ITUTULAK NA SANA si Roscoe ni Everly papalayo sa kanyang katawan dahil sobrang naiilang na siya, ngunit idiniin pa ng lalaki ang mga braso nito sa pader na pinipigilan siyang makawala. Namilog na ang mga mata ni Everly. Hindi makapaniwala na ginagawa iyon ni Roscoe sa kanya.“Roscoe, ano bang ginagawa mo? Bakit ginagawa mo sa akin ‘to? Gusto mo bang tumawag ako ng pulis at ipadakip kita dito? Ayusin mo nga ang galaw mo!”“Go on, Everly. I-report mo ako. Magpapunta ka dito ng pulis. Tawagin mo sila. Ipadampot mo na ako…” sulsol pani Roscoe na pilit pa rin siyang pinipikon.Not to mention na legal na kasal pa rin naman sila, kahit wala siyang ginawa kay Everly, gusto niyang makita kung paano hahawakan ng mga pulis ang kaso nilang mag-asawa. Iyon ang nagpapalakas ng loob ni Roscoe. Tiningnan ni Everly ang kanyang mga katangian na ipinapamalas at nakaramdam ng sobrang lungkot doon si Everly. Alam niyang hindi siya mahal ni Roscoe kaya imposibleng iyon ang dahilan kaya naroon at nangunguli
SA MGA SANDALING iyon ay parang mandidilim na ang mundo ni Everly sa pagkataranta at dapat na gawin habang sapo niya ang ulo ni Roscoe sa kanyang hita. Nahimasmasan lang siya nang maisip niyang wala na dapat siyang pakialam ngayon kay Roscoe. Binawi niya ang nakahawak niyang kamay sa ulo nito at hinayaan iyong ilapag niya ulit sa lupa. Puno ng pagtataka ng tiningnan siya ni Alexis na gaya niyang natataranta na rin kung ano ang dapat niyang gawin. Hangga't naroon si Alexis kasama nito magiging okay ang lahat, syempre hindi papayag si Alexis na may mangyaring masama sa kanyang ama. Ibinaba ni Everly ang kanyang mga mata, isinantabi ang kanyang mga alalahanin, tumayo at aalis na rin sana gaya ng plano niyang talikuran ang kanyang asawa. “Mrs. De Andrade!” nagmamadaling tawag ni Alexis, “Saan ka pupunta? Paano si Mr. De Andrade?!”Nilingon na siya ni Everly gamit ang kalmadong mukha na para bang hindi nag-alala sa kanya kanina.“Alexis, makinig kang mabuti. Masyado lang siyang maraming
AGARANG NILAMON NG konsensya ang kalooban ni Everly nang makita niyang maputla pa rin ang mukha ng asawa. Hindi na niya mapigilan pang mapabuntong-hininga. Aminin niya man ng tahasan o hindi, batid niya sa kanyang sarili na nag-aalala siya kay Roscoe. Makikita iyon sa galaw niya. Umayos na ng upo si Everly na nasa malapit ang upuan ng kama. Pinag-krus na ang dalawang braso sa tapat ng dibdib niya. Tinitigan pa ang mukha ni Roscoe na maputla pa rin. Nanatiling nakapikit ang mga mata nito na hindi niya malaman kung natutulog ba dala ng alak sa katawan niya o hindi. “Hindi dapat ako ang narito kung hindi si Lizzy…” bulong pa ni Everly na hindi na mapigilang iikot ang mga mata niya. Dumating ang nurse at may sinabi itong kailangangi-inject na gamot sa dextrose ni Roscoe. Napatayo na si Everly noon, bahagyang umatras patungo ng paahan ng kama ni Roscoe upang bigyan ng daan ang babae na binigyan niya ng ngiti. Walang kurap na pinanood niya ang ginagawang paghahanda ng nurse. Tinanggal niy
DUMILIM ANG TINGIN ni Lizzy kay Everly. Huling-huli ang ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya. Walang nagsabi sa kanya na naroon si Roscoe. Maging si Alexis ay hindi man lang siya tinawagan. Naroon siya dahil nagsumbong sa kanya ang taong binayaran niyang magbantay kay Roscoe para malaman niya kung ano ang mga ginagawa nito kapag hindi niya kasama. Napag-alaman niya pa na sinadyang puntahan ni Roscoe ang mansion ng mga Golloso kung kaya naman magkasama ang dalawa. Ipinagtataka na niya iyon na kung bakit siya ang pinuntahan nito sa halip na siyang naghihintay. “Thank you, Everly ha?” puno ng sarkasmong sambit ni Lizzy na puno pa rin ng pagbibintang ang mga mata. “Palaging ganito si Roscoe kapag naso-sobrahan ng inom.” anito pang parang hindi asawang nakasama ni Everly sa iisang bahay ang tinutukoy nitong lalaki, “Mabuti na lang at nakita mo siya, kundi baka kung ano pa ang nangyari sa kanya di ba?” Dama ni Everly na hindi tapat at bukal sa loob ang pinagsasabi sa kanya ni Lizzy. Al
MABILIS NA KUMALAT na hindi na tumatanggap ang S Camp ng mga magpapakuha ng mga ulasimang-bato. Iyon pa naman ang inaasahan ng pamilya ni Lizzy na makakapagbigay sa kanila ng maraming halamang gamot na kailangan nila. Ngunit ngayon ay ini-announce nitong hindi na sila tatanggap dahil busy ang may-ari noon na si Lord S. May balita pang kumakalat na mismong si Lord S ay may planong magbigay ng regalo sa matandang Donya Kurita ng mga halamang gamot na kapag nangyari ay isang pagsubok. Bagay na hindi rin nakaligtas kay Lizzy na nasa hospital pa rin. “What the fuck! Bakit ayaw na nilang tumanggap ng order? Marami pa ang kailangan ng pamilya namin! Ni hindi ko nga kilala kung ano ba ang talaga ang tunay na hitsura ng halamang gamot na iyon? Nakakairita naman! Nakakainis!”Padabog ng binitawan ni Lizzya ng kanyang cellphone sa gilid ng kama ni Roscoe. Nakapikit ang mga mata ng lalaki na halatang nagpapahinga pa rin at nag-iipon ng lakas ng mga sandaling iyon. Hinawakan ni Lizzy ang isang br
WALANG IMIK NA kinuha ni Roscoe ang kanyang first aid kit sa loob ng sasakyan upang lagyan ng bandaid ang kanyang dumudugong likod ng kamay. Nilingon niya si Alexis na wala pa ‘ring galaw ng sandaling iyon na nakatingin na sa kanya.“Ano? Hindi ka babalik sa loob at magbabayad ng bills ko?” “Pero Mr. De—” “Bumalik ka doon, hihintayin kita.” Walang nagawa si Alexis kung hindi ang bumaba at bumalik sa loob ng hospital upang e-settle ang inuutos na bill ng kanyang amo. Hindi naglaon ay bumalik na rin si Alexis. “Umuwi na tayo.” “Saan po tayo uuwi, Mr. De Andrade?” “Sa villa.” Walang imik na binuhay na ni Alexis ang makina ng sasakyan at patalilis ng umalis ng parking lot ng hospital. Pagdating sa villa ay ilang minutong tumambay lang sila sa harapan ng pintuan noon. Ini-enter niya ang password ng ng villa at nang magbukas iyon, iritable niyang nilingon si Alexis na masusing pinagmamasdan ang ginagawa niya.“Ibalik mo sa dati ang password.” aniyang hinila na ang pintuan at tuluyan
ILANG SEGUNDONG NAMANHID ang mukha ni Roscoe nang marinig ang huling litanya ng ina na hindi niya deserve si Everly. Parang siyang sinampal ng malakas doon. Kaliwa at kanan. Alam niyang sa kabila ng pagiging walang wedding ceremony nila ni Everly ay minahal ng kanyang ina ang kanyang asawa. Tahasan niya nga itong kinakampihan ngayon.“Ang daming mga bagay na sinakripisyo ni Everly para sa’yo. Tinalikuran niya pa ang kanyang pamilya para sa’yo. Napunta siya mula sa pagiging walang pakialam na babae sa kanyang pamilya hanggang sa magagawa na niya ang lahat ngayon. Ano ang nagawa niyang mali para makatanggap ng ganitong pakikitungo sa isang walang pusong lalaking tulad mo?!” singhal pa ng kanyang inang hindi na napigilan na mamalisbis ang mga luha sa mata.Napailing na doon ang Ginang na makailang beses inilagay ang kanyang sarili sa sitwasyon ng kanyang manugang. Oo, mahal niya naman ang kanyang anak pero mas may simpatya siya sa manugang. Napayuko na doon si Roscoe. Kung pwede lang sab
SALIT-SALITAN NA SILANG tiningnan ng Ginang. Noon lang niya nakita si Everly na binulyawan ang kanyang anak. Dati-rati naman ay tatahimik lang ito at walang pakialam kung ano ang ginagawa o ang mga sinasabi ni Roscoe. Ngunit iba ang araw na ito. Nakita niya ang galit na nakabalandra sa mukha ni Everly. Nakita ng Ginang ang kabilang side ng manugang na ‘di niya alam na palaban din naman pala.“Bakit pa natin patatagalin at ililihim? Kalat na kalat na nga ang larawan niyong dalawa ni Harvey. Kahit na hindi ko sabihin sa kanya, malalaman pa rin naman niya di ba? Dapat kasi, hindi ka nakipag-date sa Harvey na iyon. Hinintay mo na lang sanang mag-divorce na muna tayo bago ka lumabas, di ba?!”Napakurap na ang mga mata ni Everly. Marami siyang gustong isumbat, ngunit ayaw na niyang humaba ang usapan nila. Isa pa nakakahiya sa mother-in-law niya.“Media ang nagpakalat noon. Hindi maniniwala si Lola sa kanila lalo na kung walang proof. Hindi ba at ikaw ang nakiusap sa akin na ilihim na lang m
BAGO PA MAKAPAGSALITA si Lizzy ay pumagitna na si Donya Kurita sa mas umiinit na sitwasyon at mariin na iringan at titigan ng dalawang babae sa kanyang harapan.“Hija, hindi na kailangang humantong pa kayo doon. Huwag naman sanang ganito. Huwag kang gumawa ng eskandalo sa mismong kaarawan ko. Hmm? Ako na ang nakikiusap sa’yo, Everly…” Nakahanda na sanang pumayag noon si Lizzy, dahil alam niyang hindi iyon papayagan ng Lola ni Roscoe. Magiging kontrobersyal ang kaarawan nito. Kagalang-galang pa naman ang pamilya nila, at ang sitwasyong iyon ay magbibigay ng matinding gulo. “Sige na hija, please? Huwag niyo ng palakihin pa ang isyu sa pagitan niyong dalawa.” pakiusap na rin ng ina ni Roscoe na halatang naiinis na sa naumpisahan nilang komosyon ni Lizzy doon.Lumibot na sa paligid ang mga mata ni Everly kung saan ay masusing nakatingin sa kanila ang halos lahat ng mga bisita at naghihintay ng kakalabasan ng pag-uusap nilang apat sa gitna noon. “Ano pa bang ipinaglalaban ng asawa ng ap
BAHAGYANG NARINIG NI Lizzy ang naging pakiusap ni Donya Kurita kay Everly na palampasin na lang iyon kahit na alam nitong fake talaga ang ilan sa mga regalong ibinigay niya. Kung kaya naman pakiramdam ng babae ay siya ang kinakampihan ng Donya. Ang hindi niya alam ay ayaw lang ng matandang magkagulo sa pa-okasyon niya. Gustong samantalahin ni Lizzy ang pagkakataong iyon nang sa ganun ay makuha niya pang lalo ang atensyon ng matanda kung kaya naman gumawa pa siya ng isyu para mas palalain ang sitwasyon na kinasasangkutan nila.“Lola, hindi po fake ang iba sa mga ulasimang-bato na bigay ko. Masyado lang pong mainit ang panahon kung kaya naman nalanta na ang iba habang papunta dito.” giit ni Lizzy na talagang pinanindigan ang kasinungalingan niya upang huwag lang mas mapahiya, masama ang hilatsa ng mukhang hinarap niya na si Everly. “Alam ko ang dahilan mo kung bakit mo ako pinapahiya ngayon, Everly. Nagseselos ka lang sa akin at kay Roscoe. Di ba? Aminin mo!” malakas nitong akusa na par
HINDI NA NAKATIIS pa ang matandang Donya sa kung anong kuro-kuro ng mga bisitang naroroon patungkol sa relasyon ng paborito niyang apo. Hindi pwede na mananahimik na lang siya doon at walang anumang gagawin na harap-harapan nilang nilalait si Everly at Roscoe at kung anu-anong ibinibintang dito.“Huwag nga kayong magsalita ng walang kwenta. Maayos ang relasyon ng mga apo ko!” Nanahimik ang lahat sa tinurang iyon ng matanda. Syempre naman, sino ang maglalakas ng loob na i-offend ang isang Donya Kurita De Andrade? Siya ang kagalang-galang na ancestor ng kanilag pamilya.“Everly, hindi ka naman siguro pumunta dito ng walang dala di ba?” si Lizzy iyon na bahagya pang umubo upang kunin lang ang atensyon ni Everly na hindi naapektuhan sa alam niyang nais palabasin ni Lizzy.“Oo naman. Ako pa? Hindi naman ako pupunta dito nang wala akong regalo. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.” sagot ni Everly na umayos pa ng tayo upang harapin lang ang mga kuryusong mata ng mga bisita roon.“Kung ganun
MARAHANG TINAPIK NG matanda ang ulo ni Desmond, dahilan upang kumalas na ito ng yakap. Para sa matanda ay hindi na rin ito iba sa kanya na kung ituring ay parang sariling apo na rin.“Ikaw naman, kailan mo ipapakilala sa Lola ang girlfriend mo ha? Hindi ka na bumabata hijo. Dapat sa taong ito ay magpakasal ka na at bumuo na ng iyong magiging sariling pamilya. Hmm?” Napakamot na si Desmond sa kanyang batok. Nahihiyang iniikot na ang paningin sa paligid. “Lola, bakit mo naman ako minamadaling mag-asawa? Hindi pa ako sawa maging binata. Dapat pala hindi na lang ako nagpakita sa’yo, tuwing nagpapakita ako palagi mo akong minamadali eh.”“Eh ano pa bang hinihintay mo? May pera ka na, stable na trabaho. Bakit ayaw mo pang lumagay sa tahimik at humanap ng magiging asawa ha? Bigyan mo na ako ng apo sa’yo, Desmond…” Natawa si Desmond na halatang bored ang Lola ng kanyang kaibigan kung kaya naman siya ang pinagtri-tripan. Mukha rin na wala pa doon si Roscoe kung kaya naman siya ang kinukulit
NAPATDA NA ANG mga mata ni Lizzy sa likod ng matanda na nagkukumahog na magtungo sa pintuan upang salubungin si Everly. Bagama't nakahinga siya sa pressure na nararamdaman niya kanina, pakiramdam niya ay nabastos pa rin siya na siya ang kaharap pero nang marinig ang pangalan ni Everly, kulang na lang ay liparin nito ang daan patungo sa labas upang sumalubong. Hindi niya tuloy mapigilan na makagat ang labi habang ginagala ang mga mata sa paligid nila. Nakuha na rin ng pangalan ni Everly ang atensyon ng ibang mga bisitang naroroon. Ano ba ang mayroon ang Everly na iyon? Mukhang mas mahalaga ang presensya ng babaeng iyon sa herbal.‘Kahit kailan, mang-aagaw ka talaga ng spotlight, Everly!’ Dahan-dahan bumukas ang pintuan ng venue kung saan ang lahat ng mga mata ay nakatuon, maging ang live camera ng mga media na pumunta na kanina ay nakatutok lang kay Lizzy. Nang makita ang pagpasok doon ni Everly, napahinga nang malalim ang halos lahat ng bisita at maging ang kanilang mga mata ay puno
SA GILID NI Lizzy ay nakatayo ang kanyang kasamang assistant na may tulak na malaking box kung saan nakalagay umano ang regalo nitong ulasimang-bato. Dalawang daan ang kulang nito, gayunpaman ay hindi iyon alintana ng babae na nakataas pa ang noo. Nang makita iyon ng mga naunang bisita ay agad na silang napatayo upang makita lang ang dala ni Lizzy na ayon sa balita ay aabot ng limang daan ang bilang. Upang punan ang kakulangan sa bilang, gumawa ng paraan si Lizzy na magawang limang-daan iyon kahit na ang karagdagang dalawang daan ay pawang mga peke. Mariing tinikom ni Lizzy ang bibig. Sumidhi pa ang kaba niya nang makitang tumapat na sa kanya ang live camera ng naturang event. Ngumiti naman si Donya Kurita sa ginawang pagbati ni Lizzy sa kanya.“Gaya po ng pinangako ko, narito ang ulasimang-bato na may bilang na limang daan, Lola Kurita.”Nagsimulang magbulungan ang mga taong naroon. Mga bulungan na hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Lizzy na lalo pang na-conscious na noon.“A
NAMILOG PA ANG mga mata ni Lizzy na taliwas sa hitsura ng waiter na malapad na ang ngiti sa kanya. Inilabas nito ang listahan ng wine na umano ay nabuksan at ini-abot na iyon kay Lizzy. “Heto po ang listahan ang ng mga wine na nabuksan. Kailangan niyo po itong bayaran.”Pahaklit na kinuha ni Lizzy ang listahan ng papel at mas lumaki pa ang mata niya sa halaga noon. Pitong bote ng wine ang nabuksan at ang halaga noon ay makahulog panga rin ang laki. Oo, mayaman siya ngunit hindi niya mapigilan na magulantang sa nakadeklarang halaga noon.“Ano po ang gagamitin niyo Miss Rivera? Card or cash?” Dumilim na ang mukha ni Lizzy. Hindi na niya kaya pang magpanggap na okay lang ang lahat. Nilamukos niya ang listahan ng mga bote ng alak na nabuksan. Nagtaas at baba na ang kanyang dibdib. Hindi na maayos ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon at makikita na iyon sa kanyang mukha. Hindi na niya kayang magpanggap pa na ayos lang sa kanya ang lahat ng iyon.‘Humanda ka sa akin, Everly! Talag
MAKAILANG BESES NA umiling si Lizzy at gamit ang nangangatal na kanyang kamay ay tinawagan na ang kanilang tauhan upang malaman kung ano ang nangyari sa conversation nila ni Lord S. Imposible na wala itong history gayong kausap niya nga ito. Doon niya napag-alaman na naka-blacklist siya umano sa black market ng S Camp. Nanatiling nakatayo pa rin si Everly doon na pinagmamasdan ang pagkataranta ni Lizzy. Medyo nakakaawa ang hitsura nito pero sa palagay niya ay deserve ng babae ang mapahiya sa mismong harap niya dahil sa kahunghangan.“Lizzy—” “Shut up, Everly!” malakas niyang sigaw na sa kanya na binunton ang galit at sama ng loob. “Pwede ba huwag ka ng dumagdag pa?! Umalis ka na nga sa harap ko!” turo pa nito sa pintuan. “Alam mo Lizzy, ayos lang naman sa akin kung aaminin mo na hindi mo talaga kilala ang Lord S na iyan eh. Sa iyo na nga galing na hindi basta-bastang normal na tao si Lord S kung kaya mahirap itong makita, huwag mo ng ipilit. Naiintindihan kita. Sobrang desperada ka
ILANG ULIT NA napakurap ng kanyang mga mata si Lizzy. Nang sulyapan niya ang orasan, twenty minutes na ang lumipas. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi lalo na nang makita niyang titig na titig sa kanya ang mga mata ni Everly na naghihintay ng magiging sagot niya. Napalunok na siya ng laway. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili dahil baka mamaya ay hindi na naman siya siputin ng sinumang Lord S na ‘to.“Maghintay ka. Kung hindi ka na makapaghintay, pwede ka naman ng umalis.” mataray niyang sagot.Nagkibit ng balikat si Everly na sa halip na tumayo ay inayos pa ang kanyang pagkakaupo. “Bakit ako aalis? Wala rin naman akong gagawin ngayon. Hihintayin ko na lang siya.” Napalabi na si Everly na pilit pinigilan ang mapangiti dahil para siyang shunga na hinihintay ang kanyang sarili na dumating doon. Siya si Lord S kaya nakakatawa talaga ang mga pinagsasabi ngayon ni Lizzy dito.“Alam mo Everly, nawe-weirdu’han na talaga ako sa’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang relasyon n