Chapter 5: Rage VS. Kevin
Natapos ang weekend at balik school na naman. Lunes ngayon at may pa-announcement daw mamaya, magkasama kami ni Ali hinihintay namin si Jen ang isang yun ay may sasabihin din daw sa amin.
Bukod kay Jen, hinihintay din niya si Kevin andito lang kami sa cafeteria nakatambay. Ako naman tahimik lang habang humihigop ng bubble tea.
"Siraulo talaga!" Rinig kong sabi ni Ali, habang nagta-type.
"Bakit?" Usisang tanong ko.
"Paano, nakalimutan daw ni Kevin ang ID niya hindi siya makapasok ang gago talaga. Samahan mo ako, puntahan natin sa gate ipupuslit lang natin ang gago tsk, tsk." Tumayo na ako at sumunod kay Ali. Wala pa rin naman si Jen baka dun na lang din namin hintayin.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya, matapos kong mameet si Kevin noong sabado. Kahit dalawang araw palang kami nagkakilala, masasabi kong medyo close na rin kami. Syempre hindi ganon ka literal ano.
"Whoo~ buti na lang natakasan ko yung guard." Salubong sa amin ni Kevin na hingal na hingal, kumaway naman ako sa kanya at ngumiti, ganun din ang ginawa niya. Matagal nga lang siyang napatitig sa akin pero keribels na rin.
"Eh, kung isumbong kaya kita." Pananakot ni Ali. Nagpanggap pa siyang tina-tawag ang guard.
"Nyenyenye subukan mo." Ganti naman ni Kevin, itong dalawang 'to parang bata. Natatawa na lang ako sa inaakto nila, halatang mag best friends talaga sila.
"Kumain na kayo?" Tanong bigla ni Kevin, hindi ako sumagot hangga't hindi nasagot si Ali ayoko namang magmukhang feeling close sa kanya ano. Kahit magaan siya kasama.
"Ako ba talaga tinatanong mo?" Sabi ni Ali, sabay tingin sa akin.
"Bobo, ang gaga kaya nga 'Kayo' diba stands for sa inyong dalawa. Mahina ang comprehension juskoo." Napapailing naman si Kevin nang sumagot kay Ali.
"Tseh, ewan ko sayo. Kumain na ako bakit manlilibre ka ba? Ei wala ka ngang pera ei." Napalingon naman sa kanya si Kevin at handa nang batukan kaso mabilis na nakailag si Ali. Pero nabunggo naman si Ali sa pader. Dinig ko ang malakas na tawa ni Kevin.
"Tanga! Ilag pa. Hahahahaha" hinihilot naman ni Ali ang noo niyang nabunggo sa pader. Ali raised her middle finger and showed it to Kevin. Hindi ko alam kung ako ba ang mahihiya para sa dalawang to? O ano?
"Halina nga kayo, may program pa daw!" Sabi ko. Hinila ko na si Ali at ramdam ko naman ang pagsunod ni Kevin.
"Oy, may program daw diba? Baka may alam ka Senior?" Tanong ni Ali nang makabalik kami sa cafeteria.
"Ayy oo acquaintance party daw yun ang dinig ko na sinabi ni Coach." Sagot sa kanya ni Kevin, napatango naman ako sa narinig ko. Medyo na-excite na rin.
"May date na nga ako ei." Sabay kaming napalingon ni Ali kay Kevin. Nakita ko naman kung paano magbago ang ekspresyon ni Ali. Mukha na siyang nanunukso uli kay Kevin.
"Ehem. Baka gusto mong umalis na ako rito magsabi ka lang." Pagpaparinig ni Ali, inirapan naman siya ni Kevin.
"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Wala baka kasi makaistorbo ako sa isa jan." Halata ko sa halakhak ni Ali ang pang iinis niya kay Kevin.
"Ako ata ang istorbo sa inyong dalawa ei." Sagot ko sa kanya, napalingon naman sa akin si Ali.
"Oyy, Lexia hindi no. Ano ka ba, hindi ikaw ang tinutukoy ko." Sabi ni Ali sa akin.
"Baka hindi na lang ako pupunta sa acquaintance party na yun. Ano namang gagawin ko dun?" Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Ha? Hindi ka pupunta? Ei aalukin pa nga sana kitang maging date ko ei." Biglang sumingit si Kevin sa usapan. Kita ko ang pagkuha ni Ali ng bag niya at mga gamit na nasa table.
"Alis na ako, sure na akong aalis na ako. Para naman may time kayo jan ano. Bye, kita kits na lang tayo sis." Paalam sa amin ni Ali. Kevin clears his throat first before drinking water. Para siyang naiilang kung baga. Wala naman akong masyadong maramdaman kung hindi ay awkwardness bakit ba kasi bigla biglang aalis si Ali ei.
"Ano ulit yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya.
Napabalik naman ang tingin niya sa akin, bago ako sagutin. "Kung pwede ka sanang maging date ko sa acquaintance party." Inaalok ba niya ako? Syempre malamang ano.
"Tulad nga ng sabi ko hindi ako sure kung makaka-attend ako, pero sige pag nakapag decide na ako." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na humugit ang ngiti sa mukha nito.
"Sabi mo yan ha. Sige mag decide ka muna malayo pa naman siguro ang acquaintance ano!" Sagot niya sa akin. Tumango na lang ako sa sagot niya.
Maya maya pa biglang may nagtext sa akin. Agad ko naman tinignan yun at binasa.
From Rage:
Rooftop now.
Oo nisave ko na ang number ng kumag.
To Rage:
Bakit?
Hindi na siya nag reply ayoko naman basta iwan tong si Kevin.
"May klase ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Nako, mamaya pa ei. Ikaw ba meron? Hatid na kita sa room mo." Nagulat ako sa sinabi niya grabe naman.
"Nako mamaya pa din ang klase ko ano. Mauna ka na may pupuntahan pa kasi ako. Kitakits nalang bye!" Agad na akong umalis baka mamaya sumunod pa siya, hindi naman sa ayoko siyang kasama pero kasi may awkwardness akong nararamdaman sa kanya ano.
Hindi ko na naman siya narinig na sumunod sa akin. Since nasa art department lang naman kami, nasa rooftop ng art department building si Rage. Ano bang naisipan niya bakit dun pa sa rooftop gusto niyang makipag kita? Kailangan ko pa tuloy akyatin ang ilang floor sa hagdan shuta siya.
"Hinahapo na ata ako. Fifth floor na ba to?" Halos kausapin ko na ang sarili ko, habang umaakyat sa hagdan na to.
Ang aga aga ang galing niya mag utos naiinis na talaga ko sa kanya huh.
At bakit nga ba ako sumunod wala naman akong sinabing dadaluhan ko siya sa rooftop urgh… masyado niya akong iniinis.
Pero heto pa rin naman ako tuloy tuloy pa rin sa pag akyat, kulang na lang langit ang akyatin ko ei.
"Seventh floor na." Last floor na ba to? Sana nga. Nang makarating ako sa last step ng hagdan ine-expect ko na another floor na naman pero pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang rooftop. Hingal na hingal akong sumandal sa railings ng building. Natatanaw ko naman si Rage na nakaupo at busy sa sahig? Anong ginagawa niya sa sahig? Gumagawa ba siya ng ritual choss!
Nang makabawi bawi na ako sa hangin at umo-okay na rin ang paghinga ko. Nilapitan ko naman siya.
"Ano yan?" Sulpot ko sa likuran niya, yumuko din ako ng bahagya para naman makita ko ang ginagawa niya. Doon ko lang napagtanto na math solution pala ang sinusulat niya sa sahig, teka allowed ba siyang dumihan ang sahig ng rooftop? Baka mamaya ipalinis pa ito sa'min mahirap na.
"Tignan mong mabuti ang sequence ngayon hanapin mo yung CD ng mga numbers na yan bago mo sagutan." Nakatitig ako sa math problem na pinag-susulat niya, ako naman kinuha ko ang math notebook ko at agad na sinagot ang math problem na nasa sahig. Para bang ginawa niyang blackboard itong sahig ng rooftop. Habang kaming dalawa ay naglalakad lakad lang sa gilid ng railings ng building buti na lang at may pagka flat ito para hindi kami diretsyo sa baba.
Ine-explain din ni Rage ang iba pang mali sa sagot ko, minsan nga iniisip ko bakit ba kasi may math? Okay na naman sa english ei. Choss. Bias lang ako kaya ganon.
Hindi ko alam bakit mas effective ang way ng pagso-solve ni Rage mas naiintindihan ko siya hindi tulad sa explanations ni Mr. No na siya lang naman nakakaintindi. Since may program nga hindi kami naka-attend besides mas inuna ko to kesa sa program sa baba ano.
"Look at number 5, try this one--hindi ka nakikinig." Binato ba naman ako ng chalk malay ko bang natulala ako bigla. Siraulong toh.
Binato ko rin siya ng ballpen ko pero hindi siya natamaan, umabot lang yun sa may sapatos niya.
Maayos siya mag explain pero bastos din ang shuta, inirapan ko naman siya. Ibat ibang kulay ng chalk ang ginagamit niya para sa correction, kapag may idadagdag siya o kaya sa pagha-highlight.
I wonder bakit magaling pa rin siya, knowing na may trabaho pa rin siya ano. Napapaisip tuloy ako kung anong trabaho niya since Congressman na nga tatay nito.
"8 out of 10 ang mali mo. Kaka-tulala mo yan." inirapan ko naman siya.
"Irap ka ng irap halika nga dito." Hinila niya ako at tumabi ako sa kanya, kinuha niya ang notebook ko na pinagmasdan kung bakit ako nagkamali.
"Nalilito ka sa sign ng negative at positive." Kinuha niya ang notebook ko at nilagay ang correction doon. Tinititigan ko naman siya, ganon ba talaga pag taga siyudad? Magaganda ang balat, bihira lang kasi akong makakita ng sobrang kinis ng balat lalo na at lalaki. Halatang halata ko na malambot ang balat niya sa tingin palang, ang iba kasi makita mo lang gets mo na agad na magaspang ang balat ei.
Para bang ginawa siya para maging ehemplo ng perfect. Kung sabagay knowing na isa ang tatay niya na gwapo kung ituring ng iba, crush nga yun ng kapitbahay namin dati sa probinsya. Lahat ng poster at kalendaryo na pinamimigay ni Congressman Suarez, kinokolekta nun. Kamusta na kaya yun ngayon?
"Then after mo makuha to, you have to multiply the--you're not listening again." Nabalik lang ako sa realidad ng sumigaw si Rage. Napatalon ako sa sigaw niya, pero nang tingnan ko siya tumawa lang siya. Sinadya ba niya yun? Hayop din talaga tong isang to ei ano.
"Kung saan saan lumilipad ang isip ei." Pinitik niya ang noo ko. Napahawak naman ako dun sa sakit.
"Bakit may pakpak ba isip ko? Ano bang problema mo?" Hampas ko sa kanya.
"Pilosopo ka pa ha." Napa-pailing na lang siya sa ina-akto ko, ganon ba ako kahina?
"Baba na muna ako. Pahinga muna ako pagod na ako." Reklamo ko sa kanya, kinuha ko naman ang notebook ko sa kamay niya. Pero hindi niya yung binigay sa akin.
Tinignan ko siya at para siyang gulat na gulat.
"Ikaw pa talaga may ganang magpahinga ikaw nga tong, hindi pa nakakatama ng sagot ei. I-perfect mo muna to, bago tayo bumaba." Utos niya sa akin, kahit na may point naman siya.
"Bakit ba kasi andito tayo sa rooftop ang dami daming lugar na kung saan ay pwedeng mag-aral ei." Inis kong sabi sa kanya.
"Puro ka reklamo ei no." Inirapan ko naman siya.
"Puro ka reklamo ei no." I mock his accent, pansin ko kasi hindi siya malalim mag tagalog. Parang slang siya ng konti at maririnig mo pa rin ang punto niya kapag nagsasalita siya ng english, though his tagalog pronunciation is actually good and straight. Tinignan niya ako at handa na akong pitikin ulit pero tumakbo ako palayo. Nang makatakbo ako ay tumigil siya sa kinatatayuan niya kanina at nakangising nakatingin sa akin.
I sticked out my tongue when he saw me. Hindi rin ako umalis sa kinatatayuan ko at tinatawanan ko lang siya. Teka, kelan pa naging ganito ang samahan namin nung nakaraan magkaaway kami a.
Napasimangot ako sa naisip ko. Ang alam ko ayoko sa kanya bakit ngayon nakikipag lokohan na ako sa kanya.
Bago ko pa lingunin ulit si Rage. "Huli ka." Bigla siyang sumulpot sa likuran ko at niyakap ako. Agad ko namang inalis ang pagkakayakap niya sa akin mula likuran.
"Nung nakaraan lang hindi tayo ganito a." Sabi ko sa kanya, mukhang na gets niya ang ibig kong sabihin at lumayo sa akin ng bahagya.
"Ahm... " napakamot siya sa batok niya habang nag iisip ng pwedeng sabihin.
"Bababa na ako." Bumalik ako dun sa upuan namin kanina at kinuha ang mga gamit ko. Sa harap nga ni Kevin awkward na awkward na ako bakit sa kaaway ko, bati agad kami?
Nagkatitigan naman kami nang magsalubong kami sa may pinto ng rooftop, sabay pa talaga kaming lalabas ha.
Umuna na siya at hindi na ako hinintay pa.
Buti naman kasi wala akong sasabihin at hindi ko alam kung anong masasabi ko sa kanya. Bakit ba kasi kailangan ko pa maisip ulit yung mga ganap noong last time, feeling ko panira ako sa mood.
Tahimik ko tuloy tinatahak ang hagdan na to. Sa susunod nga hindi na ako basta basta susunod sa mga text niya.
Nang makarating ako sa first floor ay nakita ko si Ali na may kausap na lalaki. Hindi naman si Kevin yun pero lalaki siya.
"San ka galing?" Salubong niya sa akin, moreno ang lalaki at medyo may kalakihan ang katawan matangkad din siya. Hindi ko alam pero bakit parang masama ang loob ko sa kanya ko pa nga nakakausap ei.
"Sa rooftop lang." Maikli kong sagot at napalingon muli sa kausap niyang lalaki.
"Tumakas ka sa program ano." Panloloko sa akin ni Ali.
Hindi ko na sinagot si Ali at nagpaalam na lang akong umalis na, tutal may kasama naman na siya ayoko rin ang awra sa akin nung guy. Hindi ko gusto.
Nagdecide na lang akong pumunta na sa room ko, tutal Major sub na ang sunod naming sub.
Hindi pa naman ako naba-bad shot sa mga major subject professor ko. Kay Mr. No lang talaga na akala mo ay major ang hawak niya, umay na umay na din ako dun.
Bago magsimula ang klase ay may pa-eksena munang naganap. Paano ba naman, may nang-harana na taga-engineering sa kaklase ko at inaalok kung pwede daw siya maging date niya sa acquaintance party na yun.
Kung um-attend na lang kaya ako, tutal payag pa rin naman dun si Mama. Oo attend na nga lang ako, tama sabihan ko na lang si Kevin na siya na ang date ko.
Kinuha ko ang phone ko para abisuhan si Kevin na siya na ang date ko ng biglang. May natanggap na naman akong text mula kay Rage.
From Rage:
Date kita sa acquaintance party, para makabawi man lang ako sa lahat. And you are not allowed to say no.
Aba desisyon ka kuya?
To Rage:
Desisyon ka sis.
Agad naman siyang nagreply.
From Rage:
Yup. Wala kang kawala.
Aba siya na nga tong nakaka perwisyo sa akin, siya pa din tong pala desisyon minsan humahanga na rin ako sa yabang ng lalaking to.
Magrereply pa sana ako pero dumating na yung prof namin, agad ko namang tinago ang phone ko.
Pero nang itatago ko na ang phone ko. Bigla nalang nagtext si Kevin.
From Kevin:
Mamimili ako ng susuotin para sa acquaintance party, sabay na tayong dalawa para matching tayo hihi. Kung okay lang sana sayo.
Balak ko sana siyang replayan ng okay lang. G ako. Pero biglang sumagi sa isip ko si Rage. Bakit ba nila ako pinapahirapan. Tsaka hindi naman ako nag yes kay Kevin a. Pero sabi ko kapag nakapag decide na ako siya na ang date ko. Umay naman.
Hindi ko na lang pinansin ang text niya at nag pokus na lang ako sa klase.
Dalawang oras ang major sub ko. Kaya pagkatapos nito ay lunch, medyo inaantok na rin ako sa boses ng prof ko na malambing.
Buti na lang hindi niya ako pinapansin na nakapikit na sa klase niya. Hindi katulad ni Mr. No na kahit ata pag-utot ko maririnig nun ei.
Buti na lang at tumunog na ang bell sign na lunch break na. Agad agad akong naalimpungatan at tumayo na, nagmamadali akong lumabas ng room. Hinanap ko agad si Kevin. Ang sabi ni Ali sa text niya nung tinanong ko kung anong department ni Kevin, engineering dept. Daw.
Ayoko naman umasa yung tao ano kaya sasabihin ko na, na humanap na lang siya ng ibang date habang maaga pa. Bonak din kasi si Rage wrong timing ang shuta.
Pagdating ko sa dept nila, nakita ko naman na palabas siya sa isang room. May kausap din siyang dalawang lalaki.
"Kevin." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin, nakita ko pa ngang nagulat siya pero agad din siyang ngumiti.
"Uyy, pupuntahan naman kita sa dept niyo pumunta ka pa dito." Salubong niya sa akin, tahimik lang naman yung dalawang lalaking kasama niya sa likuran niya.
"Nahihiya nga ako sayo ei. About dun sa alok mo." Sabi ko sa kanya, napatigil naman siya at napakunot ang noo.
"Bakit ano yun? A, hindi ka sasabay mamimili okay lang send mo na lang sakin ang color para ma-match ko sa susuotin ko." Sagot naman niya sa akin.
"Date pala ni boss." Singit ng isang lalaki sa likuran. Agad silang nilingunan ni Kevin at sinamaan ng tingin.
"Ay nako hindi yun ei. Hindi na kasi ikaw ang gagawin kong date, sorry urgent lang." Alam ko nakakahiya tong sinasabi ko pero wala akong maisip na matinong words ei.
"Boom, busted si boss. Why naman Ms?" Sagot ng isang lalaki.
"Sorry, bawi na lang ako. Ha." Kita ko sa mata niya na nanghinayang siya, pero lumingon din siya sa akin at ningitian ako. Pansin ko rin na marami na ang nanonood sa amin lalo na ang mga babae.
"Ahm. Nako wala yun, isa pa hindi ka naman nag yes ei. Sabi mo magdedecide ka pa?" Sagot niya ng nakangiti. Narinig ko naman ang bulung bulungan ng mga babae rito.
"Ah, sorry. Basta bawi ako. Bye, see you." Paalam ko sa kanya, hindi ko na siya nilingon pa at Dire-diretso na akong pabalik sa department ko. Isa pa pag lagpas kasi ng lunch time, sinisuraduhan na nila ang cafeteria. Ewan ko ba sa school na to, half day lang kung mag serve.
Since si Rage nga ang partner ko at official na yun, parang ayoko na um-attend.
Kemerut lang minsan lang din to no.
Eksakto nakita ko si Rage na nakaupo sa cafeteria at kumakain, pero ang kinagulat ko katabi niya si Jen at Ali.
"Hey, sis dito." Tawag sa akin ni Jen.
"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ko nang makaupo na sa tabi ni Jen.
"Sobra naman, sasabay lang ei." Depensa ni Ali. Inirapan ko si Rage nang marinig ko ang pag depensa sa kanya ni Ali.
Kumakain siya ng salad na puro vegetables, medyo napangiwi ako ng makita ko ang plato niya. Hindi kasi ako sanay sa ganyang pagkain pang mayaman kung baga.
"Here's your food, eat ka na." Iniabot sa akin ni Jen ang isang tray ng pagkain. May laman yun na fries burger tsaka chicken wings with two slices of pizza. Natakam na rin ako ng makita ko ang nakalagay sa tray.
"By the way Rage is the one who ordered that for you." sabi ni Jen gusto ko sanang iluwa ang burger na nasa bibig ko, pero hindi ko ginawa dahil masyado kong mahal ang pagkain.
"Hoy, ano to ha." Sabi ni Ali habang nakatingin sa phone niya, hindi ko naman iniintindi ang sinabi niya at patuloy ako sa pakikipag titigan kay Rage at iniirap irapan ko pa siya. Natatawa tawa naman ang loko sa akin.
"Binasted mo si Kevin?" Sabi ni Ali habang nakatingin parin sa phone niya at tila ba ayaw niyang ibaba.
"Bakit?" Tanong ni Jen.
"Eto, may nagpost sa twitter. Famous nga kasi yung gunggong na yun sa social media basketball player pa. Napapanood pa sa sports channel ang mga laro niya." Paliwanag ni Ali, jusmeeh kaya ba napapaligiran kami ng mga babae kanina dahil may nag video ng nangyari kanina? Napatingin ako kay Ali at ngayon pinapanood na nila Jen ang video.
"Ay nako hindi yun ei. Hindi na kasi ikaw ang gagawin kong date, sorry urgent lang." shet boses ko ba yun?
"Sis, bakit mo naman kinawawa si Kevin." Sabi sa akin ni Ali.
Halos gusto kong i-umpog ang ulo ko sa narinig ko.
"OMG, someone's commented, I saw her f******k account and i*******m account. Sheet pinagpiyestahan ka sis.!" Sabi ni Jen habang nag i-scroll din sa cp niya. Gusto ko na i-buga ang pagkain ko pero inabutan ako ni Rage ng tubig.
Mas lalo kong sinamaan ng tingin si Rage. Okay na ei, may date na ako bakit bigla bigla siyang sumisingit isa din siyang malaking ewan. Urgh!
Bakit ba nila pinapasakit ang ulo ko? Rage VS. Kevin lang ang peg. So si Rage ang panalo dahil siya ang pinili ko. Urgh. Hindi ko alam. Ayoko na lang muna magtalk.
[A/N: If anyone who read this story, kindly leave review I want to know your thought about my story. Thank you and good day!]M. Nins:)
Chapter 6: The best and worst side of Rage Suarez.Ali, Jen and I went to the shopping mall to buy our dresses to wear for an upcoming acquaintance party for freshmen in university.The venue of the acquaintance party is going to be held outside the university, formal black and white is the theme for the acquaintance. Actually I am looking for a dress that is quite simple and matches my weight and skin color. My skin is a morena type and I think when it comes to weight I am grateful because I am not that skinny, I'm not that fat either, I'm just in the middle of the two. Ali found a ball gown type that suits her too and it's color white."Sobra, para naman akong ikakasal. Black kaya maganda?" Tanong niya kay Jen na namimili pa rin.
Chapter 7: Focus on me.Two weeks after the acquaintance party, masyado na akong naging busy sa mga major sub ko. Nagdatingan na kasi ang mga reportings, paper works and other extracurricular sa school. Kevin and I have mostly always been together, tuwing breaktime. Binibisita na niya ako sa room o kaya nagkikita kami sa cafeteria or minsan sa field lang.Rage becomes busy on his own course, but we always find time to spend our hang outs. Nasa stage pa lang ako na kini-kilala siya ngayon. Which is nothing wrong kasi we are always trying to figure out what we are. Madalas na nga akong asarin ni Ali na two timer daw ako, kasi napagsasabay ko raw si Kevin at Rage.Sa hindi malamang dahilan, Jen become busy too. Like we are all in the same course, b
Chapter 8: I like you Ganda."Hoy, arat. Birthday ni Kevin nang i-invite ang mokong." Salubong sa amin ni Ali, nang makita kaming dalawa ni Jen.Like I said, Jen has become so busy these days. She also revealed to us that she is now becoming an actress after modeling. She's now entered showbiz literally.Jen is busy eating pizza right now, kung makasubo akala mo talaga huling kain na niya."Hey, easy marami pa oh." Turo ni Ali sa mga pagkain."Sorry, I am exaggerating but maybe this is going to be the last time I'm enjoying this kind of food. Cause you know, showbiz I have to maintain my figure so after this no more unhea
Chapter 9: Blocked"I like you Ganda." He said and gave me a sweet smile.Nawindang ako sa narinig ko. Rage looks at my reaction, maybe waiting how I should react to what Kevin says."Ahm. Okay ka lang?" I asked him, what happening right now is just impossible."Oo naman." He said."I don't know what's happening but, I think I should go." I said. Paalam ko na rin yun sa kanila. Naglakad na ako palabas pero hinabol pa rin ako ni Kevin."Lexia. Huy, sorry." He apologized. I look at him, he seems so sincere about his apology.
Chapter 10: Friends sucks.I feel dizzy when the sunlight hits my eyes.Hindi naman ganito ka sinag ang araw sa kwarto ko ah.Hindi naman ganito ka sinag ang araw sa kwarto ko ah.Bigla akong napamulat sa naisip ko, gagi asan ako? Agad kong tinignan ang paligid, at hindi ko nagustuhan ang nakikita ko. Shuta, anong nangyari kagabi?"Soju, si Rage tapos about sa law---anong nangyayari?" I pulled out my own hair because of the frustration I felt. Ibig sabihin ba nito, hindi ako umuwi? Oh my gosh! Lagot ako kay Mama, ni minsan never akong hindi umuwe tuwing may gimik. Baka mapatay ako ng nanay ko pag uwe.
Chapter 11: Revelations.The past few days have been so lame. Like going to school, then going home immediately unless my friends are inviting me to go out.I am inside the library of the university for some research, I quietly turn the pages of the book while writing the important details on my notes."Psst!" I look around to see who's calling. There I saw Ali and Jen. Jen is still hanging out with us, though her name has already debuted in the public. Her movie is coming up.I look at them and give them a sign to sit with me. They quietly move the chair so they can't make any noise, because some of the students are studying here too.
Chapter 12: You never Pretend.When I wake up the next day, I get up so early because today is midterm exam day. I finished studying last night, but I have some curiosity about other subjects.When I went out to my room, U heard some news about Congressman Suarez."Just In, Congressman Suarez has announced that he is going to run for the election. As a senator, the Congressman of Batangas claims that he is running with the partnership of 'Associate Party'." The anchor said.I sighed when I heard the news about him. The memory of him and Rage flashbacks to me. I shook my head after that and was ready to leave.
Chapter 13: Both of them.It's already a semester break after the midterms exam. Also, It's undas break. I don't have any plans to go somewhere. Plus the fact that Ali is going home in her home town in Laguna. Jen is gonna be busy with her movie, she's now receiving a lot of good comments after the full trailer of her movie aired.I am cleaning our salas right now, when my phone suddenly popped out a notification. I stop mopping the floor and look at my phone.It's a text message from Kevin.From Kevin:Hello. Ganda, arat gala. Hehe!Kevin really did everything just to be with me. I
Announcement and Author’s Note. Hello, everyone this is M.NINS I would like to tell you all my gratitude that you gave to my characters. This is my first novel and I finished it. I want to tell you that we are having an Ali story soon as part of this trilogy series. Though I’m not yet started it, the plot is already in my mind. Anyway, thank you so much for supporting my first baby couple Rage and Lexia= RaXia, lmao I hope you like the names I made up 😂. As you all can see I’m just a new writer, and I’m still writing my own life and finding my pages. I found this good novel because it’s an amusing platform for my dream. I wanted to be lowkey, and private. Hope you give support to our boldest couple soon Grayson and Ali. The way you guys love Rage and Lexia. Belated Happy New Year to all of you, good luck to your challenges in every chapter of your life. Lexia and Rage story are now signing off! This book is a work of fiction, the places, names, events that are mentioned are in th
Epilogue (RAGE’S)“So, when are you coming back? You just turned down a movie with Rachel Park. People are expecting the both of you to work together.” My friend, Carlos. I’m gonna miss that Latin accent of his. “I’m just staying in the Philippines for a couple of months, I need to shoot something there,” I said, actually it’s another movie as well, but for now it’s a secret. “Where is your brother?” He asked.“Oh, Achi, he left first. Then I just follow through.” I said.“So, this house is gonna be empty?” He asked. I looked at him, knowing that he’s gonna bring girls here and party a lot. “Fine, I am not gonna borrow your house.” He said. I continue packing my things. “So, you're gonna find your girlfriend there?” He asked. I stopped packing my things and thought about what he said. “Well, I am not sure though. But who knows!” I replied. I haven’t thought about it… “Well, I’m going now. I have surgery to perform this afternoon, take care and call me. ‘Kay, bye.” After he left
Chapter 56: Discount.(RAGE’S)“Dude, Lexia is awake.” I feel like a possessed man after hearing what Kevin said, I immediately fix all my things cause I’m still here in the university's library, I’m reading a book about Lexia’s lecture when Kevin called. I run as fast as I can, to reach the university parking lot where my car is parked. To the point I forgot to breathe while running, I inhaled a large amount of air when I was actually in front of my car. I stopped for a while and cleaned myself for a moment, I fixed my hair, I ate chewing gum to make my breath smell good, I sprayed perfume as well. I’m really nervous, I don’t know what to say if I face her. Wala naman akong ginagawang masama bakit ba ako nag-aalala. I started the engine of my car to leave the university, especially when I bumped into some reporters kanina habang tumatakbo ako. My phone keeps ringing. I know it’s my Father but I’m not in the mood to talk to him. I still managed to drive safely and arrived in Hosp
Chapter 55: We’ll help you get justice.Habang binabaybay namin ni Ali ang kalsada na dinaanan namin kanina ay, biglang may mga sasakyan ng pulis ang dali-daling binabaybay din ang pinanggalingan namin kanina. Nagkatinginan kami ni Ali mukhang alam na rin niya ang iniisip ko na maaaring papunta iyon sa lugar kung nasaan sila Jen. Dahil si Ali naman ang nagda-drive aya agad niyang niliko ang sasakyan para sundan ang mga sasakyan din ng Pulis. Lalong kumakabog ang dibdib ko lalo na at may narinig kaming putok ng baril. Hindi ko lubos maisip ang dadatnan ko kung maabutan kong hindi maganda ang lagay ni Rage. Hindi naman talaga ako madasalin pero sana lang talaga, sana ay ligtas siya at nasa maayos na kalagayan. “Andito na tayo.” Sabi ni Ali habang dali-daling tinatanggal ang ang seatbelt niya, mukhang nag alala din siya kay Grayson. “Anong nangyayari?” Tanong ko, dahil nilalabas ng mga Pulis ang ilang bantay kanina at nakaposas na sila. Ganun din sila Jen at Rage, inaalalayan nila pa
Chapter 54: Hihingi Tayong Tulong.Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, mukhang hindi pa rin nag si-sink in kay Ali lahat. Naiwan kami rito sa bahay kaming lang dalawa, agad na umalis ang boys matapos pumayag ni Jen sa gusto nila. Kanina pa kami ni Ali hindi nag-iingay, ang dami ding tanong sa isip ko at ang mas lalo kong inaalala ay si Rage. Naloloka na ako sa mga kaganapan, sana pala nag prepared talaga ako bago ako pumunta dito sa Manila. Nakakagulat!“Puntahan kaya natin sila okay lang?” Basag ni Ali sa katahimikan.“Paano, ei sabi ni Rage ay dito lang daw tayo babalik daw sila ng maayos at ibabalik daw nila si Jen.” Sagot ko naman sa kanya, ngayon ay kinakain na namin yung kakaluto lang ni Jen kanina na fries bago kami katukin ng boys. “Nababagabag ako ei, kung ang Daddy pala ni Jen ang leader ng kung ano mang gang na yun, at tinuring na kaibigan ng pamilya ni Rage. I don’t think so na magiging okay ang lahat..” Dugtong ko. Tinignan naman ako ni Ali at mukhang tinatansya niya a
Chapter 53: Alfonso Gang It’s been a week since Rage confessed our relationship to the media, while they have already started to film the movie that I wrote, I am now starting for my very first novel book. I asked Mrs. Cruz na hindi na ako sumama pa sa set kahit na part din ako ng production, isa pa dream ko na din kasi ito ang magpublish ng book. Rage is very supportive t everything I planned for myself, lagi lang niya sinasabi na gawin ko lang raw lahat ng gusto ko dahil mas gusto niya akong makitang masaya. I always appreciate every comment he gave on me, pansin ko din na isa yun sa love language niya word affirmation, pinaka paborito ko ay physical touch. I love every time he touches me, I love and importance. I do the same to him ano, impossible naman kasi na puro siya lang. I think quality time is the best thing I done to him, every day since alam ko naman na mahirap ang trabaho niya. Nasa coffee shop ako dito lang din malapit sa bahay namin, halos walking distance lang di
Chapter 52: My Dream.Kasama ko ang floor director namin habang pinapanood ang ibang staff na inaayos ang setting ng stage, bumalik na si Jen pero hindi ko pa rin siya nakikita. Baka naman mamaya ay lalabas na rin yun, napag isip isip ko na rin na magbukas ng social media mamaya paguwi ko o pagkatapos ng trabaho ko dahil na rin way ito ng unang step sa pagtanggap ko ng trabaho ni Rage. Tanggap ko naman kahit anong trabaho pa yan ang pinaka kinatatakutan ko lang ay ang mga tao sa paligid niya, majority ang fans niya at ang public viewers. Wala rin naman akong pake sa kanila kung tutuusin, si Ivy nga hindi ko pinalampas diba! Pero kasi iba ang magiging impact noon sa akin, baka maging dahilan pa yun at magkaroon bigla ng sigalot sa relasyon naming dalawa. Pinapa stand by na namin ang mga celebrity hosts, nagsimula na rin mag hype ang mga tao. Hanggang sa nag Director cue na!Naupo lang ako sa tabi ng prompter dahil hawak ko pa rin ang manual script, just incase na magka problema ang p
[Remember Love: Special Bonus Chapter: The first cut for Ali's Story Happening soon.] [Ali and Grayson scene: Chapter 23] TW: SPG 19+ READ AT YOUR OWN RISK. {Ali’s POV} Lately ang dami kong raket, paano ba naman gusto sumama ng kapatid kong si Jai sa field trip daw nila sa school. Wala naman maibigay si Inay kaya sabi ko ako na lang gagawa ng paraan, isa pa sa akin din naman ang matitira sa mga pag-papart time ko. Dito ako natulog kila Jen kasi ini-invite kami ni Lexia sa darating na anniversary ng parents niya. Pumayag na rin ako para kumain. Isa pa, sinabi ni Grayson na dadalo daw sila ng pamilya niya, nagulat nga ako ng malaman na magkakilala pala si Jen at Grayson, parang wala namang hindi kilala si Jen. Pansin ko kasi pag magkakasama kaming tatlo ay kung sino-sino ang nakakakilala sa kanya. Nasa condo kami ngayon ni Jen, papunta pa lang kami ngayon sa bahay ng parents niya dahil dun nga ang celebration. Ako naman bigla akong kinakabahan, hindi ko alam kung kinakabahan a
Chapter 51: No woman can outstand you, babe.Kung tutuusin ay hindi ko naman pinag isipan lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, ang gusto ko lang ay makapag trabaho sa Manila. Umalis ako ng probinsya dahil sa trabaho, tapos nung dumating ako rito ang dami-daming nangyari.Lahat ng konektado sa nakaraan ko nagkabalikan sila bigla sa buhay ko. Hindi ako prepared alam ko sa sarili ko hindi ko yun pinaghandaan, kung paano ako magrereact sa mga malalaman ko. Mas lalong hindi ko alam kung paano haharapin kung paano ako naaksidente, pinatawad ko nga si Jen ng ganun kabilis dahil alam ko sa sarili ko na pati yun ay hindi ko pinaghandaan.Tapos ngayon ang relasyon ko kay Rage, pati ito wala sa plano ko. Nasa isang coffee shop kaming dalawa, malayo ito sa network. Masasabi kong may pag-private siya, at higit sa lahat ay konti lang ang tao. “You okay?” Tanong sa akin ni Rage. Napansin niya ata na kanina ko pa siya hindi kinakausap, hindi naman sa galit ako pero kasi marami din akong doubts.