"Anong kailangan mo samin? Siguraduhin mo na ready kang makulong pag nahanap na kami ng asawa ko." Pananakot ni Astrid dito, ngunit wala ito naging epekto. Ngumiti pa ito ng malaki at lumapit sa kanya. "Kung mahuhuli niya ako. Eh ikaw? Are you not afraid to be found out? That you're not the person who he thinks is?" Nagulat ito sa sinabi niya, tumingin ng masama dito. Literal ba ang sinasabi nito? O may iba pa itong ibig sabihin? O baka pananakot lang? "Of course mahuhuli ka. Sisiguraduhin kong mahuhuli ka." Napasipol ang lalaki at tumawa. "Siguraduhin mo ring hindi ka mahuhuli. Hindi mo ba naisip kung anong gagawin pag nalaman niya na.." Wala nang lalakaran palayo si Astrid, kaya nakadikit na likod niya sa bintana. Habang hawak-hawak niya si Theo, mabuti na lamang at nakatulog ito. "You're not Astria." Bulong nito sa tenga niya at lumayo upang tignan ang maging reaksyon ng babae."Who are you?"Parang binuhusan ng tubig na puno ng yelo si Astrid sa narinig niya. Hindi niya ala
Nang imulat ni Astrid ang mga mata niya, unang tumambad sa kanya ang isang puting kisame. Iniikot naman niya ang mga mata niya, nasa ospital pala siya. Buong akala niya bago siya mawalan ng malay ay iuuwi na sila. Agad niyang hinanap si Theo nang maaalala niya na kasama niya ito kanina, walang tao sa loob ng kwarto maliban sa kanya. Kinapkapan niya ang sarili kung nasaan ang cellphone niya dahil hindi naman siya pinalitan ng damit. Nang kapkapin niya ang kanyang bulsa, iba naman ang nakuha niya. Papel. Nagtaka si Astrid kung ano ito, at binuklat. Number at address lamang ang nakalagay dito, saka niya naaalala ang nangyari bago sila makalabas sa loob ng kwarto kung saan sila kinulong ng kung sino man ang kumidnap sa kanila ni Theo. Napatitig naman si Astrid dito. 'Kontakin ko ba siya? Paano kung nagpapanggap lamang siya? Wala naman akong nabasa na tungkol sa kanya sa mga isinulat ni Astria...' 'Ngunit, baka wala nang susunod pa na pagkakataon. Siya palang ang nakaka
"Kamusta pala si papa? Naoperahan na ba siya?" Mahinang bulong ni Astrid kay Tristan, katabi lang nila si Theo pero tulog ito. "His operation will start later once his doctor is finished with the first operation he's handling." Natawa naman si Astrid at bumulong din ito pabalik. "Okay." Bulong niya muli pabalik. "Why are we even whispering?" Takang tanong ni Tristan, ngumiti naman si Astrid at umikot ang mga mata nito. "Kasi, tulog si Theo. Ayan oh, sarap ng tulog niya." Tumingin naman ang asawa niya sa nakatalukbong ng kumot sa tabi. Dahang-dahan niyang binaba ang kumot, at ipinakita ang mahimbing na natutulog na bata. Mahina ang nga hilik nito, at ang isang kamay ay nakayakap sa tiyan ni Astrid. "He definitely likes sleeping with you." Komento ni Tristan, habang hinaplos ang buhok niya. Tumingin naman si Astrid sa kamay nito na sinusuklay ang buhok ng kapatid, at napataas ang kilay, "Talaga?" Mula sa peripheral vision ni Astrid, nakita niya itong tumango. "When we
"I thought she was already awake?" Tanong ni Tristan kay Doc Sanchez. Nagkibit balikat naman ito. "Ayun sabi ng mga nurse sakin kanina. Baka kanina yun." Sagot naman ni Doc Sanchez. Suminghal ng malalim ang lalaki, habang pinagkrus naman ni Doc Sanchez ang mga braso niya. "Anyway. Mr. Timothy's surgery went well. Right now he's resting, in his suite, and hopefully he'll wake up already." Narinig naman ni Tristan ito, ngunit parang hindi naintindihan ng utak niya. Nakatutok lamang ito sa babaeng natutulog, hindi alam kung malay na ba ito o wala pa. "What made you agree pala sa request ko? To help this patient?" Dagdag ni Doc Sanchez nang mapansin niya na malalim ang iniisip ni Tristan. Mabagal naman nitong binaling ang tingin niya kay Doc. Sanchez. "She was someone I knew, and she helped me before. I just wanted to return the favor." Nag-hum naman si Doc. Sanchez at tumango. "That's nice. Well, I must be on my way out, I still need to do my rounds." Hindi sumagot si Trista
" Saan niya naman nakuha ang impormasyon na yun? Paano siyang nakakasiguro?" Nagkibit-balikat naman si Lucas. Habang inaaantay ni Astrid ang sagot nito, marahan niyang hinahaplos lang ang buhok ng tulog pa rin na Theo sa tabi niya, gayong kinakabahan na siya kada ginagawa niya ito nakakatulong itong makapag pa kalma sa kanya. Tinignan saglit ni Lucas ang mahinang gawi ng dalaga pati ang batang tulog na katabi pala nito at umiwas na ng tingin. "Ewan ko rin. Kaya nga nung nakita niya nung araw na may pumasok na ibang tao sa kotse na sinakyan niyo, inutusan niya agad ako na sundan kayo." Kumunot naman ang kilay ni Astrid. 'Dahil lang sa tingin niya na ang kaluluwa ng anak niya ang nandito, pinagawa niya sayo yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Astrid, at tumango naman si Lucas. 'Eh hindi niya naman ako nakita nung araw na yun?' "Weird diba? Pero at some point parang maniniwala ka na lang din, since iba nga ang mothers insticts? Na gegets mo ba ako?" Wala sa sariling tumango s
"Kamusta pala si Papa? Ok na ba siya?" Tanong naman ni Astrid nang maalala niya na galing nga pala ang asawa niya sa kanyamg tatay. Tagal na rin niyang hindi nakikita ito, lubos na pinagdadasal na maging ayos na ang lagay nito. Tumango naman si Tristan. "Yeah. Doc Sanchez told me that we can visit him soon, they're expecting that he will have a fast recovery." Lumaki naman lalo ang ngiti ni Astrid sa narinig. "Buti naman. Salamat at magiging ayos na ang lagay ni Papa." Sabay nag-unat at naramdaman niya na namamanhid na ang katawan niya. "What about my Dad? Did something happen to him?" Tanong ng isang antok na antok pang boses, mula sa tabi ni Astrid. Parehong nagulat naman si Astrid at Tristan sa biglang pagsabat ng kanina lang na tulog na si Theo. Nako, gising na pala ito. Sabay silang napatingin dito na kinukusot pa ang mata niya, at naghikab. "Why are you talking about Dad?" Tagatak naman ang pawis ni Astrid kahit na naka-aircon sa loob ng kwarto, habang pasimplen
Habang nag-tatawanan sila, biglang ni Tristan mula sa bulsa niya, nagvvibrate ang cellphone niya. Mabilis na kinuha ito ni Tristan para tignan ang dahilan ng pag-vibrate nito. Nang buksan niya, kumunot ang kilay niya ng makita niya ang pangalan ng tumatawag. Tumingin naman si Astrid sa kanya at nakita ang ekspresyon nito. "Bakit?" Tanong niya dito. "I need to answer this call muna, it won't take long." Sagot naman ni Tristan dito, habang sinusuot niya ang maskara niya. Tumango naman si Astrid, at nagpatuloy na makipaglaro kay Theo. Naglakad na siya papunta ng pinto, at lumabas. Inangat niya ang kamay niya na hawak-hawak ang cellphone. Pumalatak siya, at sinagot ang tawag. [Cousin! Why did you take so long to answer my call?] "I'm at the hospital, why are you calling?" Narinig nito na umangal pa ang pinsan niya na napaka sungit talaga nito. [Is that how you talk to your cousin, that you haven't seen for almost 4 years?! You hurt my feelings, cousin.] Sabay umarteng um
[Come on now, Cousin. The clock is moving. I need an answer.] Pagmamadali ni Julia kay Tristan. Sinuntok naman ng malakas ni Tristan ang camera na nasa harap niya. Nabarag ang camera, nahulog ang lens at buong camera malapit sa paanan ni Tristan. Sabay winagayway niya ang kamao niyang may dugo. "Yeah. I'll go. I'll make sure to destroy you" Biglang bumukas naman ang pinto, si Astrid ay hawak-hawak ang pihit ng pinto, at sa kabilang kamay nito ay hila-hila niya ang lalagyam ng iv drip. Sa tabi naman niya ay si Theo na nakahawak sa likod ng damit niya. Narinig nila ang malakas na pagsuntok kanina ni Tristan sa pader kung nasaan ang kanina lang na nakalagay na camera. Nanlaki agad ang mata ni Astrid nang makita niya ang duguan na kamay nito. [Oh, what a bummer. Why did you destroy the camera? Do you even know how much that costs?] Pagiinarte nito, at mahigpit na kumuyom ang kamay ni Tristan. "Hoy, wag mo nang ganyanin lalo kamay mo! Anong nangyari diyan?! Bakit puro dugo na y
Agad na nag-iwas ng tingin ng lalaki, at umalis sa kanyang table. 'Hindi ako pwede mag-kamali. Siya nga yun! Ano nga ulit ang pangalan nung lalaking yun?' 'Kamag-anak pala sila ni Tristan? Pero bakit hindi siya kilala nito??' Maraming katanungan na naman ang pumasok sa maliit na kokote ni Astrid, at alam niyang ang makakasagot lang nito ay ang lalaki, kaya napag-isipan na niyang sundan ito at kausapin. Mula sa kanyang likuran, hindi pa niya napapansin ang nalalapit na lola ng kanyang asawa, kaya nung nakita nito na pag-tayo ng dalaga, binilisan ng matanda ang pag-lapit sa kanya. Bago pa makalayo si Astrid, kinalabit na agad niya ang dalaga, kaya napalingon ito sa likuran niya, at laking gulat niya nang makita ang lola pala ito ng lalaking kasama niya. "Hello, Mrs. Miller!" Agad na bati niya, at ngumiti ang matanda."Oh please, you can just call me however you want. Even mom is good. I'm sure you didn't have anyone to call one, so you can call me that." Matamis ang ngiti ng pinaki
Inangat agad ni Astrid ang sarili sa pagkakayuko, at inayos ang postura niya. "There. You look gorgeous, and a woman like you should be confident." At nginitian si Astrid, natutuwa na makitang paano nito iprisenta ang sarili. Kung kanina ay kabadong-kabado pa siya, tila nag-laho agad na parang bula yun. Dahil sa mga salitang nanggaling sa nakakatanda. 'Kailangan kong ipakita sa kanya ang gusto niya makita, kung gusto kong tumagal sa pag-papanggap ko bilang asawa nito. Lalo pa't ang iilang katanungan ko ay alam kong siya ang makakasagot.' "Thank you so much for the kind words. I almost forgot to show that I am confident due to the beautiful people I've met today." Mga bulungan ay biglang nag-bunga mula sa likod ng nakakatanda. Ngunit hindi siya nag-patinag, nanatili lang siyang tuwid ang likod, chin up, may ngiti sa mukha at nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito. Maging si Tristan ay nagulat sa mabilis na pag-babago nito, na gawa ng ilang salitang pag-pupuri na nan
"Of course, Tristan! Enjoy yourselves!" Malaking ngiti na sabi ng nakakatanda, at tumango si Tristan. Sinabit ni Tristan ang kamay ni Astrid sa elbow ni Tristan. Mabilis na tinalikuran nila ang dalawa, at tinungo ang side kung nasaan ang mga pagkain. "Are you okay?" Bulong ni Tristan sa kanya, tahimik na tumango si Astrid. "Oo, thank you. Hindi ko alam ano dapat sasabihin kanina." "It's fine. Hindi rin sila matatapos kakatanong kung ikaw yung mag-sasalita kanina." "Edi wag na lang ako mag-sasalita buong party?" Napabuntong hininga si Tristan sa sinabi nito. "Of course not. Pipi ka ba para di mag-salita?" "Hindi. Pero ang hirap naman kasi pakisamahan ng mga tao dito." Tumango si Tristan sa sinabi nito, "That I could agree with at least." "Edi-" Hindi natapos ang sinabi ni Astrid nang sumabat agad ang kanyang asawa. "But that doesn't mean you won't talk." Sumimangot si Astrid sa nakuha niyang sagot, kaya bumitaw na si Astrid sa pagkakahawak niya sa braso ni Tristan,
Nang makapasok na sila, napanganga si Astrid nang makita ang loob. Alam niyang party ito ng mga mayayaman, ngunit ito ang unang pagkakataon na ay magiging parte nito. Napakalawak ng loob ng dome, isang napakalaking chandelier ang nasa gitna, maliwanag na nag-niningning. At dahil isang pabilog ang venue, napakalaking espasyo ang mayroon. Sa itaas na parte ay mayroong iilang bintana na paikot sa chandelier. Sa isang gilid makikita ang catering ng mga pagkaing handa para sa party, sa kabilang gilid ay makikita ang isang bar, sa sumunod na gilid ay isang photobooth, na mayroong nang gumagamit, katabi nito ay ang naglalalakihang mga speaker na napakalakas ng volume ng party music ay maririnig, ang soundwaves nito ay vumivibrate sa buong dome at sa gitna ay ang isang malaking bilog na lamesa. 'Tas itong party na ito ay para sa isang welcome party na ginanap lang para sa sarili niya?' Hindi makapaniwalang isip ni Astrid habang diretso ang tingin sa pinsan ng kanyang asawa na busy
Maliksi niyang iniwasan ni Ban ang mga lumilipad na bala sa kanyang direksyon, habang mabilis na nagpaputok pabalik ng mga bala. Tatlo sa mga ito ay natamaan sa balikat, paa, at kamay. Tahimik na natawa si Ban sa nakuha niyang reaksyon galing sa mga ito, at ngumisi. "I'll make sure to return all of you to your master how she usually likes, bloodied." Matapos sabihin ang mga katagang ito, sumugod siya sa kanyang mga kalaban, puno ng masayang ningning sa mata nito, nakatutok ang baril sa kanila. Sa loob ng limang segundo, bumagsak ang tatlo sa lapag ng malakas, at gaya ng sinabi ni Ban kanina, lubhang nagdurugo ang mga natamo nilang sugat galing sa lalaki. Nanginginig ang kamay ng isa sa mga na baril ni Ban na may malay pa, pilit na inaaabot ang baril na hindi kalayuan sa kanya. Ngunit napahiyaw ito sa sakit ng naramdaman niya nang maaapakan ang kamay niya. Diniinan pa lalo ni Ban ang pagapak niya, "Sorry. We can't have you shooting aimlessly anymore, don't you know how
๐๐ข๐ต๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ช๐จ๐ถ๐ณ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ-๐ต๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐จ-๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฌ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐จ๐ช๐ต๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ญ๐ข๐บ๐จ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ฅ. ๐๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐จ-๐ฌ๐ฌ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ต๐ข๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฉ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ช๐ต ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ญ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ค๐ฉ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐จ. โ๐ฉ๐ข!โ โ๐๐ข๐ฅ๐ข๐บ๐ข ๐ฌ๐ข! ๐๐ช๐ฎ๐ฆ ๐ง๐ช๐ณ๐ด๐ต ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฆ๐ฉ!โ โ๐๐ข๐ญ๐ช๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ฏ๐ข, ๐๐ถ๐ค๐ข๐ด. ๐๐ข๐ฌ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข ๐ฑ๐ข๐ถ๐ธ๐ช๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐บ๐ฐ.โ ๐๐ถ๐ฏ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ด๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ, ๐ข๐ต ๐ข๐ด๐ข๐ณ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ณ๐ช๐ณ๐ช๐ฏ๐ช๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ญ๐ข๐บ๐จ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฅ๐ถ๐ญ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ญ๐ข๐บ๐จ๐ณ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ฅ, ๐ฎ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ-๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ฐ ๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฅ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ต๐ญ๐ฐ. โ๐๐ช?
โJulia.โ Tipid na tawag ni Tristan dito. Tahimik na inikot ni Astrid ang mga mata niya sa kung nasaan sila. Nasa isang napakalawak na garden sila, nakapaligid ang mga lamesa at upuan sa iba't-ibang bahagi nito. Sa hindi kalayuan makikita ang isang malaking dome, mukhang dito gaganapin ang sinasabi ng asawa niya na masquerade ball, sa harap ng pintuan dalawang butler ang nakatayo, sa gitna nila ay may isang red carpet. Sa kanilang harapan ay isang napakagandang maputi na blondina, naka-pulang makinang na wrap-up dress, ang dibdib nito ay hindi gaanong natatago, at isang mahabang slit na umabot hanggang sa thighs niya, pinapakita ang maputi at makinis na balat nito. Napakaraming suot na gold jewelry, at high-heels na kulay gold din. Sa unang tingin alam nang isang mayaman ang babaeng ito, ngunit hindi halata na isang baliw na mahilig sa mga aktibidad na nag-aagaw buhay ang mga tao. Nasa likod niya ay iilan na mga taong nakapormal ang mga suot, at iilan din na hindi maintindihan a
Barilan, habulan, iwasan.Ayan ang naging byahe nila Astrid papunta sa party.Sa gitna ng kanilang byahe, bigla na lang may nag-paputok ng baril sa sinasakyan nila, at mabilis na kumilos ang dalawang lalaking kasama niya para lumaban.Andaming butas ng bintana ng likurang pinto, at harap na salamin ng sasakyan.Ilang mga bala ang natamo ng dalawang kasama niya mula sa kanina pa nilang pakikipagbakbakan sa mga taong nakasunod sa kanila.Dahil sa suot nilang mga balot na kulay itim, at itim na face mask na madalas makitang suot ng mga holdaper, hindi malaman ni Tristan kung sino ang nag-utos sa mga ito.Puno ng kaba ang itsura ni Astrid habang hinaharangan ang sarili sa upuan, takot na baka masalo niya ang isa sa mga bala na pinapuputok ng kotseng nasa likuran nila. โSino ba yang mga yan?! Hanggang dito nakaabot sila!โ โIt must be one of Julia's schemes. Or the other subordinates of the spies from the airport.โ Walang emosyong ani Tristan, habang dumungaw sa bintana at nag-paputok pab
โTristan, this is what Astria is going to where! You should at least wear the same colored tie to match with her!โ Nag-salubong ang kilay ni Tristan sa narinig niya.โNo.โ Tipid na sagot niya, habang inaaayos ang sarili.Madramang sumigaw si Astria, pinipilit ang lalaki na bagayan ang suot ng kanyang asawa.Kasalukuyan na silang nag-hahanda dahil dalawang oras na lamang at pupunta na sila sa masquerade ball na gaganapin ng pinsan ni Tristan.At dahil hindi kasama si Theo at Astria, maiiwan sila sa condo kasama ang mag-kapatid bilang mga taga-bantay nila.At si Luigi naman at ang kasama ng mag-asawa papunta sa ball.Isang makinang na purple elegant ruched side slit, off shoulder dress ang suot ni Astrid, ang kanyang buhok ay naka messy bun, na may mga ligaw ng hibla ng buhok niya na nakakulot sa gilid ng mukha niya.โAng ganda mo, madam!โโYou look stunning.โSabay na pag-bibigay puri ng mag-kapatid, โBakit kaya namumula tong si Ban? May sakit ba to?โ tinignan ng mabuti ni Astrid ang m