ANG HULING TINURAN ni Everly ay hindi inaasahan ni Lizzy. Itinikom niya ang bibig at inabot na ang braso ni Roscoe upang magpakampi sa lalaki. Ang tanawing iyon ang nagpalungkot pa kay Everly. Aaminin niya na nagseselos siya kay Lizzy na palaging nariyan si Roscoe upang maging sandalan nito at wala siya nito.“Hindi ka niya hahamunin kung alam niyang hindi ka marunong.” sambit pa ni Roscoe na tila ba siya pa ang sinungaling sa kanila ni Lizzy, kita naman nito na tinuturuan pa lang siya ni Harvey ng araw na iyon ng golf.Natawa na si Everly. Ano pa bang aasahan niya dito? Iniisip niya bang kakampihan siya? Imposible iyon.“Hindi nga siya marunong mag-golf.” sabad na ni Harvey na bahagyang hinila na si Everly sa kanyang tabi upang ipakitang kinakampihan ang babae. “How about this, ako na lang ang lalaban sa'yo, Miss Rivera?”Hindi pa ni Everly naramdaman ang ganitong uri ng seguridad mula kay Roscoe na ipinaparamdam sa kanya ni Harvey. Tumitig na siya sa likod ni Harvey at hindi niya ma
BAKAS ANG PAGKAPIKON sa mukha na dinampot na ni Lizzy ang mga kailangan niya, mas lalo siyang nag-init na ipamukha kay Everly na magaling siya. Alam niyang aksidente ang sinasabi nitong halik, baka pa nga si Everly ang nag-initiate at napilitan lang si Roscoe na gawin ang bagay na iyon. Si Everly ang patay na patay dito at alam niya iyon kaya imposible na gawin ng lalaki, kahit pa may bumubulong na ito ang nauna.“Ang dami mo pang dada, halika na at simulan na natin ang laban!” malakas na hamon ni Lizzy doon.Nauna na itong humakbang upang pumasok sa course. Sumilay sa kanyang mga mata ang kinang ng determinasyon na maggaawa niyang mapahiya si Everly. Nagkatingina na sila ni Everly na sumunod na sa kanya. Ilang segundong sinipat ni Everly ang layo ng distansya ng golf hole, pinanatili na kalmado ang hitsura. Hindi niya kailangang kabahan, alam niyang matatalo siya at ngayon pa lang ay tanggap na niya. Gusto lang niyang pagbigyan si Lizzy nang makalasap naman ng panalo sa kanya kahit i
HINDI NA NAMALAYAN pa ni Roscoe na naikuyom na niya nang mariin ang kanyang mga kamao habang nakatingin pa rin sa asawa. Baliw na ba si Everly? Sinabi niya iyon? Kulang na lang din ay magbuhol ang kanyang mga kilay lalo na nang muling lumingon si Everly at mapang-asar na ngumiti sa kanyang banda. Pagkatapos noon ay tumingkayad na ang babae matapos ilagay ang dalawang kamay sa balikat nito.“I’m sorry, Miss Golloso—”Akmang hahalikan na ni Everly ang labi ng gulantang na waiter nang biglang may humila sa isang braso niya palayo. Ilang segundo na lang sana at tapos na iyon ngunit nang dahil sa kung sinong pakialamero, nabulilyaso ang kanyang napakagandang pina-plano.“Tama na! Hibang ka na ba?!”Umuusok ang magkabilang tainga habang hindi mawala ang diklap ng galit sa mga mata ni Roscoe na pahagis na binitawan ang braso ni Everly na hinila.“Ano bang gusto mong palabasin?!” bulyaw pa ni Roscoe na napasabunot na sa kanyang buhok, hindi na rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya. “Ip
“Hindi ka pa rin ba aamin na kasalanan mo ang mga nangyari doon kanina, Everly?!” Parang kulog na umalingawngaw ang sigaw ni Roscoe na kulang na lang ay mapatiran ng mga ugat sa kanyang leeg dala ng matindi niyang galit sa bawat sulok ng sala ng kanilang villa.“Huling-huli ka na. Itatanggi mo pa rin?“ kulang ang salitang dismayado para ilarawan ang galit ng lalaki sa kanyang asawa na may kasama ng pagkapahiya, “Marami ang nakakita sa’yo na halos lahat ng bisita. Hindi lang iisang tao! Kaya hindi kita magawang mahalin eh! Lalo pa ngayon, huwag kang umasa na makukuha mo pa ang atensyon at pagmamahal ko na inaasam mo nang dahil dito!”Napuno pa ng pagkadismaya ang mga mata ni Roscoe nang idugtong iyon. Parang nais na manakit nito ngunit hindi niya lang kaya na pagbuhatan ng kamay ang asawang si Everly.“Ubos na ubos na ang pasensya ko sa’yo. Magpakatotoo ka. Aminin mo ang kasalanan mo, at baka sakali pang magbago ang isip ko. Kung hindi mo gagawin iyon, mabuti pang mag-divorce na lang
MAHIRAP PILITIN NA mahalin ka ng isang taong ayaw sa’yo. Napatunayan iyon ni Everly. Sa katauhan ni Roscoe De Andrade; ang lalaking pinili niyang mahalin dahil ang buong akala niya ay masusuklian siya. Natigil sa pagbaha ng libo-libong isipin ang isipan ni Everly nang mag-ring ang cellphone ni Roscoe. Napatayo pa ito na agad naglaho ang galit sa kanyang mukha na para bang makikita ng tumatawag ang reaksyon niya. Sinundan siya ng tingin ni Everly. Sa katahimikan ng kanilang sala ay malinaw na narinig ng babae ang mahinang boses ni Lizzy na siyang tumatawag sa asawa. Namula na ang mata niya sa selos ngunit hindi iyon magawang makita ni Roscoe na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang banda ni Everly matapos na damputin ang hinubad na coat. Hindi inalis ni Everly ang mga mata sa mukha ng lalaki.“Papunta na ako diyan, huwag ka ng matakot.”Bumilis ang hinga ni Everly. Nais ng mag-protesta. Nag-uusap pa sila at kailangan niya rin ang asawa. Pinatay ni Roscoe ang tawag. Isinilid ang cell
BAHAGYANG NANUYO ANG lalamunan ni Roscoe. Sumimangot siya para ipakita ang pagkadisgusto sa salitang binitawan ni Everly na alam naman niyang hindi nito magagawa. Binabantaan lang siya nito. Sa bandang huli, hindi pa rin nito magagawang lisanin ang kanilang villa at tuluyang iwanan siya. Dumilim na ang tingin niya sa asawa. Pinapainit na naman nito ang kanyang ulo, muli siyang nagsalita sa mas malamig at dismayado niyang boses upang ipakita na masama na naman ang timpla ng ugali niya sa inaasta nito. “Huwag mo nga akong paandaran na naman ng ganiyan, Everly. Ang mabuti pa ay magbihis ka at sumama ka sa akin sa hospital nang may silbi ka naman. Humingi ka ng paumanhin kay Lizzy para hindi na ako magalit pa sa'yo, keysa dada ka nang dada na para bang ikaw ang kawawa sa inyong dalawa!”Nakagat na ni Everly ang kanyang labi. Hanggang sa mga sandaling iyon ay si Lizzy pa rin ang mahalaga.Inalis ni Everly ang kanyang kahinaan at kinausap siya sa mas matalas na tono sa unang pagkakataon. A
“Dad, you're right. Hinding-hindi ko makukuha ang pagmamahal sa puso ni Roscoe. Alam kong nagkamali ako. Tanggap ko na. Talo ako. I want to go home now.” nahihirapan ang tinig ni Everly nang sabihin sa ama.Dinig ng buong pamilya ni Everly ang kanyang mga sinabi dahil sa may pagpupulong sila doon. The Golloso family is one of the richest family in Albay and known in a medical industry. Ang Lolo Juanito niya ay isang batikang businessman at ang Lola Antonia niya naman ay kilalang professor ng cardiac surgery. Perpektong mag-asawa ang bansag sa kanila ng mga nakakakilala kung kaya naman mas sumikat pa sila. Mula pagkabata ay tinuturuan na siya ng kanyang Lola Toning at inilalapit sa propesyon ng matanda. Naniniwala ang matanda na matalino ang kanyang apo at nakatadhanang sundan ang mga yapak niya upang mag-aral din ng medisina. Her grandparents had paved the way for her future, her father had prepared countless properties for her too to inherit, and her mother said she could be a little
WALANG EMOSYON NA tinanggal ni Everly ang suot niyang coat na naging dahilan upang ma-reveal ang itim niyang camisole. Nadepina pa noon ang mala-porselana niyang kulay ng balat at perpektong hubog ng katawan. Kapansin-pansin ang malalim na sugat na naghilom na rin naman sa likod at ibaba ng kanang balikat ni Everly. Nakatuon ang mga mata ni Everly as if pointing na doon niya gustong ilagay ang tattoo.“Ow—” natutop na ni Nolan ang bibig niya na para bang bago sa kanyang paningin ang peklat na iyon.Bago pa man makasagot si Everly, naagaw na ni Monel ang kanya sanang magiging litanya doon.“Masyado pa siyang bata noon kung kaya hindi pa gaanong magaling magdesisyon. Sa kamusmusan niya ay nakipagsapalaran siya at hindi alintana na masasaktan siya para lang iligtas ang walang utang na loob na lalaking ‘yun! Ayan ang naging resulta, nag-iwan ng bakas. Marapat lang talagang takpan ang peklat.”Naintindihan agad ni Nolan ang ibig sabihin ni Monel. Si Roscoe ang tinutukoy nito. Alam ng lahat
HINDI NA NAMALAYAN pa ni Roscoe na naikuyom na niya nang mariin ang kanyang mga kamao habang nakatingin pa rin sa asawa. Baliw na ba si Everly? Sinabi niya iyon? Kulang na lang din ay magbuhol ang kanyang mga kilay lalo na nang muling lumingon si Everly at mapang-asar na ngumiti sa kanyang banda. Pagkatapos noon ay tumingkayad na ang babae matapos ilagay ang dalawang kamay sa balikat nito.“I’m sorry, Miss Golloso—”Akmang hahalikan na ni Everly ang labi ng gulantang na waiter nang biglang may humila sa isang braso niya palayo. Ilang segundo na lang sana at tapos na iyon ngunit nang dahil sa kung sinong pakialamero, nabulilyaso ang kanyang napakagandang pina-plano.“Tama na! Hibang ka na ba?!”Umuusok ang magkabilang tainga habang hindi mawala ang diklap ng galit sa mga mata ni Roscoe na pahagis na binitawan ang braso ni Everly na hinila.“Ano bang gusto mong palabasin?!” bulyaw pa ni Roscoe na napasabunot na sa kanyang buhok, hindi na rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya. “Ip
BAKAS ANG PAGKAPIKON sa mukha na dinampot na ni Lizzy ang mga kailangan niya, mas lalo siyang nag-init na ipamukha kay Everly na magaling siya. Alam niyang aksidente ang sinasabi nitong halik, baka pa nga si Everly ang nag-initiate at napilitan lang si Roscoe na gawin ang bagay na iyon. Si Everly ang patay na patay dito at alam niya iyon kaya imposible na gawin ng lalaki, kahit pa may bumubulong na ito ang nauna.“Ang dami mo pang dada, halika na at simulan na natin ang laban!” malakas na hamon ni Lizzy doon.Nauna na itong humakbang upang pumasok sa course. Sumilay sa kanyang mga mata ang kinang ng determinasyon na maggaawa niyang mapahiya si Everly. Nagkatingina na sila ni Everly na sumunod na sa kanya. Ilang segundong sinipat ni Everly ang layo ng distansya ng golf hole, pinanatili na kalmado ang hitsura. Hindi niya kailangang kabahan, alam niyang matatalo siya at ngayon pa lang ay tanggap na niya. Gusto lang niyang pagbigyan si Lizzy nang makalasap naman ng panalo sa kanya kahit i
ANG HULING TINURAN ni Everly ay hindi inaasahan ni Lizzy. Itinikom niya ang bibig at inabot na ang braso ni Roscoe upang magpakampi sa lalaki. Ang tanawing iyon ang nagpalungkot pa kay Everly. Aaminin niya na nagseselos siya kay Lizzy na palaging nariyan si Roscoe upang maging sandalan nito at wala siya nito.“Hindi ka niya hahamunin kung alam niyang hindi ka marunong.” sambit pa ni Roscoe na tila ba siya pa ang sinungaling sa kanila ni Lizzy, kita naman nito na tinuturuan pa lang siya ni Harvey ng araw na iyon ng golf.Natawa na si Everly. Ano pa bang aasahan niya dito? Iniisip niya bang kakampihan siya? Imposible iyon.“Hindi nga siya marunong mag-golf.” sabad na ni Harvey na bahagyang hinila na si Everly sa kanyang tabi upang ipakitang kinakampihan ang babae. “How about this, ako na lang ang lalaban sa'yo, Miss Rivera?”Hindi pa ni Everly naramdaman ang ganitong uri ng seguridad mula kay Roscoe na ipinaparamdam sa kanya ni Harvey. Tumitig na siya sa likod ni Harvey at hindi niya ma
UMAYOS NG TAYO si Roscoe na parang nais pang makipag-usap kay Everly kahit na tinalikuran na siya nito. Marami siyang nais na linawin sa asawa. Mukhang nakakalimutan yata nito kung sino pa siya sa buhay niya.“Harvey, ituloy na natin kung ano ang ginagawa natin kanin. Halika na, turuan mo na ako.” malambing na sambit ni Everly na mas nagpakulo ng dugo ni Roscoe, humigpit na ang hawak niya sa golf club.Hindi niya matanggap na may namamagitan na agad sa dalawang kaharap gayong kaka-blind date pa lang nito ng nagdaang araw. Ang buong akala niya mahal siya ni Everly? Bakit nakahanap ito agad ng kapalit? Given na hindi pa sila hiwalay na dalawa ng legal. Parang napaka-imposible ng mga nakikita niya ngayon.“Laban na tayo?” sakay ni Harvey na natatawa na.Sumulyap pa siya kay Roscoe na halatang asar na ang mga mata. “Hindi pwede. Hindi pa ako gaanong magaling. Tiyak matatalo mo lang ako.” pabebe na sagot ni Everly na sinadya niya, ewan ba niya gusto pa niyang asarin si Roscoe na hindi na
LUMULAN SILA SA iisang sasakyan na si Harvey ang nagda-drive. Nasa passenger seat nito si Everly at nasa likod ang kanilang mga ama na nag-uusap pa rin tungkol sa negosyo. Pagdating sa golf course ay napansin nila na maraming mga luxury cars ang nakaparada doon. Saka pa lang napagtanto ni Everly na weekend iyon kaya malamang ay tambak talaga ang mga tao doon. Bago pa man sila pumunta doon ay nakapag-booked na ang ama ni Everly. Iginiya sila ng mga staff kung saan sila. Pinagpalit sila ng damit at nang lumabas si Everly, nagsimula na ang mga magulang nila maglaro.Mataas pa ang sikat ng araw noon at ang malawak na luntiang paligid ay nakadagdag sa ganda ng paligid. Maalinsangan ang hangin pero dahil banayad ang ihip kaya naman nagawa noong palamigin ang klima. Si Everly ay nakasuot ng puti at pink na sportswear at nakatali ang hanggang balikat na buhok niya ng mataas na ponytail. Light makeup lang din ang suot niya ngayon, pero bagay na bagay ito sa sportswear na mas lalong nagpalitaw
MARAHAN NG HINAPLOS ni Everly ang labi nang may malasahang mapaklang luha na pumatak. Natatawa siyang pinalis na iyon. Ang tapang niya kanina sa harap nilang dalawa ni Lizzy pero deep inside ngayon ay sobrang apektado pa rin talaga siya ng dating asawa. Masasabi niya na masaya ang highschool life nila. Mabait kasi noon si Roscoe sa kanya dahilan upang mas mahulog siya sa lalaki. Hindi niya alam na siya lang pala ang mahuhulog dito at hindi ang lalaki.“Bakit ba kasi naging mabait siya sa akin noon? Kung naging masama lang siya, hindi naman ako nahulog.”Labis ang pagtataka sa mukha ni Everly pagbaba niya kinabukasan sa unang palapag ng mansion. Hindi magkandaugaga ang mga maid na naghahanda ng pagkain sa pagmamando ng kanyang magulang. “Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa atin ang mga Maqueda, bakit ganyan ang suot mo Everly?!” Napahinto na si Everly at napatingin sa kanyang ina bago hinagod ang kanyang suot. Normal lang iyon na suot niya kapag nasa bahay at mas komportable siy
WALA NAMANG NAGAWA si Roscoe kung hindi ang sumunod sa pagkaladkad sa kanya ng badtrip ng si Lizzy. Ganunpaman ay naiwan ang kanyang mga mata sa table nina Everly at Harvey na animo ay mata ng lawing nagbabantay. Nakahinga na nang maluwag si Everly nang mawala sila sa tabi ng kanilang mesa. Napa-inom na siya ng isang basong tubig na inubos niya ang laman. Ilang table lang ang pagitan ng table nina Roscoe sa dating asawa kung kaya naman nang mapalingon na si Everly sa kanilang banda, nahuli niya ang matalim na mga tingin ni Roscoe sa kanilang table. Puno ng pagbabanta ang mga mata nito, halatang hindi nakikinig sa sinasabi ng kasama.“Hey, Roscoe—”“Order what you want, Lizzy. Huwag mo ng kunin ang opinyon ko kung anong masarap sa menu. Bilis na.” tugon nitong di pa rin inaalis kina Everly ang tingin. Batid ni Everly kung bakit ganun na lang ang tingin nina Roscoe sa kanila. Ang dahilan kung bakit siya mukhang galit ay hindi dahil sa nagseselos ito, kundi dahil pakiramdam ni Roscoe a
SABAY NA NAPATINGIN na sina Harvey at Roscoe kay Everly nang tahasang sabihin niya iyon. Maging si Lizzy ay hindi makapaniwala na sasabihin din iyon ni Everly nang harapan. Hindi ganun ang pagkakakilala niya sa dating kaibigan na palaging pinipili na manahimik na lang keysa ang makipagtalo at lumaban ito.“Wala akong masamang ginawa. Legal naman ang lahat at ang paghihiwalay na gagawin natin di ba? Hindi naman siguro ako mahirap magustuhan ng ibang tao kagaya na lang ng [agkagusto sa'yo niyang babae na kasama mo. Maghihiwalay na nga lang tayo, ako pa rin ang gusto ng pamilya mo. Di ba? Same thing lang din iyon. Kaya ko ‘ring makibagay sa pamilya ng ibang tao. Sabihin na natin na sa pamilya ni Harvey iyon...” mapang-uyam na sambit ni Everly na halatang nae-enjoy ang reaction ng emosyon ni Roscoe ng dahil dito.Biglang nanlamig ang buong katawan ni Roscoe at hindi lang ang kanyang mga tingin kay Everly. Naumid din ang dila ni Harvey na hindi iyon inaasahan na sasabihin ng babae. Masyado
MALINIS ANG HANGARIN ni Harvey sa kanya at nakikita ni Everly iyon sa mga mata ng lalaki, ngunit siya napilitan lang na pumunta. Ibig sabihin ay hindi talaga siya dito interesado. Niyurakan ang ego ni Everly nina Lizzy kung kaya rin ay naroon siya. Isa lang sa mga dahilan niya iyon upang subukan ang date na iyon.“Hindi ako interesado sa mga blind dates, pero noong nalaman ko na ikaw biglang nagbago ang isipan—”“Dahil ba nagawa kong isalba ang buhay ng ama mo?”Ganun na lang ang iling ni Harvey na natigilan na sa kanyang pagkain dahil sa sumiseryosong daloy ng usapan nila. Nababasa naman iyon ni Everly, ayaw niya lang maging assumera dahil napahamak na siya noon kay Roscoe. Sa mga munting bagay na ginagawa nito sa kanya, ang laki agad ng pagiging assumera niyang gusto siya nito. Iyong expectation niya ay hindi na-meet. Bagay na ayaw na niyang maulit-ulit pa.“Walang kinalaman iyon kaya ako narito. Gusto kitang makilala pa at mas mapalapit pa sa’yo. I admire you so much too. Basta. Hi