UMAYOS NG TAYO si Roscoe na parang nais pang makipag-usap kay Everly kahit na tinalikuran na siya nito. Marami siyang nais na linawin sa asawa. Mukhang nakakalimutan yata nito kung sino pa siya sa buhay niya.“Harvey, ituloy na natin kung ano ang ginagawa natin kanin. Halika na, turuan mo na ako.” malambing na sambit ni Everly na mas nagpakulo ng dugo ni Roscoe, humigpit na ang hawak niya sa golf club.Hindi niya matanggap na may namamagitan na agad sa dalawang kaharap gayong kaka-blind date pa lang nito ng nagdaang araw. Ang buong akala niya mahal siya ni Everly? Bakit nakahanap ito agad ng kapalit? Given na hindi pa sila hiwalay na dalawa ng legal. Parang napaka-imposible ng mga nakikita niya ngayon.“Laban na tayo?” sakay ni Harvey na natatawa na.Sumulyap pa siya kay Roscoe na halatang asar na ang mga mata. “Hindi pwede. Hindi pa ako gaanong magaling. Tiyak matatalo mo lang ako.” pabebe na sagot ni Everly na sinadya niya, ewan ba niya gusto pa niyang asarin si Roscoe na hindi na
ANG HULING TINURAN ni Everly ay hindi inaasahan ni Lizzy. Itinikom niya ang bibig at inabot na ang braso ni Roscoe upang magpakampi sa lalaki. Ang tanawing iyon ang nagpalungkot pa kay Everly. Aaminin niya na nagseselos siya kay Lizzy na palaging nariyan si Roscoe upang maging sandalan nito at wala siya nito.“Hindi ka niya hahamunin kung alam niyang hindi ka marunong.” sambit pa ni Roscoe na tila ba siya pa ang sinungaling sa kanila ni Lizzy, kita naman nito na tinuturuan pa lang siya ni Harvey ng araw na iyon ng golf.Natawa na si Everly. Ano pa bang aasahan niya dito? Iniisip niya bang kakampihan siya? Imposible iyon.“Hindi nga siya marunong mag-golf.” sabad na ni Harvey na bahagyang hinila na si Everly sa kanyang tabi upang ipakitang kinakampihan ang babae. “How about this, ako na lang ang lalaban sa'yo, Miss Rivera?”Hindi pa ni Everly naramdaman ang ganitong uri ng seguridad mula kay Roscoe na ipinaparamdam sa kanya ni Harvey. Tumitig na siya sa likod ni Harvey at hindi niya ma
BAKAS ANG PAGKAPIKON sa mukha na dinampot na ni Lizzy ang mga kailangan niya, mas lalo siyang nag-init na ipamukha kay Everly na magaling siya. Alam niyang aksidente ang sinasabi nitong halik, baka pa nga si Everly ang nag-initiate at napilitan lang si Roscoe na gawin ang bagay na iyon. Si Everly ang patay na patay dito at alam niya iyon kaya imposible na gawin ng lalaki, kahit pa may bumubulong na ito ang nauna.“Ang dami mo pang dada, halika na at simulan na natin ang laban!” malakas na hamon ni Lizzy doon.Nauna na itong humakbang upang pumasok sa course. Sumilay sa kanyang mga mata ang kinang ng determinasyon na maggaawa niyang mapahiya si Everly. Nagkatingina na sila ni Everly na sumunod na sa kanya. Ilang segundong sinipat ni Everly ang layo ng distansya ng golf hole, pinanatili na kalmado ang hitsura. Hindi niya kailangang kabahan, alam niyang matatalo siya at ngayon pa lang ay tanggap na niya. Gusto lang niyang pagbigyan si Lizzy nang makalasap naman ng panalo sa kanya kahit i
HINDI NA NAMALAYAN pa ni Roscoe na naikuyom na niya nang mariin ang kanyang mga kamao habang nakatingin pa rin sa asawa. Baliw na ba si Everly? Sinabi niya iyon? Kulang na lang din ay magbuhol ang kanyang mga kilay lalo na nang muling lumingon si Everly at mapang-asar na ngumiti sa kanyang banda. Pagkatapos noon ay tumingkayad na ang babae matapos ilagay ang dalawang kamay sa balikat nito.“I’m sorry, Miss Golloso—”Akmang hahalikan na ni Everly ang labi ng gulantang na waiter nang biglang may humila sa isang braso niya palayo. Ilang segundo na lang sana at tapos na iyon ngunit nang dahil sa kung sinong pakialamero, nabulilyaso ang kanyang napakagandang pina-plano.“Tama na! Hibang ka na ba?!”Umuusok ang magkabilang tainga habang hindi mawala ang diklap ng galit sa mga mata ni Roscoe na pahagis na binitawan ang braso ni Everly na hinila.“Ano bang gusto mong palabasin?!” bulyaw pa ni Roscoe na napasabunot na sa kanyang buhok, hindi na rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya. “Ip
MABILIS AT PARANG napapasong napabitaw na ng yakap si Roscoe kay Lizzy at umayos ng tayo nang makita sa gilid nila si Everly. For a moment, parang gusto niyang magpaliwanag kay Everly tungkol sa naging yakap nila ni Lizzy kahit na mukhang wala rin itong pakialam.“Oo, teka lang!” sagot ni Everly kay Harvey na hindi man lang tinapunan ng tingin si Roscoe.Napalunok na ng laway si Roscoe na tumagal pa rin ang tingin kay Everly na walang emosyon pa rin ng pakialam sa kanya. Hindi na natiis pa iyon ni Lizzy dahil masyadong obvious si Roscoe na biglang parang nabalisa na doon. Bago pa man makapagsalita si Roscoe ay patakbo ng tumalikod si Everly na matamang hinihintay na sa tabi ni Harvey.“Tara na din, ano pang ginagawa natin dito?” sabi ni Lizzy na nauna ng nag-walk out habang hindi na maitago ang pagkapikon sa kanyang mukha, sadyang ipinakit niya ito kay Roscoe.Doon pa lang nahimasmasan si Roscoe na agad ng sumunod kay Lizzy. Hinabol na niya ang babae na alam niyang nagtatampo na sa ma
HINDI KUMIBO SI Roscoe na halatang walang pakialam sa kanyang mga narinig. Ilang segundong pinagmasdan ni Desmond ang mukha ni Roscoe kung may emotion man lang ito.“Ito pa, kaya raw kayo nag-divorce ay dahil naging third party niyo si Lizzy Rivera.” Kumibot-kibot na ang bibig ni Desmond na bahagyang tumang-tango ang ulo doon. “Dito lang siya tumama. Fabricated ang dalawang articles na pinagsusulat niya. Ito lang na pangatlo ang tama. Totoong nagloko ka kay Everly noong nagsasama pa kayo.”Nadagdagan pa ang panlilisik ng mga mata ni Roscoe na halatang hindi sang-ayon sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya nagloko. Tumatanaw lang siya ng utang na loob sa babae. “Alam mo ang dahilan ko, Desmond. Hindi ako nagloko.” Hindi magawang makapagsalita ni Desmond at pinanood na lang na kunin ni Roscoe ang kanyang cellphone. Nag-scroll siya doon upang magbasa lang ng mg saloobin ng mga tao. Ang makita ang larawan ni Everly at Harvey na magkasama ay parang binuhay ang kasamaan sa loob ni R
NAMUMUTLANG NAPAAYOS NA ng upo si Alexis sa pagiging kalmado ng amo sa ginagawa nitong pagtatanong sa kanya. Iba na ang kutob niya doon. Sa ilang taong pagtra-trabaho niya sa puder nito ay marapat lang na kabahan siya kapag naging kalmado ito dahil iyon ang mas siyang delikado. Hindi niya kasi magawang basahin kung ano ang laman ng isip.“Tawagin mo siyang Mrs. De Andrade hangga’t hindi kami nagdi-divorce, maliwanag ba iyon Alexis?” may diin ang bawat salitang binibitawan nito kung kaya naman walang ibang nagawa ang secretary niya kung hindi ang panay na tumango. “O-Opo, Sir!” Sa mga sandaling iyon ay tila mayroong napagtanto pang pangyayari si Roscoe. Parang alam na niya kung sino ang nagsabi sa kanyang Lola ng tungkol sa divorce nila ni Everly na tapos na sana kung hindi lang nabulilyaso. Ipinilig niya ang ulo. Hindi ba at iyon din ang naramdaman niya ng araw na iyon? Lihim pa nga siyang nagpasalamat sa Lola niya. Ngayong nalaman niyang parang hirap na magsinungaling si Alexis ay
AKMANG PAPASOK NA sana si Everly sa loob ng mansion nang may maulinigan siyang mahinang tumatawag sa pangalan niya. Hindi niya ito pinansin noong una sa pag-aakalang guni-guni lang niya ang narinig lalo na at boses ito ng asawa niyang si Roscoe.“Everly…” Napalingon na ang babae nang muli niyang marinig ang boses nito. Doon niya na nakita ang bulto ni Roscoe na nakasandal sa harap na hood ng kanyang sasakyan habang nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang suot na pants. Malalim ang tingin nito sa banda niya, lalo na sa bulto ng kanyang katawan. Tila ba kanina pa siya doon naghihintay. Bahagyang madilim ang banda kung saan nakaparada ang sasakyan niya kung kaya naman hindi ito napansin ni Everly. Bigla siyang kinabahan.“Anong ginagawa mo dito?” Umayos na ng tayo si Roscoe na binasa na ng laway ang kanyang bahagyang natuyong labi. Ngumiti siya ngunit agad niyang binawi nang maramdaman ang pananakit ng kanyang bibig. Hindi lang iyon, parang galit si Everly na naroon siya at mu
BAGO PA MAKAPAGSALITA si Lizzy ay pumagitna na si Donya Kurita sa mas umiinit na sitwasyon at mariin na iringan at titigan ng dalawang babae sa kanyang harapan.“Hija, hindi na kailangang humantong pa kayo doon. Huwag naman sanang ganito. Huwag kang gumawa ng eskandalo sa mismong kaarawan ko. Hmm? Ako na ang nakikiusap sa’yo, Everly…” Nakahanda na sanang pumayag noon si Lizzy, dahil alam niyang hindi iyon papayagan ng Lola ni Roscoe. Magiging kontrobersyal ang kaarawan nito. Kagalang-galang pa naman ang pamilya nila, at ang sitwasyong iyon ay magbibigay ng matinding gulo. “Sige na hija, please? Huwag niyo ng palakihin pa ang isyu sa pagitan niyong dalawa.” pakiusap na rin ng ina ni Roscoe na halatang naiinis na sa naumpisahan nilang komosyon ni Lizzy doon.Lumibot na sa paligid ang mga mata ni Everly kung saan ay masusing nakatingin sa kanila ang halos lahat ng mga bisita at naghihintay ng kakalabasan ng pag-uusap nilang apat sa gitna noon. “Ano pa bang ipinaglalaban ng asawa ng ap
BAHAGYANG NARINIG NI Lizzy ang naging pakiusap ni Donya Kurita kay Everly na palampasin na lang iyon kahit na alam nitong fake talaga ang ilan sa mga regalong ibinigay niya. Kung kaya naman pakiramdam ng babae ay siya ang kinakampihan ng Donya. Ang hindi niya alam ay ayaw lang ng matandang magkagulo sa pa-okasyon niya. Gustong samantalahin ni Lizzy ang pagkakataong iyon nang sa ganun ay makuha niya pang lalo ang atensyon ng matanda kung kaya naman gumawa pa siya ng isyu para mas palalain ang sitwasyon na kinasasangkutan nila.“Lola, hindi po fake ang iba sa mga ulasimang-bato na bigay ko. Masyado lang pong mainit ang panahon kung kaya naman nalanta na ang iba habang papunta dito.” giit ni Lizzy na talagang pinanindigan ang kasinungalingan niya upang huwag lang mas mapahiya, masama ang hilatsa ng mukhang hinarap niya na si Everly. “Alam ko ang dahilan mo kung bakit mo ako pinapahiya ngayon, Everly. Nagseselos ka lang sa akin at kay Roscoe. Di ba? Aminin mo!” malakas nitong akusa na par
HINDI NA NAKATIIS pa ang matandang Donya sa kung anong kuro-kuro ng mga bisitang naroroon patungkol sa relasyon ng paborito niyang apo. Hindi pwede na mananahimik na lang siya doon at walang anumang gagawin na harap-harapan nilang nilalait si Everly at Roscoe at kung anu-anong ibinibintang dito.“Huwag nga kayong magsalita ng walang kwenta. Maayos ang relasyon ng mga apo ko!” Nanahimik ang lahat sa tinurang iyon ng matanda. Syempre naman, sino ang maglalakas ng loob na i-offend ang isang Donya Kurita De Andrade? Siya ang kagalang-galang na ancestor ng kanilag pamilya.“Everly, hindi ka naman siguro pumunta dito ng walang dala di ba?” si Lizzy iyon na bahagya pang umubo upang kunin lang ang atensyon ni Everly na hindi naapektuhan sa alam niyang nais palabasin ni Lizzy.“Oo naman. Ako pa? Hindi naman ako pupunta dito nang wala akong regalo. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.” sagot ni Everly na umayos pa ng tayo upang harapin lang ang mga kuryusong mata ng mga bisita roon.“Kung ganun
MARAHANG TINAPIK NG matanda ang ulo ni Desmond, dahilan upang kumalas na ito ng yakap. Para sa matanda ay hindi na rin ito iba sa kanya na kung ituring ay parang sariling apo na rin.“Ikaw naman, kailan mo ipapakilala sa Lola ang girlfriend mo ha? Hindi ka na bumabata hijo. Dapat sa taong ito ay magpakasal ka na at bumuo na ng iyong magiging sariling pamilya. Hmm?” Napakamot na si Desmond sa kanyang batok. Nahihiyang iniikot na ang paningin sa paligid. “Lola, bakit mo naman ako minamadaling mag-asawa? Hindi pa ako sawa maging binata. Dapat pala hindi na lang ako nagpakita sa’yo, tuwing nagpapakita ako palagi mo akong minamadali eh.”“Eh ano pa bang hinihintay mo? May pera ka na, stable na trabaho. Bakit ayaw mo pang lumagay sa tahimik at humanap ng magiging asawa ha? Bigyan mo na ako ng apo sa’yo, Desmond…” Natawa si Desmond na halatang bored ang Lola ng kanyang kaibigan kung kaya naman siya ang pinagtri-tripan. Mukha rin na wala pa doon si Roscoe kung kaya naman siya ang kinukulit
NAPATDA NA ANG mga mata ni Lizzy sa likod ng matanda na nagkukumahog na magtungo sa pintuan upang salubungin si Everly. Bagama't nakahinga siya sa pressure na nararamdaman niya kanina, pakiramdam niya ay nabastos pa rin siya na siya ang kaharap pero nang marinig ang pangalan ni Everly, kulang na lang ay liparin nito ang daan patungo sa labas upang sumalubong. Hindi niya tuloy mapigilan na makagat ang labi habang ginagala ang mga mata sa paligid nila. Nakuha na rin ng pangalan ni Everly ang atensyon ng ibang mga bisitang naroroon. Ano ba ang mayroon ang Everly na iyon? Mukhang mas mahalaga ang presensya ng babaeng iyon sa herbal.‘Kahit kailan, mang-aagaw ka talaga ng spotlight, Everly!’ Dahan-dahan bumukas ang pintuan ng venue kung saan ang lahat ng mga mata ay nakatuon, maging ang live camera ng mga media na pumunta na kanina ay nakatutok lang kay Lizzy. Nang makita ang pagpasok doon ni Everly, napahinga nang malalim ang halos lahat ng bisita at maging ang kanilang mga mata ay puno
SA GILID NI Lizzy ay nakatayo ang kanyang kasamang assistant na may tulak na malaking box kung saan nakalagay umano ang regalo nitong ulasimang-bato. Dalawang daan ang kulang nito, gayunpaman ay hindi iyon alintana ng babae na nakataas pa ang noo. Nang makita iyon ng mga naunang bisita ay agad na silang napatayo upang makita lang ang dala ni Lizzy na ayon sa balita ay aabot ng limang daan ang bilang. Upang punan ang kakulangan sa bilang, gumawa ng paraan si Lizzy na magawang limang-daan iyon kahit na ang karagdagang dalawang daan ay pawang mga peke. Mariing tinikom ni Lizzy ang bibig. Sumidhi pa ang kaba niya nang makitang tumapat na sa kanya ang live camera ng naturang event. Ngumiti naman si Donya Kurita sa ginawang pagbati ni Lizzy sa kanya.“Gaya po ng pinangako ko, narito ang ulasimang-bato na may bilang na limang daan, Lola Kurita.”Nagsimulang magbulungan ang mga taong naroon. Mga bulungan na hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Lizzy na lalo pang na-conscious na noon.“A
NAMILOG PA ANG mga mata ni Lizzy na taliwas sa hitsura ng waiter na malapad na ang ngiti sa kanya. Inilabas nito ang listahan ng wine na umano ay nabuksan at ini-abot na iyon kay Lizzy. “Heto po ang listahan ang ng mga wine na nabuksan. Kailangan niyo po itong bayaran.”Pahaklit na kinuha ni Lizzy ang listahan ng papel at mas lumaki pa ang mata niya sa halaga noon. Pitong bote ng wine ang nabuksan at ang halaga noon ay makahulog panga rin ang laki. Oo, mayaman siya ngunit hindi niya mapigilan na magulantang sa nakadeklarang halaga noon.“Ano po ang gagamitin niyo Miss Rivera? Card or cash?” Dumilim na ang mukha ni Lizzy. Hindi na niya kaya pang magpanggap na okay lang ang lahat. Nilamukos niya ang listahan ng mga bote ng alak na nabuksan. Nagtaas at baba na ang kanyang dibdib. Hindi na maayos ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon at makikita na iyon sa kanyang mukha. Hindi na niya kayang magpanggap pa na ayos lang sa kanya ang lahat ng iyon.‘Humanda ka sa akin, Everly! Talag
MAKAILANG BESES NA umiling si Lizzy at gamit ang nangangatal na kanyang kamay ay tinawagan na ang kanilang tauhan upang malaman kung ano ang nangyari sa conversation nila ni Lord S. Imposible na wala itong history gayong kausap niya nga ito. Doon niya napag-alaman na naka-blacklist siya umano sa black market ng S Camp. Nanatiling nakatayo pa rin si Everly doon na pinagmamasdan ang pagkataranta ni Lizzy. Medyo nakakaawa ang hitsura nito pero sa palagay niya ay deserve ng babae ang mapahiya sa mismong harap niya dahil sa kahunghangan.“Lizzy—” “Shut up, Everly!” malakas niyang sigaw na sa kanya na binunton ang galit at sama ng loob. “Pwede ba huwag ka ng dumagdag pa?! Umalis ka na nga sa harap ko!” turo pa nito sa pintuan. “Alam mo Lizzy, ayos lang naman sa akin kung aaminin mo na hindi mo talaga kilala ang Lord S na iyan eh. Sa iyo na nga galing na hindi basta-bastang normal na tao si Lord S kung kaya mahirap itong makita, huwag mo ng ipilit. Naiintindihan kita. Sobrang desperada ka
ILANG ULIT NA napakurap ng kanyang mga mata si Lizzy. Nang sulyapan niya ang orasan, twenty minutes na ang lumipas. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi lalo na nang makita niyang titig na titig sa kanya ang mga mata ni Everly na naghihintay ng magiging sagot niya. Napalunok na siya ng laway. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili dahil baka mamaya ay hindi na naman siya siputin ng sinumang Lord S na ‘to.“Maghintay ka. Kung hindi ka na makapaghintay, pwede ka naman ng umalis.” mataray niyang sagot.Nagkibit ng balikat si Everly na sa halip na tumayo ay inayos pa ang kanyang pagkakaupo. “Bakit ako aalis? Wala rin naman akong gagawin ngayon. Hihintayin ko na lang siya.” Napalabi na si Everly na pilit pinigilan ang mapangiti dahil para siyang shunga na hinihintay ang kanyang sarili na dumating doon. Siya si Lord S kaya nakakatawa talaga ang mga pinagsasabi ngayon ni Lizzy dito.“Alam mo Everly, nawe-weirdu’han na talaga ako sa’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang relasyon n