one of my majors."There you are." Ali and Jen suddenly came, I looked at them both."Did you guys know that the game of basketball is coming up, arat punta tayo." Ali invited us. J
Chapter 4: Suarez[Rage]For the past few weeks when the school year started, I have been hesitating to attend the normal schooling. Since, a lot of people will notice me and know my existence. But luckily I got into one of the prestigious universities, so I don't have to worry about the 'crazy fans' . I love my fans, but sometimes they are crossing the line. It's freaking Saturday, and I have to do a fansign event for my upcoming movie.But before I went to the venue, I tried to talk to Lexia. I don't know if she really doesn't know who I am. But the way I see it, she's real and It's rare to see a single person who doesn't know who Rage Suarez is, the famous actor in town. When she was taking a photo of me, I really thought that she knew and she's one of my fans but I
Chapter 5: Rage VS. KevinNatapos ang weekend at balik school na naman. Lunes ngayon at may pa-announcement daw mamaya, magkasama kami ni Ali hinihintay namin si Jen ang isang yun ay may sasabihin din daw sa amin.Bukod kay Jen, hinihintay din niya si Kevin andito lang kami sa cafeteria nakatambay. Ako naman tahimik lang habang humihigop ng bubble tea."Siraulo talaga!" Rinig kong sabi ni Ali, habang nagta-type."Bakit?" Usisang tanong ko.&nb
Chapter 6: The best and worst side of Rage Suarez.Ali, Jen and I went to the shopping mall to buy our dresses to wear for an upcoming acquaintance party for freshmen in university.The venue of the acquaintance party is going to be held outside the university, formal black and white is the theme for the acquaintance. Actually I am looking for a dress that is quite simple and matches my weight and skin color. My skin is a morena type and I think when it comes to weight I am grateful because I am not that skinny, I'm not that fat either, I'm just in the middle of the two. Ali found a ball gown type that suits her too and it's color white."Sobra, para naman akong ikakasal. Black kaya maganda?" Tanong niya kay Jen na namimili pa rin.
Chapter 7: Focus on me.Two weeks after the acquaintance party, masyado na akong naging busy sa mga major sub ko. Nagdatingan na kasi ang mga reportings, paper works and other extracurricular sa school. Kevin and I have mostly always been together, tuwing breaktime. Binibisita na niya ako sa room o kaya nagkikita kami sa cafeteria or minsan sa field lang.Rage becomes busy on his own course, but we always find time to spend our hang outs. Nasa stage pa lang ako na kini-kilala siya ngayon. Which is nothing wrong kasi we are always trying to figure out what we are. Madalas na nga akong asarin ni Ali na two timer daw ako, kasi napagsasabay ko raw si Kevin at Rage.Sa hindi malamang dahilan, Jen become busy too. Like we are all in the same course, b
Chapter 8: I like you Ganda."Hoy, arat. Birthday ni Kevin nang i-invite ang mokong." Salubong sa amin ni Ali, nang makita kaming dalawa ni Jen.Like I said, Jen has become so busy these days. She also revealed to us that she is now becoming an actress after modeling. She's now entered showbiz literally.Jen is busy eating pizza right now, kung makasubo akala mo talaga huling kain na niya."Hey, easy marami pa oh." Turo ni Ali sa mga pagkain."Sorry, I am exaggerating but maybe this is going to be the last time I'm enjoying this kind of food. Cause you know, showbiz I have to maintain my figure so after this no more unhea
Chapter 9: Blocked"I like you Ganda." He said and gave me a sweet smile.Nawindang ako sa narinig ko. Rage looks at my reaction, maybe waiting how I should react to what Kevin says."Ahm. Okay ka lang?" I asked him, what happening right now is just impossible."Oo naman." He said."I don't know what's happening but, I think I should go." I said. Paalam ko na rin yun sa kanila. Naglakad na ako palabas pero hinabol pa rin ako ni Kevin."Lexia. Huy, sorry." He apologized. I look at him, he seems so sincere about his apology.
Chapter 10: Friends sucks.I feel dizzy when the sunlight hits my eyes.Hindi naman ganito ka sinag ang araw sa kwarto ko ah.Hindi naman ganito ka sinag ang araw sa kwarto ko ah.Bigla akong napamulat sa naisip ko, gagi asan ako? Agad kong tinignan ang paligid, at hindi ko nagustuhan ang nakikita ko. Shuta, anong nangyari kagabi?"Soju, si Rage tapos about sa law---anong nangyayari?" I pulled out my own hair because of the frustration I felt. Ibig sabihin ba nito, hindi ako umuwi? Oh my gosh! Lagot ako kay Mama, ni minsan never akong hindi umuwe tuwing may gimik. Baka mapatay ako ng nanay ko pag uwe.
Announcement and Author’s Note. Hello, everyone this is M.NINS I would like to tell you all my gratitude that you gave to my characters. This is my first novel and I finished it. I want to tell you that we are having an Ali story soon as part of this trilogy series. Though I’m not yet started it, the plot is already in my mind. Anyway, thank you so much for supporting my first baby couple Rage and Lexia= RaXia, lmao I hope you like the names I made up 😂. As you all can see I’m just a new writer, and I’m still writing my own life and finding my pages. I found this good novel because it’s an amusing platform for my dream. I wanted to be lowkey, and private. Hope you give support to our boldest couple soon Grayson and Ali. The way you guys love Rage and Lexia. Belated Happy New Year to all of you, good luck to your challenges in every chapter of your life. Lexia and Rage story are now signing off! This book is a work of fiction, the places, names, events that are mentioned are in th
Epilogue (RAGE’S)“So, when are you coming back? You just turned down a movie with Rachel Park. People are expecting the both of you to work together.” My friend, Carlos. I’m gonna miss that Latin accent of his. “I’m just staying in the Philippines for a couple of months, I need to shoot something there,” I said, actually it’s another movie as well, but for now it’s a secret. “Where is your brother?” He asked.“Oh, Achi, he left first. Then I just follow through.” I said.“So, this house is gonna be empty?” He asked. I looked at him, knowing that he’s gonna bring girls here and party a lot. “Fine, I am not gonna borrow your house.” He said. I continue packing my things. “So, you're gonna find your girlfriend there?” He asked. I stopped packing my things and thought about what he said. “Well, I am not sure though. But who knows!” I replied. I haven’t thought about it… “Well, I’m going now. I have surgery to perform this afternoon, take care and call me. ‘Kay, bye.” After he left
Chapter 56: Discount.(RAGE’S)“Dude, Lexia is awake.” I feel like a possessed man after hearing what Kevin said, I immediately fix all my things cause I’m still here in the university's library, I’m reading a book about Lexia’s lecture when Kevin called. I run as fast as I can, to reach the university parking lot where my car is parked. To the point I forgot to breathe while running, I inhaled a large amount of air when I was actually in front of my car. I stopped for a while and cleaned myself for a moment, I fixed my hair, I ate chewing gum to make my breath smell good, I sprayed perfume as well. I’m really nervous, I don’t know what to say if I face her. Wala naman akong ginagawang masama bakit ba ako nag-aalala. I started the engine of my car to leave the university, especially when I bumped into some reporters kanina habang tumatakbo ako. My phone keeps ringing. I know it’s my Father but I’m not in the mood to talk to him. I still managed to drive safely and arrived in Hosp
Chapter 55: We’ll help you get justice.Habang binabaybay namin ni Ali ang kalsada na dinaanan namin kanina ay, biglang may mga sasakyan ng pulis ang dali-daling binabaybay din ang pinanggalingan namin kanina. Nagkatinginan kami ni Ali mukhang alam na rin niya ang iniisip ko na maaaring papunta iyon sa lugar kung nasaan sila Jen. Dahil si Ali naman ang nagda-drive aya agad niyang niliko ang sasakyan para sundan ang mga sasakyan din ng Pulis. Lalong kumakabog ang dibdib ko lalo na at may narinig kaming putok ng baril. Hindi ko lubos maisip ang dadatnan ko kung maabutan kong hindi maganda ang lagay ni Rage. Hindi naman talaga ako madasalin pero sana lang talaga, sana ay ligtas siya at nasa maayos na kalagayan. “Andito na tayo.” Sabi ni Ali habang dali-daling tinatanggal ang ang seatbelt niya, mukhang nag alala din siya kay Grayson. “Anong nangyayari?” Tanong ko, dahil nilalabas ng mga Pulis ang ilang bantay kanina at nakaposas na sila. Ganun din sila Jen at Rage, inaalalayan nila pa
Chapter 54: Hihingi Tayong Tulong.Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, mukhang hindi pa rin nag si-sink in kay Ali lahat. Naiwan kami rito sa bahay kaming lang dalawa, agad na umalis ang boys matapos pumayag ni Jen sa gusto nila. Kanina pa kami ni Ali hindi nag-iingay, ang dami ding tanong sa isip ko at ang mas lalo kong inaalala ay si Rage. Naloloka na ako sa mga kaganapan, sana pala nag prepared talaga ako bago ako pumunta dito sa Manila. Nakakagulat!“Puntahan kaya natin sila okay lang?” Basag ni Ali sa katahimikan.“Paano, ei sabi ni Rage ay dito lang daw tayo babalik daw sila ng maayos at ibabalik daw nila si Jen.” Sagot ko naman sa kanya, ngayon ay kinakain na namin yung kakaluto lang ni Jen kanina na fries bago kami katukin ng boys. “Nababagabag ako ei, kung ang Daddy pala ni Jen ang leader ng kung ano mang gang na yun, at tinuring na kaibigan ng pamilya ni Rage. I don’t think so na magiging okay ang lahat..” Dugtong ko. Tinignan naman ako ni Ali at mukhang tinatansya niya a
Chapter 53: Alfonso Gang It’s been a week since Rage confessed our relationship to the media, while they have already started to film the movie that I wrote, I am now starting for my very first novel book. I asked Mrs. Cruz na hindi na ako sumama pa sa set kahit na part din ako ng production, isa pa dream ko na din kasi ito ang magpublish ng book. Rage is very supportive t everything I planned for myself, lagi lang niya sinasabi na gawin ko lang raw lahat ng gusto ko dahil mas gusto niya akong makitang masaya. I always appreciate every comment he gave on me, pansin ko din na isa yun sa love language niya word affirmation, pinaka paborito ko ay physical touch. I love every time he touches me, I love and importance. I do the same to him ano, impossible naman kasi na puro siya lang. I think quality time is the best thing I done to him, every day since alam ko naman na mahirap ang trabaho niya. Nasa coffee shop ako dito lang din malapit sa bahay namin, halos walking distance lang di
Chapter 52: My Dream.Kasama ko ang floor director namin habang pinapanood ang ibang staff na inaayos ang setting ng stage, bumalik na si Jen pero hindi ko pa rin siya nakikita. Baka naman mamaya ay lalabas na rin yun, napag isip isip ko na rin na magbukas ng social media mamaya paguwi ko o pagkatapos ng trabaho ko dahil na rin way ito ng unang step sa pagtanggap ko ng trabaho ni Rage. Tanggap ko naman kahit anong trabaho pa yan ang pinaka kinatatakutan ko lang ay ang mga tao sa paligid niya, majority ang fans niya at ang public viewers. Wala rin naman akong pake sa kanila kung tutuusin, si Ivy nga hindi ko pinalampas diba! Pero kasi iba ang magiging impact noon sa akin, baka maging dahilan pa yun at magkaroon bigla ng sigalot sa relasyon naming dalawa. Pinapa stand by na namin ang mga celebrity hosts, nagsimula na rin mag hype ang mga tao. Hanggang sa nag Director cue na!Naupo lang ako sa tabi ng prompter dahil hawak ko pa rin ang manual script, just incase na magka problema ang p
[Remember Love: Special Bonus Chapter: The first cut for Ali's Story Happening soon.] [Ali and Grayson scene: Chapter 23] TW: SPG 19+ READ AT YOUR OWN RISK. {Ali’s POV} Lately ang dami kong raket, paano ba naman gusto sumama ng kapatid kong si Jai sa field trip daw nila sa school. Wala naman maibigay si Inay kaya sabi ko ako na lang gagawa ng paraan, isa pa sa akin din naman ang matitira sa mga pag-papart time ko. Dito ako natulog kila Jen kasi ini-invite kami ni Lexia sa darating na anniversary ng parents niya. Pumayag na rin ako para kumain. Isa pa, sinabi ni Grayson na dadalo daw sila ng pamilya niya, nagulat nga ako ng malaman na magkakilala pala si Jen at Grayson, parang wala namang hindi kilala si Jen. Pansin ko kasi pag magkakasama kaming tatlo ay kung sino-sino ang nakakakilala sa kanya. Nasa condo kami ngayon ni Jen, papunta pa lang kami ngayon sa bahay ng parents niya dahil dun nga ang celebration. Ako naman bigla akong kinakabahan, hindi ko alam kung kinakabahan a
Chapter 51: No woman can outstand you, babe.Kung tutuusin ay hindi ko naman pinag isipan lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, ang gusto ko lang ay makapag trabaho sa Manila. Umalis ako ng probinsya dahil sa trabaho, tapos nung dumating ako rito ang dami-daming nangyari.Lahat ng konektado sa nakaraan ko nagkabalikan sila bigla sa buhay ko. Hindi ako prepared alam ko sa sarili ko hindi ko yun pinaghandaan, kung paano ako magrereact sa mga malalaman ko. Mas lalong hindi ko alam kung paano haharapin kung paano ako naaksidente, pinatawad ko nga si Jen ng ganun kabilis dahil alam ko sa sarili ko na pati yun ay hindi ko pinaghandaan.Tapos ngayon ang relasyon ko kay Rage, pati ito wala sa plano ko. Nasa isang coffee shop kaming dalawa, malayo ito sa network. Masasabi kong may pag-private siya, at higit sa lahat ay konti lang ang tao. “You okay?” Tanong sa akin ni Rage. Napansin niya ata na kanina ko pa siya hindi kinakausap, hindi naman sa galit ako pero kasi marami din akong doubts.