"Elisse? its her! its her! Oh my God, si Elise yun!" bulalas niya. halos sumigaw sa tuwa si Kevin. Hindi na siya nag-isip pa. Tumawid siya ng kalsada, kahit halos mabunggo na siya ng ilang sasakyan. Kahit nagmura pa ang mga driver, wala siyang pakialam. Mabilis siyang lumapit kay Elisse.
"Elise! Oh may God Ikaw nga!" sabi niya at niyakap ng mahigpit ang kanyang hipag. "Elise, oh my god. Oh my god. Salamat sa Diyos, I found you. Thank God!" Matagal ang naging yakap na iyon. Hindi halos malaman ni Kevin kung paano magpapasalamat dahil nakita at naabutan niya si Elise. Pero nanatiling tuod si Elise, at ni hindi ito nagpakita ng emosyon kay Kevin. Naramdaman naman ni Kevin ang paninigas ng hipag niya, kaya't bumitaw siya ng yakap at hinarap ito. Nakayuko si Elise at halos hindi magawang tumingin kay Kevin, nangangatal sng labi niya sa pagpipigil ng emosyun.Napakalayo ng nilakad niya, wala siyang pera at walang kahit sinong kakilala. Hindi pa man nakakalayo ay parang gustong ng sumuko ni Elise, ang kaso lang ay naaalala niya ang hinanakit niya sa binatang bayaw. "Kung hindi siya kayang pagbigyan nito at kung hinid nito kayang panindigan ang sinasabi ng puso nito, walang dahilan para lumaban pa siya," sabi ni Elise. "Elise, anong ginagawa mo dito? Bakit ka umalis? Please, please answer me. Galit ka ba sa akin? Kaya ka ba umalis kasi galit ka sa akin?" Malamyos ang naging tono ni Kevin. Hindi kumikibo si Elise, nanantiling nakayuko lamang. "Please, don't do this. Mapapahamak ka, Saan ka pupunta? Wala kang pupuntahan sabi mo diba? Saka ang kalagayan mo, masama sa'yo ang mapagod Elise, masama sa'yo ang magutom at mas stress. Please, tara na. Let's go home. Uuuwi na kita, Elisse, ha?" Malambing na pakiusap sa kanya ni Kevin. "No! Ayoko, Ayokong bumalik sa mansyon na yun at ayoko na ding bumalik sa bahay mo kung ipipilit mong bumalik ako doon. Mas nanaisin ko na lang ang mam*tay sa gutom at magpasagasa sa pison kesa ang pakisamahan ulit ang halimaw mong kapatid." sabi ni Elise na noon ay nag angat na ng tingin, halos mabilaukan ito sa sariling laway hinanakit kay Kevin. "Elisse, huwag mong gawin ito," pakiusap ni Kevin, ang boses ay puno ng pag-aalala. "Naiintindihan ko, kung galit ka sa akin, wala akong magagawa. Pero hindi ka pwedeng manatili rito sa kalsada. Saan ka pupunta? Babalik ka ba sa inyo? Kung babalik ka, payag ako.Atleast safe ka doon. Sabihin mo lang," aniya. "Bakit ako babalik sa bahay na tulad ng bahay nyo ay impiyerno din para sa akin, ang mga tao roon ay mga tahaman din tulad ng kapatid mo kaya bakit ako babalik doon?" galit na sabi ni Elise. Pagkatapos sabihin iyon ay nagpumilit si Elise na makawala sa yakap hawak ni Kevin. Sinikap niyang matanggal ang mga bisig nito ngunit naging mas mahigpit ang hawak ni Kevin sa kay Elise at hindi siya hinayaang makawala. "Bitawan mo ako, Kevin.Tama na, para saan ba 'to? Kung gusto mo lang akong ibalik sa mansyon, para sa mga kontrata niyo, hindi ako babalik. Hindi ako babalik sa bahay na iyon para lamang masarap ang tulog nyo.Pare parehas kayo, lahat kayo makasarili iisang dugo nga kayo!" galit na sabi ni Elise. "Mali ako na pinagkatiwalaan kita, mali ako na umasa at naniwala ako sayo, maling-mali ako na hinayaan kong maging dependent at sentro ka ng pangarap ko," sumbat ni Elise. "Elise.....!" nanunuyo ang lalaminan ni Kevin. "Katulad nila, wala ka rin sarilng b*yag. Kaya huwag mo na akong pigilan pa, huwag mo na akong pakialam pa" "Elisse, pakinggan mo naman ako. Mag-usap tayo. Sumakay na tayo sa kotse, mainit dito. Kumain ka na ba? May masakit ba sa'yo?" Ang pag-aalala ay naririnig ko sa kanyang tinig, ngunit wala na itong epekto sa akin."Ano? usap na naman? T***s ano? sa bandang dulo, pakikiusapan mo pa rin akong bumalik diba? Tama na Kevin, huwag mo na akong tulungan. Wala namang silbi ang pag-aalala mo. Hindi ko ba kailangan," matigas na sabi ni Elise. Nasasaktan man at naiinsulto sng pagkalalaki ay inunawa ni Kevin ang kanyang hipag.
"Elisse, pakiusap., makinig ka muna mamguspa tayo , halil doon natong paguspaan sa kotse ang lahat" pakiusap pa rin ni Kevin. Nagsisimula ng matakot si Kevin dahil baka may makakita kay Elise. Ayaw niyang makauwi ng mansion si Elise ng hindi sila nagkakapagusap ng mga dapat gawin. "Kevin, Alam kong napipilitan ka lang. Alam kong mahirap sa'yo ang sundin ang lola mo. Gusto kitang tulungan. Pero sana maintindihan mo kung gaano kahirap ang bumalik sa impyernong bahay na iyon. Tapos gusto mo pang bumalik ako roon at maging asawa ng kapatid mo ulit? Bakit hindi na lang nyo ako pat*yin? Pat*yin nyo na lang kaming mag-ina kung ibabalik mo rin lang naman ako roon." Ang mga luha ay hindi na napigilan ni Elise. Nahihirapan siya sa sitwasyun at sa pagpapaliwanag sa mga takot na bumabalot sa kanya. "Elise, please dont cry, huwag ka namang magisip ng ganyan, Naiintindihan kita. Kung ako ang masusunod, hindi kita ibabalik doon. Pero kailangan nating bumalik. Kailangan kong bumalik"malumabay na pakiusap muli ni Kevin. "Madali naman akong kausap. Hindi kita gusto pahirapan. Babalik ako doon kung gagawin mo ang mga kondisyon ko" matikas na sabi no Elise. "Elise, sana alam mo ang laki ng bagay na gusto mong mangyari.Hinsi laro sng nasi mo Elise.Haliak pagusapan natong sa sasakyan"pero ni isang hakbang ay hindi kumilos si Elise. "Okay.....Okay, pumapayag na ako pero paguusapan muna natin ang mga detalye. Pag-usapan natin 'tong mabuti. May mga bagay na pwedeng gawin at meron ang hindi. Pero mas mabuting pag-usapan natin 'to ng maayos. Planuhin natin eto Elise." pagsuko ni Kevin. Ang kanyang mga salita ay parang hangin na dumadaan sa tenga ni Elise na nagdulot sa kanya ng kakaibang siguridad. Ang kanyang mga takot kahit papaano ay nabawasan. "Dahil ang pagbabalik na gusto mong mangyari Elise, hindi 'yung pagbabalik bilang asawa ni Kenzo Madrigal. Kundi pagbabalik bilabg kalaguyo ng kapatid ni Kenzo Madrigal.Yun ang gudto mong gawin ko.Iyong sng parusa sa akin sa lahat ng ito"sabi ni Kevin. "Panalo ka na Elise, ito ang nakatakda, ito ang aking parusa. Sana lang maintindihan mo ang bigat ng gusto mong mangyari. Pero naiintindihan kita. Alam ko na ako lang ang pwede mong gamitin para labanan si Kenzo, At alam ko rin na ako lang ang pwede mong gamitin para protektahan ang oyong sarili at ang anak mo. Tama ba, Elise?" Hindi nakakibo si Elise,ngunit tumingin ng malalim kay Kevin na parang humihingi ng pangunawa. "Sige, pagbibigyan kita ng gusto mo. Babalik tayo doon. At kung babalik ka doon, gawin mo ang gusto mo. Gawin mo ang plano mo. Maaasahan mo ang tulong at suporta ko. Basta pangako mo lang sa akin na kahit anong mangyari, mananatili ka doon. Mananatili ka sa mansyon." Tumango-tango si Elise. "Halika na, sumakay na tayo sa kotse. Masyado ka nang nakabilad sa init ng araw. Baka lalo ka mahilo. Kumain ka na ba? Mabuti pa, kumain muna tayo. Mukhang hindi ka pa nakakapag-almusal." Sabi ni Kevin habang inaakay ang dalaga patungo sa kotse. Tahimik na sumakay si Elise sa sasakyan. Lingid sa dalawa isang itim na kotse ang nakahimpil sa di kalayuan at sng taos sa back seat ay nakuna na sila ng larawan habang madilim ang mapanganib nitong mga mata.Laking pasasalamat ni Kevin dahil kahit papaano ay nakumbinsi niya si Elisse. Hindi man sigurado sa kung ano ang mangyayari sa binitawang pangako sa kanyang hipag, saka na lang siguro ito haharapin ni Kevin kapag nasa sitwasyon na sila. Bago bumalik sa condo, dumaan muna sila Kevin sa isang malapit na restaurant na hindi naman kalayuan sa condo niya. Sinigurado muna niyang makakain ng maayos si Elise at mapreskohan na rin. Nakita niyang medyo walang gana si Elise, kaya tinanong niya ito. "Ayos ka lang ba Elise? masama ba ang pakiramdam mo,? Medyo tumango ng konti si Elise at nagsalita, "Medyo nahihilo ako, okay lang ba kung hindi ko na matapos yung pagkain? Gusto ko na lang umalis. Gusto ko na lang magpahinga." Sabi ni Elise. "Okay sige sige, okay lang. Halika na. Ibabalik na kita para makapagpahinga ka." Sabi ni Kevin.Nang hawakan ni Kevin ang kamay ni Elise para sana akayin ito palabas ng restaurant at pabalik sa kanilang sasakyan, napatingin si Elise sa binata. Ang tingin na i
"Hindi yun mahalaga!" matapang sa sabi ni Elise. Napayuko si Kevin.ang bagamat ng pangako at misyon ay naging mas mabigat ngayon, hindi lamang sa balikdt maging sa puso na at isipan. "Sa iyo ay madalign sabihin yan Elise, sa akin ay hindi. Bukod sa maapektuhan ang posisyon mo at ng anak mo sa pamilya at kompanya kapag nangyari iyon, marami lnh umaasa sa akin Elise ang kompanya ang mga stockholder, ang board at amg napakaraming empleyado.Kapag sinuong ko ang laban na ito, maluluhurin tayo ni Kenzo ng ganun kabilis at makukuha ni Kenzo ang paulit ulit kong prinotektahan" sabi ni Kevin. "Hindi kita masisi kung wala kang pakialam at kung makasarili ka ganitong sitwasyun. Sige Elise naiintindihan ko" dagdag ni Kevin. Hindi agad nakakibo si Elise. Nanahimik ng matagal. Hindi niya naiisip ang mga ganuong bagay. Ang poot niya kay Kenzo, ang kagustuhang mawala sa mundo nito, at ang malalim na hinanakit kay Kevin lamang ang naiisip niya noon. Hindi nga pala niya naisip ang magiging epek
" Mukha aang gulat na gulat ka, asan ang Sir mo?' tanong ng lalaki sa pinto. "Sino ho , ah si Boss, ala eh ang boss ko ho ba? Si Boss Kevin ho ?" sinadya ni Pipay na lakasan ang boses upang maalarma ang kumakain. "Abay nasaan ga iyon , ay nandine ba? hindi ho ba at nasa inyo , Hindi ho ba't nasa mansion?" pagkukunwari niya at naging mahigpit ang hawak sa pinto. Dahil sa lakas ng boses ni Pipay ay narinig nga iyon ni Kevin kya biglang naalarma ang binata, sa tono kase ng boses ni Pipay ay tila nagulat ito at may takot. Nagkatinginan sila ni Elise at natunugan naman ni Elise na may hindi magandang vibes ang taong dumating kung sino man ito. Tumahimik ang dalawa at pinakinggan pa ang usapan sa pinto. "Alam kong nandito siya, hoy huwag mo akong pinglololoko makaktikim ka sa akin?" "Sir Kenzo, hindi kita niloloko hindi ko ho alam na naririto, naririto ba , wala ho dito si Sir?" patuloy inya sa papghsisinungaling sabay pasimpleng nag side eye sa dalawa at halos bulyawan niya ang mga it
"Ano ang ibig sabihin nito, kuya? Anong ibig mong sabihin? Ha, so tama ako? nagde-deny pa kayong dalawa, yun pala tama ako all this time. Teka lang. Planado n'yo ba 'to? Kaya ba napakadali sayo, Elise, ang umalis? matagal na ba kayong may relasyon ng kuya ko ha?" Tanong ni Kenzo na muling nakabawi sa pagtayo At hinablot si Elise na hawak ng katulong. "Are you having an affair with my brother habang nakatalikod ako?" Lalong naging matatalim ang mga titig ni Kenzo sa asawa. "Hindi lamang ba ngayon ito nangyari ha?" "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Kenzo." mabils na sagot ni Elise, nenenerbiyos mab ay ayaw niyang mapahamak si Kevin. "Ano, kuya? Ikaw ang sumagot. Are you having an affair with my wife?" " Ha, ngayon ang lakas ng loob mong tawagin siyang asawa. Have you been a husband to her? Have you treated your wife fair? did you ever treat her as your wife?" gigil na sumbat ni Kevin. "Tulad nga ng sinabi ko sayo, Kenzo. Hindi babalik si Elise sa mansyon bilang asawa mo. Pero wag kang
Sa loob ng silid, tahimik na nakaupo si Elise sa kama. Nabigla siya at hindi inaasahan na makikita nila si Kenzo ngayon. Kahit si Kevin ay nagulat din. Sa totoo lang, magsisimula pa lang sana silang magplano ng detalye ng kanilang diskarte nang maunahan sila ng ganitong pangyayari."Pasensya ka na Kevin sa nangyaring ito, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Alam kong lalong naging mahirap ang sitwasyun mo dahil sa nangyaring ito" nahihiyang sabi ni Elise. Nanatiling nakayuko ito dahil sa hiya niya kay Kevin.Lumapit si Kevin kay Elise at hinawakan ang kamay ng hipag niya. "Relax," sabi niya, "Nandito na siya, eh. Nangako tayo na haharapin natin 'to, di ba? This is unexpected, pero dahil nandito na siya, kailangan nating magpakatatag na lang.""Ano na ngayon ang plano mo? Ano ang gagawin natin?" tanong ni Elise."I will proceed to the things i needed to do," sagot ni Kevin. "Kailangan kitang Ibalik sa mansyon, whatever it takes. Dapat sana ayusin ko muna yung mga bagay-bagay bago ka
Nagpalipat-lipat pa rito si Kevin na akala mo'y hindi maihi. Halos ayaw na nga niyang lumabas sa emergency room, pero sinabi ng nurse na maghintay na lamang siya sa labas. Kanina, habang nasa kotse, sinusulyapan niya si Elise sa rear mirror. Nakita niyang namumutla na ito at hindi mapakali. Kunot ang noo, sirang-sira ang mukha, halata talagang nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit. Naisip ni Kevin na simula pa man ay maselan na nga pala ang pagbubuntis ni Elise. Naalala niya na bago dumating si Kenzo ay galing si Elise sa kalsada at wala pang pahinga. Nakita niya si Elise mga ilang kilometro ang layo mula sa condo niya, kaya malamang mahaba ang nilakbay ng hipag niya. Mahigit isang oras na naghintay si Kevin bago niya nakitang lumabas ang doktor na kanina ay sumalubong sa kanila at sumuri kay Elise.Para siyang nakakita ng nakaputing anghel, Agad na tumayo ang binata at sinalubong ang doktor. "Doc, kamusta po ang.....ang asawa ko?" muntikan pa niyang masabi ang salitang hipag.
"Nasan ang mga amo mo?" tanong ni Kevin, napatingin si Kevin sa kabahayan, malungkot ang buong mansion parang nalulukuban ng maitim na ulap. Magmula ng mamatay ang matanda, at mawala si Elise doon parang nawalan ng dahilan para umuwi sa malaking bahay na iyon."Luh! ikaw lang amo ko Sir, wala po si Donya Antonia as usual panay ang out of town, si Sir Kenzo naman ay nasa opisina at mga isang oras pa ay baka umuwi na yun depende kung hindi yayain ni Kulangot" sabi ni Jovelyn."Sinong kulangot?' takang tanong ni Kevin. "Si Kulasisi, Sir sino pa ba?" napataas pa ang kilay ni Jovelyn. "Speaking of kulasisi, ano na? anong update?" pabulong na tanong ni Kevin."Naku Sir, si Kulasisi madalas tumawag dito at minsan dito na nga natutulog lalo na kapag ginagabi na kayo" sumbong ni Jovelyn. "Yung tungkol sa pinababantayan ko kamusta na? Ah wait, doon na natin sa silid ko pagusapan" sabi ni Kevin. Magkatuwang na sina Jovelyn at Kevin na nagtungo sa silid ng binata."Jovelyn, maglagay na ng ila
"Elise, saan ka pupunta?"tanong ni Kevin ng makitang tumalikod ang hipag at akmang lalabas. "Ano pang silbi na dito ako mananatili kung hindi kita kasama? Ako na lamang ang pupunta sa guest room.""Elise," hindi nakakibo si Kevin, muli na naman siyang nakorner ng kanyang hipag."Alam mo kung bakit ako pumayag na bumalik dito?dalawa lang ang dahulan Kevin.Una ang kunin ang karpaatan ng anak ko at ikalawa sng makasama ka!""Elise," "Ano, bumalik ka na naman ba sa dati Kevin, wala ka bang ibang gagawin kundi tawagin ang pangalan ko? inuulit ko Kevin bumalik ako dito para sa anak ko at para sayo lang." sabi niya. "Elise, please huwag kang magpadalos dalos ng ganyan. Makinig ka, kapag dito ako natulog, kapag nakita ni Kenzo na tinatabihan kita matulog gagamitin niya iyon para durugin ka at ako" "Ano bang bago diba, iyan na rin ang bintang niya sayo noon nasa condo tayo? kaya malamang iyon na rin ang gagawin niya" sabi in Elise. "Iba yun Elise, maari kong sabihin na sumakit ang tiyan
"Babe, bakit ang konti ng inilagay mong pagkain, pagod ka diba halos ginabi ka sa opisina eh, Kev, dagdagan mo naman ang kinain mo" sabi pa ni Elise, ang salitang Babe ay kusa na ring lumabas sa bibig niya. Nahahahawa na siya kay Kevin. "Kapag pagod ako, mahina talaga akong kumain Babe, pero sige susubukan kong ubusin ang nilagay mong ito. Ayokong magtampo ang baby ko" sabi ni Kevin sabay himas sa tiyan ni Elise At side eye ulit kay Kenzo. madilim pa rin ang mukha nito. "Sige, mamaya ipagtitimpla kita ng kape, ako mismo ang magtitimpla" sabi pa ni Elise. "Okay" sagot ni Kevin at maganang inubos ang ulam at kanin na sinadok ni Elise habang nanatili ng madilim ang mukha ni Kenzo at nauna pa ngang matapos kumain sa kanila at mabilis umakyat ng silid. Hindi nito kasabay umuwi si Soffie dahil may party pa itong pinuntahan. Binawalan niya ito pero hindi ito sumunod kay Kenzo at sinabing huwag siyang bawalan sa mga dati na niyang ginagawa. Sinabi ni Kenzo na baka makasama sa bata, dahil
Napa atras si Elise at bumalatay ang kaba sa mukha niya ngunit hindi hinayaan ni Elise na lamunin siya ng takot. matatag niyang hinarap si Kenzo ng muli itong magsalita."Alam kong ako pa rin ang kinahuhumalingan mo Elise, If you think magagamit mo si Kuya para manatiling tagapagmana,nangkakamali ka. Maghintay ka lang, matapos lang ang conference, maisalin lang sa akin ang dapat na para sa akin , tandaan mo ibabaun ko kayo sa putikan na dalawa. At kung sa tingin mo magagamit mo yang anak nyo para agawin ang para sa anak ko nagkakamali ka. Dahil sa oras na ipanganak mo ang bata, ang iisipin ng board ako ang ama niya at kapag nangyari iyon ako pa rin ang guardian ng bata hanggang sa hustong edad kaya huwag kang magdiwang" banta nito.Natahimik si Elise, naguluhan siya sa sinabi in Kenzo. Naalala niya na wala pa nga pala silang maayos na detalye sa usapan nila ni Kevin dahil nagmamadsali ito dahil papasok sa opisina. Dapat ay ngayon pa lamang nila paguusapan ang iba pang detalye ng napag
Nang makaalis na sina Kenzo at Kevin , tulalang naglakad pabalik si Kevin sa silid niya, tulala ito hanggang sa makapasok sa loob, sinalubong siya ni Elise at agad napansin ang pagkatulala niya. "Kevin, bakit may problema ba?" tanong nito pero nanatili pang lutang si Kevin."Kev, may nangyari ba?hindi ba pwedeng malaman? Kev...?" doon tila natauhan si Kevin, ang endearment kase na iyon ay ngayon lang ginamit ni Elise. "Could you please tell me what you said? how did you call me?" "Huh?alin?Ang sabi ko may problema ba?" "No, that thing, how you call me by my name?""Alin ba yun Kev...... ah yun ba? kase nadulas lang ako, sorry." "Sorry not accepted!Lalo na kung hindi mo uulitin," "Kev, naman eh nadulas na nga pinapahiya pa," "I dont, i just love it coming from your mouth, it sound good at gusto kong palaging marinig. Pwede bang irequest na mula ngayon ganyan mo na ako tatawagin?na realized ko kase pangit pala kapag buo binabanggit ang pangalan ko," sabi ng binata na nangingit
Sa oras mismong iyon nagbago ang sana ay isa pang plano ni kevin ang ipanakot ang pananagutan nito kay Elise, Ura urada nagbago ang takteka ni Kevin at pumabor sa sinimulan ni Kenzo. "Kung ganun ay tamang tama pala ang gusto mo, hindi na ako mahihirapang itago sa board ang sekreto ko," sabi ni Kevin na inaarok ang reaksiyon ni Kenzo. "Anong sekreto at bakit tamang tama?" "Tamang, tama dahil buntis si Elise sa anak ko, kaya siya lumayas ng araw na iyon ay dahil akala niya ay hindi ko pananagutan?' pagsisinungaling ni Kevin. "Ano? Buntis din si Elise? Kelan pa kayo may relasyun? ah never mind wala akong pakilam kung kelan nangsimula? So paano naging tamang tama iyon?naguguluhang sabi ni Kenzo. "Sakto iyon dahil kapag lumabas si Elise na kasama mo ay makikitang buntis siya at iisipin ng mga tao na buntis ito sa anak mo, hindi na tayo mahihirapan pa kahit hindi na kilalanin ni Elise ang anak nyo ni Soffie authomatic na kikilalanin ng board at ng mga abogado ang anak nyo ni Soffie" sab
"Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba? Medyo tinanghali ka kasi ng gising, may masakit ba sa'yo?" tanong ni Kevin. Iling-iling si Elise."Okay naman ang pakiramdam ko, siguro lang napagod ako. Masarap lang talagang matulog sa kama mo," sabi niya. Napansin niyang ngumiti ang mga mata ni Kevin at naging pilyo ang titig nito. Naalala niya na nasa kama nga pala siya ni Kevin habang ang kanyang bag ay nagtitiis sa guest room na ordinaryo lang ang kama."Ay sorry, hindi ko intensyon na ano, pasensya na. Ikaw ba nakatulog ng maayos?" tanong na lang ni Elise para makabawi sa binata. Umiling ng ilang ulit si Kevin."To be honest, medyo nahirapan akong makatulog. Hindi ako komportable. Matulog." Tapat na sagot ng binata. Ikinalungkot naman iyon ni Elise lalo pa at kitang-kita niyang mukha ngang nangangalumata si Kevin."Sorry talaga. Hindi ko gusto na hindi ka maging komportable sa higaan mo. Kung... kung gusto mo pwede naman tayong magpalit. Ako na lang doon. Payag na ako. Bumalik ka na
May naglalarong idea sa isip niya pero hindi siya sigurado kung iyon nga ang plano ng binata. Minsan na nilang pinagtalunan ang tungkol doon at minsan na ding tumanggi si Kevin kaya bente porsiento lamang ang positibong pakiramdam ni Elise. Hinawakan ni Kevin ang baba niya at pinakatitigan siya. Inaarok ang nasa kalooban niya. "Basta, hindi na magkakaroon ng kaugnayan sayo si Kenzo, pangakoyan,” sabi ni Kevin, ang boses ay puno ng pag-aalala. Ang mga salita ni Kevin, kahit na may pag-aalinlangan, ay nagbigay kay Elise ng kaunting ginhawa. Isang kaunting pag-asa sa gitna ng kaguluhan. "Hindi na lalapit si Kenzo sa 'yo, wala na siyang karapatan.” parabg masarap pakinggan, parang humahaplos sa kanyang puso ang tinig nito. Ang puso ni Elise ay bumilis sng tibok. Ang lihom na damdamin sa bayaw ay yumabong na muli. Natatakot siya, pero may kaunting kagalakan din. Hinalikan siya ni Kevin sa noo, isang magaan na halik na nagdulot ng kakaibang init sa kanyang puso. Pagkatapos, nagpaalam
"You son of a bitch!" kuyom ang mga kamao ni Kevin sa galit. Halos nasa dulo na ng sukdulan ang pagtitimpi niya. Gusto na niyang sumabog at aminin na lang ang lahat, lumayo at itakas si Elise pero sa tuwing bumabalik sa alaala niya ang mahigpit na hawak ng lola niya sa kamay niya bago pumanaw at ang mga habilin nito, dahil doon ay umuurong pati ang balahibo ni Kevin."You better keep you mounth kuya, kung ayaw mong maeskabdalo ang pamilya tulad ng piniprotektahan mo, keep you mouth kung ayaw mong maging asawa ko sa kama si Elise Tulad ng payo mo" sabi ni Kenzo."Pagod na si Soffie gusto na naming magpahinga. if I were you, iuwi mo na ang asawa ko at huwag mo ng itago sa condo mo, ikaw din baka may mamg leak na litrato.Kugn ako sng makikitaan bg butas magiging bad husband lang ako na kay kabit, pero ikaw kuya you will be so ruin, iba ang nangagnaliwang asawa sa hudas na kapatid na nanunulot ng asawa" sabi pa ni Kenzo saka inakay si Soffie paakyat ng hagdan.Naiwang tila natigilan si Kev
"Nagpapatawa ba kayong dalawa? Eh kahit buntis pa yang kabit mo, agad na illegitimate ang bata. Wala ngang saysay kahit pa sabihin mo na anak mo yan. Hindi yan kikilalanin ng board. Kahit ng mga abogado ng pamilya dahil illegitimate yan. Hindi ka kasal sa babaeng yan, kung hindi kay Elise. Ang hihintayin ng board of directors at ng mga abogado ay ang anak ni Elise, isang Madrigal," paliwanag ni Kevin. "No. No, hindi ako papayag. Sige sabihin na nga nating kabit ako at hindi ako ang legal na asawa pero sa akin pa rin may unang anak si Kenzo. At anak ni Kenzo ito, panganay ito," singit ni Soffie. "What? so, ano naman ngayong kung panganay ni Kenzo yan?" Kay Elise lamang dapat may anak si Kenzo" "Bakit buntis na ba yung si Elise na yan? Binigyan niya ba ng anak si Kenzo, No!she is useless, So I have all the rights at saka ilalaban ko dahil nasa batas na rin naman na kahit illegitimate ang bata ay may karapatan ito sa kayamanan o kung anuman ang pag-aari ng ama niya," matapang na sabi
Ang anak ni Kenzo at Elise ang panganay na apo sa tuhod ng isang Madrigal, sa anak na panganay ng isang tagapagmanang Madrigal mapupunta ang lahat. At habang bata pa ito, si Kenzo ang magiging legal representative at pansamantalang mamahala ng lahat ng meron ang bata. Kung iiral ang kasakiman ni Kenzo, may posibilidad na mapahamak ang bata. At si Kenzo lamang din ang legal guardian ni Elise. Pwede rin naman na matuwa si Kenzo sa bata. Pero aangkinin ni Kenzo ang anak ni Elise at babalewalaan nito si Elise At iyon ang paghahandaan niya. Iyon ang kailangan niyang pag-isipan ng mabuti. Pero hindi inaasahan ni Kevin na lahat ng pinaplano niya ay mapaparalize dahil sa katotohanang bumulaga sa kanya kinabukasan. Maagang nagising si Kevin kinaumagahan. Dumaan muna siya sa silid niya kung saan naroon si Elise, at nakita niyang tulog pa ang dalaga. Binilinan na niya ito kagabi pa na huwag munang bumaba ng silid kaya alam niyang hindi ito bababa. Kaya si kevin na lang muna ang bumaba sa ku