Home / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 24 - Ang Regalo Ni Vicento

Share

Chapter 24 - Ang Regalo Ni Vicento

Author: Alshin07
last update Last Updated: 2025-02-22 17:36:58

Paulit-ulit na tinatawag nila Papa si Lola, pero sa halip na lumabas kaagad si Lola ay inayos niya pang muli ang kanyang makeup bago utusan si Aling Sita na itulak ang kanyang wheelchair palabas.

"Dumating na siguro ang apo ko. Huwag mo siyang paghintayin," mahina ngunit mariing sabi ni Lola habang malawak ang pagkakangiti.

Napangiti si Aling Sita at pabirong nagsalita sa gilid. "Ang iniisip lang po ninyo ay si Miss Ria. Ang dami pong panauhin ngayon, pero parang wala kayong pakialam sa kanila."

"Sino ba ang mas mahalaga sa kanila kaysa sa apo ko?" taas-kilay na tanong ni Lola. Tumingin siya kay Aling Sita at biglang naalala ang isang bagay. "Nasaan na ang papeles ng paglilipat ng shares na ipinahanda ko sa iyo?"

"Hawak ko na po, Senyora. Bukas na natin maisasagawa ang opisyal na paglilipat. Pero sigurado po ba kayong ibibigay ninyo ang lahat ng shares kay Miss Ria? Baka magalit na naman ang pamilya ninyo..."

"At sino sila para makialam? Hindi ba at sila mismo ang nanakit sa apo ko? A
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 25 - Bakit? (Part1)

    Hindi nasiyahan si Mama sa sinabing iyon ni Lola. Bahagya siyang yumuko at binabaan ang boses saka muling nagsalita. "Napakaraming bisita ang nandito ngayon, Mama. Hindi natin pwede silang balewalain dahil lang sa wala si Ria rito. Besides, mukhang made-delay rin ang pagdating niya ngayon dahil sa panahon. Magtabi na lang tayo ng piraso ng cake para sa kanya.""Baka naman hindi talaga balak umuwi ni Ria, Lola," dagdag pa ni Kuya Mark.Isa-isa nang nagsalita ang mga tao sa paligid. Pilit na hinihikayat si Lola na hiwain na ang cake at ituloy ang kasiyahan. Pero tila walang nakapansin na ang liwanag sa kanyang mga mata ay unti-unting nawawala."Nangako sa akin ang batang iyon na uuwi siya sa tamang oras. Hindi pa siya sumusuway sa usapan kahit kailan," malungkot na saad ni Lola at may halong pag-aalala iyon. "May nangyari siguro sa kanya. Hindi na siya makontak sa numero niya. May nagpunta na ba sa Caragosa City para hanapin siya?"Nagpalitan ng tingin sina Mama at Papa. Halatang mga gu

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 26 - Hinagpis Ng Isang Lola

    Matagal bago siya muling nakapagsalita."Sana ay sumaya ka," mahina niyang saad bago tumalikod at lumayo na para bang hindi natuwa sa pagtanggi ko ng tulong niya.Lumipad siya patungong ibang bansa nang mismong araw na iyon.Kahit ganoon pa man ay pinadalhan ko pa rin siya ng imbitasyon at isang maliit na regalo. Pero hindi siya dumating sa araw ng kasal namin ni Denver.Halos hindi ko na maalala ang huling beses na nagkaroon kami ng matinong pag-uusap. Kaya ngayong nawala ako ay bakit siya pa ang naghanap sa akin?Ni ang sarili kong pamilya ay walang pakialam kung nasaan man ako. Pero si Vicento ay nag-abala pa para hanapin ako. At kung tama ang hinala ko ay hindi siya naparito para batiin si Lola sa kaarawan niya. Nandito siya para tiyakin kung darating ako.Nag-aalala ba siya sa akin? Pero bakit?Unti-unting natahimik ang buong paligid. Nagsimula nang ihain ng mga katulong ang isang napakalaking cake na may higit sa sampu ang layers.Lahat ay nagsiksikan sa paligid ni Lola at binab

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 26 - Huli Sa Akto

    Nakinig lang ako sa kanila at dahan-dahan kong inabot ang cake. Nanginginig ang kamay ko habang dinadama ang lamig na nanggagaling sa cake.Gusto ko sanang tikman kahit isang kagat lang. Kahit isang subo lang ng pagmamahal ni Lola. Ngunit sa halip na tamis ay isang matinding hapdi ang bumalot sa dibdib ko. Walang nakakarinig sa sigaw ng kaluluwa kong nagdurusa.Diyos ko… bakit ako?Bakit ako pa ang namatay?Hindi ko matanggap.Bakit ang mga mabubuting tao pa ang nawawala kaagad sa mundo? Samantalang ang masasama ay nabubuhay nang matagal?Sa kabilang banda ay hindi pa rin makatulog si Lola.Paulit-ulit siyang nagpapalit ng posisyon sa kama at niyayakap ang antigong aklat na animo ay ito ang tanging nagbibigay sa kanya ng kapayapaan.Paano na tayo ngayon, Lola?Katulad noong bata pa ako ay niyayakap ako ni Lola nang mahigpit at buong init. Gusto kong mabuhay ulit para matupad ang lahat ng kanyang mga dasal para sa akin at para maramdaman kong muli ang init ng yakap niya.Pero kahit ano

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 27 - Ang Ahas Na Si Monica (Part1)

    Nagising si Denver kinahapunan at kahit hindi ko man siya maramdaman ay alam kong mabigat ang ulo niya dahil sa kalasingan mula kagabi.Nakita ko kung paano siya gumalaw— marahan, para bang binabangungot pa rin ng mga alaala ko. Bago pa niya tuluyang idilat ang kanyang mga mata ay iniunat niya ang kamay saka marahang hinaplos ang makinis na likod ng babaeng nakayakap sa kanya.At mula sa kanyang bibig ay narinig ko ang pangalan ko."Ria…"Puno ng hinanakit.Pero nang tuluyan niyang imulat ang kanyang mga mata ay para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Halos mapatalon siya sa gulat dahil hindi ako ang babaeng katabi niya.Mabilis niyang itinulak si Nica palayo na para bang hindi makapaniwala.At ako?Nakaupo lang sa tabi habang pinagmamasdan ang lahat na walang galit at walang sakit— wala na lang talaga."B-Bakit? A-Anong ginagawa mo rito?"Nang makita ko ang reaksyon ni Denver ay napangiti na lang ako— hindi sa saya, kung hindi sa pagkadismaya.Naupo ako sa taas ng mesa at maraha

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 27 - Ang Ahas Na Si Monica (Part2)

    Sa araw ding iyon ay sumakay sila ng eroplano. Kailangang bumiyahe sila ng mahigit sampung oras sakay ng kotse para marating ang Caragosa City— ang lugar kung saan ko raw itinago ang sarili ko.Pero dahil mas pinili niyang maniwala kay Nica ay hindi niya man lang naisipang paimbestigahan kung sumakay nga ba talaga ako ng eroplano. Kaya heto kami ngayon, naglalakbay sa mahabang daan, tumatawid sa mga kabundukan at malalayong bayan.Nakaupo ako sa passenger's seat habang nakapatong ang isang paa sa isa at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.Napakaganda.Ang ganda ng mga bundok, ng papalubog na araw, ng mga anino sa malalayong lambak.Naisip ko, kung buhay pa ako, hindi ko siguro ito mapapansin.Siguro, mas pipiliin ko pang tumitig sa cellphone ko, magbasa ng mga mensaheng hindi ko naman kailangang basahin, o kaya ay mag-isip ng paraan para mapansin ako ni Denver. Pero ngayon, wala na akong kailangang gawin kung hindi panoorin ang mundong dati ay hindi ko pinapansin.Nang magdilim ang pa

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 28 - Ang Galit Ng Isang Lola

    "Ria… minahal kita. Bakit mo ako niloko?"Pumikit ako. Hindi ko na matiis marinig ang boses niya."Kuya DJ, huwag ka nang malungkot… si ate kasi—""Tama na!" putol niya sa sasabihin ni Nica. "Huwag mo siyang ipagtanggol! Malandi talaga siya. Pinaikot lang niya ako. Kasalanan ko rin— bakit ako nabulag at hindi ko kaagad nakita ang totoo niyang pagkatao!"Ay, napagod na akong magreklamo. Sige, magalit ka. Pagsisihan mo. Tingnan natin kung gaano kasakit ang sampal ng katotohanan kapag nalaman mo ang totoo.Umalis siyang galit na galit at isinama si Nica pabalik sa siyudad. At doon, sa social media, nagtrending ang video. Ang babaeng sumasayaw na mukhang ako.Naging mainit ang usapan. Kung anu-ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. Pero anong magagawa nila? Patay na ako. Wala na akong pakialam. Nang malaman ng pamilya ko ang tungkol sa iskandalo ay lalo silang nagalit."Matagal ko nang sinasabi! Walang kwenta ang batang iyon!" Galit na galit si Mama. Tumayo siya at pinukpok ang mesa

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 29 - Ang Totoo (Part1)

    Pagkarinig ng mga salitang iyon ay namutla ang lahat ng nasa silid.Nakaupo lang ako sa gilid habang tahimik na pinapanood ang bawat reaksyon nila— parang isang recorder na nagtatala ng bawat sandali ng kanilang pagkabigla.Matagal na akong patay sa paningin nila.Kung gusto lang nila ay madali namang malaman ang totoo— isang tawag lang sa airport, isang simpleng pag-iimbestiga at malilinawan na ang lahat. Pero kahit isa sa kanila ay wala ni isang nag-abalang alamin kung totoong nakarating nga ako sa Caragosa City.Pamilya ko sila. Asawa ko si Denver. Pero hindi man lang nila nalaman na hindi pala ako umalis. Pinabayaang mawala ako sa mundo na parang wala lang. Napakalaking biro nito.Nakita kong namutla si Denver. Dahan-dahang bumaba ang mga kamay niya mula sa sentido at doon ko napansin ang panginginig ng kanyang mga daliri. Malamang, kasalukuyan niyang iniisa-isa ang mga pangyayari sa isip niya— ang video, ang sinasabing “Miss De Leon” na umuupa sa bahay, ang mga saksi…At sa huli,

    Last Updated : 2025-02-22
  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 29 - Ang Totoo (Part2)

    Wala na roon ang dati niyang lambing. Ang natira na lang ay kalamigan. Nakikita na ba ni Denver ang tunay na pagkatao ng babaeng nasa harapan niya?Narinig kong sinabi niya sa malamig na tono. "Nica, nagsinungaling ka ba sa akin? Magsabi ka ng totoo."Dahan-dahang itinaas ni Nica ang kanyang ulo, hinanap ang mga mata ni Denver. Ngunit sa halip na dating mainit at mapag-arugang titig, ang bumungad sa kanya ay malamig at walang emosyon.Mariin niyang kinagat ang kanyang labi, ang boses niya ay halos isang bulong. "Hindi, Kuya..."Lumapit pa nang bahagya si Denver. "Nica, matagal na tayong magkasama. Ayokong niloloko mo ako, naiintindihan mo?"Kaagad na umiling si Nica, kunwari ay desperadang kumbinsihin si Denver. "Kung hindi mo ako mapagkakatiwalaan, kuya, maaari akong manumpa sa Diyos. Kung may kinalaman ako sa pagkawala ni Ate Ria, sana…"Bago pa niya matapos ang pangungusap, mabilis na tinakpan ni Denver ang kanyang bibig."Huwag kang magsabi ng ganiyang sumpa," mahina ngunit matiga

    Last Updated : 2025-02-22

Latest chapter

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 24 - Ang Regalo Ni Vicento

    Paulit-ulit na tinatawag nila Papa si Lola, pero sa halip na lumabas kaagad si Lola ay inayos niya pang muli ang kanyang makeup bago utusan si Aling Sita na itulak ang kanyang wheelchair palabas."Dumating na siguro ang apo ko. Huwag mo siyang paghintayin," mahina ngunit mariing sabi ni Lola habang malawak ang pagkakangiti.Napangiti si Aling Sita at pabirong nagsalita sa gilid. "Ang iniisip lang po ninyo ay si Miss Ria. Ang dami pong panauhin ngayon, pero parang wala kayong pakialam sa kanila.""Sino ba ang mas mahalaga sa kanila kaysa sa apo ko?" taas-kilay na tanong ni Lola. Tumingin siya kay Aling Sita at biglang naalala ang isang bagay. "Nasaan na ang papeles ng paglilipat ng shares na ipinahanda ko sa iyo?""Hawak ko na po, Senyora. Bukas na natin maisasagawa ang opisyal na paglilipat. Pero sigurado po ba kayong ibibigay ninyo ang lahat ng shares kay Miss Ria? Baka magalit na naman ang pamilya ninyo...""At sino sila para makialam? Hindi ba at sila mismo ang nanakit sa apo ko? A

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status