[Are you sure na walang kasama si Timothy Miller diyan?] [Yes, although there's a cctv camera here, pero magagawan naman po yan ng paraan.] [Inaaasahan kong magagawa mo ito ng hindi ka papalpak.] [Of course. Ako na ang bahala sir.] Binaba na nito ang tawag, at tumingin sa walang malay na Timothy Miller mula sa hidden camera na nilagay niya sa loob ng suite. "Nalalapit na ang oras mo, Miller." Matalim ang tingin dito, at pinaikot ang alak sa hawak nitong baso. Mabilis na linagok niya ito, at agad na naramdaman ang pait ng alak na iniinom niya. ----------------------- Si Astrid ay makikitang tumatakbo sa hallway ng 5th floor, ginagawa ang lahat na hindi makatams ng pasyente sa bawat hakbang na tinatahak niya para mahanap ang batang kasama niya kanina. Habang si Theo naman ay makikita na pinaglalaruan ang mga buttons sa loob ng elevator, siya lamang ang nasa loob ng elevator kaya nagawa niya pindutin ang mga floors na abot lamang ng kanyang tangkad. Mga nasa sampung f
"Pacheck ang kapatid ko at asawa ko sa kotse, if they're safe. Keep a look out for someone suspicious." Tumango ang dalawa at lumabas na ng suite. Tinignan naman niya ang ginagawa ng nurse na pagpalit ng iv drip, at pag-check up sa kalagayan ng kanyang tatay. "How is he?" Pag-tanong ni Tristan, na may halong pangangamba sa boses nito. "Currently, he's okay. Ipapaexamine ko palang ang iv drip kung may nilagay ba dito, baka tomorrow pa po malaman." Tumango si Tristan, at nag-pasalamat sa nurse bago ito lumabas. Nang nakakasiguro na siyang wala nang tao, nilabas niya ang telepono at may tinawagan. Naka ilang ring din ito bago sumagot. [Who is this?! Busy ang tao!] Malakas na bulyaw nito na hindi pinansin ni Tristan. [It's me, Luigi.] Agad na natahimik ito nang marinig niya ang boses ni Tristan. [B-boss! Nako pasensya na, hindi ko alqm na ikaw pala ang tumawag! Anong mapag-lilingkod ko sayo?] Umikot ang mga mata ng binata sa mabilis na pagbago ng ugali nito. [May ibibigay
Madilim na ang paligid, tahimik na tinignan ni Astrid ang labas. Puro puno ang makikita sa labas, sa madaling salita kasalukuyang nasa gubat sila. Lihim na tinignan ni Astrid ang cellphone, sinisigurong nasa pinaka mababa na level ang brightness nito. '7 na pala. Mahigit dalawang oras nang bumabyahe. Baka naiihi na tong si Theo, mabuti na lang at nakatulog siya.' Tinignan niya itong si Theo, at hinaplos ang kanyang mukha. Tumingin ulit siya sa cellphone niya, at napasinghal siya ng malalim. Walang makuhang signal ang cellphone niya kaya hindi niya matatawagan o masendan ng text ang kanyang asawa. Tinago niya muli ito sa loob ng damit niya, isinilid niya ito sa loob ng bra niya, at nilagay sa tagiliran niya upang natatago ito ng braso niya. Kahit na kapahamakan na ang lumapit sa kanila—sisiguraduhin niyang gagawin niya ang lahat, pprotektahan niya ito ng buong buhay niya. Niyakap niya muli ng mahigpit si Theo, at mabilis na tumingin sa harapan kung makikita na ba ang mukha
Matapos ang ilang tawag, na laging hindi sinasagot ng pinsan, hindi maipinta ang mukha ng kanilang boss. Nang makita ni Luigi ito, agad na pinalitan ito ang contact number na tinatawagan. "Why did you change the number? Whose contact is that?" Ang burner na cellphone ang ngayong tinatawagan ni Luigi, itinaas nito ang salamin na suot niya at mula sa screen ng laptop nakikita niya ang madilim na tingin ni Tristan. Kung ang mga tingin ay nakakapatay, matagal na siguro siyang namatay sa sama ng tingin ng kanyang boss. "Burner phone ng pinsan mo po." Ngumiti naman si Tristan, at inantay na sagutin ito ng magaling niyang pinsan. [Hello? Danilo? Are you here at the building? I'm already inside.] Lalong umigting panga ni Tristan nang marining ang sinabi ng pinsan. "Sorry, it's not Danilo. Anyway, how are you dear Cousin?" Ramdam ang galit sa boses nito, ni isa sa mga kasama niya ay nagawang umimik. At mukhang pati ang kausap nito ay hindi nakaimik nang marinig niya kung sino an
'𝘔𝘰𝘮, 𝘋𝘢𝘥! 𝘐𝘵'𝘴 𝘴𝘰 𝘱𝘳𝘦𝘵𝘵𝘺 𝘩𝘦𝘳𝘦, 𝘤𝘢𝘯 𝘸𝘦 𝘴𝘵𝘢𝘺 𝘢 𝘣𝘪𝘵 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘭𝘰𝘯𝘨𝘦𝘳!' 𝘒𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘶𝘱𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘦𝘥𝘨𝘦 𝘯𝘨 𝘤𝘭𝘪𝘧𝘧. 𝘗𝘪𝘯𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘴𝘥𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘶𝘣𝘰𝘨. 𝘔𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘨𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢-𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘵𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢. '𝘖𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦. 𝘖𝘯𝘭𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘧𝘦𝘸 𝘮𝘪𝘯𝘶𝘵𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘰𝘶𝘨𝘩, 𝘪𝘵'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘩𝘢𝘳𝘥 𝘵𝘰 𝘥𝘳𝘪𝘷𝘦 𝘣𝘢𝘤𝘬 𝘥𝘰𝘸𝘯 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘪𝘵 𝘨𝘦𝘵𝘴 𝘥𝘢𝘳𝘬.' 𝘗𝘢𝘨-𝘱𝘢𝘱𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢, 𝘴𝘢 𝘵𝘶𝘸𝘢 𝘯𝘪 𝘈𝘴𝘵𝘳𝘪𝘢 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪 𝘥𝘪𝘵𝘰. 𝘒𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘬𝘰𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘸
"Anong kailangan mo samin? Siguraduhin mo na ready kang makulong pag nahanap na kami ng asawa ko." Pananakot ni Astrid dito, ngunit wala ito naging epekto. Ngumiti pa ito ng malaki at lumapit sa kanya. "Kung mahuhuli niya ako. Eh ikaw? Are you not afraid to be found out? That you're not the person who he thinks is?" Nagulat ito sa sinabi niya, tumingin ng masama dito. Literal ba ang sinasabi nito? O may iba pa itong ibig sabihin? O baka pananakot lang? "Of course mahuhuli ka. Sisiguraduhin kong mahuhuli ka." Napasipol ang lalaki at tumawa. "Siguraduhin mo ring hindi ka mahuhuli. Hindi mo ba naisip kung anong gagawin pag nalaman niya na.." Wala nang lalakaran palayo si Astrid, kaya nakadikit na likod niya sa bintana. Habang hawak-hawak niya si Theo, mabuti na lamang at nakatulog ito. "You're not Astria." Bulong nito sa tenga niya at lumayo upang tignan ang maging reaksyon ng babae."Who are you?"Parang binuhusan ng tubig na puno ng yelo si Astrid sa narinig niya. Hindi niya ala
Nang imulat ni Astrid ang mga mata niya, unang tumambad sa kanya ang isang puting kisame. Iniikot naman niya ang mga mata niya, nasa ospital pala siya. Buong akala niya bago siya mawalan ng malay ay iuuwi na sila. Agad niyang hinanap si Theo nang maaalala niya na kasama niya ito kanina, walang tao sa loob ng kwarto maliban sa kanya. Kinapkapan niya ang sarili kung nasaan ang cellphone niya dahil hindi naman siya pinalitan ng damit. Nang kapkapin niya ang kanyang bulsa, iba naman ang nakuha niya. Papel. Nagtaka si Astrid kung ano ito, at binuklat. Number at address lamang ang nakalagay dito, saka niya naaalala ang nangyari bago sila makalabas sa loob ng kwarto kung saan sila kinulong ng kung sino man ang kumidnap sa kanila ni Theo. Napatitig naman si Astrid dito. 'Kontakin ko ba siya? Paano kung nagpapanggap lamang siya? Wala naman akong nabasa na tungkol sa kanya sa mga isinulat ni Astria...' 'Ngunit, baka wala nang susunod pa na pagkakataon. Siya palang ang nakaka
"Kamusta pala si papa? Naoperahan na ba siya?" Mahinang bulong ni Astrid kay Tristan, katabi lang nila si Theo pero tulog naman ito. "He's operation will start later once his doctor is finished with the operation he's handling." Natawa naman si Astrid at bumulong din ito pabalik. "Okay." Bulong niya muli pabalik. "Why are we even whispering?" Takang tanong ni Tristan, ngumiti naman si Astrid at umikot ang mga mata nito. "Kasi, tulog si Theo. Ayan oh, sarap ng tulog niya." Tumingin naman ang asawa niya sa nakatalukbong ng kumot sa tabi. Dahang-dahan niyang binaba ang kumot, at ipinakita ang mahimbing na natutulog na bata. Mahina ang nga hilik nito, at ang isang kamay ay nakayakap sa tiyan ni Astrid. "He definitely likes sleeping with you." Komento ni Tristan, habang hinaplos ang buhok niya. Tumingin naman si Astrid sa kamay nito na sinusuklay ang buhok ng kapatid, at napataas ang kilay "Talaga?" Mula sa peripheral vision ni Astrid, nakita niya itong tumango. "When we got hom
Tahimik na magkasama si Astrid at Tristan sa labas ng operating room. Wala ni isa sa kanilang nagtangkang umimik. Pinapanood ng mabuti ni Astrid ang cctv footage na sinend sa kanya ni Luigi kanina, hinahanap ang oras ng pangyayari, at ang suspek. Wala si Theo at Luigi dito, at inutusan niyang manatili na lang sila sa kwarto niya. Mamaya naman ay sabay sabay din silang aalis kasama ang kapatid ni Theo. Isang oras na ang nakakalipas, ngunit hindi pa rin lumalabas ang mga doctor st nurse mula sa loob. "Uy! Si boss andito pala!" Malakas na ani ni Bandit, kasama niya ang kanyang kapatid na si Ban na naglalakad sa pwesto nila Astrid. "Bossing, kamusta panliligaw-uk!" Hindi natapos ang sinasabi ni Bandit nang sikuhin siya ng malakas ng kanyang kapatid. Galit na lumingon si Bandit sa kapatid niya habang hinihimas ang tagiliran niya. "Masakit yun! Bakit ba?!" Napahawak naman si Ban sa sentido niya, at napapikit sa pagiging bulag ng kapatid. "Paganyan-ganyan ka pa, di ka man lang
"Tan! You're here!" Agad na nangunit noo ni Astrid sa narinig na boses, alam na alam niya kung kaninong boses ang bumati sa asawa niya. "Gising na pala siya?" Bulong ni Astrid sa sarili at sumilip ulit. Tama nga ang naisip niyang si Astria yun sa loob ng kanyang katawan ang bumati sa asawa niya. Mukhang maayos na ang lagay nito, napakalusog ng katawan niya, na para bang hindi ito nawalan ng malay ng ilang linggo. Nakita niyang hinalikan pa nito si Tristan sa pisngi, ngunit ang mas nakapagpabugla sa kanya, ay hindi na pala nito suot ang maskara niya. "Wala siyang suot na maskara? Totoo ba tong nakikita ko??" Bulong niya sa sarili habang pinanood ang dalawa na pumasok na sa loob ng kwarto. "Ibig sabihin ba non, alam ni Tristan na si Astria talaga ang nasa katawan ko?" Napasandal siya sa pader. Kahit na ito ang binabanggit niya ngayon—mas tumatak sa kanya na ang asawa niya ay bumibisita sa ibang babae, at hindi siya na asawa niya na nasa kaparehong floor lang. Ginulo ni
Sa wakas, at nakadischarge na si Astrid. Nag-inat siya ng kanyang mga braso at katawan. Pagtapos naglakad siya papapasok ng cr upang linisan ang sarili at magpalit ng damit. Mamaya ay susunduin siya ni Theo, at ang nakatokang bantay nito. Sa loob ng apat na araw ng pagpapagaling ni Astrid, ni isang beses hindi na nagpakita o bumisita sa kanya si Tristan. Ang kapatid na maliit lamang nito ang pumupunta dito, para kamustahin ang lagay niya, sa tuwing bibisita ito kasama nito ang magkapatid na si Ban at Bandit, minsan naman si Luigi. Nagsasalit-salitan sila pag babantay sa batang kapatid ng kanilang boss. At dahil hindi alam ni Astrid kung nasaan, o anong ginagawa ng kanyang asawa, tinatanong niya sa mga taong sumasama kay Theo kung nasaan ang kanilang boss. Laging sagot na nakukuha niya sa mga ito ay: Nagkakamot ng ulo si Ban, at kung saan saan siya nag papalinga, "Si boss? Hindi ko po alam, madam.. Madalas rin namin siya hindi makita ng mga araw na ito." Sa tabi nama
Matapos lumabas ni Tristan, tahimik ang buong paligid sa loob ng kwarto. Ang kanina lamang na malakas na volume ng ipad ni Theo ay hindi na narinig ni Astrid. Blanko na lamang siyang nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang asawa niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, bakit bigla na lang ito nagbago dahil sa isang text na nabasa niya. Hindi man niya alam kung ano ang nilalaman ng mensaheng iyon, ngunit halata naman na dahil doon nagbago bigla ang asawa niya. Pinagkukutkot na ni Astrid ang kuko ng bawat isang daliri niya, ang mga mata niya ay nakadikit lamang sa pintuan. Nananalangin na biglang pumasok ang lalaki sa loob, at sasabihan siya na biro lamang ang lahat ng sinabi niya kanina. At susuyuin siya dahil sa ginawang prank nito na hindi nakakatawa. Hindi siya mapakali, gusto niyang malaman kung ano ang naging rason sa biglang pagbabago bg asawa niya. Tungkol saan kaya ang mensaheng natanggap ng lalaki? Tungkol ba iyon sa babae? Sa mahal niyang tunay?
"Tris, kailan pala yung party?" Tanong ni Astrid dito, habang puno pa ang bibig niya ng pagkain na pinabili niya. Ang paborito niyang fries, at coke float. Habang si Tristan ay tinignan siya, at ang ekspresyon nito ay hindi mawari. Hindi niya inaaasahan na mayroon din palang ganitong side ang babae, ngayon lang niya nakita. "5 days from now." Tumango naman si Astrid, at masaya na kumain ulit, at sinubuan pa si Theo at busy ito sa paglalaro sa kanyang ipad. "Hey, careful. No one is going to eat your food." Pag-papaalala ni Tristan dito, at sobrang bilis nitong kinakain ang pagkain niya, na para bang may kung sinong aagaw nito. Nilunok naman ni Astrid ang kinakain, bago nagsalita. "Edi pwede na ako idischarge? Kailangan pa natin bumili ng gift, tas damit mo at damit ko diba?" Tumaas naman kilay ni Tristan, nag-taka sa tinanong nito. "Why would we need to buy a gift?" Kung siya lang ay tatanungin, wala itong balak na bilhan ng regalo ang bruha nitong pinsan. Lalo pa at pagtapos n
Ilang minuto na nagkakatok si Theo kasama ang nakakatanda nitong kapatid sa pinto ng cr, kung nasaan si Astrid.Habang si Astrid ay tahimik lang na nakaupo sa sahig, malalim ang iniisip.Marami siyang hindi maintindihan na bagay, na alam naman din niyang kailan man ay hindi masasagot ng sino man.Lalo sa araw na ito, na isang impormasyon na sigurong ay hindi niya dapat itinanong—na hindi na lang niya sana narinig ang sagot.Sa puntong yun, ginugusto na lang niya na mawala. Na kainin na lamang siya ng lupa, at wala naman siyang lugar para sa mundong ito.Para lang siyang ibinuhay dahil ang magiging kapalaran lang rin niya din naman ay mamamatay.Kaya lang naman siya nakaligtas sa dapat na kapalaran niya ay dahil isang milagro ang nangyari, na mapunta ang katawan niya sa babaeng minamahal ng kanyang napakasalan.Baka nga kung hindi man naalis ang kaluluwa niya sa dating katawan ay kahit kailan, ay kikitain na siya ng kamatayan. Kung dati nag-papasalamat pa siya na nabuhay siya muli, ng
"Welcome party?? Dapat bang kasama ako, hindi ko nga kilala mga pinsan mo." Napabuntong hininga si Tristan, wala naman talagang balak ito na pumunta—kung hindi lang siya napilitan. "I honestly don't want to go either." Pagod na saad niya, tinaasan naman ng kilay ni Astrid ito. Habang pinakakain niya si Theo ng biscuit niya, dahil hawak-hawak niya ang kanyang ipad, pokus sa pinapanood niyang sprunki. "Ayaw mo pala eh, bakit ka pumayag?" "She forced me. And I need to know about some things." Pakiramdam ni Astrid hindi buo ang sinasabi sa kanya nito, bakit ayaw pa nitong banggitin sa kanya? Mukha ba siyang hindi makakaintindi? Pinagkrus ni Astrid ang mga braso niya, maingat sa kamay niyang may swero, at tumingin sa asawa niya. "And why do I get the feeling you're not telling me everything?" Naestatwa naman sa kinauupuan nito si Tristan. Kapag nag ingles na ang asawa niya, kailangan nitong sabihin ang totoo. Hindi madalas ito mag ingles, kaya pag nangyari na iyon kailangan
[Come on now, Cousin. The clock is moving. I need an answer.] Pagmamadali ni Julia kay Tristan. Sinuntok naman ng malakas ni Tristan ang camera na nasa harap niya. Nabarag ang camera, nahulog ang lens at buong camera malapit sa paanan ni Tristan. Sabay winagayway niya ang kamao niyang may dugo. "Yeah. I'll go. I'll make sure to destroy you" Biglang bumukas naman ang pinto, si Astrid ay hawak-hawak ang pihit ng pinto, at sa kabilang kamay nito ay hila-hila niya ang lalagyam ng iv drip. Sa tabi naman niya ay si Theo na nakahawak sa likod ng damit niya. Narinig nila ang malakas na pagsuntok kanina ni Tristan sa pader kung nasaan ang kanina lang na nakalagay na camera. Nanlaki agad ang mata ni Astrid nang makita niya ang duguan na kamay nito. [Oh, what a bummer. Why did you destroy the camera? Do you even know how much that costs?] Pagiinarte nito, at mahigpit na kumuyom ang kamay ni Tristan. "Hoy, wag mo nang ganyanin lalo kamay mo! Anong nangyari diyan?! Bakit puro dugo na y
Habang nag-tatawanan sila, biglang ni Tristan mula sa bulsa niya, nagvvibrate ang cellphone niya. Mabilis na kinuha ito ni Tristan para tignan ang dahilan ng pag-vibrate nito. Nang buksan niya, kumunot ang kilay niya ng makita niya ang pangalan ng tumatawag. Tumingin naman si Astrid sa kanya at nakita ang ekspresyon nito. "Bakit?" Tanong niya dito. "I need to answer this call muna, it won't take long." Sagot naman ni Tristan dito, habang sinusuot niya ang maskara niya. Tumango naman si Astrid, at nagpatuloy na makipaglaro kay Theo. Naglakad na siya papunta ng pinto, at lumabas. Inangat niya ang kamay niya na hawak-hawak ang cellphone. Pumalatak siya, at sinagot ang tawag. [Cousin! Why did you take so long to answer my call?] "I'm at the hospital, why are you calling?" Narinig nito na umangal pa ang pinsan niya na napaka sungit talaga nito. [Is that how you talk to your cousin, that you haven't seen for almost 4 years?! You hurt my feelings, cousin.] Sabay umarteng um