Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 23 - Ang Rosaryo

Share

Chapter 23 - Ang Rosaryo

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-02-22 03:13:02

Sa loob ng isang kahon na gawa sa kahoy ay nakita niya ang isang rosaryo at isang greeting card na isinulat ko para kay Lola. Oo nga pala, naalala ko na ang package na iyan.

Napaluha si Lola habang tinititigan ang hawak niyang rosaryo.

Isa iyong espesyal na rosaryo na nakuha ko pa sa pinakakilalang templo. Isang bagay na pinaghandaan ko at nilaanan ng oras at pagod para mapanatili ang kanyang kalusugan at kapayapaan. Bago pa ang araw ng kasal ko ay pinadala ko na ito sa isang kaibigan upang tiyaking darating ito sa tamang araw— ngayon mismo iyon, sa kanyang kaarawan.

Hinaplos ni Lola ang greeting card at pinisil ang rosaryo saka muling tumulo ang kanyang mga luha.

"Napakabait talaga ni Miss Ria," sambit ni Aling Sita habang pinapakalma si Lola. "Ang rosaryo na ito ay mula pa sa Templo ng Simalan. Hindi ito basta-basta nabibili ng pera. Ang mga taimtim lang na dumadalangin mula sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok habang nakayuko at nakaluhod ng tatlong beses sa bawat hakbang ang si
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 24 - Ang Regalo Ni Vicento

    Paulit-ulit na tinatawag nila Papa si Lola, pero sa halip na lumabas kaagad si Lola ay inayos niya pang muli ang kanyang makeup bago utusan si Aling Sita na itulak ang kanyang wheelchair palabas."Dumating na siguro ang apo ko. Huwag mo siyang paghintayin," mahina ngunit mariing sabi ni Lola habang malawak ang pagkakangiti.Napangiti si Aling Sita at pabirong nagsalita sa gilid. "Ang iniisip lang po ninyo ay si Miss Ria. Ang dami pong panauhin ngayon, pero parang wala kayong pakialam sa kanila.""Sino ba ang mas mahalaga sa kanila kaysa sa apo ko?" taas-kilay na tanong ni Lola. Tumingin siya kay Aling Sita at biglang naalala ang isang bagay. "Nasaan na ang papeles ng paglilipat ng shares na ipinahanda ko sa iyo?""Hawak ko na po, Senyora. Bukas na natin maisasagawa ang opisyal na paglilipat. Pero sigurado po ba kayong ibibigay ninyo ang lahat ng shares kay Miss Ria? Baka magalit na naman ang pamilya ninyo...""At sino sila para makialam? Hindi ba at sila mismo ang nanakit sa apo ko? A

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 25 - Bakit? (Part1)

    Hindi nasiyahan si Mama sa sinabing iyon ni Lola. Bahagya siyang yumuko at binabaan ang boses saka muling nagsalita. "Napakaraming bisita ang nandito ngayon, Mama. Hindi natin pwede silang balewalain dahil lang sa wala si Ria rito. Besides, mukhang made-delay rin ang pagdating niya ngayon dahil sa panahon. Magtabi na lang tayo ng piraso ng cake para sa kanya.""Baka naman hindi talaga balak umuwi ni Ria, Lola," dagdag pa ni Kuya Mark.Isa-isa nang nagsalita ang mga tao sa paligid. Pilit na hinihikayat si Lola na hiwain na ang cake at ituloy ang kasiyahan. Pero tila walang nakapansin na ang liwanag sa kanyang mga mata ay unti-unting nawawala."Nangako sa akin ang batang iyon na uuwi siya sa tamang oras. Hindi pa siya sumusuway sa usapan kahit kailan," malungkot na saad ni Lola at may halong pag-aalala iyon. "May nangyari siguro sa kanya. Hindi na siya makontak sa numero niya. May nagpunta na ba sa Caragosa City para hanapin siya?"Nagpalitan ng tingin sina Mama at Papa. Halatang mga gu

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 1 - Kasal At Kamatayan

    Namatay ako nang gabi ng aking kasal.Sa mismong seremonya ay iniwan ako ng asawa ko na naging dahilan para pagtawanan ako ng lahat— marahil ay kalat na sa buong syudad iyon dahil kilala ang pamilya namin sa lipunan.Habang tinatakbuhan ko ang kahihiyang dinanas ay bigla na lamang may sumaksak sa akin. Kahit nasa bingit na ng kamatayan ay nagawa ko pa ring tawagan ang asawa ko at humingi ng tulong. Pero mas masakit pa sa natamo kong sugat ang mga sinabi niya... "Bakit hindi ka na lang mamatay kaagad? Nang sa gayon ay hindi na masaktan ang kapatid mo!"Oo...Mas pinili niya ang nakababata kong kapatid na babae— na siya ring dahilan kung bakit iniwan ako sa altar ng asawa ko.Bago pa man magdilim ang lahat sa akin at tuluyan nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan ay nasaksihan ko pa ang magarbong fireworks display.Sa pagkakaalam ko ay may fireworks display ang kasal ko para sana maging isang selebrasyon para sa araw na ito— marahil ay ito na iyon. Pero mukhang hindi na ito

    Last Updated : 2025-01-13
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 2 - Nagbago Na Ang Lahat

    Nang marinig ko ang sinabing iyon mula sa kabilang linya, sigurado akong pulis iyon. Nalipat naman kaagad ang atensyon ko kay Denver. Malulungkot kaya siya kapag nalamang patay na ako?Siguro naman ay oo, hindi ba?Maaari bang ang pagsasamahan namin ng mahigit dalawampung taon ay basta na lamang maisasawalang bahala?"Ang wedding dress lang ba ang nakita ninyo?" malamig na tanong ni Denver. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong pagkabalisa ang ekspresyon sa mukha niya."Sa ngayon ay oo, ang wedding dress pa lang ang nakikita namin. Pero maaaring nasa panganib ang buhay ni Mrs. Maria Samantha Victorillo. Hindi rin masasabing nagpakamatay siya. May mga nakita rin kasi kaming—""Hindi ko alam kung sino ang nag-report niyan, pero kilalang-kilala ko si Maria Samantha," kaagad na singit ni Denver kaya hindi na natuloy ang sanang sasabihin ng pulis. "Oo at hindi niya magagawang magpakamatay. Ilang beses na rin siyang nag-imbento ng mga kwento. Huwag na rin ninyong sayangin ang oras ni

    Last Updated : 2025-01-13
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 3 - Maniniwala Na Ba?

    Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ni Monica.Pero napuno ako ng pagtataka sa mga oras na iyon. Bakit siya nagsinungaling at bakit ganito ang trato niya sa akin?Noong una na hindi pa namin alam na siya ang nawawala kong kapatid ay lantaran ang pagkadisgusto ni Denver sa kanya. Pero sa twing nagrereklamo si Denver sa akin ay pinagtatanggol ko pa siya. Alam ko kasi na naging mahirap ang pinagdaan nila ni Aurora. Inisip ko rin na magiging pamilya na kami pagdating ng araw at magiging hipag ko na siya.Hindi ko siya kinainisan o naging masama sa kanya. Sa halip ay lagi ko pa siyang tinutulungan.Kaya nang marinig ko ang kasinungalingan niyang iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung kailan ko ba siya pinakitaan ng kasamaan ng ugali para gumawa siya ng kasinungalinga— na pagmukhain akong masama sa lahat ng tao!Walang kasingbigat ang mga binitiwan niyang salita na parang martilyo pumupukpok sa ulo ko.Hindi pa siya nakuntento at nagsalita pa muli— sa nakakaawang tinig. "A-Ate... magiging

    Last Updated : 2025-01-13
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 4 - Pinagkaisahan

    Noong una ay ayaw naman talaga ni Tito Danilo kay Monica dahil nga hindi niya naman ito kadugo at mas lalong hindi naman kaano-ano ng pangalawang asawang si Aurora. Pero nag-iba na ang pakikitungo niya kay Monica nang malamang isa siyang De Leon.Pero kung ikukumpara naman sa akin ay mas matimbang pa rin ako kumpara kay Monica— mas pinipili pa rin ako ni Tito Danilo."Ha? Ano?" gulat na tanong ni Tito Danilo. "Saan naman siya nagpunta? Bakit kasi hindi ka muna nag-isip bago mo siya iniwan sa altar! Tapos ngayon ay magkakaganyan ka? Ano ito lokohan!""A-Alis na muna ako papa..." natatarantang paalam ni Denver."Sasama ako, kuya!"Habang nakatingin ako sa reaksyon ni Denver ay parang gusto ko siyang pagtawanan. Huli na ang lahat para mataranta.----Kasalukuyan kaming nasa police station."Ano bang nangyayari, sir?" kaagad na tanong ni Denver sa pulis."May isang wedding dress na lumulutang kanina sa ilog na nasa Verde Park," sagot naman ng pulis. "Akala ng mga taong nag-jo-jogging doon

    Last Updated : 2025-01-24
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 5 - Nagbago Na Nga (Part1)

    Sa huli ay hindi pa rin naniwala si Denver sa mapait na sinapit ko. Padabog niyang isinara ang pinto ng kotse niya nang makaupo na siya sa likod ng kotse. Pagkatapos niyon ay tinawagan niya na naman ang numero ko. Dinig na dinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya habang sinasabing "can not be reach" ang numero ko.Nang hindi siya magtagumpay na matawagan ako ay binuksan niya kaagad ang Chatters. Kitang-kita ko ang pangalan ni Monica na nasa pin message. May emoji pa na puso ang pangalan ni Monica.Dati naman ay pangalan ko ang nasa pin message niya— ngayon ay hindi na.Dalawang taon na ang nakalilipas nang malaman kong pinalitan niya ang pin message niya at si Monica nga iyon. Dati ay nakakainis na babae ang pinangalan niya sa kontak ni Monica pero biglang napalitan ng Nica. Nang tanungin ko siya tungkol doon ay makikita sa mga mata niya ang labis na konsensya.Paliwanag niya ay... "Nasa block list ko talaga siya. Pero tinanggal ko iyon doon kasi noong nakaraan na muntik nan

    Last Updated : 2025-02-02
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 5 - Nagbago Na Nga (Part2)

    Alam kong nagbago na nga si Denver pero hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Hindi na nga siya ang Denver na nakilala ko. Ibang-iba na siya.Tama nga iyong sabi nila— na kapag ang isang tao ay nawawalan na ng interes sa iyo, huwag ka nang magtaka o tanungin pa ang sarili mo kung bakit. Lahat ng papasok sa isip mo ay magiging tama.Katulad na lang nang nangyari sa akin. May kutob na ako noong una na magbabago ang takbo ng isip ni Denver pagdating kay Monica. Mula noong mga panahong ayaw na ayaw niya kay Monica hanggang sa mga oras na pito sa sampung salita ay tungkol na lang lahat kay Monica— doon pa lang kapansin-pansin na ang kanyang pagbabago.Lagi niyang naalala ang mga hilig at gusto ni Monica. Kapag naman galing siyang business trip—hindi lang ako ang may pasalubong, kung hindi pati na rin si Monica.Naalala ko pa ang isang beses na binigyan niya ng regalo si Monica.Binuksan ni Monica ang isang eleganteng kahon na naglalaman ng isang mamahaling kwintas. Kum

    Last Updated : 2025-02-03

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 25 - Bakit? (Part1)

    Hindi nasiyahan si Mama sa sinabing iyon ni Lola. Bahagya siyang yumuko at binabaan ang boses saka muling nagsalita. "Napakaraming bisita ang nandito ngayon, Mama. Hindi natin pwede silang balewalain dahil lang sa wala si Ria rito. Besides, mukhang made-delay rin ang pagdating niya ngayon dahil sa panahon. Magtabi na lang tayo ng piraso ng cake para sa kanya.""Baka naman hindi talaga balak umuwi ni Ria, Lola," dagdag pa ni Kuya Mark.Isa-isa nang nagsalita ang mga tao sa paligid. Pilit na hinihikayat si Lola na hiwain na ang cake at ituloy ang kasiyahan. Pero tila walang nakapansin na ang liwanag sa kanyang mga mata ay unti-unting nawawala."Nangako sa akin ang batang iyon na uuwi siya sa tamang oras. Hindi pa siya sumusuway sa usapan kahit kailan," malungkot na saad ni Lola at may halong pag-aalala iyon. "May nangyari siguro sa kanya. Hindi na siya makontak sa numero niya. May nagpunta na ba sa Caragosa City para hanapin siya?"Nagpalitan ng tingin sina Mama at Papa. Halatang mga gu

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 24 - Ang Regalo Ni Vicento

    Paulit-ulit na tinatawag nila Papa si Lola, pero sa halip na lumabas kaagad si Lola ay inayos niya pang muli ang kanyang makeup bago utusan si Aling Sita na itulak ang kanyang wheelchair palabas."Dumating na siguro ang apo ko. Huwag mo siyang paghintayin," mahina ngunit mariing sabi ni Lola habang malawak ang pagkakangiti.Napangiti si Aling Sita at pabirong nagsalita sa gilid. "Ang iniisip lang po ninyo ay si Miss Ria. Ang dami pong panauhin ngayon, pero parang wala kayong pakialam sa kanila.""Sino ba ang mas mahalaga sa kanila kaysa sa apo ko?" taas-kilay na tanong ni Lola. Tumingin siya kay Aling Sita at biglang naalala ang isang bagay. "Nasaan na ang papeles ng paglilipat ng shares na ipinahanda ko sa iyo?""Hawak ko na po, Senyora. Bukas na natin maisasagawa ang opisyal na paglilipat. Pero sigurado po ba kayong ibibigay ninyo ang lahat ng shares kay Miss Ria? Baka magalit na naman ang pamilya ninyo...""At sino sila para makialam? Hindi ba at sila mismo ang nanakit sa apo ko? A

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 23 - Ang Rosaryo

    Sa loob ng isang kahon na gawa sa kahoy ay nakita niya ang isang rosaryo at isang greeting card na isinulat ko para kay Lola. Oo nga pala, naalala ko na ang package na iyan.Napaluha si Lola habang tinititigan ang hawak niyang rosaryo.Isa iyong espesyal na rosaryo na nakuha ko pa sa pinakakilalang templo. Isang bagay na pinaghandaan ko at nilaanan ng oras at pagod para mapanatili ang kanyang kalusugan at kapayapaan. Bago pa ang araw ng kasal ko ay pinadala ko na ito sa isang kaibigan upang tiyaking darating ito sa tamang araw— ngayon mismo iyon, sa kanyang kaarawan.Hinaplos ni Lola ang greeting card at pinisil ang rosaryo saka muling tumulo ang kanyang mga luha."Napakabait talaga ni Miss Ria," sambit ni Aling Sita habang pinapakalma si Lola. "Ang rosaryo na ito ay mula pa sa Templo ng Simalan. Hindi ito basta-basta nabibili ng pera. Ang mga taimtim lang na dumadalangin mula sa paanan ng bundok hanggang sa tuktok habang nakayuko at nakaluhod ng tatlong beses sa bawat hakbang ang si

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 22 - Si Lola... (Par2)

    Kinuha ni Monica ang isang antigong aklat na nabili nila sa auction mula sa kanyang bag. Ang pabalat ng aklat ay tila gawa sa kakaibang materyal, makinis at parang balat ng tao."Kuya DJ, pakibigay na lang ito kay lola. Alam kong galit siya sa akin, pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng regalo. Hindi niya man tanggapin ay gusto ko lang iparating sa kanya na mahal ko siya." Itinaas niya ang libro at iniabot kay Denver. "Isa itong scripture at binasbasan na ito. Sigurado akong makakatulong ito kay Lola para sa kaligtasan at kapayapaan niya."Tinitigan ni Denver ang aklat bago iyon marahang kinuha. Parang may pag-aalangan sa kanyang mga mata. Nang mahawakan niya iyon ay dumapo ang daliri niya sa makinis na pabalat.Napapitlag siya. Masyado iyong makinis parang balat nga isang babae. Saglit siyang natigilan. Kita ko sa hitsura niya na nag-aalangan siyang tanggapin ang aklat na iyon. Pero maya-maya ay ngumiti siya kay Monica."Kuya DJ," muling sambit ni Monica na hinahabol ang atensyon nit

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 22 - Si Lola... (Part1)

    Habang lahat ay abala sa pagkagulat na hindi pa ako bumabalik sa mga De Leon o dito sa bahay ni Lola ay bigla na lang humagulgol si Monica."Lola, simula nang bumalik ako ay hindi mo na ako nagustuhan. Iniisip mong inaagaw ko ang atensyon na dapat ay kay Ate Ria. Kahit anong gawin ko, sa paningin mo ay lahat may halong pagkasuklam. Alam kong nagkulang ako sa kanya, alam kong nagkulang ako sa pamilya natin pero sana hindi na siguro ako dapat pang bumalik. Isa akong masamang apo…"Biglang tumakbo si Monica at mababangga siya sa dingding."Nica!" sigaw ni Kuya Mark na kapapasok pa lang. Mabilis niyang sinugod si Monica pero huli na dahil bago pa niya maabot si Monica ay nabangga na nga ni Monica ang dingding.Nagkagulo na ang lahat."Nica! Anak, ayos ka lang ba?""Ano bang iniisip mo at bakit mo ginawa iyon!"Nag-uunahan ang mga kamay na inalalayan siya habang ako naman ay nakamasid pa rin sa kanila at nakita kung paano biglang lumambot ang tingin ng lahat kay Monica. Ngayon ay si Lola n

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 21 - Ang Hinanakit Ng Isang Lola

    Namutla si Denver dahil sa pagkagulat. Ilang segundo rin siyang natigilan pero kaagad din niyang ibinalik ang ngiti sa mukha. "Lola, alam ko pong nagkamali ako. Kung gusto niyo akong saktan o parusahan ay tatanggapin ko po.”Bago pa siya muling makapagsalita ay isang boses ang umalingawngaw sa pasilyo."Ano pong ginagawa ninyo, mama? Bumisita ang manugang niyo nang may mabuting intensyon, pero sinasaktan niyo siya?" Ang boses ni Mama.Nang makita ni Lola si Mama ay kaagad niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Denver at umayos ng upo. Tinulungan naman siya ng kasambahay."Wala akong manugang na traydor." Nanlalabo ang kanyang mga mata sa luha pero hindi iyon dahilan para hindi niya duruin si Denver saka madiing nagsalita. "Pinagsisihan ko ang araw na pinayagan kong tulungan ng pamilya namin ang mga Victorillo! Noong may problema sila sa pera ay tayo ang nilapitan nila. Pinakiusapan ako ng apo ko kaya nakiusap ako sa asawa ko. Ginawa namin iyon dahil mahal namin si Ria. Pero

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 20 - Ang Plano Nila (Part2)

    Nakatayo ako sa may terrace at pinagmamasdan pa rin ang ulan. Iniunat ko ang kamay ko at hinayaang dumaan sa palad ko ang maliliit na tubig. Napangisi ako, puno iyon ng panunuya.Huli na ang lahat para magsisi ka at iwasto ang lahat ng pagkakamali mo. Paano mo hihingin ang kapatawaran sa isang taong matagal nang patay?Tinanggap ko na ang sarili ko ngayon. Hindi ako makaalis at hindi rin ako makababalik. Kaya ang tanging magagawa ko na lang ay panoorin kung paano ka papanain ng karma.Pagkaalis ni Tito Danilo ay kita ko sa kilos ni Denver ang pagkabalisa. Ang pagbabalik ni Vicento sa Pilipinas ay parang matalim na patalim na nakasaksak sa kanyang lalamunan.Paulit-ulit niyang tinatawagan ang numero ko. Pero sa bawat tawag ay isang malamig na boses ng babae ang pumapatay ng linya.Nagngitngit siya sa inis at ni hindi maikubli ang pagkapoot sa kanyang mukha. Sa madilim na gabi ay narinig ko ang bulong niya— malamig at puno ng panunuya. "Ria, hanggang kailan mo balak magdrama?"Hanggang

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 20 - Ang Plano Nila (Part1)

    Patuloy ang papatak ng maliliit na ulan sa labas ng bintana. Pero hindi iyon pinansin ni Denver. Tahimik lang siyang nakatingin sa kawalan. Halatang may bumabagabag sa kanyang isipan.Ilang beses niyang kinuha ang cellphone niya, tinitigan iyon pero sa huli ay isinasara lang nang walang ginagawa. Parang may hinihintay siya. O baka may kinatatakutan?Nang makarating ang sasakyan sa bahay na binili niya para sa amin ay saka niya lang napansin ang mga bukas na ilaw sa loob. Napabuntonghininga siya at unti-unting lumuwag ang kanyang tensyonadong katawan.Pagkaparada ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba. Hindi makapaghintay na makapasok. Pero bago makarating sa pinto ay saglit siyang tumigil at inayos ang sarili. Pinagpag ang coat niya, hinaltak ang kwelyo at hinilot ang sintido. At nang tuluyan niyang buksan ang pinto, bumalik ang dati niyang malamig at walang-emosyong ekspresyon.Habang nagtatanggal siya ng sapatos ay tinawag niya ang pangalan ko."Ria, sa wakas bumalik ka rin matapos mon

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 19 - Ang Bracelet At Pabalat

    Nagsimula nang magtaasan ng mga presyo ang mga mayayamamang naroroon. Mukhang marami ang may gustong makuha ang bracelet.Sa harapan ay may isang magandang babaeng nakasuot ng fitted red dress ang may hawak ng tray. Nang marahang alisin niya ang itim na tela na nakatakip sa bracelet ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba.Parang hinihigop ako ng isang malakas na puwersa. Biglang dumilim ang paningin ko. Ang huling narinig ko ay ang mga sigawan ng mga taong nag-aagawan sa pagtaas ng presyo.At nang dumilat ako ay nagbago bigla ang mga nasa harapan ko. Wala na ako sa tabi ni Denver at nakikita ko na sila sa harapan.Sa harapan ko ay nakatayo pa rin ang babaeng may suot ng red dress. Napansin kong nasa tray pa rin siya, hindi... nasa tray ako?At doon ko naunawaan ang nangyayari...Ang kaluluwa ko ay nasa loob ng bracelet!Para akong binuhusan nang malamig na tubig.Anong nangyayari?May biglang pumasok na ideya sa isip ko— posible bang nandito ang abo ko sa beads ng bracelet? Napanganga a

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status