Matagal bago siya muling nakapagsalita. "Sana ay sumaya ka," mahina niyang saad bago tumalikod at lumayo na para bang hindi natuwa sa pagtanggi ko ng tulong niya. Lumipad siya patungong ibang bansa nang mismong araw na iyon. Kahit ganoon pa man ay pinadalhan ko pa rin siya ng imbitasyon at isang maliit na regalo. Pero hindi siya dumating sa araw ng kasal namin ni Denver. Halos hindi ko na maalala ang huling beses na nagkaroon kami ng matinong pag-uusap. Kaya ngayong nawala ako ay bakit siya pa ang naghanap sa akin? Ni ang sarili kong pamilya ay walang pakialam kung nasaan man ako. Pero si Vicento ay nag-abala pa para hanapin ako. At kung tama ang hinala ko ay hindi siya naparito para batiin si Lola sa kaarawan niya. Nandito siya para tiyakin kung darating ako. Nag-aalala ba siya sa akin? Pero bakit? Unti-unting natahimik ang buong paligid. Nagsimula nang ihain ng mga katulong ang isang napakalaking cake na may higit sa sampu ang layers. Lahat ay nagsiksikan sa paligid n
Nakinig lang ako sa kanila at dahan-dahan kong inabot ang cake. Nanginginig ang kamay ko habang dinadama ang lamig na nanggagaling sa cake.Gusto ko sanang tikman kahit isang kagat lang. Kahit isang subo lang ng pagmamahal ni Lola. Ngunit sa halip na tamis ay isang matinding hapdi ang bumalot sa dibdib ko. Walang nakakarinig sa sigaw ng kaluluwa kong nagdurusa.Diyos ko… bakit ako?Bakit ako pa ang namatay?Hindi ko matanggap.Bakit ang mga mabubuting tao pa ang nawawala kaagad sa mundo? Samantalang ang masasama ay nabubuhay nang matagal?Sa kabilang banda ay hindi pa rin makatulog si Lola.Paulit-ulit siyang nagpapalit ng posisyon sa kama at niyayakap ang antigong aklat na animo ay ito ang tanging nagbibigay sa kanya ng kapayapaan.Paano na tayo ngayon, Lola?Katulad noong bata pa ako ay niyayakap ako ni Lola nang mahigpit at buong init. Gusto kong mabuhay ulit para matupad ang lahat ng kanyang mga dasal para sa akin at para maramdaman kong muli ang init ng yakap niya.Pero kahit ano
Nagising si Denver kinahapunan at kahit hindi ko man siya maramdaman ay alam kong mabigat ang ulo niya dahil sa kalasingan mula kagabi.Nakita ko kung paano siya gumalaw— marahan, para bang binabangungot pa rin ng mga alaala ko. Bago pa niya tuluyang idilat ang kanyang mga mata ay iniunat niya ang kamay saka marahang hinaplos ang makinis na likod ng babaeng nakayakap sa kanya.At mula sa kanyang bibig ay narinig ko ang pangalan ko."Ria…"Puno ng hinanakit.Pero nang tuluyan niyang imulat ang kanyang mga mata ay para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Halos mapatalon siya sa gulat dahil hindi ako ang babaeng katabi niya.Mabilis niyang itinulak si Nica palayo na para bang hindi makapaniwala.At ako?Nakaupo lang sa tabi habang pinagmamasdan ang lahat na walang galit at walang sakit— wala na lang talaga."B-Bakit? A-Anong ginagawa mo rito?"Nang makita ko ang reaksyon ni Denver ay napangiti na lang ako— hindi sa saya, kung hindi sa pagkadismaya.Naupo ako sa taas ng mesa at maraha
Sa araw ding iyon ay sumakay sila ng eroplano. Kailangang bumiyahe sila ng mahigit sampung oras sakay ng kotse para marating ang Caragosa City— ang lugar kung saan ko raw itinago ang sarili ko.Pero dahil mas pinili niyang maniwala kay Nica ay hindi niya man lang naisipang paimbestigahan kung sumakay nga ba talaga ako ng eroplano. Kaya heto kami ngayon, naglalakbay sa mahabang daan, tumatawid sa mga kabundukan at malalayong bayan.Nakaupo ako sa passenger's seat habang nakapatong ang isang paa sa isa at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.Napakaganda.Ang ganda ng mga bundok, ng papalubog na araw, ng mga anino sa malalayong lambak.Naisip ko, kung buhay pa ako, hindi ko siguro ito mapapansin.Siguro, mas pipiliin ko pang tumitig sa cellphone ko, magbasa ng mga mensaheng hindi ko naman kailangang basahin, o kaya ay mag-isip ng paraan para mapansin ako ni Denver. Pero ngayon, wala na akong kailangang gawin kung hindi panoorin ang mundong dati ay hindi ko pinapansin.Nang magdilim ang pa
"Ria… minahal kita. Bakit mo ako niloko?"Pumikit ako. Hindi ko na matiis marinig ang boses niya."Kuya DJ, huwag ka nang malungkot… si ate kasi—""Tama na!" putol niya sa sasabihin ni Nica. "Huwag mo siyang ipagtanggol! Malandi talaga siya. Pinaikot lang niya ako. Kasalanan ko rin— bakit ako nabulag at hindi ko kaagad nakita ang totoo niyang pagkatao!"Ay, napagod na akong magreklamo. Sige, magalit ka. Pagsisihan mo. Tingnan natin kung gaano kasakit ang sampal ng katotohanan kapag nalaman mo ang totoo.Umalis siyang galit na galit at isinama si Nica pabalik sa siyudad. At doon, sa social media, nagtrending ang video. Ang babaeng sumasayaw na mukhang ako.Naging mainit ang usapan. Kung anu-ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. Pero anong magagawa nila? Patay na ako. Wala na akong pakialam. Nang malaman ng pamilya ko ang tungkol sa iskandalo ay lalo silang nagalit."Matagal ko nang sinasabi! Walang kwenta ang batang iyon!" Galit na galit si Mama. Tumayo siya at pinukpok ang mesa
Pagkarinig ng mga salitang iyon ay namutla ang lahat ng nasa silid.Nakaupo lang ako sa gilid habang tahimik na pinapanood ang bawat reaksyon nila— parang isang recorder na nagtatala ng bawat sandali ng kanilang pagkabigla.Matagal na akong patay sa paningin nila.Kung gusto lang nila ay madali namang malaman ang totoo— isang tawag lang sa airport, isang simpleng pag-iimbestiga at malilinawan na ang lahat. Pero kahit isa sa kanila ay wala ni isang nag-abalang alamin kung totoong nakarating nga ako sa Caragosa City.Pamilya ko sila. Asawa ko si Denver. Pero hindi man lang nila nalaman na hindi pala ako umalis. Pinabayaang mawala ako sa mundo na parang wala lang. Napakalaking biro nito.Nakita kong namutla si Denver. Dahan-dahang bumaba ang mga kamay niya mula sa sentido at doon ko napansin ang panginginig ng kanyang mga daliri. Malamang, kasalukuyan niyang iniisa-isa ang mga pangyayari sa isip niya— ang video, ang sinasabing “Miss De Leon” na umuupa sa bahay, ang mga saksi…At sa huli,
Wala na roon ang dati niyang lambing. Ang natira na lang ay kalamigan. Nakikita na ba ni Denver ang tunay na pagkatao ng babaeng nasa harapan niya?Narinig kong sinabi niya sa malamig na tono. "Nica, nagsinungaling ka ba sa akin? Magsabi ka ng totoo."Dahan-dahang itinaas ni Nica ang kanyang ulo, hinanap ang mga mata ni Denver. Ngunit sa halip na dating mainit at mapag-arugang titig, ang bumungad sa kanya ay malamig at walang emosyon.Mariin niyang kinagat ang kanyang labi, ang boses niya ay halos isang bulong. "Hindi, Kuya..."Lumapit pa nang bahagya si Denver. "Nica, matagal na tayong magkasama. Ayokong niloloko mo ako, naiintindihan mo?"Kaagad na umiling si Nica, kunwari ay desperadang kumbinsihin si Denver. "Kung hindi mo ako mapagkakatiwalaan, kuya, maaari akong manumpa sa Diyos. Kung may kinalaman ako sa pagkawala ni Ate Ria, sana…"Bago pa niya matapos ang pangungusap, mabilis na tinakpan ni Denver ang kanyang bibig."Huwag kang magsabi ng ganiyang sumpa," mahina ngunit matiga
Simula nang bumalik siya sa opisina ay napansin kong tila wala siya sa kanyang sarili. Hindi niya magawang mag-fokus sa trabaho.Dahil dito ay nagkamali siya sa pagpirma ng ilang dokumento. Isang bagay na hindi niya karaniwang nagagawa.Nang i-report ng mga executives ang quarterly profit ng kumpanya, lumabas na bumaba ito ng ilang porsyento. Lahat ay natakot, handa nang makatikim ng matinding sermon mula sa kanya.Ngunit laking gulat nila nang sabihin niyang... "Maganda ang trabaho ninyo. Pagbutihin niyo pa sa susunod na quarter."At pagkatapos ay walang anumang pag-aaksaya ng oras, tumayo siya at lumabas ng silid.Naglakad siya pabalik sa kanyang opisina at marahang niluwagan ang kanyang kurbata. Doon ay naghihintay si Kevin."May nalaman ka na ba?" malamig niyang tanong."Opo, Sir. Lumabas sa imbestigasyon namin na hindi si Ma’am Ria ang nangungupahan sa Caragosa City. Isang dalaga ang nakatira roon. Ang pangalan niya ay Zoe De Leon. Narito po ang kanyang larawan."Isang litrato an
Bumaba si Denver ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Nakapormal na siya, suot ang itim niyang amerikana, pero hindi iyon nakatulong para itago ang lamig sa kanyang mga mata."Papa, paano kung hindi na bumalik si Ria?"Pinandilatan siya ng mga mata ni Papa. "Denver, nabalitaan ko na ang sinabi ni Julia. May problema sa utak ang babaeng iyon kaya hindi mo dapat pinapaniwalaan! At ikaw naman, kakagising mo lang mula sa anesthesia, tapos ngayon ay kung anu-ano na ang sinasabi mo?"Hindi naniniwala sa mga bagay na hindi niya nakikita si Papa. 'To see is to believe' siya na tao. Sa narinig niya tungkol sa mga sinabi ni Julia ay napapailing na lang siya. "Napaka-imposible. Ang mga patay ay dapat lumisan na. Hindi ito mundo ng mga multo o kaluluwa. Kung may mga patay na bumabangon pa para gumanti, sana puno na ang mundo ng mga kaluluwang naghahanap ng hustisya. Denver, mataas ang pinag-aralan mo kaya hindi ka dapat nagpapaniwala sa mga pamahiin!"Akala ko maaapektuhan si Denver ng sinab
Namumula ang mga mata ni Denver habang patuloy siyang tumatakbo nang walang sapatos. Halata sa kanyang mukha ang pinaghalong emosyon— pagkalito, kaba, at determinasyon.Pagdating niya sa exit ay hinarang siya ng mga bodyguard ng pamilya De Leon."Sir, hindi po kayo maaaring lumabas," mariin nilang sabi."Lumayas kayo!" galit na sigaw ni Denver."Pasensya na, sir, ngunit utos ni Miss Nica na hindi kayo palabasin. Wala pa kayong sapat na lakas at kung may mangyari sa inyo ay hindi namin kayang akuin ang responsibilidad."Napatingin ako kay Denver— nakasuot pa rin siya ng maluwag na hospital gown, walang sapatos, at magulo ang buhok. Sa sobrang pula ng kanyang mga mata ay parang hindi siya galing sa isang marangyang pamilya, kung hindi isang pasyenteng nakatakas mula sa isang mental hospital.Hindi iyon alintana ni Denver. Hinawakan niya nang mahigpit ang kwelyo ng bodyguard at galit na nagtanong. "Nakikita mo ba siya?"Nagkatinginan ang mga bodyguard. "Sir, sino po ang tinutukoy ninyo?"
Nadatnan nila si Denver na kanina pa lumilingon-lingon."Anong nangyayari sa iyo, Kuya DJ?" nagtatakang tanong ni Nica."Nakikita ba ninyo siya?" biglang tanong ni Denver.Kinilabutan naman si Mama. Lalo pa at mahilig siyang maniwala sa mga pamahiin.Nagsimulang magpaliwanag ni Denver tungkol sa mga sinabi ni Julia.Halata ko sa mukha ni Nica ang pagbigla. Sa lahat ng tao ay siya lang naman itong may kinalaman sa pagkamatay ko. At ang kabang nararamdaman niya ngayon ay kaba na baka mahuli siya. Para siyang nalunod sa sarili niyang emosyon. Hindi niya napigilan ang ekspresyon niya— kitang-kita sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag kang magsalita nang ganyan, kuya!"Kahit ang nanay ko ay halatang natakot din, pero agad niyang tinapik ang balikat ni Nica para pakalmahin ito. "Nica, huwag kang matakot. Ayos lang iyan."Pero alam kong hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Kahit paano, mas matibay ang psychological status ni Nica kaysa sa karaniwang tao. Ilang sandali lang at naibalik niya a
Kahit hindi na nanganganib ang buhay ni Julia ay kailangan pa rin niyang manatili sa ICU dahil sa matindi niyang tinamong mga sugat. Ang pamilya Casas ay naiyak na lang— masyadong malupit ang buhay para sa kanilang anak. Samantala ay hindi umalis si Denver sa ospital buong araw. Gabi na nang payagan siya ng doktor na makita si Julia, pero tatlong minuto lang. Kahit hindi alam ni Aling Merna kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Denver sa anak niya ay hindi rin niya ito matanggihan— lalo pa at ito ang nagligtas sa buhay ni Julia. Tahimik na nagbihis si Denver ng sterile suit, dumaan sa proseso ng disinfection, at pumasok sa ICU. Agad akong sumunod sa kanya. Pero bago pa ako makapasok, iniisip ko na si Julia. Kumusta na kaya siya? Makikita niya kaya ako ulit? Nasa malalim na pag-iisip si Denver buong araw at halatang mabigat ang kanyang pakiramdam. Pareho lang ng bigat ng kanyang mga hakbang. Hanggang sa tuluyan naming makita si Julia. Nakahiga siya sa kama ng ospital, n
Tagos sa buto.Parang kidlat na tumama sa sala ng pamilya De Leon ang mga salitang binitiwan ni Julia. Biglang nanlamig ang paligid at ang kanina ay maiingay na usapan ay naputol na parang pinutol ng matalim na kutsilyo.Nakatutok ang tingin ng lahat kay Julia. Narinig ko ang nanginginig na boses ni Mama."Ano’ng sinabi mo?" Halata ang takot sa kanyang tinig. "Sino ang patay na!"Hindi natinag si Julia. Blangko ang tingin niya at para bang nasa ibang mundo. Bigla siyang tumakbo palapit sa lumang family photo namin at itinuro ang ulo ko roon saka muling sumigaw."Patay na siya! Umuulan... ang daming dugo!"Halos mapatid ang hininga ko.Si Mama, agad na hinablot ang jacket ni Julia at desperadong may gustong malaman. "Saan mo nakita iyan? Paano siya namatay!"Napaatras si Julia at namutla saka napayakap sa sarili. Parang may kung anong sumapi sa kanya dahil bigla siyang nagsimulang umiyak at magtakip ng ulo."Huwag! Huwag niyo akong saktan! Hindi na ako tatakas, hindi na talaga!"Napako
Napatingin si Kuya Marco kay Julia at ngumiti. "Ah, ito ang family photo namin. Kilala mo naman siguro lahat ng nandito. Pero teka, hindi ba nagkaroon kayo ng koneksyon ni Ria dati?"Bago pa matapos ni Kuya ang sinasabi niya, biglang napasigaw si Julia."Patay! Patay!"Nanlaki ang mata ko. Bigla akong kinabahan.Si Julia… imposible. Pero kung tama ang hinala ko ay maaaring may nakita siya noong gabing namatay ako.Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at bulungan, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. "Julia, ano'ng nakita mo? Sabihin mo!"Lahat ng nasa pamilya De Leon ay napatingin sa kanya, habang nagsalita ang ina ni Julia."Pasensya na po, bagong taon pa naman, tapos ganitong mga sinasabi niya. Pasensya na po."Napakunot ang noo ni Mama. Hindi siya naniniwala sa mga pamahiin, pero ayaw din niyang makarinig ng mga ganitong salita lalo na sa umpisa ng taon."Oo nga naman, kung anu-anong sinasabi. Huwag kang magsalita ng ganyan!"Nagpaumanhin ang ina ni Julia. "Pasensya na po, ila
Tuluyang nasira ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Kaagad na nagbago ang expression sa mukha ni Denver— mula sa pagnanasa patungo sa malamig na pagkahinahon.Mabilis siyang tumayo at lumayo kay Nica. Nakita ko na ang eksenang ito nang maraming beses, kaya naman ay hindi na ako nagulat.Sa totoo lang, masasabi kong maginoo si Denver. Ilang taon ko na siyang kasama at kahit noong nagkabalikan kami anim na buwan na ang nakalipas, isang beses lang talaga may nangyari sa amin— noong gabi ng aming pagkalasing.Gabi rin iyon nang mabuo sa sinapupunan ko ang anak namin.Pagkatapos noon, bihira na siyang makipagtalik kay Nica. Siguro, minsan lang niyang natikman ang tukso ng laman, pero sa ngayon para bang wala na siyang pakialam. Ni hindi niya ito ginagalang.Si Nica, halos hubo’t hubad habang nakaluhod sa sahig, habol ang hininga. Samantalang si Denver, maayos pa rin ang itsura— kailangan lang niyang ayusin ang sinturon at puwede na siyang umalis kahit ano mang oras.Lumapit siya sa mesa a
Sa likod ng bakal na pinto ay may isang maliit na silid ang lumantad. Walang tao sa loob, ngunit sa bawat sulok ng dingding ay puno ng mga larawan.Dahan-dahang lumapit si Denver, pinagmasdan ang mga ito nang mabuti at doon niya napagtantong siya ang bida sa lahat ng mga litrato.Kahit noon pa man ay may hinala na akong hindi malinis ang nararamdaman ni Nica kay Denver. Hindi ko inasahan na aabot ito sa ganitong nakakatakot na level.Sinuri ko ang bawat larawan. Maingat itong inayos mula noong unang beses siyang pumasok sa pamilya Victorillo kasama ang umampon sa kanya na si Aurora na madrasta naman ni Denver.Karamihan sa mga larawan ay patagong kinunan. Makikita na may halong lamig sa kanyang mga mata, lalong-lalo na kapag si Nica ang kaharap niya. Puno ng pagkamuhi ang kanyang tingin, waring isang matinding insulto para sa kanya ang presensya nito.Mahal na mahal niya ang kanyang ina, kaya hindi niya kailanman matanggap ang pangalawang pagpapakasal ng kanyang ama lalo na at ang nap
Nagkasundo sina Denver at ang kanyang tiyuhin na simulan ang plano laban kay Nica.Kahit alam kong hindi ako nakikita ni Vicento ay marahan akong bumulong sa kanyang tainga bago umalis. "Salamat…."Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan pero napagtanto kong hindi siya kasinglamig at kasingwalang-puso gaya ng sinasabi ng iba. Bago sumara ang pinto ay parang may narinig akong mahina at malungkot na buntonghininga."Ria..."Napahinto ako. Tama ba ang dinig ko?Nang subukan kong makinig pang mabuti, wala na akong narinig kung hindi katahimikan.Nalaman ni Denver na nasa bahay ng mga De Leon si Nica, kaya palihim siyang pumasok sa kwarto nito para maghanap ng anumang bakas na may kaugnayan sa akin.Mula nang aminin ni Nica ang kanyang tunay na pagkatao sa pamilya De Leon, bihira na siyang maglagi sa bahay ng pamilya Victorillo.Kapag wala si Denver dahil sa mga business trip ay umuuwi siya sa mga De Leon. Kapag bumalik naman si Denver ay babalik din siya sa pamilya Victorillo upa