Habang nag-tatawanan sila, biglang ni Tristan mula sa bulsa niya, nagvvibrate ang cellphone niya. Mabilis na kinuha ito ni Tristan para tignan ang dahilan ng pag-vibrate nito. Nang buksan niya, kumunot ang kilay niya ng makita niya ang pangalan ng tumatawag. Tumingin naman si Astrid sa kanya at nakita ang ekspresyon nito. "Bakit?" Tanong niya dito. "I need to answer this call muna, it won't take long." Sagot naman ni Tristan dito, habang sinusuot niya ang maskara niya. Tumango naman si Astrid, at nagpatuloy na makipaglaro kay Theo. Naglakad na siya papunta ng pinto, at lumabas. Inangat niya ang kamay niya na hawak-hawak ang cellphone. Pumalatak siya, at sinagot ang tawag. [Cousin! Why did you take so long to answer my call?] "I'm at the hospital, why are you calling?" Narinig nito na umangal pa ang pinsan niya na napaka sungit talaga nito. [Is that how you talk to your cousin, that you haven't seen for almost 4 years?! You hurt my feelings, cousin.] Sabay umarteng um
[Come on now, Cousin. The clock is moving. I need an answer.] Pagmamadali ni Julia kay Tristan. Sinuntok naman ng malakas ni Tristan ang camera na nasa harap niya. Nabarag ang camera, nahulog ang lens at buong camera malapit sa paanan ni Tristan. Sabay winagayway niya ang kamao niyang may dugo. "Yeah. I'll go. I'll make sure to destroy you" Biglang bumukas naman ang pinto, si Astrid ay hawak-hawak ang pihit ng pinto, at sa kabilang kamay nito ay hila-hila niya ang lalagyam ng iv drip. Sa tabi naman niya ay si Theo na nakahawak sa likod ng damit niya. Narinig nila ang malakas na pagsuntok kanina ni Tristan sa pader kung nasaan ang kanina lang na nakalagay na camera. Nanlaki agad ang mata ni Astrid nang makita niya ang duguan na kamay nito. [Oh, what a bummer. Why did you destroy the camera? Do you even know how much that costs?] Pagiinarte nito, at mahigpit na kumuyom ang kamay ni Tristan. "Hoy, wag mo nang ganyanin lalo kamay mo! Anong nangyari diyan?! Bakit puro dugo na y
"Welcome party?? Dapat bang kasama ako, hindi ko nga kilala mga pinsan mo." Napabuntong hininga si Tristan, wala naman talagang balak ito na pumunta—kung hindi lang siya napilitan. "I honestly don't want to go either." Pagod na saad niya, tinaasan naman ng kilay ni Astrid ito. Habang pinakakain niya si Theo ng biscuit niya, dahil hawak-hawak niya ang kanyang ipad, pokus sa pinapanood niyang sprunki. "Ayaw mo pala eh, bakit ka pumayag?" "She forced me. And I need to know about some things." Pakiramdam ni Astrid hindi buo ang sinasabi sa kanya nito, bakit ayaw pa nitong banggitin sa kanya? Mukha ba siyang hindi makakaintindi? Pinagkrus ni Astrid ang mga braso niya, maingat sa kamay niyang may swero, at tumingin sa asawa niya. "And why do I get the feeling you're not telling me everything?" Naestatwa naman sa kinauupuan nito si Tristan. Kapag nag ingles na ang asawa niya, kailangan nitong sabihin ang totoo. Hindi madalas ito mag ingles, kaya pag nangyari na iyon kailangan
Ilang minuto na nagkakatok si Theo kasama ang nakakatanda nitong kapatid sa pinto ng cr, kung nasaan si Astrid. Habang si Astrid ay tahimik lang na nakaupo sa sahig, malalim ang iniisip. Marami siyang hindi maintindihan na bagay, na alam naman din niyang kailan man ay hindi masasagot ng sino man. Lalo sa araw na ito, na isang impormasyon na sigurong ay hindi niya dapat itinanong—na hindi na lang niya sana narinig ang sagot. Sa puntong yun, ginugusto na lang niya na mawala. Na kainin na lamang siya ng lupa, at wala naman siyang lugar para sa mundong ito. Para lang siyang ibinuhay dahil ang magiging kapalaran lang rin niya din naman ay mamamatay. Kaya lang naman siya nakaligtas sa dapat na kapalaran niya ay dahil isang milagro ang nangyari, na mapunta ang katawan niya sa babaeng minamahal ng kanyang napakasalan. Baka nga kung hindi man naalis ang kaluluwa niya sa dating katawan ay kahit kailan, ay kikitain na siya ng kamatayan. Kung dati nag-papasalamat pa siya na nabuha
"Tris, kailan pala yung party?" Tanong ni Astrid dito, habang puno pa ang bibig niya ng pagkain na pinabili niya. Ang paborito niyang fries, at coke float. Habang si Tristan ay tinignan siya, at ang ekspresyon nito ay hindi mawari. Hindi niya inaaasahan na mayroon din palang ganitong side ang babae, ngayon lang niya nakita. "5 days from now." Tumango naman si Astrid, at masaya na kumain ulit, at sinubuan pa si Theo at busy ito sa paglalaro sa kanyang ipad. "Hey, careful. No one is going to eat your food." Pag-papaalala ni Tristan dito, at sobrang bilis nitong kinakain ang pagkain niya, na para bang may kung sinong aagaw nito. Nilunok naman ni Astrid ang kinakain, bago nagsalita. "Edi pwede na ako idischarge? Kailangan pa natin bumili ng gift, tas damit mo at damit ko diba?" Tumaas naman kilay ni Tristan, nag-taka sa tinanong nito. "Why would we need to buy a gift?" Kung siya lang ay tatanungin, wala itong balak na bilhan ng regalo ang bruha nitong pinsan. Lalo pa at pagtapos n
Matapos lumabas ni Tristan, tahimik ang buong paligid sa loob ng kwarto. Ang kanina lamang na malakas na volume ng ipad ni Theo ay hindi na narinig ni Astrid. Blanko na lamang siyang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang asawa niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, bakit bigla na lang ito nagbago dahil sa isang text na nabasa niya. Hindi man niya alam kung ano ang nilalaman ng mensaheng iyon, ngunit halata naman na dahil doon nagbago bigla ang asawa niya. Pinagkukutkot na ni Astrid ang kuko ng bawat isang daliri niya, ang mga mata niya ay nakadikit lamang sa pintuan. Nananalangin na biglang pumasok ang lalaki sa loob, at sasabihan siya na biro lamang ang lahat ng sinabi niya kanina. At susuyuin siya dahil sa ginawang prank nito na hindi nakakatawa. Hindi siya mapakali, gusto niyang malaman kung ano ang naging rason sa biglang pagbabago bg asawa niya. Tungkol saan kaya ang mensaheng natanggap ng lalaki? Tungkol ba iyon sa babae? Sa mahal niyang tunay?
Sa wakas, at nakadischarge na si Astrid. Nag-inat siya ng kanyang mga braso at katawan. Pagtapos naglakad siya papapasok ng cr upang linisan ang sarili at magpalit ng damit. Mamaya ay susunduin siya ni Theo, at ang nakatokang bantay nito. Sa loob ng apat na araw ng pagpapagaling ni Astrid, ni isang beses hindi na nagpakita o bumisita sa kanya si Tristan. Ang kapatid na maliit lamang nito ang pumupunta dito, para kamustahin ang lagay niya, sa tuwing bibisita ito kasama nito ang magkapatid na si Ban at Bandit, minsan naman si Luigi. Nagsasalit-salitan sila pag babantay sa batang kapatid ng kanilang boss. At dahil hindi alam ni Astrid kung nasaan, o anong ginagawa ng kanyang asawa, tinatanong niya sa mga taong sumasama kay Theo kung nasaan ang kanilang boss. Laging sagot na nakukuha niya sa mga ito ay: Nagkakamot ng ulo si Ban, at kung saan saan siya nag papalinga, "Si boss? Hindi ko po alam, madam.. Madalas rin namin siya hindi makita ng mga araw na ito." Sa tabi nama
"Tan! You're here!" Agad na nangunit noo ni Astrid sa narinig na boses, alam na alam niya kung kaninong boses ang bumati sa asawa niya. "Gising na pala siya?" Bulong ni Astrid sa sarili at sumilip ulit. Tama nga ang naisip niyang si Astria yun sa loob ng kanyang katawan ang bumati sa asawa niya. Mukhang maayos na ang lagay nito, napakalusog ng katawan niya, na para bang hindi ito nawalan ng malay ng ilang linggo. Nakita niyang hinalikan pa nito si Tristan sa pisngi, ngunit ang mas nakapagpabugla sa kanya, ay hindi na pala nito suot ang maskara niya. "Wala siyang suot na maskara? Totoo ba tong nakikita ko??" Bulong niya sa sarili habang pinanood ang dalawa na pumasok na sa loob ng kwarto. "Ibig sabihin ba non, alam ni Tristan na si Astria talaga ang nasa katawan ko?" Napasandal siya sa pader. Kahit na ito ang binabanggit niya ngayon—mas tumatak sa kanya na ang asawa niya ay bumibisita sa ibang babae, at hindi siya na asawa niya na nasa kaparehong floor lang. Ginulo ni A
“Julia.” Tipid na tawag ni Tristan dito. Tahimik na inikot ni Astrid ang mga mata niya sa kung nasaan sila. Nasa isang napakalawak na garden sila, nakapaligid ang mga lamesa at upuan sa iba't-ibang bahagi nito. Sa hindi kalayuan makikita ang isang malaking dome, mukhang dito gaganapin ang sinasabi ng asawa niya na masquerade ball, sa harap ng pintuan dalawang butler ang nakatayo, sa gitna nila ay may isang red carpet. Sa kanilang harapan ay isang napakagandang maputi na blondina, naka-pulang makinang na wrap-up dress, ang dibdib nito ay hindi gaanong natatago, at isang mahabang slit na umabot hanggang sa thighs niya, pinapakita ang maputi at makinis na balat nito. Napakaraming suot na gold jewelry, at high-heels na kulay gold din. Sa unang tingin alam nang isang mayaman ang babaeng ito, ngunit hindi halata na isang baliw na mahilig sa mga aktibidad na nag-aagaw buhay ang mga tao. Nasa likod niya ay iilan na mga taong nakapormal ang mga suot, at iilan din na hindi maintindihan a
Barilan, habulan, iwasan.Ayan ang naging byahe nila Astrid papunta sa party.Sa gitna ng kanilang byahe, bigla na lang may nag-paputok ng baril sa sinasakyan nila, at mabilis na kumilos ang dalawang lalaking kasama niya para lumaban.Andaming butas ng bintana ng likurang pinto, at harap na salamin ng sasakyan.Ilang mga bala ang natamo ng dalawang kasama niya mula sa kanina pa nilang pakikipagbakbakan sa mga taong nakasunod sa kanila.Dahil sa suot nilang mga balot na kulay itim, at itim na face mask na madalas makitang suot ng mga holdaper, hindi malaman ni Tristan kung sino ang nag-utos sa mga ito.Puno ng kaba ang itsura ni Astrid habang hinaharangan ang sarili sa upuan, takot na baka masalo niya ang isa sa mga bala na pinapuputok ng kotseng nasa likuran nila. “Sino ba yang mga yan?! Hanggang dito nakaabot sila!” “It must be one of Julia's schemes. Or the other subordinates of the spies from the airport.” Walang emosyong ani Tristan, habang dumungaw sa bintana at nag-paputok pab
“Tristan, this is what Astria is going to where! You should at least wear the same colored tie to match with her!” Nag-salubong ang kilay ni Tristan sa narinig niya.“No.” Tipid na sagot niya, habang inaaayos ang sarili.Madramang sumigaw si Astria, pinipilit ang lalaki na bagayan ang suot ng kanyang asawa.Kasalukuyan na silang nag-hahanda dahil dalawang oras na lamang at pupunta na sila sa masquerade ball na gaganapin ng pinsan ni Tristan.At dahil hindi kasama si Theo at Astria, maiiwan sila sa condo kasama ang mag-kapatid bilang mga taga-bantay nila.At si Luigi naman at ang kasama ng mag-asawa papunta sa ball.Isang makinang na purple elegant ruched side slit, off shoulder dress ang suot ni Astrid, ang kanyang buhok ay naka messy bun, na may mga ligaw ng hibla ng buhok niya na nakakulot sa gilid ng mukha niya.“Ang ganda mo, madam!”“You look stunning.”Sabay na pag-bibigay puri ng mag-kapatid, ‘Bakit kaya namumula tong si Ban? May sakit ba to?’ tinignan ng mabuti ni Astrid ang m
Nang nakuha na ni Astria ang mga gusto niya, dali-dali siyang pumunta sa loob ng iss mga fitting room. Tinapat niya ang mga gowns sa harap niya, at lumapad ang ngiti sa mukha nang tignan ang sarili sa harap ng salamin. Paulit-ulit niyang ginawa ito, hanggang sa natapos na siya, hindi na niya inabalang suotin pa ang mga ito at alam niyang hindi naman siya kasama sa mismong ball. Pinili niya lang ang mga ito para kay Astrid, dahil alam niyang ito ay first time ng babae, at dahil mas alam niya ang mga bagay para sa kanya, siya na ang namili para dito. Dahil siya naman talaga ang orihinal na Astria Santiago, at hindi siya papayag na hindi siya magiging maganda sa masquerade ball ng mga Miller. Napaka-bihirang okasyon nito na mangyayari, at kailangan maganda, magarbo, at maaalala siya sa okasyon na iyon, kahit pa ay hindi naman siya ang nasa katawan niya. Palabas na siya ng fitting room ng biglang nanikip ang kanyang dibdib, nalaglag ang mga hawak niya at napakapit siya sa dibdib niy
Malakas na tumili si Astria habang nagpaikot-ikot sa loob ng malaking boutique, magagarang mga ball gown, suits, formal shoes, alahas at iba pa ang mga naka-display sa loob. Hinigit ni Astrid si Tristan sa tabi, “Ang sabi mo masquerade party, bakit kailangan naka ganto?” Weird na tinignan ni Tristan ang babae, at mabilis na nawala rin dahil mukhang seryoso ito sa kanyang tanong. “I don't even know why you're asking me that, you've been to a lot of parties yourself that require these kinds of outfits, and dress codes.” Napabuntong hininga ni Astrid sa narinig, ‘Akala ko ba alam na nito ang totoong nangyari? Bakit parang tingin pa rin niya sa akin na ako ang totoong Astria?’ Pero binalewala na lang din ni Astrid ang kanyang iniiisip, at pinaintindi sa lalaki ang gusto niyang sabihin, “Pero pag-party kahit casual lang diba? Itong gantong mga suotin, hindi ba pang ball yan?” Sabay turo sa isang dress na puno ng mga palamuti. “Kung formal naman, hindi rin naman ganto ka gagara ang mg
Nakahinga na ng malalim si Astrid nang makalabas na sila ng airport.‘Sa wakas, sa dami ng pinagdaanan ko para lang marating tong Palawan na ito.’Tahimik lang siyang naglakad, nangunguna sa kanyang mga kasama.Samantalang nag-tinginan ang mga ito.Dali-daling sinundan ni Theo ang nakakatanda, “Tara, baka mawala pa sila.” Kinakabahang ani Ban, at sabay-sabay na rin silang sumunod sa mga ito.Agad na naramdaman ni Astrid na may humigit sa kanyang kamay, takot na napalingon siya sa kanyang likod.Tila bang nahigitan siya ng hininga dahil iniiisip niya ay baka ang mga spy na naman ito.Nabunutan ng tinik si Astrid nang makita na ang paborito niyang bata lang pala ito“Ikaw lang pala yan, Theo. Tinakot mo ako.” Nag-pout ang bata, “Sorry ate. You we're walking too fast earlier, I wasn't able to catch up with you.” Mabilis na nilingon ni Astrid ang kanilang mga kasama, na papalapit palang ang mga ito kung saan sila tumigil ni Theo.Hindi niya napansin na nauuuna na pala siya.“Sorry, hindi
“Madam? Anong nangyari sayo?”“Miss? Are you okay?”“What happened to ate?! Why does she look so pale? Is she sick? Ate? Are you okay?”“Theo, I think it’s best to leave your ate alone, for now.I’m sure she will be okay..”‘Magiging okay nga ba ako?’‘Baka mabaliw ako lalo kung iiwan niyo ako.’“Hey, don't worry. Tapos na, you don't have to shoot anyone anymore.”‘Shoot?’Nang narinig niya ang salitang shoot, napatingin siya sa baril na hawak hawak ng kanyang asawa, at nangilid ang mga luha.Nanlalabong paningin.Mabigat ang bawat pag-hinga, naninikip sa bawat hinga.Labis ang panginginig ng kanyang mga kamay, ‘Itong mga kamay ay nakapanakit ng tao….’‘Tama ba yung ginawa ko?’‘Paano kung kailangan ko na naman mag-hawak ng baril? Manakit ng tao?’“Galing ni madam kanina no? Parang natural lang sa kanyang gumamit ng shoot gun, angas eh.” Naramdaman ni Astrid ang mngilabot nang marinig niya ang sinabi ni Bandit.“Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na nga lang!”“Aray! Hind
Bago matamaan sila Luigi ng bala, natulak niya na ang mga ito, ngunit hindi niya naiwasan ang bala na parating. Dumaplis ito sa braso niya, napahawak siya rito pero patuloy pa rin sa pag-takbo. “Your arm is bleeding!” Malakas na sigaw ni Astria, at nilingon siya ni Luigi, gulat at inis ang nakikita sa itsura nito. “Stupid! Why did you do that?! I was ready to shield Theo anytime!” “Susuportahan mo pa ang boss mo mula sa plane, hindi pwedeng magalusan ka kung gusto mong kumpleto tayong makaalis dito.” Giniit ni Luigi ang mga ngipin niya. Tama ang sinabi nito, kaya hindi na siya nangontra pa. Konti na lang, at mararating na nila ang pintuan kung saan may dalawang flight attendant ang nag-aaabang sa kanila. May mga armas na hawak ito, at nakalahad ang parehong kamay nila upang tulungan sila Astrid makapasok agad sa loob. “1 minute before we close the doors, and go into flight.” Pagbibigay ng impormasyon ng isa sa kanila, habang nagtago upang iwasan ang putok ng baril na nakatu
“What's happening, kuya? Ate? I'm scared.” Puno ng panginginig ang boses ni Theo, isang malakas na putok na naman ang maririnig mula naman sa loob na pinanggalingan nila.“Shh. It's okay, stay close kay Ate at Kuya ha? You're not alone.” Mabuti at katabi nito si Astria, kahit na halata din sa mukha at boses nito ang takot.Lumingon si Astrid sa direksyon ng kanyang asawa, nakatanggal na ang maskara. Ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya ni Bandit na hindi bumukas ang pinto, “Anong nangyayari, Tristan.” “I'll explain later-” Naputol ang kanyang sinasabi nang may dumaplis na bala malapit sa kanyanh pisngi.Agad na napaupo siya, at hinawakan ang sugat na may dumadaloy nang dugo.“Right now, we need to get inside the plane first.”Maingay ang paligid, malalakas ang sigaw ng mga sibilyan na nag-uunahan upang makapasok ng eroplano.Habang may mga guard na hinahanap ang mga taong responsable sa pamamaril.“Anong plano mo? Para kahit papaano alam namin paano kikilos, at maiwasan ang dapat