Nang imulat ni Astrid ang mga mata niya, unang tumambad sa kanya ang isang puting kisame. Iniikot naman niya ang mga mata niya, nasa ospital pala siya. Buong akala niya bago siya mawalan ng malay ay iuuwi na sila. Agad niyang hinanap si Theo nang maaalala niya na kasama niya ito kanina, walang tao sa loob ng kwarto maliban sa kanya. Kinapkapan niya ang sarili kung nasaan ang cellphone niya dahil hindi naman siya pinalitan ng damit. Nang kapkapin niya ang kanyang bulsa, iba naman ang nakuha niya. Papel. Nagtaka si Astrid kung ano ito, at binuklat. Number at address lamang ang nakalagay dito, saka niya naaalala ang nangyari bago sila makalabas sa loob ng kwarto kung saan sila kinulong ng kung sino man ang kumidnap sa kanila ni Theo. Napatitig naman si Astrid dito. 'Kontakin ko ba siya? Paano kung nagpapanggap lamang siya? Wala naman akong nabasa na tungkol sa kanya sa mga isinulat ni Astria...' 'Ngunit, baka wala nang susunod pa na pagkakataon. Siya palang ang nakaka
"Astrid?" Agad na rinig ni Astrid na tawag ng kanyang nanay pagkabukas niya ng pinto pagpasok ng kanilang bahay. "Ako nga po." Nilakasan niya ang kanyang boses upang marinig siya ng kanyang nanay na alam niyang nasa loob ng kanilang kusina. "Halika rito sa kusina, may mahalaga akong sasabihin." Agad nagtaka si Astrid sa sambit ng kanyang nanay. Napagtanto nito na baka natalo nanaman sa sugal ang kanyang nanay, at nagtungo na sa kusina. "Mabuti naman at nakauwi ka ng ligtas." Nag-taka si Astrid, dahil mabait ito kausap ngayon. 'May kailangan siguro to, kaya ambait kausap ngayon.' Tumango ito. "Ano po pala sasabihin mo nay?" Tumigil ito sa ginagawa niya. "Oo nga pala. Bukas kikitain natin ang pamilya ng mapapangasawa mo." Agad na pinaulit ni Astrid at baka siya ay namali lang ng narinig. "Ikaw ay mag papakasal, kikitain natin bukas ang pamilya, at ang mapapangasawa mo." Maikling inulit ng kanyang nanay, na para bang wala lang ito sa kanya. "Ano?! Ipapakasal mo ako?! At kan
Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng matanda at agad na tumayo si Astrid para magtanong sa waiter kung nasaan ang kanilang cr. Nang makapasok na siya sa loob agad niyang tinignan ang sarili sa salamin. Lalo siyang nagulantang nang makitang ibang muka ang makita niya. "Sino to?!" Malakas na sigaw niya at hinawakan ang salamin. "Patay na ba ako?! Hindi ko muka itong nasa salamin!" Mabuti na lamang at ang cr ng restaurant na ito ay pang isang tao lamang na gagamit. "Pero natulog lang naman ako? Paanong nangyari yun na ibang tao nako?!" Hindi makapaniwala sa kung anong nangyayari sa kanya ngayon. "Wala din si nanay dito, imposibleng pumayag yun na hindi siya kasama sa plinano niya?" Napasabunot siya sa kanyang sarili. Nasa lugar siya na hindi niya alam, hindi niya kilala ang kanyang kausap, at mukhang ang kanyang kaluluwa ay nasa katawan ng ibang tao. "Lord alam ko namang hindi ako ang favorite mo, pero bakit naman ganto ang nangyayari sa akin ngayon?" Nangingiyak na dasal niya
"Astria iha! Kamusta ka? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Agad namang tanong nito sa dalaga. Tumango naman si Astrid at ngumiti dito. "Opo. Gusto ko lang po humingi ng paumanhin sa iyo po sa inasal ko po kanina, pasensya po." Agad naman pinaupo siya ng lalaki. "It's okay iha. I understand na this could be overwhelming sayo, kaya I want to apologize din." Sambit nito kay Astrid, na agad naman nakapag palumbang ng kanyang loob. "Bago ang lahat, gusto ko lang din po itanong. Anong petsa po pala ang binanggit mo kanina, at anong sakit po ang sinasabe mo? Upang maunawaan ko naman po ang nangyayari." Nag-dalawang isip naman ang nakatatanda bago mag-salita. "Sigurado ka ba? Ayokong biglain ka na naman." Tumango agad si Astrid, kahit pa na may pag aaalinlangan pa, sinabi na lang din ni Timothy sakanya. "Bale ang magiging petsa ng inyong kasal ng aking anak ay January 15th, ayos lang ba sayo yun?" Tumango naman si Astrid. 'Kahit naman sabihin kong ayos lang, wala naman ako magagawa. Hindi
Walang nakuhang sagot pabalik si Timothy mula sa kanyang anak. Minsan talaga hindi na niya maintindihan kung paano niya ba pakikitunguhan ng maayos ang anak niya. "You won't even greet your own father?" Nakarinig siya ng malalim na pag-hinga nito. "You do know that I'm busy, and made that clear before you left to go to your appointment." Pag-susungit nito, mahinang natawa naman ang kanyang tatay. "Tapos tatawa ka lang diyan pagtapos mo akong istorbuhin sa ginagawa ko. Ano ba yang sasabihin mo?" Nakangiting umiiling si Timothy. "Sungit mo kahit kailan. Alam kong lalo mo din akong susungitan pag-narinig mo ang sasabihin ko." Tumahimik naman ito sa kanyang narinig. Inaaantay na ituloy ng kanyang tatay kung ano man ang mahalagang balita na sasabihin nito. Ngunit masama na agad ang kutob na nararamdaman nito sa kung ano man ang balitang yun. "Go on. Tell me." Pag-udyok niya. "Naka maskara ka na naman ba? I can't even comprehend properly what you're saying, it's muffling your voice
"Miss Astria! Ano pong ginagawa mo diyan? Halika hatid na po kita sa loob, nag aantay na din po si ate Bebang sa pinto upang samahan ka po papunta sa iyong kwarto." Napatingala naman si Astrid dito, at nakitang hinihingal pa ang driver. "Nako! Pasensya po." Agad na pag-hingi ng paumanhin ni Astrid dito. Ngumiti lamang ang driver sa kanya, at sinenyasan siyang sumunod. Pinagpagan niya ang sarili niya bago tumayo, mahigpit ang hawak sa handbag na dala niya. Pagkarating nga nila sa tapat ng pinto, may nag-aantay na babae sa kanila doon. May kaedaran na din ito, at napagtanto niyang baka ito ang sinasabing ate Bebang ng driver kanina. "Salamat Rigor sa paghatid kay Miss Astria sa pinto." Tumango naman ang driver na kasama niya, at nag-paalam na aalis na. Nung pababa na ito, saka naman siya tinawag ni Ate Bebang upang pumasok na sa loob, at agad na napamangha siya sa ganda ng loob ng mansion. "Base sa iyong kinikilos, batid ko po ay nakalimot ka na naman po Miss Astria?" Tumango nam
Maririnig ang mga matitinis na huni ng ibon, at sa loob ng mansion ng mga Santiago makikita naman si Ate Bebang na dali-daling umakyat papunta sa kwarto ng kanyang alaga. Malakas na kumatok ito, ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya nag-pasiya na siyang pumasok sa loob at may importanteng biglaang lakad si Astria. "Miss Astria, gising ka na po." Pag-tawag niya dito. "Miss Astria, kailangan mo na pong gumising." Ngayon naman mahina niyang niyugyog ito, at nakita niyang paunti-unti na siyang nagigising. Agad na kumunot ang kanyang mga kilay nang maramdaman na ni Astrid ang liwanag. "Gising ka na po, kailangan mo na pong kumilos at mag-ayos." Pag-mamadali ni Ate Bebang sa kanya, dahil antok pa si Astrid mahina itong sumagot ng '5 minutes pa po ate' na malinaw na narinig ni Ate Bebang. "Nako! Hindi po puwede Miss Astria! Kailangan mo na pong kumilos at bibisita dito ang mapapangasawa mo po at si Mr. Miller na tatay niya!" Agad naman napabalikwas si Astrid sa kanyang narinig.
"So, you both agree with the date?" Tanong ni Timothy sa dalawa, nakikita man ang pag-aalinlangam ni Astrid tumango pa din ito. Ang kanyang anak naman ay naka-krus lamang ang dalawang braso, at kahit hindi nakikita ang mukha nito gawa sa suot niyang maskara, ramdam na nito ang irita. "Do I have any choice? None." Supladong sagot niya sa kanyang tatay. Matapos ang humigit isang oras na pag-papaliwanag tungkol sa kung bakit kailangan agahan ang kasal nila, nag-tagumpay naman siya. Napabuntong-hininga na lang ang matanda, ang importante ay napapayag niya ang dalawa. Samantalang si Astrid naman ay tahimik lang sa harapan nila, malalim ang iniiisip. Napansin naman ito ng matanda, at sumimangot. Hindi naman niya kagustuhan ang paagahin ang kasal nila, naiiintindihan niya na mahirap na bagay ang pinasubo niya sa kanila. "Pasensya na kayong dalawa kung nabigla ko kayo, ngunit kailangan ko itong gawin." Pag-hihingi paumanhin nito sa dalawa. Tumingin si Astrid sa binata, hindi
Nang imulat ni Astrid ang mga mata niya, unang tumambad sa kanya ang isang puting kisame. Iniikot naman niya ang mga mata niya, nasa ospital pala siya. Buong akala niya bago siya mawalan ng malay ay iuuwi na sila. Agad niyang hinanap si Theo nang maaalala niya na kasama niya ito kanina, walang tao sa loob ng kwarto maliban sa kanya. Kinapkapan niya ang sarili kung nasaan ang cellphone niya dahil hindi naman siya pinalitan ng damit. Nang kapkapin niya ang kanyang bulsa, iba naman ang nakuha niya. Papel. Nagtaka si Astrid kung ano ito, at binuklat. Number at address lamang ang nakalagay dito, saka niya naaalala ang nangyari bago sila makalabas sa loob ng kwarto kung saan sila kinulong ng kung sino man ang kumidnap sa kanila ni Theo. Napatitig naman si Astrid dito. 'Kontakin ko ba siya? Paano kung nagpapanggap lamang siya? Wala naman akong nabasa na tungkol sa kanya sa mga isinulat ni Astria...' 'Ngunit, baka wala nang susunod pa na pagkakataon. Siya palang ang nakaka
"Anong kailangan mo samin? Siguraduhin mo na ready kang makulong pag nahanap na kami ng asawa ko." Pananakot ni Astrid dito, ngunit wala ito naging epekto. Ngumiti pa ito ng malaki at lumapit sa kanya. "Kung mahuhuli niya ako. Eh ikaw? Are you not afraid to be found out? That you're not the person who he thinks is?" Nagulat ito sa sinabi niya, tumingin ng masama dito. Literal ba ang sinasabi nito? O may iba pa itong ibig sabihin? O baka pananakot lang? "Of course mahuhuli ka. Sisiguraduhin kong mahuhuli ka." Napasipol ang lalaki at tumawa. "Siguraduhin mo ring hindi ka mahuhuli. Hindi mo ba naisip kung anong gagawin pag nalaman niya na.." Wala nang lalakaran palayo si Astrid, kaya nakadikit na likod niya sa bintana. Habang hawak-hawak niya si Theo, mabuti na lamang at nakatulog ito. "You're not Astria." Bulong nito sa tenga niya at lumayo upang tignan ang maging reaksyon ng babae."Who are you?"Parang binuhusan ng tubig na puno ng yelo si Astrid sa narinig niya. Hindi niya ala
'𝘔𝘰𝘮, 𝘋𝘢𝘥! 𝘐𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘱𝘳𝘦𝘵𝘵𝘺 𝘩𝘦𝘳𝘦, 𝘤𝘢𝘯 𝘸𝘦 𝘴𝘵𝘢𝘺 𝘢 𝘣𝘪𝘵 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘭𝘰𝘯𝘨𝘦𝘳!' 𝘒𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘶𝘱𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘦𝘥𝘨𝘦 𝘯𝘨 𝘤𝘭𝘪𝘧𝘧. 𝘗𝘪𝘯𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘴𝘥𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘶𝘣𝘰𝘨. 𝘔𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢-𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘵𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢. '𝘖𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦. 𝘖𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘧𝘦𝘸 𝘮𝘪𝘯𝘶𝘵𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘰𝘶𝘨𝘩, 𝘪𝘵'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘩𝘢𝘳𝘥 𝘵𝘰 𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦 𝘣𝘢𝘤𝘬 𝘥𝘰𝘸𝘯 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘪𝘵 𝘨𝘦𝘵𝘴 𝘥𝘢𝘳𝘬.' 𝘗𝘢𝘨-𝘱𝘢𝘱𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢, 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘸𝘢 𝘯𝘪 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘪𝘢 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪 𝘥𝘪𝘵𝘰. 𝘒𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘬𝘰𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘸
Matapos ang ilang tawag, na laging hindi sinasagot ng pinsan, hindi maipinta ang mukha ng kanilang boss. Nang makita ni Luigi ito, agad na pinalitan ito ang contact number na tinatawagan. "Why did you change the number? Whose contact is that?" Ang burner na cellphone ang ngayong tinatawagan ni Luigi, itinaas nito ang salamin na suot niya at mula sa screen ng laptop nakikita niya ang madilim na tingin ni Tristan. Kung ang mga tingin ay nakakapatay, matagal na siguro siyang namatay sa sama ng tingin ng kanyang boss. "Burner phone ng pinsan mo po." Ngumiti naman si Tristan, at inantay na sagutin ito ng magaling niyang pinsan. [Hello? Danilo? Are you here at the building? I'm already inside.] Lalong umigting panga ni Tristan nang marining ang sinabi ng pinsan. "Sorry, it's not Danilo. Anyway, how are you dear Cousin?" Ramdam ang galit sa boses nito, ni isa sa mga kasama niya ay nagawang umimik. At mukhang pati ang kausap nito ay hindi nakaimik nang marinig niya kung sino an
Madilim na ang paligid, tahimik na tinignan ni Astrid ang labas. Puro puno ang makikita sa labas, sa madaling salita kasalukuyang nasa gubat sila. Lihim na tinignan ni Astrid ang cellphone, sinisigurong nasa pinaka mababa na level ang brightness nito. '7 na pala. Mahigit dalawang oras nang bumabyahe. Baka naiihi na tong si Theo, mabuti na lang at nakatulog siya.' Tinignan niya itong si Theo, at hinaplos ang kanyang mukha. Tumingin ulit siya sa cellphone niya, at napasinghal siya ng malalim. Walang makuhang signal ang cellphone niya kaya hindi niya matatawagan o masendan ng text ang kanyang asawa. Tinago niya muli ito sa loob ng damit niya, isinilid niya ito sa loob ng bra niya, at nilagay sa tagiliran niya upang natatago ito ng braso niya. Kahit na kapahamakan na ang lumapit sa kanila—sisiguraduhin niyang gagawin niya ang lahat, pprotektahan niya ito ng buong buhay niya. Niyakap niya muli ng mahigpit si Theo, at mabilis na tumingin sa harapan kung makikita na ba ang mukha
"Pacheck ang kapatid ko at asawa ko sa kotse, if they're safe. Keep a look out for someone suspicious." Tumango ang dalawa at lumabas na ng suite. Tinignan naman niya ang ginagawa ng nurse na pagpalit ng iv drip, at pag-check up sa kalagayan ng kanyang tatay. "How is he?" Pag-tanong ni Tristan, na may halong pangangamba sa boses nito. "Currently, he's okay. Ipapaexamine ko palang ang iv drip kung may nilagay ba dito, baka tomorrow pa po malaman." Tumango si Tristan, at nag-pasalamat sa nurse bago ito lumabas. Nang nakakasiguro na siyang wala nang tao, nilabas niya ang telepono at may tinawagan. Naka ilang ring din ito bago sumagot. [Who is this?! Busy ang tao!] Malakas na bulyaw nito na hindi pinansin ni Tristan. [It's me, Luigi.] Agad na natahimik ito nang marinig niya ang boses ni Tristan. [B-boss! Nako pasensya na, hindi ko alqm na ikaw pala ang tumawag! Anong mapag-lilingkod ko sayo?] Umikot ang mga mata ng binata sa mabilis na pagbago ng ugali nito. [May ibibigay
[Are you sure na walang kasama si Timothy Miller diyan?] [Yes, although there's a cctv camera here, pero magagawan naman po yan ng paraan.] [Inaaasahan kong magagawa mo ito ng hindi ka papalpak.] [Of course. Ako na ang bahala sir.] Binaba na nito ang tawag, at tumingin sa walang malay na Timothy Miller mula sa hidden camera na nilagay niya sa loob ng suite. "Nalalapit na ang oras mo, Miller." Matalim ang tingin dito, at pinaikot ang alak sa hawak nitong baso. Mabilis na linagok niya ito, at agad na naramdaman ang pait ng alak na iniinom niya. ----------------------- Si Astrid ay makikitang tumatakbo sa hallway ng 5th floor, ginagawa ang lahat na hindi makatams ng pasyente sa bawat hakbang na tinatahak niya para mahanap ang batang kasama niya kanina. Habang si Theo naman ay makikita na pinaglalaruan ang mga buttons sa loob ng elevator, siya lamang ang nasa loob ng elevator kaya nagawa niya pindutin ang mga floors na abot lamang ng kanyang tangkad. Mga nasa sampung f
Nang makapasok na sila sa loob, agad na tumabi ang dalawang guards na nasa loob. Isang malaking ngiti mula sa mukha ni Mrs. Guevarra ang bumungad sa kanilang dalawa, na masasabi ni Tristan na para sa kanya ang malaking ngiti nito. "Ikinagagalak kong makita ka, Sir Tristan. Sayang at hindi ka man lang nakilala ng anak ko, ang dapat na magiging asawa niya." Masayang bati ng nanay nito sa kanya. Tumingin naman si Tristan sa babaeng mahimbing ang tulog sa kama. Si Astrid Guevarra. Ang unang dapat na papakasalan ni Tristan kung hindi pumayag si Astria. Ang steady na heartbeat nito na minomonitor ng machine ang nag-bibigay ingay sa loob ng kwartong ito, pwera sa kanila. "And I'm not. Nanay ka ba talaga? Why would you kill your own kid?" Pabalang na sagot ni Tristan dito, na kinalungkot ng nakatatanda. "Grabe ka naman sakin, sir. Hindi ko naman papatayin anak ko. Una palang naman, binanggit na sakin ni Doc na 50% lang ang tyansa na magising pa ang anak ko." At akmang pinunasan a
Agad na naramdaman ni Astrid ang sarili na manginig. Hind niya akalain na makikita na naman niya ang taong ito, sa lahat ng pwede niyang makita pa muli sa bagong pagkatao niya na ito—sariling nanay pa niya sa huli niyang buhay ang makikita niya. "Teka, ibig sabihin ba non... Ang patient na binabanggit nila ay....." Napasandal si Astrid sa pader, nararamdaman ang sarili na manlambot ngunit pinipilit niya ang katawan niya na palakasin at kalong-kalong pa din niya si Theo na tulog pa din. Hindi na niya kailangan pumasok pa sa loob para kumpirmahin kung ang dating katawan ba niya ay naroroon. Kilala niya ang nanay niya, wala itong pakielam sa iba. Kung wala kang silbe sa kanya, madali ka lang nito itatapon na parang basura lang—Kahit pa na galing pa ito sa sarili niyang dugo. Alam niya kung gaano ito kabaliw sa pera—kaya hindi na siya magugulat kung ganoon nga ang ginawa niya. Ngunit hindi niya maiwasan na madissapoint dito, ngayon pa nga lang na coma palang ganon na ang bala