Agad na naramdaman ni Astrid ang sarili na manginig. Hind niya akalain na makikita na naman niya ang taong ito, sa lahat ng pwede niyang makita pa muli sa bagong pagkatao niya na ito—sariling nanay pa niya sa huli niyang buhay ang makikita niya. "Teka, ibig sabihin ba non... Ang patient na binabanggit nila ay....." Napasandal si Astrid sa pader, nararamdaman ang sarili na manlambot ngunit pinipilit niya ang katawan niya na palakasin at kalong-kalong pa din niya si Theo na tulog pa din. Hindi na niya kailangan pumasok pa sa loob para kumpirmahin kung ang dating katawan ba niya ay naroroon. Kilala niya ang nanay niya, wala itong pakielam sa iba. Kung wala kang silbe sa kanya, madali ka lang nito itatapon na parang basura lang—Kahit pa na galing pa ito sa sarili niyang dugo. Alam niya kung gaano ito kabaliw sa pera—kaya hindi na siya magugulat kung ganoon nga ang ginawa niya. Ngunit hindi niya maiwasan na madissapoint dito, ngayon pa nga lang na coma palang ganon na ang bala
Nang makapasok na sila sa loob, agad na tumabi ang dalawang guards na nasa loob. Isang malaking ngiti mula sa mukha ni Mrs. Guevarra ang bumungad sa kanilang dalawa, na masasabi ni Tristan na para sa kanya ang malaking ngiti nito. "Ikinagagalak kong makita ka, Sir Tristan. Sayang at hindi ka man lang nakilala ng anak ko, ang dapat na magiging asawa niya." Masayang bati ng nanay nito sa kanya. Tumingin naman si Tristan sa babaeng mahimbing ang tulog sa kama. Si Astrid Guevarra. Ang unang dapat na papakasalan ni Tristan kung hindi pumayag si Astria. Ang steady na heartbeat nito na minomonitor ng machine ang nag-bibigay ingay sa loob ng kwartong ito, pwera sa kanila. "And I'm not. Nanay ka ba talaga? Why would you kill your own kid?" Pabalang na sagot ni Tristan dito, na kinalungkot ng nakatatanda. "Grabe ka naman sakin, sir. Hindi ko naman papatayin anak ko. Una palang naman, binanggit na sakin ni Doc na 50% lang ang tyansa na magising pa ang anak ko." At akmang pinunasan a
[Are you sure na walang kasama si Timothy Miller diyan?] [Yes, although there's a cctv camera here, pero magagawan naman po yan ng paraan.] [Inaaasahan kong magagawa mo ito ng hindi ka papalpak.] [Of course. Ako na ang bahala sir.] Binaba na nito ang tawag, at tumingin sa walang malay na Timothy Miller mula sa hidden camera na nilagay niya sa loob ng suite. "Nalalapit na ang oras mo, Miller." Matalim ang tingin dito, at pinaikot ang alak sa hawak nitong baso. Mabilis na linagok niya ito, at agad na naramdaman ang pait ng alak na iniinom niya. ----------------------- Si Astrid ay makikitang tumatakbo sa hallway ng 5th floor, ginagawa ang lahat na hindi makatams ng pasyente sa bawat hakbang na tinatahak niya para mahanap ang batang kasama niya kanina. Habang si Theo naman ay makikita na pinaglalaruan ang mga buttons sa loob ng elevator, siya lamang ang nasa loob ng elevator kaya nagawa niya pindutin ang mga floors na abot lamang ng kanyang tangkad. Mga nasa sampung f
"Pacheck ang kapatid ko at asawa ko sa kotse, if they're safe. Keep a look out for someone suspicious." Tumango ang dalawa at lumabas na ng suite. Tinignan naman niya ang ginagawa ng nurse na pagpalit ng iv drip, at pag-check up sa kalagayan ng kanyang tatay. "How is he?" Pag-tanong ni Tristan, na may halong pangangamba sa boses nito. "Currently, he's okay. Ipapaexamine ko palang ang iv drip kung may nilagay ba dito, baka tomorrow pa po malaman." Tumango si Tristan, at nag-pasalamat sa nurse bago ito lumabas. Nang nakakasiguro na siyang wala nang tao, nilabas niya ang telepono at may tinawagan. Naka ilang ring din ito bago sumagot. [Who is this?! Busy ang tao!] Malakas na bulyaw nito na hindi pinansin ni Tristan. [It's me, Luigi.] Agad na natahimik ito nang marinig niya ang boses ni Tristan. [B-boss! Nako pasensya na, hindi ko alqm na ikaw pala ang tumawag! Anong mapag-lilingkod ko sayo?] Umikot ang mga mata ng binata sa mabilis na pagbago ng ugali nito. [May ibibigay
Madilim na ang paligid, tahimik na tinignan ni Astrid ang labas. Puro puno ang makikita sa labas, sa madaling salita kasalukuyang nasa gubat sila. Lihim na tinignan ni Astrid ang cellphone, sinisigurong nasa pinaka mababa na level ang brightness nito. '7 na pala. Mahigit dalawang oras nang bumabyahe. Baka naiihi na tong si Theo, mabuti na lang at nakatulog siya.' Tinignan niya itong si Theo, at hinaplos ang kanyang mukha. Tumingin ulit siya sa cellphone niya, at napasinghal siya ng malalim. Walang makuhang signal ang cellphone niya kaya hindi niya matatawagan o masendan ng text ang kanyang asawa. Tinago niya muli ito sa loob ng damit niya, isinilid niya ito sa loob ng bra niya, at nilagay sa tagiliran niya upang natatago ito ng braso niya. Kahit na kapahamakan na ang lumapit sa kanila—sisiguraduhin niyang gagawin niya ang lahat, pprotektahan niya ito ng buong buhay niya. Niyakap niya muli ng mahigpit si Theo, at mabilis na tumingin sa harapan kung makikita na ba ang mukha
Matapos ang ilang tawag, na laging hindi sinasagot ng pinsan, hindi maipinta ang mukha ng kanilang boss. Nang makita ni Luigi ito, agad na pinalitan ito ang contact number na tinatawagan. "Why did you change the number? Whose contact is that?" Ang burner na cellphone ang ngayong tinatawagan ni Luigi, itinaas nito ang salamin na suot niya at mula sa screen ng laptop nakikita niya ang madilim na tingin ni Tristan. Kung ang mga tingin ay nakakapatay, matagal na siguro siyang namatay sa sama ng tingin ng kanyang boss. "Burner phone ng pinsan mo po." Ngumiti naman si Tristan, at inantay na sagutin ito ng magaling niyang pinsan. [Hello? Danilo? Are you here at the building? I'm already inside.] Lalong umigting panga ni Tristan nang marining ang sinabi ng pinsan. "Sorry, it's not Danilo. Anyway, how are you dear Cousin?" Ramdam ang galit sa boses nito, ni isa sa mga kasama niya ay nagawang umimik. At mukhang pati ang kausap nito ay hindi nakaimik nang marinig niya kung sino an
'𝘔𝘰𝘮, 𝘋𝘢𝘥! 𝘐𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘱𝘳𝘦𝘵𝘵𝘺 𝘩𝘦𝘳𝘦, 𝘤𝘢𝘯 𝘸𝘦 𝘴𝘵𝘢𝘺 𝘢 𝘣𝘪𝘵 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘭𝘰𝘯𝘨𝘦𝘳!' 𝘒𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘶𝘱𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘦𝘥𝘨𝘦 𝘯𝘨 𝘤𝘭𝘪𝘧𝘧. 𝘗𝘪𝘯𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘴𝘥𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘶𝘣𝘰𝘨. 𝘔𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢-𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘵𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢. '𝘖𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦. 𝘖𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘧𝘦𝘸 𝘮𝘪𝘯𝘶𝘵𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘰𝘶𝘨𝘩, 𝘪𝘵'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘩𝘢𝘳𝘥 𝘵𝘰 𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦 𝘣𝘢𝘤𝘬 𝘥𝘰𝘸𝘯 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘪𝘵 𝘨𝘦𝘵𝘴 𝘥𝘢𝘳𝘬.' 𝘗𝘢𝘨-𝘱𝘢𝘱𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢, 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘸𝘢 𝘯𝘪 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘪𝘢 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪 𝘥𝘪𝘵𝘰. 𝘒𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘬𝘰𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘸
"Anong kailangan mo samin? Siguraduhin mo na ready kang makulong pag nahanap na kami ng asawa ko." Pananakot ni Astrid dito, ngunit wala ito naging epekto. Ngumiti pa ito ng malaki at lumapit sa kanya. "Kung mahuhuli niya ako. Eh ikaw? Are you not afraid to be found out? That you're not the person who he thinks is?" Nagulat ito sa sinabi niya, tumingin ng masama dito. Literal ba ang sinasabi nito? O may iba pa itong ibig sabihin? O baka pananakot lang? "Of course mahuhuli ka. Sisiguraduhin kong mahuhuli ka." Napasipol ang lalaki at tumawa. "Siguraduhin mo ring hindi ka mahuhuli. Hindi mo ba naisip kung anong gagawin pag nalaman niya na.." Wala nang lalakaran palayo si Astrid, kaya nakadikit na likod niya sa bintana. Habang hawak-hawak niya si Theo, mabuti na lamang at nakatulog ito. "You're not Astria." Bulong nito sa tenga niya at lumayo upang tignan ang maging reaksyon ng babae."Who are you?"Parang binuhusan ng tubig na puno ng yelo si Astrid sa narinig niya. Hindi niya ala
Agad na nag-iwas ng tingin ng lalaki, at umalis sa kanyang table. 'Hindi ako pwede mag-kamali. Siya nga yun! Ano nga ulit ang pangalan nung lalaking yun?' 'Kamag-anak pala sila ni Tristan? Pero bakit hindi siya kilala nito??' Maraming katanungan na naman ang pumasok sa maliit na kokote ni Astrid, at alam niyang ang makakasagot lang nito ay ang lalaki, kaya napag-isipan na niyang sundan ito at kausapin. Mula sa kanyang likuran, hindi pa niya napapansin ang nalalapit na lola ng kanyang asawa, kaya nung nakita nito na pag-tayo ng dalaga, binilisan ng matanda ang pag-lapit sa kanya. Bago pa makalayo si Astrid, kinalabit na agad niya ang dalaga, kaya napalingon ito sa likuran niya, at laking gulat niya nang makita ang lola pala ito ng lalaking kasama niya. "Hello, Mrs. Miller!" Agad na bati niya, at ngumiti ang matanda."Oh please, you can just call me however you want. Even mom is good. I'm sure you didn't have anyone to call one, so you can call me that." Matamis ang ngiti ng pinaki
Inangat agad ni Astrid ang sarili sa pagkakayuko, at inayos ang postura niya. "There. You look gorgeous, and a woman like you should be confident." At nginitian si Astrid, natutuwa na makitang paano nito iprisenta ang sarili. Kung kanina ay kabadong-kabado pa siya, tila nag-laho agad na parang bula yun. Dahil sa mga salitang nanggaling sa nakakatanda. 'Kailangan kong ipakita sa kanya ang gusto niya makita, kung gusto kong tumagal sa pag-papanggap ko bilang asawa nito. Lalo pa't ang iilang katanungan ko ay alam kong siya ang makakasagot.' "Thank you so much for the kind words. I almost forgot to show that I am confident due to the beautiful people I've met today." Mga bulungan ay biglang nag-bunga mula sa likod ng nakakatanda. Ngunit hindi siya nag-patinag, nanatili lang siyang tuwid ang likod, chin up, may ngiti sa mukha at nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito. Maging si Tristan ay nagulat sa mabilis na pag-babago nito, na gawa ng ilang salitang pag-pupuri na nan
"Of course, Tristan! Enjoy yourselves!" Malaking ngiti na sabi ng nakakatanda, at tumango si Tristan. Sinabit ni Tristan ang kamay ni Astrid sa elbow ni Tristan. Mabilis na tinalikuran nila ang dalawa, at tinungo ang side kung nasaan ang mga pagkain. "Are you okay?" Bulong ni Tristan sa kanya, tahimik na tumango si Astrid. "Oo, thank you. Hindi ko alam ano dapat sasabihin kanina." "It's fine. Hindi rin sila matatapos kakatanong kung ikaw yung mag-sasalita kanina." "Edi wag na lang ako mag-sasalita buong party?" Napabuntong hininga si Tristan sa sinabi nito. "Of course not. Pipi ka ba para di mag-salita?" "Hindi. Pero ang hirap naman kasi pakisamahan ng mga tao dito." Tumango si Tristan sa sinabi nito, "That I could agree with at least." "Edi-" Hindi natapos ang sinabi ni Astrid nang sumabat agad ang kanyang asawa. "But that doesn't mean you won't talk." Sumimangot si Astrid sa nakuha niyang sagot, kaya bumitaw na si Astrid sa pagkakahawak niya sa braso ni Tristan,
Nang makapasok na sila, napanganga si Astrid nang makita ang loob. Alam niyang party ito ng mga mayayaman, ngunit ito ang unang pagkakataon na ay magiging parte nito. Napakalawak ng loob ng dome, isang napakalaking chandelier ang nasa gitna, maliwanag na nag-niningning. At dahil isang pabilog ang venue, napakalaking espasyo ang mayroon. Sa itaas na parte ay mayroong iilang bintana na paikot sa chandelier. Sa isang gilid makikita ang catering ng mga pagkaing handa para sa party, sa kabilang gilid ay makikita ang isang bar, sa sumunod na gilid ay isang photobooth, na mayroong nang gumagamit, katabi nito ay ang naglalalakihang mga speaker na napakalakas ng volume ng party music ay maririnig, ang soundwaves nito ay vumivibrate sa buong dome at sa gitna ay ang isang malaking bilog na lamesa. 'Tas itong party na ito ay para sa isang welcome party na ginanap lang para sa sarili niya?' Hindi makapaniwalang isip ni Astrid habang diretso ang tingin sa pinsan ng kanyang asawa na busy
Maliksi niyang iniwasan ni Ban ang mga lumilipad na bala sa kanyang direksyon, habang mabilis na nagpaputok pabalik ng mga bala. Tatlo sa mga ito ay natamaan sa balikat, paa, at kamay. Tahimik na natawa si Ban sa nakuha niyang reaksyon galing sa mga ito, at ngumisi. "I'll make sure to return all of you to your master how she usually likes, bloodied." Matapos sabihin ang mga katagang ito, sumugod siya sa kanyang mga kalaban, puno ng masayang ningning sa mata nito, nakatutok ang baril sa kanila. Sa loob ng limang segundo, bumagsak ang tatlo sa lapag ng malakas, at gaya ng sinabi ni Ban kanina, lubhang nagdurugo ang mga natamo nilang sugat galing sa lalaki. Nanginginig ang kamay ng isa sa mga na baril ni Ban na may malay pa, pilit na inaaabot ang baril na hindi kalayuan sa kanya. Ngunit napahiyaw ito sa sakit ng naramdaman niya nang maaapakan ang kamay niya. Diniinan pa lalo ni Ban ang pagapak niya, "Sorry. We can't have you shooting aimlessly anymore, don't you know how
𝘛𝘢𝘵𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘭𝘪𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘱𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘵𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨-𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘣𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘵𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥. 𝘚𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘰𝘳𝘰𝘰𝘯, 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨-𝘬𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘯𝘤𝘩 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘭𝘢, 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘩𝘪𝘬𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨. “𝘩𝘢!” “𝘔𝘢𝘥𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢! 𝘛𝘪𝘮𝘦 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘯𝘨𝘢 𝘦𝘩!“ “𝘋𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢, 𝘓𝘶𝘤𝘢𝘴. 𝘉𝘢𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘶𝘸𝘪𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰.” 𝘗𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘢𝘴𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘪𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯. 𝘔𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘥𝘶𝘭𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘭𝘢𝘺𝘨𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥, 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘯𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘳𝘰𝘰𝘯, 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯𝘰𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘭𝘰. “𝘚𝘪?
“Julia.” Tipid na tawag ni Tristan dito. Tahimik na inikot ni Astrid ang mga mata niya sa kung nasaan sila. Nasa isang napakalawak na garden sila, nakapaligid ang mga lamesa at upuan sa iba't-ibang bahagi nito. Sa hindi kalayuan makikita ang isang malaking dome, mukhang dito gaganapin ang sinasabi ng asawa niya na masquerade ball, sa harap ng pintuan dalawang butler ang nakatayo, sa gitna nila ay may isang red carpet. Sa kanilang harapan ay isang napakagandang maputi na blondina, naka-pulang makinang na wrap-up dress, ang dibdib nito ay hindi gaanong natatago, at isang mahabang slit na umabot hanggang sa thighs niya, pinapakita ang maputi at makinis na balat nito. Napakaraming suot na gold jewelry, at high-heels na kulay gold din. Sa unang tingin alam nang isang mayaman ang babaeng ito, ngunit hindi halata na isang baliw na mahilig sa mga aktibidad na nag-aagaw buhay ang mga tao. Nasa likod niya ay iilan na mga taong nakapormal ang mga suot, at iilan din na hindi maintindihan a
Barilan, habulan, iwasan.Ayan ang naging byahe nila Astrid papunta sa party.Sa gitna ng kanilang byahe, bigla na lang may nag-paputok ng baril sa sinasakyan nila, at mabilis na kumilos ang dalawang lalaking kasama niya para lumaban.Andaming butas ng bintana ng likurang pinto, at harap na salamin ng sasakyan.Ilang mga bala ang natamo ng dalawang kasama niya mula sa kanina pa nilang pakikipagbakbakan sa mga taong nakasunod sa kanila.Dahil sa suot nilang mga balot na kulay itim, at itim na face mask na madalas makitang suot ng mga holdaper, hindi malaman ni Tristan kung sino ang nag-utos sa mga ito.Puno ng kaba ang itsura ni Astrid habang hinaharangan ang sarili sa upuan, takot na baka masalo niya ang isa sa mga bala na pinapuputok ng kotseng nasa likuran nila. “Sino ba yang mga yan?! Hanggang dito nakaabot sila!” “It must be one of Julia's schemes. Or the other subordinates of the spies from the airport.” Walang emosyong ani Tristan, habang dumungaw sa bintana at nag-paputok pab
“Tristan, this is what Astria is going to where! You should at least wear the same colored tie to match with her!” Nag-salubong ang kilay ni Tristan sa narinig niya.“No.” Tipid na sagot niya, habang inaaayos ang sarili.Madramang sumigaw si Astria, pinipilit ang lalaki na bagayan ang suot ng kanyang asawa.Kasalukuyan na silang nag-hahanda dahil dalawang oras na lamang at pupunta na sila sa masquerade ball na gaganapin ng pinsan ni Tristan.At dahil hindi kasama si Theo at Astria, maiiwan sila sa condo kasama ang mag-kapatid bilang mga taga-bantay nila.At si Luigi naman at ang kasama ng mag-asawa papunta sa ball.Isang makinang na purple elegant ruched side slit, off shoulder dress ang suot ni Astrid, ang kanyang buhok ay naka messy bun, na may mga ligaw ng hibla ng buhok niya na nakakulot sa gilid ng mukha niya.“Ang ganda mo, madam!”“You look stunning.”Sabay na pag-bibigay puri ng mag-kapatid, ‘Bakit kaya namumula tong si Ban? May sakit ba to?’ tinignan ng mabuti ni Astrid ang m